Share

CHAPTER FIVE

HULING sulyap sa malaking salamin na nasa loob ng kanyang kuwarto ang ginawa ni Zalheia nang katukin siya ni nanay Saida informing her na naroon na sa baba ng bahay nila si Morgan. Kinuha niya ang medyo may kalakihang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Charlotte. Kahapon ay bigla na lamang siyang naka-receive ng text message `galing kay Morgan informing her to prepare dahil may pupuntahan daw sila nang araw na iyon ng Sabado.

Binalingan niya ang anak na nakadapa sa kama. Nilalaro-laro nito ang mumunting teddy bear na naroon. `Gaya niya ay ready na rin ito. Pinaliguan niya ito kanina at binihisan ng cute na cute na pink baby dress with matching baby shoes na pink din ang kulay. Nilagyan rin niya ng pink baby headband ang ulo nito na mas lalong nagpatingkad sa ka-cute-an nito.

"Hmm... Ang ganda-ganda naman ng anak ko at ang bango pa. Parang dalaga na," nanggigigil niyang saad at kinarga ito. Pinupog niya ito ng halik na siyang ikinahagikhik ng sanggol.

"Lheia, nasa baba na si Mor—"

"Opo, `Nay. Pababa na po!" sigaw niya, saka dali-daling lumabas ng silid. Nasa hagdan pa lamang siya ay namataan na niya ang nakatalikod na si Morgan. Kampante itong nakaupo sa malambot na sofa habang umiinom ng juice na tinimpla ni nanay Saida.

Marahan nitong ibinaba ang baso ng juice. Napatingin siya sa braso nito—it was indeed so robust, so strong, so manly. Humugot siya ng buntong-hininga. "Sorry to keep you waiting."

Napalingon ang binata na may ngiti sa mga labi. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Charlotte. His eyes were smiling, too. It was as if he was really glad and thankful upon seeing them both.

Tumayo ang binata at lumapit sa kanila. Kinuha nito sa kanya ang bag, and to her surprised he suddenly kissed her on the cheeks. Pagkatapos ay hinalikan din nito sa pisngi si Charlotte. "Puwede bang ako na ang kumarga kay baby?" later he said pleading. Tila nagpapa-cute pa ito para lang pumayag siya.

'Uh-oh, don't ever act that way. `Goodness! I find it damn cute,' piping saad ng pilya niyang isip, subalit agad din niyang kinastigo ang sarili. Maingat niyang ibinigay rito si Charlotte.

Sa pagtataka niya'y hindi man lang umiyak ang sanggol. Kalimitan kasi ay pumapalahaw ito ng iyak kapag iba ang kumakarga rito at kapag hindi nito kilala.

'Nagtaka ka pa, eh, ama niya `yan. Siyempre, lukso ng dugo,' said the back of her mind habang pinagmamasdan ang dalawa.

"So, tara na?" yakag ni Morgan, saka bumaling kay nanay Saida na tahimik lamang na pinanunuod sila. "`Nay, aalis na ho kami," anito.

Tumango ang butihing matanda. "Sige, mag-iingat kayo."

Bahagya pa siyang napakislot when Morgan clutched her hand, at magkahawak-kamay silang naglakad palabas ng bahay.

Nasa may pintuan na sila nang lingunin niya si nanay Saida. Napapailing ito habang inihahatid sila ng tanaw. She knew what was that for—binabalaan siya nitong huwag ituloy ang plano niyang paglalaro sa damdamin ni Morgan Cordova.

---

"WHERE are we going?" tanong ni Zalheia kay Morgan nang nasa loob na sila ng silver Vios nito. Siya na ang kumarga kay Charlotte dahil ang binata ang nagmamaneho.

"We are going to the place I call 'heaven,'" tugon nito sabay kindat sa kanya.

Wala sa oras na napanganga siya sa iginawi nito. Ang mokong, umatake na naman yata ang kapilyuhan. "Saan nga? Kung papunta ka ng langit, hindi kami sasama sa `yo ni Charlotte. Mga patay lang ang nandoon," nakanguso niyang maktol. Pa-heaven-heaven pa kasi, hindi na lang sabihin kung saan.

