"Victoria Sterling!"
Malamig na sigaw ni Damian Wolfe, tila puno ng galit habang mahigpit na sinasakal si Victoria Sterling. Nakahiga siya sa malaking kama, walang kalaban-laban, at hirap na hirap makahinga na siyang pinanghihinaan na ng loob.
Ang mga mata ni Damian ay nagliliyab sa galit, ang kanyang mga kamay ay tila bakal na humahawak sa leeg ni Victoria, walang balak na pakawalan siya.
Hindi ako makahinga!
Nagising si Victoria sa gitna ng kaguluhan, hiningal at naguguluhan sa kung ano ang nangyayari. Pakiramdam niya’y unti-unting nauubos ang oxygen sa kanyang katawan. Instinct ang nagdala sa kanya para labanan at pilit na tanggalin ang kamay ni Damian sa kanyang leeg, pero walang balak ang lalaki na bitawan siya. Nagiging malabo ang kanyang paningin at pakiramdam niya’y mawawalan na siya ng hininga.
"Bang!"
Biglang bumukas ang pinto at mabilis na pumasok si Henry, ang housekeeper ng Wolfe Residence. Natahimik ito sa nakita at mabilis na humawak sa braso ni Damian.
"Sir, tama na! Mamamatay si Ma’am!" sigaw ni Henry, desperado at bakas ang takot sa mga mukha.
"Dapat siyang mamatay! Dapat mamatay na itong babae na’to. " sagot ni Damian na tila’y damang dam ani Victoria ang pagkamuhi ng mismong asawa.
Nag-alinlangan si Damian sa narinig, at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya kay Victoria. Agad na kinuha ni Victoria ang pagkakataon at hinila palayo ang sarili sa kamay ni Damian at mabilis na umatras papunta sa dulo ng kama, ang kanyang maputlang mukha ay namumutla pa lalo at naghahabol ng hininga.
“Ma’am Victoria, ngayong araw na ito ay ang pagfile ng annulment Ninyo sa korte. At pagkatapos po nito ay hindi na muling maglalandas ang inyong landas," sabi ni Henry, tinutulungan si Victoria na makalabas ng sitwasyon.
Tila yelo ang boses ni Damian nang magsalita siya muli, "I’ll get Henry to bring the annulment papers. Make sure to fvcking sign it and get out of my life. B-tch.”
Pagkatapos niyang magsalita, umalis si Damian kasama si Henry, iniwang mag-isa si Victoria sa silid. Tila naninibago sa lahat nangyayari. Nang magsara ang pinto, bumalot ang katahimikan sa buong paligid, ngunit ang puso ni Victoria ay patuloy na kumakabog, habang pinapakiramdaman niya ang sugat ng nangyari.
Nang bumalik si Victoria sa ulirat, napansin niyang may mga marka ng dugo at pasa sa kanyang katawan. Nakasuot lang siya ng oversized na damit ni Damian, pakiramdam niya ay para siyang pinaglaruan at pinarusahan.
Sa bigat ng karanasan ay nagpapaalala sa kanya ng kamatayan na halos dumating sa kanya ilang beses sa araw na iyon.
Dahan-dahan siyang bumangon at pumunta sa closet. Ngunit ang lahat ng damit ay pang-lalaki: puting shirt, itim na suit. Wala siyang makitang kasuotan para sa sarili, kaya kinuha na lang niya ang isang shirt at pantalon, kahit na sobrang laki nito.
Habang inuupuan ang sakit ng katawan, ang mga alaala ng nakaraang buhay ni Victoria ay unti-unting bumabalik. Ako’y muling isinilang, naisip niya.
Mula kay Alexandra Vale patungo kay Victoria Sterling. Si Alexandra, na dati ay isang matagumpay na negosyante, ngayon ay nasa katawan ng babaeng minamaliit ni Damian Wolfe.
May kumatok sa pinto ng kwarto.
"Ma’am, nandiyan ka ba?" pormal na sabi ng malamig na boses mula sa labas. Si Lucas Stone, ang assistant ni Damian, ay tumayo sa pinto, may hawak na mga papeles.
