NAGMAMADALING naglakad si Zalheia papuntang opisina. Ilang segundo na lang ay mali-late na siya. Ayaw niyang ma-late nang umagang iyon sapagkat iyon ang araw na pipirmahan ni Morgan ang resignation letter niya. Makakahinga na siya nang maluwag buhat sa presensiya ng binata.
"Baby, huwag lang muna ngayon, please," kausap niya sa anak. Marahan niyang hinimas ang tiyan. Kanina pa kasi siya inaatake ng morning sickness niya sa pagdadalang-tao. Kaya siya muntikan nang ma-late dahil ilang beses na naman siyang nagpabalik-balik ng banyo sa kaduduwal.She headed towards Morgan's office, she then opened the door."Oh..." dai*g niya nang makaramdam ng matinding pagkahilo. Mahigpit siyang napakapit sa doorknob ng pribadong opisina ni Morgan."Lheia, namumutla ka," she heard that husky voice. It was from Cade. Hindi niya namalayang nasa loob pala ito ng opisina. Paminsan-minsan kasi ay nagpupunta pa roon ang lalaki. May mga business deals kasi itong iminumung"BECKY, please hold on. Malapit na tayo sa delivery room," natatarantang saad ni Zalheia sa nakababata niyang kapatid na manganganak na. Nakahiga ito sa stretcher na pinagtutulungang itulak ng mga nurse attendant ng naturang ospital. Maputlang-putla ito at tagaktak ng pawis dahil sa iniindang kirot ng tiyan. Halos magkalat na rin ang dugong malayang umaagos mula sa puwerta nito.Nakikita niyang hinang-hina na ang kapatid. Kung kanina ay panay ang sigaw nito sa sakit, ngayon ay halos hindi na ito tuminag sa kinahihigaan."Please hold on, Becky. Magpakatatag ka," muli ay wika niya habang gagap ang nanlalamig na palad nito. "Kailangan mong ilabas nang maayos ang anak mo. Kailangan niyong maging okay pareho," aniyang nagsisimula nang kabahan para sa maaaring kahinatnan ng kapatid. She was afraid na baka hindi makayanan ni Rebecca ang komplikasyon na dulot ng panganganak. Paano kung may mangyaring masama rito? Paano kung mamatay ang sanggol sa sinapupunan nito? And wors
"OH, ANG cute-cute talaga ng baby ko. `Mana sa Mommy Lheia niya," Zalheia giggly said habang pinupupog ng halik ang humahagikhik niyang pamangkin. They were currently at the terrace of their bungalow at karga niya ang sanggol. Anim na buwang gulang na ito ngayon. Few months ago, the baby was baptized and was given the name "Charlotte." Iyon kasi ang gustong ipangalan ni Rebecca sa anak nito noong nabubuhay pa.She deeply sighed upon remembering the memory of her beloved sister. Naroon pa rin sa kanya ang matinding pangungulila rito. Every time she looked at the four corners of their house ay naaalala niya ito. She could still vividly recall how they used to laugh at each other’s joke, how they used to share each other’s problem, how they used to quarrel but at the end of the day ay nagkakabati rin naman.Rebecca was the best sister ever. She was the best sister one could ever have. If she would be given a chance to choose and live her life again, she'd surely choos
"HI! I'M Morgan, and you are?" nakangiting inilahad ng binata ang palad nito sa kanya.Zalheia instantly gazed at Morgan's hand. `Atubili siyang tanggapin iyon sapagkat biglang sumulak ang galit niya sa lalaking kaharap. Kung kanina ay halos mapanganga siya sa paghanga sa angking-kaguwapuhan nito, ngayon naman ay kulang na lang na sunugin niya ang kamay nitong tinititigan niya. `Buti na lang at bahagya siyang nakayuko kaya't hindi napapansin ni Lowell Morgan at Mrs. Cordova ang nakarehistrong poot sa mga mata niya.Mayamaya'y narinig niya ang sabay na pagtikhim ng mag-ina, marahil ay para pukawin ang atensiyon niya.Lihim na humugot nang hangin si Zalheia. She tried to plaster her sweetest but fake smile bago tuluyang iangat ang mukha at makipagkamay sa binatang Cordova. "I'm Zalheia Molina," she said curtly."Nice meeting you, Lheia," anito sa suwabeng boses, saka hinagkan ang kamay niya.Wala sa sariling napasinghap siya sa pagkagitla s
"EH, BAKIT mo kasi ibinigay kay Mrs. Cordova ang files? Kakailanganin ko pa `yon!"Kanina pa nagtitimpi sa inis si Zalheia sa kaharap niyang si Elsie. Sumugod pa talaga ito sa mesa niya para lang makipagbangayan. Katrabaho niya ang babae, sekretarya ito ng Vice President ng CGG. Hindi iilang beses na palagi sila nitong nagtatalo dahil sa hindi pagkakaintindihan sa trabaho. Masyado kasi siya nitong pinag-iinitan sa kadahilanang nakuha niya ang puwestong matagal na nitong pinapangarap. Elsie wished to be the secretary of the Company's CEO dahil mas malaki ang suweldong nakukuha kapag mas mataas ang ranggo ng Boss na pinagsisilbihan sa naturang kompanya.Pinag-iinitan siya nito dahil ito sana ang papalit sa nag-resign na sekretarya noon ni Mrs. Lorena Cordova kung hindi lamang siya nag-apply sa posisyong iyon. Mrs. Cordova chose her instead of Elsie dahil kinakitaan siya ng Ginang ng potensiyal at cum laude rin kasi siya nang makapagtapos ng kolehiyo—those two were th