Bumunghalit ng tawa ang binata. His eyes were still on the road busy driving. "Who told you na ang mga patay lang ang nakakapunta ng langit? `Mind you, if you feel pleasure and satisfaction, you will surely experience the taste of heaven," puno ng kapilyuhang anito. Hindi pa rin maampat-ampat ang pagtawa nito, saka sinulyapan siya nang nakakaloko.

She rolled her eyes. Namula siya sa sinabi ng binata, but then again ay hindi niya iyon ipinahalata. She doesn't want him to know na hindi siya sanay sa mga ganoong biro. She wasn't born yesterday not to be aware that it was a silly green joke.

"Oh, natahimik ka diyan?" mayamaya'y puna nito.

"Tatahimik na lang ako kung hindi naman matino ang kausap ko," nakaismid niyang tugon.

Muli ay napahalakhak ang binata, saka iiling-iling itong nagsalita. "Talagang hindi ka puwedeng biruin, `no? `Cause every time I tease you ay palaging umuusok `yang ilong mo sa inis, dear," puna nitong bahagyang nagmenor sa pagmamaneho, saka pabirong piningot ang ilong niya.

Hindi na lamang siya umimik. She remained silent not because she doesn't want to talk to Morgan, but because she was astonished upon hearing him call her...dear.

---

"OH, MY God! It's really heaven!" nalululang bulalas ni Zalheia habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng kinaroroonan nilang hacienda—ang Hacienda de Cordova.

Tila ito isang paraiso sa ganda—isang kaaya-ayang lugar na kahit na sino ay mapapahanga. She could see trees lined up perfectly, standing tall as it should be. Even plants, shrubs and flowers were indeed bloomingly captivating. The said Hacienda was truly an epitome of the profound beauty of nature made by the Most High.

Napabaling siya sa gawing kanan niya. May nakita siya roong iba't-ibang uri ng hayop. But what captured her attention were those horses inside the ranch. Tila ba nag-aanyaya ang isa roon na subukan niyang sumakay niyon.

"Gusto mong sumakay kay Cyclops?"

Napaigtad ang dalaga nang marinig na nagsalita si Morgan. Lumingon siya rito. Karga nito ang natutulog na si Charlotte. "Cyclops? You mean, your horse?"

Tumango ito. "U-huh. Cyclops is my favorite horse. Sa kanya ako palaging sumasakay kapag gusto kong mangabayo," anito, at simpatikong ngumiti. "See that white one? That's Cyclops," proud nitong wika.

Sinundan niya ang itinuro nito. Iyon ang kabayong una niyang napagtuonan nang pansin kanina. Namumukod tangi kasi iyon sa iba. "T-takot akong sumakay diyan. Baka mahulog lang ako," nahihiya niyang pag-amin.

Morgan softly chuckled. "Don't worry, I'll be your cavalier to protect you," he uttered giving her his sprinkle of mouth-watery smile, dahilan para bahagyang lumukso ang puso niya.

'Lintek! Ano ba'ng nangyayari sa `kin? Konting ngiti pa lang ng mokong na `to, eh, halos magrambulan na ang rib cage ko,' kastigo niya sa sarili. "Eh, paano si Charlotte? Isasama ba natin siyang sumakay diyan?" she innocently questioned giving the sleeping-Charlotte a quicked glance.

Marahang tumawa ang binata. Marahil ay sa ka-ignorantehan ng tanong niya. "Of course not. Nandiyan naman si Aling Pacing.” Tukoy nito sa katiwala sa Hacienda. “Siya muna ang magbabantay kay Charlotte. Mahirap na, baka magloko si Cyclops at mapahamak pa siya," tugon nito.

Napangiwi siya. So it means ay okay lang dito na mapahamak sila o siya? Okay lang dito na sila o siya ang mabalian ng buto! 'So rude,' she thought.

