"EH, BAKIT mo kasi ibinigay kay Mrs. Cordova ang files? Kakailanganin ko pa `yon!"
Kanina pa nagtitimpi sa inis si Zalheia sa kaharap niyang si Elsie. Sumugod pa talaga ito sa mesa niya para lang makipagbangayan. Katrabaho niya ang babae, sekretarya ito ng Vice President ng CGG. Hindi iilang beses na palagi sila nitong nagtatalo dahil sa hindi pagkakaintindihan sa trabaho. Masyado kasi siya nitong pinag-iinitan sa kadahilanang nakuha niya ang puwestong matagal na nitong pinapangarap. Elsie wished to be the secretary of the Company's CEO dahil mas malaki ang suweldong nakukuha kapag mas mataas ang ranggo ng Boss na pinagsisilbihan sa naturang kompanya.Pinag-iinitan siya nito dahil ito sana ang papalit sa nag-resign na sekretarya noon ni Mrs. Lorena Cordova kung hindi lamang siya nag-apply sa posisyong iyon. Mrs. Cordova chose her instead of Elsie dahil kinakitaan siya ng Ginang ng potensiyal at cum laude rin kasi siya nang makapagtapos ng kolehiyo—those two were the main reasons Mrs. Cordova hired her."As I've said earlier, tinanong kita tungkol sa files na `yon. Ang sabi mo'y okay na. So, it's not my fault kung hindi ka pa pala tapos doon." Hindi na niya naikubli ang inis sa boses. Paulit-ulit na lang kasi sila sa isyung iyon. Pinagtitinginan na rin sila ng iba nilang mga katrabaho."You should have ask me twice and—""I asked you twice nor even thrice," agaw niya sa sasabihin pa sana nito. Ngali-ngaling sabihin na niyang 'magkaroon naman ito ng commonsense sa trabaho.'"You didn't ask me twice! Palibhasa, eh, ang hilig-hilig mong pumapel dahil gusto mo nang promosyon kaya masyado kang s****p!"Kulang ang sabihing nagpanting ang tainga niya sa narinig. Siya? S****p? Never in her entire life na naging s****p siya. Kung ito, puwede pa! Dahil kapag nakaharap ito sa mga big Boss ng kompanya ay nagbabait-baitan ito. Ngunit kung ordinaryong manggagawa lang at kung mababa ang ranggo ay halos laitin at sigaw-sigawan nito. Marami nga ang inis sa babaeng ito.She drew a deep breath para pigilan ang sariling masabunutan ito. As much as possible, she wanted to calm herself dahil nasa trabaho sila. Kung ito ay walang good manners, puwes, siya ay mayroon. "I don't have to argue with you, Elsie, dear. Commonsense lang naman, gawin natin nang maayos ang trabaho natin para walang sablay." There she said it sarcastically while smiling at Elsie sweetly.Namula ang babae sa inis. Sasagot pa sana ito kung hindi lang nito namataan ang Boss nilang paparating. As always, para na naman itong sinaniban ng anghel sa biglang pagbait.Zalheia wanted to burst out a laugh upon seeing Elsie's expression transformed from that of a witch to an angel. Kulang na lang ay ngumiwi ang mukha nito sa pagbabagong-anyo."Good morning, Sir," pa-cute na bati nito kay Morgan. Kasabay din niyon ay ang tila chorus na pagbati rin ng iba pa nilang mga katrabaho."`Morning, too," said Morgan in return, saka bumaling sa kanya. "Sumunod ka sa `kin sa opisina and bring me a cup of hot coffee. `Yong black," wika nito, saka tuloy-tuloy na pumasok sa private office nito.She rolled her eyes. "Kung makapag-utos, hindi man lang marunong gumamit ng 'please,'" bubulong-bulong niyang maktol. Nang sulyapan niya si Elsie ay nakangisi ito na waring nang-aasar. "`Di ba, matagal mo nang pinapangarap na maging secretary ng CEO? Dahil mas malaki ang suweldo kumpara sa `yo. Bakit hindi na lang kaya tayo magpalit? Para naman `yang 'ngisi' mo ay maging 'ngiti' na," may halong pang-aasar niyang turan bago ito iniwan.Nahuli pa niya ang panggagalaiti ng mukha nito na tila ba gusto siyang sabunutan. She just smiled devilishly. Naipamukha niya kay Elsie na siya ang nakakuha sa posisyong pinapangarap nito noon pa man. But of course, that was just a sarcastic witticism, ayaw niyang makipagpalit dito. Ang lapit na nga niya sa 'hina-hunting' niya, lalayo pa ba siya?