Share

CHAPTER ONE

"OH, ANG cute-cute talaga ng baby ko. `Mana sa Mommy Lheia niya," Zalheia giggly said habang pinupupog ng halik ang humahagikhik niyang pamangkin. They were currently at the terrace of their bungalow at karga niya ang sanggol. Anim na buwang gulang na ito ngayon. Few months ago, the baby was baptized and was given the name "Charlotte." Iyon kasi ang gustong ipangalan ni Rebecca sa anak nito noong nabubuhay pa.

She deeply sighed upon remembering the memory of her beloved sister. Naroon pa rin sa kanya ang matinding pangungulila rito. Every time she looked at the four corners of their house ay naaalala niya ito. She could still vividly recall how they used to laugh at each other’s joke, how they used to share each other’s problem, how they used to quarrel but at the end of the day ay nagkakabati rin naman.

Rebecca was the best sister ever. She was the best sister one could ever have. If she would be given a chance to choose and live her life again, she'd surely choose Rebecca still. Those were the sweetest memories she could never have again.

Mapait siyang napangiti at pilit na pinasigla na lamang ang sarili. Alam niyang ayaw ni Rebecca na nakikita siyang malungkot. "Your Mom was the best sister. Alam mo ba `yon, Charlotte, baby? And I know, if she was just given the chance to live, she'd surely be a great mother," kausap niya sa sanggol na waring maiintindihan siya nito.

Kumampay-kampay naman ang mumunting braso ng pamangkin at nginitian siya nito. It seemed like those were the signs na sumasang-ayon ito sa sinabi niya.

She simply smiled at the baby then managed to look at the sky na waring sa paraang iyon ay masisilayan niya ang maamo at nakangiting mukha ng kapatid.

"Lheia, anak, magpahinga ka na."

She heard that sweet voice of the most caring woman she had ever known—none other than her nanay Saida.

Nakangiti niya itong nilingon. "`Nay, maaga pa po." She glanced at her wristwatch. "Alas-kuwatro pa lang po ng hapon," aniya sa butihing matanda.

"Pero kanina mo pa binabantayan `yang anak mo," anito. "Ako na muna ang mag-aalaga kay Charlotte. Aba, baka `di mo naitatanong, eh, gusto ko din alagaan ang apo ko, `no!" pagtataray nitong biro.

Napahalakhak siya sa tinuran ng nanay niya. It was so heartwarming na itinuturing nitong tunay na apo ang 'anak' niya. Yes, she considered Charlotte as her biological daughter. In fact ay pangalan niya ang nakalagay na ina ng bata sa birth certificate nito. She became an instant mother to Rebecca's daughter.

Tinuturuan na din niya si Charlotte na tawagin siyang "Mommy." But of course, she would tell the truth kung sino talaga ang tunay na ina nito sa takdang panahon. Charlotte must know who her real mother is. Hindi niya iyon ipagkakait sa bata `cause Rebecca did a heroic deed for her very own daughter.

"O, ano na? `Akin na ang apo ko," pangungulit ni nanay Saida na mas lalo niyang ikinahalakhak. Talagang tumatanda na ito dahil mas lalo na itong nagiging makulit.

"Sign of aging," she smilingly muttered.

"Ano? May sinasabi ka, Lheia?" kunot-noo nitong tanong.

"Wala ho," tugon niya habang ibinibigay rito ang sanggol. "Oh, ito na po si Charlotte. Makipaglaro lang po muna kayo sa apo niyong kasing ganda niyo," aniya sabay kindat sa nanay niya na ikinahagikhik nito. "`Maiwan ko po muna kayong dalawa. `Pasok muna ako sa kuwarto. Aayusin ko lang ang mga dokumento ko para sa bago kong trabaho," aniya pa bago tuluyang iniwan ang dalawa.

---

ZALHEIA vengefully stared at the pocket-sized photo she was holding. Nasa loob na siya ng kanyang kuwarto nang mga sandaling iyon. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya ay agad niyang kinuha sa lalagyan nitong mumunting box ang larawang iyon kung saan may guwapo at nakangiting mukha ng lalaki.

She was able to find that picture ilang linggo matapos mailibing si Rebecca. She was really damn eager to find even just a single proof or evidence that will justify her grounds kaya't wala siyang tigil sa pagkalkal ng mga gamit ni Rebecca. And then presto, after few weeks of darn findings ay nakita niya ang box na iyon na nakatago sa kasuluksulukang bahagi ng silid ng kapatid. Inaalikabok na rin iyon nang mahanap niya.

