Share

CHAPTER FOUR

"THESE are all the files na naiwan ni Mrs. Cordova. Diyan mo malalaman ang mga previous Statement of Accounts ng ating Merchants. If you wanted to know the status of our sales ay dito mo naman makikit—" Napahinto si Zalheia sa kaka-instruct kay Morgan nang mapansin niyang hindi naman ito nakikinig sa mga sinasabi niya, bagkus ay tila wala ito sa sariling titig na titig lang sa kanya.

Kasalukuyan silang nakaupong magkatabi sa malambot na couch ng pribadong opisina nito. Pasado alas-dos na iyon nang hapon, and she was currently instructing Morgan of those important files and documents ng CGC. Hindi nga niya mawari kung bakit pa ito nagpapaturo sa kanya gayong kung tutuusin ay sigurado naman siyang alam na nito ang mga iyon—alam na nito ang mga pasikot-sikot sa malaking kompanya ng pamilya nito. Gagawin ba naman itong CEO kung ignorante ito sa pamamalakad ng kompanya? Tingin niya'y hindi. And besides, alam niyang ang binata din ang namamahala ng sister company ng CGC sa ibang bansa. Kaya nga ito nandoon dati dahil sa kadahilanang iyon.

Napabuntong-hininga siya, saka tiniklop ang mga dokumento. "I think you're not listening," matabang niyang wika.

Unti-unti itong natauhan, saka tumikhim. Umayos din ito ng upo, sanhi para magkabungguan ang mga braso nila.

Lihim siyang napakislot dahil doon.

"I'm sorry, Lheia. May iniisip lang ako," anito sa mahina ngunit buo na tinig.

Napansin nga niyang magmula nang dumating ito `galing sa business meeting ay seryoso na ito. Hindi ito kagaya kaninang umaga na feeling close sa pang-aasar sa kanya.

"We better stop this muna. If you can't concentrate, then don't thrust yourself to the limits." Hindi niya alam kung bakit ganoong mga salita ang lumabas sa bibig niya. It seemed like she cared that much for Morgan.

'Oh, well, part of contingency plan to trap him, to make him fall for you,' depensa ng isip niya habang iniisa-isang ayusin ang mga files at dokumento.

Narinig niya ang marahang pagtawa ng binata. "Akala ko, aasarin mo rin ako `tulad ng ginawa ko sa `yo kanina," anito.

"Bakit ko naman gagawin `yon?"

"Because I was staring at you like the way you did this morning. Baka lang kako, gusto mong gumanti," he answered chuckling.

"I won't do that. I know how to treat my Boss properly," she seriously said. 'At isa pa, kung gagantihan kita, eh, sa mas masahol na paraan. `Yong tipong ikababaliw mo na. Just watch out, Cordova!' dagdag ng mapaghiganti niyang isipan, saka napagpasyahang tumayo.

But Morgan held her hand. "Ahm... I want to apologize for what I did this morning. Masyado yata kitang naasar," wika nito.

Napatingin siya sa mga mata nito. Pinakatitigan niya iyon. She would like to know kung sinsero ba talaga ito sa pinakawalan nitong mga salita.

Nilabanan naman ni Morgan ang mga titig niya. It seemed like he was trying to convey sincerity on that kind of stare.

Nabigla man sa ipinakita nitong kababaang-loob ay tumango na lang siya. She couldn't imagine na ang Boss pa niya ang magsu-sorry sa kanya. That was indeed rare!

"You're already forgiven," she uttered, then plastered a simple smile on her pretty face. "Sorry din at grabe ako kung makapag-react kanina. I even called you 'creep,'" aniya, saka marahang tumawa. Ngayon lang niya napagtantong hindi niya dapat na tinawag ng ganoon ang binata. After all, Morgan was still her Boss.

Morgan shrugged, then smiled at her. "Let's just forget about it. Everything has been said and done. For now, all we have to do is to start a new beginning. So, friends?" wika nito, sabay pisil nang marahan sa palad niyang hawak pa rin pala nito.

Natatawang napatitig siya sa magkadikit nilang mga kamay. She couldn't discern her feelings right then. May namamahay na poot at galit sa puso niya para sa lalaki dahil sa ginawa nito sa kapatid niya, ngunit sa kaibuturan naman niyon ay waring may kakaibang nararamdaman—tila ba may sayang nakakubli roon na hindi niya mawari kung ano ang dahilan...

