Share

Kabanata II

Pagkatapos lumabas ng elevator, si Victoria Sterling ay saglit na tumigil nang makita si Isabella Sterling, ang kanyang half-sister, na nakatayo sa kanyang daraanan, may nakakalokong ngiti sa labi.

"Victoria, aalis ka na ba?" tanong ni Isabella, ang tono ng boses ay naglalaman ng pahiwatig ng panunuya.

Napairap si Victoria, ngunit ngumiti rin siya, puno ng sarkasmo ang tonong isinagot si Isabella.

"Isabella, I don’t know that you are still here. And sa pag uugali mo wala man lang nagbago, mahilig makialam sa buhay ng mga tao.”

Nakita ni Victoria kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Isabella—napalitan ng galit, ngunit mabilis niyang pinilit na bumalik sa kanyang peke at kaawa-awang anyo.

"Ate, nag-aalala lang ako sa'yo. Alam kong napakahirap ng araw na ito para sa'yo." Naging mahina ang boses ni Isabella, tila inaangkin ang papel ng isang mabait na kapatid.

Pero si Victoria ay hindi natitinag. Pakitang-tao lang 'yan, naisip niya. Wala siyang ibang hangad kundi pagtawanan ang kalagayan ko.

Biglang sumingit si Lucas Stone, ang assistant ni Damian, "Ma'am Victoria, oras na po para umalis. Darating na po si Mr. Wolfe."

Tiningnan ni Victoria si Isabella at pagkatapos ay kay Lucas.

"Gusto ko na sanang umalis, pero alam mo naman, Lucas, may asong humaharang sa daraanan. Hindi ko alam kung sino ang mananagot kung kagatin ako."

Natigilan si Lucas, ngunit napailing at natahimik.

Samantala, nagsimula nang mag-init ang mga mata ni Isabella, napupuno ng luha na tila pinipilit niyang ilabas upang magmukhang kaawa-awa.

"Sis, gusto ko lang talagang makita ka bago ka umalis. Baka malungkot ka nang tuluyan." Kunwaring nagpanggap na nalulungkot si Isabella, ngunit bakas ng galit sa kanyang mga mata ay hindi maitatago.

"Walang dahilan para magdrama, Isabella. Hindi tayo magkapatid, at sigurado akong hindi kita babalikan," malamig na sagot ni Victoria.

Humakbang pa si Isabella, tila sinusubukang pigilan ang kanyang pag-alis. Ngunit bago pa ito mangyari, muling sumingit si Lucas.

"Miss Isabella, kailangan na po kayong tumabi."

Sa ilalim ng kanyang nakatirintas na buhok, may bakas ng galit sa mga mata ni Isabella, ngunit nagpatuloy pa rin siyang kumilos bilang ang kawawang kapatid.

Hindi nagtagal, kinailangan nang buksan ni Victoria ang kanyang maleta upang masuri ni Isabella.

"Sige, kung yan ang kailangan mo. Wala naman akong tinangay mula sa bahay na ito."

Binuksan ni Isabella ang maleta at sinimulan ang paghahanap, tila naghahanap ng ebidensya ng kasalanan ni Victoria. Ngunit nagulat siya nang makitang puro mga damit lamang ang laman ng maleta. Wala siyang makitang anumang bagay na maaaring gamitin laban kay Victoria.

Matapos ang halos sampung minuto ng walang saysay na pagsisiyasat, si Isabella ay napilitang isara ang maleta, galit na galit sa hindi niya natagpuan.

"Nakita mo na ba ang hinahanap mo?" malamig na tanong ni Victoria.

"Ginagawa ko lang ang utos ni Damian, Victoria. Kailangan lang siguraduhin na wala kang dinadala na hindi iyo," sabi ni Isabella na tila humuhugot ng dahilan para manatiling kontrolado.

Tumawa ng malamig si Victoria.

"Sige, magpatuloy ka kung gusto mo. Hindi ko kailangan ang mga damit na 'yan."

Pagod na siya at wala nang gana pang makipag-argue kay Isabella. Mas gugustuhin pa niyang makalayo bago dumating si Damian.

Sa wakas, nagtuloy si Victoria papunta sa elevator, kasama si Lucas. Ngunit bago siya makapasok, bumukas ang elevator at pumasok si Damian, ang malamig na simoy ng hangin ay tila bumalot sa buong paligid. Napatingin si Victoria sa mga sapatos na makintab ni Damian bago pa siya tuluyang tumingin pataas at nakita ang nanlalamig na ekspresyon nito.

"Victoria, I am expecting you to leave. Why are you still here?" malamig na sabi ni Damian, habang humakbang palapit.

Dahan-dahang umatras si Victoria hanggang sa sumandal na ang kanyang likod sa pader. Huwag kang magpakita ng takot, paalala niya sa sarili.

"I tried and Isabella keep on….”

Ngunit bago pa niya matapos ang kanyang paliwanag, nagsimula nang umiyak si Isabella, umiiyak na parang biktima.

"Damian, hindi ko sinasadya! Sinusunod ko lang ang utos mo na siguraduhin na wala siyang dinadala."

Nanlalamig ang titig ni Damian habang pinagmasdan si Victoria.

"Victoria, don’t test my patience. I can kill you right here and now."

Walang anumang babala, biglang hinawakan ni Damian ang kanyang leeg, at inihampas siya sa pader. Naramdaman ni Victoria ang sakit sa likod ng kanyang ulo, ngunit hindi siya agad nakapagreact. Tila namanhid ang sarili sa sakit na nararamdaman.

"Damian..." mahirap na sabi ni Victoria, ngunit sinubukan niyang alisin ang kamay ng lalaki mula sa kanyang leeg.

"See? Still not believing b-tch? Still testing me, aren’t you?”  sabi ni Damian na parang yelo ang boses, habang pinipisil ng mahigpit ang kanyang leeg.

Sa likod ng eksena, si Lucas ay nagmamadaling pinigilan ang kanyang Boss.

"Sir, Think of the board directors. If something happens to Ma’am Victoria it will lash back on you." pag-alala niya.

------

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status