"THESE are all the files na naiwan ni Mrs. Cordova. Diyan mo malalaman ang mga previous Statement of Accounts ng ating Merchants. If you wanted to know the status of our sales ay dito mo naman makikit—" Napahinto si Zalheia sa kaka-instruct kay Morgan nang mapansin niyang hindi naman ito nakikinig sa mga sinasabi niya, bagkus ay tila wala ito sa sariling titig na titig lang sa kanya.Kasalukuyan silang nakaupong magkatabi sa malambot na couch ng pribadong opisina nito. Pasado alas-dos na iyon nang hapon, and she was currently instructing Morgan of those important files and documents ng CGC. Hindi nga niya mawari kung bakit pa ito nagpapaturo sa kanya gayong kung tutuusin ay sigurado naman siyang alam na nito ang mga iyon—alam na nito ang mga pasikot-sikot sa malaking kompanya ng pamilya nito. Gagawin ba naman itong CEO kung ignorante ito sa pamamalakad ng kompanya? Tingin niya'y hindi. And besides, alam niyang ang binata din ang namamahala ng sister company ng CGC sa ibang
HULING sulyap sa malaking salamin na nasa loob ng kanyang kuwarto ang ginawa ni Zalheia nang katukin siya ni nanay Saida informing her na naroon na sa baba ng bahay nila si Morgan. Kinuha niya ang medyo may kalakihang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Charlotte. Kahapon ay bigla na lamang siyang naka-receive ng text message `galing kay Morgan informing her to prepare dahil may pupuntahan daw sila nang araw na iyon ng Sabado.Binalingan niya ang anak na nakadapa sa kama. Nilalaro-laro nito ang mumunting teddy bear na naroon. `Gaya niya ay ready na rin ito. Pinaliguan niya ito kanina at binihisan ng cute na cute na pink baby dress with matching baby shoes na pink din ang kulay. Nilagyan rin niya ng pink baby headband ang ulo nito na mas lalong nagpatingkad sa ka-cute-an nito."Hmm... Ang ganda-ganda naman ng anak ko at ang bango pa. Parang dalaga na," nanggigigil niyang saad at kinarga ito. Pinupog niya ito ng halik na siyang ikinahagikhik ng sanggol.
"WHAT?! You mean, Charlotte and I will spend the night here? Dito sa hacienda mo?" Zalheia blurted upon hearing what Morgan had just said. Pasado alas-singko na iyon ng hapon at ayon dito ay hindi sila makakauwi ng Maynila dahil na-flat-an di umano ang isang gulong ng Toyota Vios nito. Wala raw itong extra tire para ipangpalit doon.Tumango ang binata. "Yup, you heard me right, Lheia," parang wala lang na wika nito."Baka mag-alala sa amin si Nanay Sai—""We will call her to notify. What's the use of this gadget, anyway," anitong kinuha sa bulsa ng pantalon ang mamahaling cellphone nito, saka iniabot sa kanya.Tinitigan lamang niya iyon at hindi kinuha. "I-I don't have with me an extra dress. Ayokong matulog na ganito ang suot ko," she said, then peered at herself wearing plain denim jeans and pink shirt. Hindi siya sanay na matulog sa ganoong ayos, and besides ay amoy-araw na rin ang damit niyang iyon. "Kaya uuwi na lang kami ni Charlotte at magh
NAGPALIPAT-LIPAT ang titig ni Zalheia sa dalawang imahe ng lalaki sa portrait na nakasabit sa malaking sala ng villa nina Morgan. Hindi niya iyon napagtuunan nang pansin kanina dahil abala sila sa pamamasyal sa lugar na sakop ng Hacienda de Cordova. Akala niya ay mga larawan lamang iyon ni Morgan. But as she was intently looking at it now ay doon lamang niya napagtantong dalawang tao pala iyon at hindi lamang iisa."Magkamukhang-magkamukha sila, `no?"Muntik na siyang mapatalon sa kinatatayuan nang gambalain siya ng tinig na iyon ni Aling Pacing. "S-sino ho `yong isang lalaki diyan, Manang?""Siya si Michael. Ang kambal ni Morgan.""Ho?!" gulat niyang bulalas na napabaling sa matanda. "May kambal po pala si Morgan?" Ang buong akala niya ay nag-iisang anak lamang ito nina Mister Regidor at Misis Lorena.Tumango si Aling Pacing. "Oo, may kambal si Morgan. Pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali ng kakambal niya," anito."Ano ho'ng i