There were lots of love letters inside, dried rose petals and even chocolate wrappers were there. Ngunit isa ang nakakuha ng kanyang atensiyon, at iyon ay ang larawang hawak niya ngayon.

Tiningnan niya ang likod ng larawan at binasa roon ang nakasulat na pangalan. "Lowell Cordova!" she blunted fiercely. "You are the one to blame for my sister's death! At malapit na tayong magkita kaya humanda ka! Ipapalasap ko sa `yo ang sakit na dulot ng kawalang-hiyaan mo!"

---

"MRS. CORDOVA, here's the file na pinapahanap niyo. Nandiyan na rin po ang Statement of Accounts ng Company's Merchants," ani Zalheia sabay lapag ng mga nasabing dokumento sa office table ni Mrs. Lorena Cordova—ito ang biyuda ng namayapang magaling na business tycoon ng Pilipinas na si Mr. Regidor Cordova na ama naman ng 'hina-hunting' niyang si Lowell Cordova!

Yes, Mr. & Mrs. Regidor Cordova were the parents of that damn Lowell. She absolutely did her best para makapagtrabaho sa nasabing Cordova Group of Companies o mas kilala sa tawag na CGC; nang sa gayon ay mas lalo siyang mapalapit sa taong puntirya niya.

"Thanks, Lheia," said Mrs. Cordova after sipping brewed coffee na siya mismo ang nagtimpla. "I really love the taste of your made coffee, hija. My past secretaries were not as good as how you made coffee," nakangiting anito.

"Thank you," kimi niyang pasasalamat na ginantihan ito ng ngiti. She was very much overwhelmed for that appreciative words coming from her lady Boss.

"Maupo ka muna, Zalheia. I have something to tell you."

She nodded at agad na tinalima ang sinabi nito.

"I want you to be at the mansion on Saturday evening for a welcome party. My son Morgan is coming home."

Bahagya siyang napakunot-noo. Morgan who? So far ay wala siyang kilalang "Morgan" na anak nito. It was only Lowell whom she'd known. "M-Morgan?" wala sa sariling tanong niya.

"Yes, my son Lowell Morgan Cordova."

Napatango-tango siya. For almost three months na nagta-trabaho siya sa kompanyang iyon ay ngayon lamang niya nalaman ang tunay at kompletong pangalan ng lalaking kinamumuhian niya.

She devilishly smiled from within. Malapit na niyang maisakatuparan ang nakatakda niyang planong paghihiganti.

"Maybe, you will learn to like my son. He's a good man."

She heard that proud voice of Mrs. Cordova. Lihim siyang napaangat ng isang kilay. Did she heard it right? Did Mrs. Cordova really uttered that two-word, "good man"? Sino'ng good man? Si Lowell Morgan? For heaven's sake! Paanong magiging good man ang taong iresponsable at walang isang salita?

Lahat ng love letters nito para sa kapatid niya ay nabasa niya, at masasabi niyang masyadong mabulaklak ang dila nito. Kaya marahil napaibig nito si Rebecca dahil sa pagiging bolero nito.

Lowell promised her little sister "heaven"! Marami itong pangako na nakapaloob sa sulat na iyon. Ngunit ang lahat ay napako at sadyang pinako! Everything went hell!

Nagtagis ang mga bagang niya sa isiping iyon.

"Hija, are you okay?" nagtatakang tanong ni Mrs. Cordova.

Agad niyang pinalambot ang ekspresiyon ng kanyang mukha at pilit na ngumiti rito. Marahil ay nahalata nito ang galit na rumehistro sa mukha niya. "Yes, Ma'am, I'm okay. Medyo sumakit lang ang sugat ko sa paa kaya napangiwi ako," palusot niya kahit wala naman talaga siyang sugat.

Tumango-tango ang Ginang. "So, I'll expect you on Saturday evening, Lheia. The party will start at seven PM, okay?"

"Sure, I'll come," makahulugan niyang tugon na nginitian ito.

Yet, behind that smile reigned a devious plan for that fiendish Lowell Morgan Cordova!

---

"HIJA, `good you came," nagagalak na salubong ni Mrs. Cordova sa kanya nang mamataan siya nitong papasok sa malaking solar ng Villa Cordova. Agad na nakipagbeso-beso ang mabait na Ginang sa kanya.