"Ops, don't get me wrong," mayamaya'y abansa nito. Napansin marahil nito ang pagbabago ng timplada ng mukha niya. "What I was trying to point out is, mahihirapan tayo kapag kasama si Charlotte kasi kailangan pa niyang kargahin. `Mind you, I haven't seen anyone na nangangabayo tapos may kargang baby," anitong napahalakhak nang pagkalakas-lakas, sanhi para magising ang karga nitong sanggol.

Awtomatiko siyang napalapit sa mga ito nang mapansing papalahaw ng iyak ang anak. "`Loko ka!" Hinampas niya sa braso ang binata. "Alam mong may karga kang baby tapos kung makahagalpak nang tawa, eh, wagas," aniyang maingat na kinuha rito si Charlotte at sinubukang patulugin ito ulit.

She was in the middle of making Charlotte sleep nang mapansin niyang tahimik si Morgan. She gaped at him, it was then she realized Morgan was intently staring at her. His stares were as if piercing into the depths of her entire being. "B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" she consciously questioned.

Simpleng ngumiti ang binata, saka umiling. Tumingin ito sa malayo na waring may malalim na iniisip. She saw something in his eyes—was it confusion? Ngunit bakit naman ito mako-confuse? At sa anong dahilan?

She heard him grasped a deep breath. "I remember someone every time I see you," sambit nito.

May kung anong kabang bumundol sa dibdib niya sa narinig na ipinahayag nito. "S-sino?" she asked, though parang may alam na siya sa kung sino ang tinutukoy nito.

Morgan looked at her. "She's Rebecca..." maikling sagot nito sa mahinang tinig.

There, he said it! It was confirmed, kilala nga nito ang kapatid niya. Dahil doon ay mas lalong tumibay ang paniniwala niyang ang binata nga ang ama ni Charlotte but...why is it na kakaiba ang ipinapakita nito? Morgan's actions were as if conveying love for Rebecca—parang hindi nito iniwan ang kapatid niya.

Naguguluhang napatitig siya rito. She was about to open her mouth and asked who Rebecca was in his life nang maramdaman na lamang niya ang marahang pagpingot nito sa ilong niya. Parang nasasanay na ang binata na gawin iyon sa kanya.

Morgan was already smiling while peering at her. "But never mind about her," anito, saka hinawakan siya sa kamay. "Let's get in. Baka nabibigatan ka na sa kakakarga sa anak mo."

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod at magpatianod na lamang dito. Still, she was darn curious and at the same time confused for what Morgan had just acted.

---

"AY! ANO ba `yan!" napapatili at napapabulalas si Zalheia nang wala sa oras habang sinusubukan siyang alalayan ni Morgan pasakay sa puting kabayong si Cyclops. Paano ba naman kasi, nagugulat siya kapag iwinawasiwas ng kabayo ang buntot nito. Pakiramdam niya, any moment ay tatadyakan siya nito sa mukha. Kawawa naman ang beautiful face niya.

"Just relax, dear. Mabait `yan si Cyclops. Hindi ka niyan sasaktan," natatawang turan ni Morgan.

"Anong hindi? Eh, buntot pa nga lang niya, feeling ko'y magkakalasug-lasog na ang katawan ko!" exaggerated niyang wika. Pilit siyang nagdudumikit kay Morgan. She was very much afraid na baka pabigla na lamang sumipa ang kabayong si Cyclops at matamaan siya nang bonggang-bongga.

Morgan laughed hard. "Eh, di putulin natin ang buntot niya para safe."

"Anong safe? Hindi pa rin `yan safe dahil may paa pa rin siya. Ang paa kaya ang sumisip—Ay!" Nagsumiksik siya sa matitipunong dibdib ng binata nang iwinasiwas na naman ni Cyclops ang buntot nito.

"Oh, sige. Puputulin na rin natin ang isa niyang paa para safe," nangingiting saad ni Morgan, then held her closer to his warmth body.