"Narito ang annulment papers, at ako’y narito para siguraduhin ang iyong pag-alis," sabi ni Lucas habang iniabot ang dokumento.
Tiningnan ni Victoria ang annulment papers at mabilis na naalala ang sinabi ni Henry kanina. Ngayon ang araw na hinihintay ni Damian—ang pagtatapos ng kanilang dalawang taong kasal. Hindi na siya mahalaga sa mata ng lalaki. Hindi na siya nito Mahal. Ang pagmamahal na siyang simbolo ng kasal.
Tahimik niyang kinuha ang ballpen at pinirmahan ang papeles. Walang alinlangan, walang tanong. Hindi niya kailangan basahin ang laman nito.
"Hindi mo ba babasahin? Hindi ka ba interesado kung ano ang makukuha mo pagkatapos ng annulment?" tanong ni Lucas, nagtataka sa bilis ng aksyon ni Victoria.
Ngumiti si Victoria ng malamig. "Hindi na kailangan. Alam ko naman na walang mawawala sa akin na mahalaga. Wala nang natira sa akin dito."
Nabigla si Lucas sa sagot ni Victoria, ngunit wala na siyang nasabi pa. Kinuha niya ang mga dokumento at iniwan si Victoria, naguguluhan kung ano ang iniisip ng babaeng dati’y masunurin at mahina.
Habang naghahanda si Victoria na lisanin ang mansion, isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa likuran.
"Aalis ka na ba, ate?"
Nakita niyang nakatayo si Isabella Sterling, ang kanyang half-sister, nakangiti ng mapanukso.
"Oo, aalis na ako. Pero tandaan mo ito, Isabella—babalik ako, at sa pagbabalik ko, wala ka nang magagawa."
Sa kanyang paglabas mula sa mansion, isang bagay ang sigurado: ito na ang simula ng kanyang muling pagbabalik. At sa pagkakataong ito, hindi na siya ang dating mahina at umaasa.
Si Victoria Sterling ay babangon mula sa kanyang pagkalagapak, at walang makakapigil sa kanya. Kahit si Damian Wolfe.
“You’ll pay.”
-----
Itutuloy...
Pagkatapos lumabas ng elevator, si Victoria Sterling ay saglit na tumigil nang makita si Isabella Sterling, ang kanyang half-sister, na nakatayo sa kanyang daraanan, may nakakalokong ngiti sa labi."Victoria, aalis ka na ba?" tanong ni Isabella, ang tono ng boses ay naglalaman ng pahiwatig ng panunuya.Napairap si Victoria, ngunit ngumiti rin siya, puno ng sarkasmo ang tonong isinagot si Isabella."Isabella, I don’t know that you are still here. And sa pag uugali mo wala man lang nagbago, mahilig makialam sa buhay ng mga tao.”Nakita ni Victoria kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Isabella—napalitan ng galit, ngunit mabilis niyang pinilit na bumalik sa kanyang peke at kaawa-awang anyo."Ate, nag-aalala lang ako sa'yo. Alam kong napakahirap ng araw na ito para sa'yo." Naging mahina ang boses ni Isabella, tila inaangkin ang papel ng isang mabait na kapatid.Pero si Victoria ay hindi natitinag. Pakitang-tao lang 'yan, naisip niya. Wala siyang ibang hangad kundi pagtawanan ang k
Victoria is getting anxious while thinking the hands of Damian wrap around her neck. Yet sinasabi ng kanyang isip na lumaban at alam niyang hindi pa siya handang mamatay.Sa kabila ng pananakit at takot, may natitira pa siyang lakas upang labanan.Sa gitna ng hirap na paghinga, sumulyap si Victoria kay Damian, ang kanyang mga mata namumula, puno ng galit at poot."Damian, If you killed me. I’ll make sure that everyone around here and us will remembered that I am your one and only lovely wife.”Napangisi si Damian, pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa leeg ni Victoria."Victoria, you didn’t have the guts to be in our family. And trust me, pag namatay ka, I’ll just throw it somewhere that you deserve. Hell.Bigla na lamang napangiti si Victoria sa sinabi ni Damian.Nabigla si Damian sa reaksyon ni Victoria at tumaas ang kilay niya."Anong nakakatawa sa sinabi ko?!" tanong niya, galit na galit."Kahit anong gawin mo, Damian, hindi mo ako matatakasan. I am the legal wife and I kno