---

"LET'S go, Lheia."

Nakangiting lumingon si Zalheia sa lalaking nagsalita—it was Morgan. For almost a week ng pagiging sekretarya niya rito ay hatid-sundo na siya ng binata. Nakakahiya man sa mga katrabaho dahil pinagtsi-tsismisan na sila ay wala siyang magagawa at lalo namang wala siyang pakialam, tutal ay si Morgan naman ang mapilit sa set-up nilang iyon.

'Mainggit na lang ang mainggit,' anang isipan niya habang nakakalokong nakangisi kay Elsie. Naroon ang babae at masama ang tingin nito sa kanya. Gusto niyang inggitin ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng mga katrabaho nila na may gusto ito kay Morgan. Iyon nga lang, hindi ito napapansin ng binata dahil bukod sa masama ang ugali, eh, old-fashion pa ito kung manamit with matching eyeglasses pang nakakabit sa mga mata nito.

"Let's go, Sir." Sinadya niyang sabihin iyon nang eksaktong `katapat na niya ang nagngingitngit na si Elsie.

Agad siyang inalalayan sa siko ng binata nang makalapit na siya rito. Isang mapang-asar na sulyap ang iginawad niya kay Elsie bago sila tuluyang lumabas ni Morgan sa building na iyon.

---

"I WANNA see your daughter, Lheia."

Wala sa oras na nabilaukan si Zalheia nang marinig ang sinabing iyon ni Morgan. They were currently eating at the famous fast food restaurant in town. Inanyayahan muna siya ng binatang kumain sa labas bago siya nito tuluyang ihatid sa bahay nila.

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtungga ng lemon juice na iniinom. Nang mahimasmasan ay napatingin siya rito. Nasa mga mata niya ang pagtatanong. "B-bakit?"

Morgan shrugged. Uminom muna ito ng iced tea bago magsalita. "Because I find your baby cute. Nagmana siya sa `yo." Ngumiti ito at pinakatitigan siya sa mga mata. "`Saka medyo matagal-tagal na rin kitang hatid-sundo, pero hindi pa ako nakakapasok sa bahay niyo. Mukha kasing ayaw mo akong papasukin doon," pagbibiro nito na binuntunan nang tawa.

Napalunok siya, then tried to smile at him back. Though it was fake dahil totoo ang birong pinakawalan nito. Every time kasi na sinusundo siya nito ay palagi na siyang nakahanda at nag-aabang sa labas. Kapag inihahatid naman siya ay hindi niya ito inaanyayahang pumasok sa loob. Lihim na lang siyang nagpapasalamat na hindi naman ito nangungulit na pumasok ng bahay nila. She was doing such kind of hidden set-up dahil nababahala siyang makita nito ang mga larawan ni Rebecca. As much as possible ay ayaw niyang malaman nitong kapatid siya ng babaeng niloko at iniwan nito noon, dahil kapag nangyari iyon ay tiyak na sira ang mga plano niya.

"And besides, I'd like to see your baby `cause there's something in her na hindi ko maipaliwanag." Narinig niyang pagpapatuloy ni Morgan. "Para kasing ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya kahit hindi naman siya `galing sa `kin," saad ng binata, saka marahan itong tumawa.

Lihim na umasim ang mukha ng dalaga sa huling sinabi nito. Ngali-ngaling isampal na niya sa pagmumukha nito ang katotohanan pero nagpigil lamang siya.

"Can you grant me my simple wish, Lheia?" puno ng pagsusumamong tanong ni Morgan, saka hinawakan nito ang palad niyang nasa ibabaw ng mesa.

Bahagya siyang napakislot nang magdaiti ang mga palad nila. "S-sige. You can visit us on Saturday. Puwede mong makarga at makasama ang anak ko," wika niya sa binata. 'After all ay ikaw ang ama niya, Morgan,' dagdag ng utak niya habang nakatitig sa binatang todo-pasasalamat at abot hanggang sa mga mata ang ngiti.