"May tatlo pa siyang paa kaya hindi pa rin `yan—Oh! That—that stare! That stare!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya nang tumitig sa kanya si Cyclops. Titig pa lamang iyon, subalit feeling niya'y tatadyakan na siya nito kaya naman isiniksik at ikinubli niya ang mukha sa matitipunong dibdib ng binata. She could smell his perfume, she could smell his manly fragrance...his masculine aroma. So refreshing! Saglit tuloy niyang nakalimutan ang takot sa kabayo dahil ang kabayo—esti ang tao na kayakap niya ngayon ay talaga namang napakabango.

Humalakhak ang binata. "Ano ka ba, Lheia! Hindi ka lalamunin ng titig ni Cyclops. He's good, believe me," said Morgan in an amused tone habang marahang hinahagod ang likod niya.

Noon lang niya napansin ang ayos nila. They were like lovers in the midst of a heaven-like paradise. Morgan was embracing her tight. It was as if he would never let her go...not now, not ever.

She savoured for awhile that magical-like of feeling, subalit mayamaya'y na-conscious siya nang tuluyan nang tumimo sa utak niya ang maling ayos nila. She was about to disjunct herself from Morgan's embrace nang bigla namang humalinghing nang pagkalakas-lakas ang kabayong si Cyclops.

Napaigtad siya sa gulat. "Oh, my God! I'm afraid! I'm afraid I'd die! I'm dying, Morgan. I'm dying!" nahihintakutang bulalas niya na napayakap sa binata. Kusang pumulupot na rin ang mga braso niya sa leeg nito and she pressed herself more closer to him—iyong tipong wala na silang ni gahiblang pagitan.

"Sshh... I said relax. Cyclops would not do any harm, Lheia," natatawang pag-aalo nito na hinagod na naman ang likod niya. "Humikab lang `yan si Cyclops kasi inaantok na `yan," he then cackled upon uttering the last phrase.

"Hmp! Humikab ka diyan. Tao ba `yan at marunong humikab? Galit yata sa akin `yang kabayo mo, eh. Ayoko na nga lang sumakay diyan. Baka kung ano pa'ng mangyari sa `kin," litanya niyang nasa dibdib pa rin ang takot.

Napabuntong-hininga ang binata. Marahan itong kumilos para magkaroon ng kaonting distansiya sa pagitan nila. Morgan then cupped her pretty face using his palm. Pinakatitigan siya nito sa mga mata. "I will never allow anyone to hurt you, not even Cyclops. So trust me, walang mangyayaring masama. Hindi ka masasaktan," he seriously said. His pair of dark brown eyes were penetratingly staring at her.

Mayamaya pa'y unti-unti na nitong inilalapit ang mukha sa kanya. Ang buong akala niya ay hahalikan siya nito sa mga labi ngunit sa noo lamang niya dumapo ang halik nito.

Inis na itinulak niya ang binata. "Tara na nga. Sumakay na tayo kay Cyclops," nakanguso niyang wika. Siya na mismo ang kusang sumakay sa paboritong kabayo ni Morgan. Nakaya niya iyon dahil sa inis. Imagine that!

"Pahalik-halik pa kasi, pero sa noo lang pala dumapo. Nagmukha tuloy akong senior citizen nito! Ano ako? Lola?" bubulong-bulong niyang maktol. She really felt disappointed for whatever reasons it may be.

Narinig niya ang malutong na pagtawa ng binata. Hindi niya namalayang nasa likod na pala niya ito at nakasakay na rin sa kabayo. "Kailangan mo lang palang inisin para magkaroon nang lakas ng loob na sumakay kay Cyclops, `no?" tatawa-tawang komento nito.

"Heh! Manahimik ka!"

"Ops, ano naman ang nagawa kong mali?"

"Wala!"

"Hmm... Okay, that kiss on the lips? Later na, huh? Mangabayo muna tayo, dear," anitong napahalakhak nang pagkalakas-lakas, saka tuluyan nang hinudyatan si Cyclops na umarangkada.

She felt her cheeks burnt. For goodness grace! Was it really damn obvious that she was expecting a kiss from him on the lips?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status