Galit na galit si Isabella Sterling nang marinig ang mga sinabi ni Victoria Sterling. Piniga niya ang kanyang palad gamit ang kanyang mahahabang kuko, at ang kanyang dibdib ay mabilis na nagtaas-baba sa galit.Sa isang iglap, itinaas niya ang kanyang kamay at malakas na sinampal si Victoria sa kanang pisngi."Pak!"Narinig ang malutong na tunog ng sampal na tumama sa mukha ni Victoria. Agad na may dugo na pumatak mula sa gilid ng kanyang bibig, palatandaan kung gaano kalakas ang sampal ni Isabella.Ngumisi si Isabella, puno ng galit, at iniutos sa mga katulong sa di-kalayuan,"Kayo! Buhatin niyo siya at hawakan nang mahigpit!"Nabulag si Victoria mula sa lakas ng sampal, at ang kanyang paningin ay naging itim. Tila nabigla ang katawan sa lahat ng physical na naramdaman niya mula kay Damian at ngayon kay Isabella.Hindi nag-aksaya ng oras ang mga katulong, agad nilang hinawakan ang kanyang mga braso upang hindi siya makagalaw.Ang mga mata ni Isabella ay tila naglalabas ng apoy, at pin
"Tita Luisa, anong nangyari? Hindi mo ba ako nakilala? Matagal na tayong hindi nagkita!" tanong ni Victoria Sterling, ang mukha niya ay malamig.Nagsalita si Tita Luisa, tila nanginginig, "Miss, ikaw ba ay nagbalik?"Lumapit si Victoria, ang kanyang mga mata ay matalim."Oo, nagbalik ako, at hindi ako umalis. Tita. Pakiayos ang gamit sa kwarto ko."Nakatungo si Tita Luisa, nahihirapang magsalita. Ang kwarto? Wala nang kwarto si Victoria dito; ang dating kwarto niya ay matagal nang inookupahan ni Isabella Blackwood. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya makapagbigay ng opinyon.Ang aura ni Victoria ay tila nagbago, nagiging nakakatakot at puno ng kapangyarihan."Sino ang nandito?" tanong ni Victoria habang pinagmamasdan ang hardin. Sa nakalipas na dalawang taon, hindi nagbago ang dekorasyon; ang bawat halaman at puno ay tila pareho pa rin sa kanyang alaala."Nandito po ang buong pamilya. Ang mag asawa at ang inyong kapatid," mahinang sagot ni Tita."Ayos lang na nandiyan silang lahat,
Pagkatapos ng kanilang mainit na sagupaan, tumayo si Victoria Sterling mula sa sofa at tahimik na lumapit kay Mr. Bennette. Alam niyang marami pa siyang dapat ayusin, ngunit natikman na niya ang unang tagumpay laban kay Isabella Blackwood.Ngayon, kailangan niyang magpatuloy sa kanyang paghihiganti—hindi lamang laban kay Isabella, kundi laban sa buong pamilya na inagawan siya ng lahat.Habang palabas na sila ng mansion, tumigil si Mr. Bennette at nagsalita ng seryoso."Miss Victoria, ang susunod mong hakbang ay maselan. Hindi lang si Isabella ang kalaban mo, kundi pati ang mga Wolfe."Napatingin si Victoria kay Mr. Bennette, ang kanyang mukha’y puno ng determinasyon."Alam ko, Mr. Bennette. Hindi ako natatakot. Alam kong nasa tabi mo ako, at may hawak na akong testamento mula sa aking ina. Ito ang magiging sandata ko laban sa kanila."Sumang-ayon si Mr. Bennette, ngunit nagbababala pa rin ang kanyang tinig. "Oo, ngunit si Damian Wolfe ay hindi simpleng tao. Malawak ang kanyang impluwe