---

"LHEIA, anak, ano ba'ng ginagawa mo sa mga larawan ni Rebecca?" nagtatakang tanong ng nanay Saida niya habang abala siya sa pagtanggal ng mga nakasabit at naka-display na picture frames ni Rebecca. Pati ang mga photo albums ay tiningnan din niya at siniguradong nakuha niya ang lahat ng mga litrato nito. Wala siyang tinira ni isa, mapa-bata o mapa-dalaga man nitong larawan, mapa-solo o kahit may iba man itong kasama.

"`Nay, huwag na huwag niyo hong mababanggit ang pangalan ni Rebecca kapag may ibang tao rito," bilin niya sa matanda habang isinisilid sa drawer ang mga litrato ng kapatid. She then locked the drawer, saka siniguradong hindi iyon mabubuksan ng kahit na sino.

"Bakit hindi ko puwedeng banggitin ang pangalan ni Rebecca? At bakit mo ba tinanggal lahat ng mga larawan niya? Dati-rati naman ay ayaw mong tanggalin ang mga iyan. Gusto mo pa ngang palagi `yang nakasabit," sunod-sunod na litanya nito.

Napatingin siya kay nanay Saida. Karga nito ang nahihimbing na si Charlotte. She was having second thoughts kung ipapaalam ba niya rito ang lahat—ang plano niya.

"May binabalak ka, alam ko. Kilala kita, anak," anitong tila nabasa ang pag-aalangan niya.

Bumuntong-hininga siya, saka maingat na kinuha sa pagkaka-karga nito si Charlotte. Medyo pumungas-pungas ang sanggol, `buti na lang at hindi iyon nagising. "I've found Charlotte's father, `Nay," mahina niyang wika na ikinagitla ng matanda.

Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala. "P-papaano mo nakilala at sino?"

Maingat muna niyang inilapag ang natutulog na anak sa malambot na sofa. Inayos niya ang baby pillow nito para hindi ito mahulog kung sakaling kumilos man ito. Saka siya bumaling kay nanay Saida na halatang naghihintay sa sasabihin niya.

She took a deep breath, saka sinimulang ikuwento rito ang mga pangyayari—from the time na walang sawa niyang hinahalungkat ang mga gamit ni Rebecca, hanggang sa makita na niya ang box na pinakaiingat-ingatan nito kung saan naroon ang litrato ni Morgan. Ang pagbuo niya ng plano. Ang pag-apply niya sa Cordova Group of Companies, at nang i-hire siya ni Mrs. Lorena Cordova. Hanggang sa dumating ang gabing nagkaharap na nga sila ng lalaking puntirya niya.

"`Maryosep, Maria Zalheia! Patawarin ka nawa ng Diyos sa pinaplano mong `yan," waring nahintakutang bulalas ni nanay Saida matapos na marinig ang pagsasalaysay niya. Sunod-sunod rin itong napa-sign of the cross na nakatingala sa kisame.

"That is my plan, `Nay, kaya huwag na huwag niyo ho sanang mababanggit ang pangalan ni Rebecca kapag nandito na si Morgan. Please act normal like there's nothing wrong," pakiusap niya rito.

"Zalheia, paano kung ikaw ang mapahamak sa ginagawa mong `yan? Paano kung imbes na siya itong mabaliw sa sobrang pagmamahal sa `yo, eh, mabaliktad pa ang mangyari? At paano kung nagkakamali ka lang sa sapantaha mo? Paano kung hindi naman pala siya ang may kagagawan ng lahat nang naging paghihirap noon ni Rebecca?" sunod-sunod na tanong ni nanay Saida. Kababakasan ng pag-aalala ang mukha nito.

Saglit siyang natigilan sa ipinahayag nito. Subalit mayamaya'y nakabawi din, saka sunod-sunod siyang umiling. "Sigurado po ako na siya `yon. Mga sulat at larawan lang ho niya ang nakita ko sa box na itinago ng kapatid ko. Imposible naman po yatang ibigay ni Rebecca ang sarili niya sa ibang lalaki gayong si Morgan ang mahal niya, `di ba?" she conclusively explained. "...and don't worry, `Nay, I'll be more careful with my feelings not to love him. It will never happen as long as this hatred for him is in me," she said stiffly, kahit nasa puso't isipan niya ang takot na baka nga mangyari iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status