"I promised I would," nakangiting saad ni Zalheia.

"Mas lalo kang gumanda sa suot mong `yan, hija," puno ng paghangang komento nito habang pinagmamasdan siya.

"Salamat po," kimi niyang tugon. Totoo ang sinabi ni Mrs. Cordova na mas lalo siyang gumanda sa suot niya ngayon. Kahit ang nanay Saida niya ay gan’on din ang komento kanina nang makita siyang pumapanaog ng hagdan.

Kahit nga siya ay lihim na humanga sa sarili niya. She was wearing a red semi-formal gown na low cut ang design. Tube iyon kaya't mas lalong na-emphasize ang makinis at mala-porselana niyang mga balikat. Even her pair of legs were in its profound beauty wearing silver Stiletto on feet. Slight lang ang make-up niya at naka-ponytail lang ang kanyang buhok, yet it exuded her simple natural beauty.

Inilibot ni Zalheia ang paningin sa kabuuan ng villa. Nasa bakuran pa lamang sila ngunit hindi niya maiwasang malula sa laki at ganda niyon. The Bermuda grass on her feet seemed like cotton na tinatapakan niya. Napakalambot niyon at pakiramdam niya tuloy ay naglalakad siya sa alapaap. Even the rectangular pool na makikita sa gilid ng villa ay malaki din at maaliwalas. Tila ba nag-aanyaya iyon na magtampisaw siya roon. There were also lots of ornamental plants and even small trees na maayos ang pagkakahilera. May nakita rin siyang fountain sa gitna na siyang pangunahing atraksiyon ng villa.

'I really couldn't understand kung bakit pinabayaan ka ng Lowell Morgan na iyon, Rebecca,' aniya sa isip habang iginagala ang paningin sa mga bisitang naroon. 'Dahil kung ganito kayaman ang angkan nila ay hindi siya matatakot na panagutan ka.'

Lihim na napabuntong-hininga ang dalaga. Marahil ay hindi talaga minahal ng Lowell na iyon ang kapatid niya. Maybe, that was the reason for everything—love was lacking. Imposible naman kasi kung si Mrs. Cordova ang dahilan. Imposibleng tumutol ito sapagkat napakabuti nitong tao.

'So therefore, you're really an asshole, Lowell Morgan Cordova! Hindi mo naman pala mahal, eh, pinakialaman mo pa!' nagngingitngit ang kalooban na bulyaw ng isip niya.

"Hey, hija?!"

Muntik na niyang mabitawan ang silver pouch na dala sa medyo may kalakasang tinig na iyon ni Mrs. Cordova, kasabay rin niyon ay ang marahang pagbundol nito sa siko niya.

Awtomatikong napatingin siya rito, just to find out na nangingiti ito sa kanya. Bigla siyang nakadama ng hiya. Marahil ay kanina pa ito nagkukuwento pero hindi naman niya napagtuunan nang pansin dahil abala siya sa kamamasid sa paligid at kung anu-ano pa ang iniisip niya.

"I-I'm sorry, Ma'am. I wasn't able to hear what you were saying for I was taken aback with the beauty of this villa," hinging-paumanhin niya and at the same time she praisely uttered.

Marahang tumawa ang biyudang Cordova. "I thought you were taken aback upon seeing my man here." May halong panunukso ang tinig nito. Tumingala ito sa lalaking katabi.

Sinundan niya ang tiningnan nito. She gaped at the tall man beside Mrs. Cordova. Her jaw dropped literally upon glaring at the man. Kulang ang sabihing muntik nang malaglag ang panga niya nang mapagmasdan ang angking-karisma ng lalaki. He was indeed a drop-dead gorgeous 'Adam' she had ever seen. Napakaguwapo nito at mukhang artistang naligaw sa pagtitipong iyon. He was wearing Armani suit, and it really exuded to the nth time his masculine aura.

'`Goodness! Who the Greek God are you?' said the back of her mind while glaring at the man. Nakatitig din ito sa kanya. Nakakunot ang noo nito na waring pinag-aaralan ang mukha niya.

Mayamaya pa'y umaliwalas ang mukha nito, and when he finally gave her a smile ay doon bumalik ang huwisyo niya. It seemed like she'd seen that smile somewhere...she'd seen that kind of smile on the photo na nakuha niya sa box ni Rebecca. Now, she was finally in front of the man na sumira sa kinabukasan ng kapatid niya—she was staring eye to eye with Lowell Morgan Cordova!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status