---"HERE'S your cup of black coffee, Sir," ani Zalheia, saka maingat na inilapag ang tasa ng mainit na kape sa mesa ni Morgan.Ibinaba ng binata ang binabasang newspaper at tumingin sa kanya. "Thank you."She gave him a curt nod, saka akmang lalabas na nang pigilan siya nito. Saglit siyang napahinto. "May kailangan pa ho kayo, Sir?" tanong niya rito."Maupo ka muna, Lheia," he casually said, then sipped coffee. Still his eyes were on her. "Starting tomorrow, you will vacate your table outside," anito nang makaupo na siya.Naguguluhang napatitig siya sa binata. Ano ang ibig nitong sabihin? Saan naman kaya siya pupuwesto kung hindi na siya puwede doon sa mesa niya?"You will transfer here. Inside my office," wika nitong waring nabasa ang mga katanungan sa isip niya."B-but why? Do I really need to trans—""Because I want to. I'm your Boss, and I guess I'm entitled to do what I wanted to do," anito sa medyo maawtoridad na tinig, saka pahalukipkip na sumandal sa swivel chair nito habang titig na titig sa kanya.Uh-oh, she felt like she was going to melt with that kind of stare. Naiilang na nagbawi siya nang tingin. She decided to gaze at the cup of coffee na medyo umuusok pa sa init."Gusto kong mas mapadali ang bawat trabaho, so I planned to transfer you here," pagpapatuloy nito. "You will occupy that table." Itinuro nito ang mesa malapit sa pintuan ng opisina.Sinundan niya iyon nang tingin. Doon lang niya napansing may mesa na pala sa parteng iyon. Hindi niya kasi iyon napagkaabalahang tingnan kanina dahil dere-deretso lang siyang pumasok.She noticed na halos kompleto na iyon ng gamit. May computer na roon na kakailanganin para sa pagtitipa ng mga dokumento. May file drawer na rin, pen stand, at kung anu-ano pang bagay na importante sa trabaho niya.Napabaling siya sa binata nang magsalita na naman ito."Ipapa-transfer ko mamaya kay Mang Domeng ang iba mo pang gamit sa labas. We don't need to use intercoms here dahil magkakarinigan naman tayo rito kung may kailangan ako sa `yo. For now, all you have to do is to get those files na naiwan ni Mama. Bring me the documents para mapag-aralan ko. And later, you somehow educate me with those..."Hindi na maintindihan ni Zalheia ang mga pinagsasasabi ni Morgan. Medyo nawawala na siya sa konsentrasyon habang nakatitig sa binata. Ewan ba niya, ngunit para siyang nahihipnotismo habang pinagmamasdan itong magsalita.His eyes were on her...staring, as well. Mata sa mata. And it somewhat penetrated onto the deepest core of her soul. Bumaba ang paningin niya sa matangos nitong ilong. Para iyong hinulma ng mahusay na iskultor. Pointed and perfect nose, indeed!Later, she caught him leaked his lower lip using the tip of his tongue. Doon natuon ang pansin niya. Morgan's lips were pink and thin. Tila ba napakasarap niyong halikan at napakasarap nitong humali—"Hey, Lheia! Are you still with me?" medyo may kalakasang tanong ng binata na ikinumpas pa ang dalawang palad sa harapan ng mukha niya.She felt her cheeks burnt in humiliation. For heaven's sake! What had she done? Para siyang tanga na nakanganga rito.---"HEY, LHEIA! Are you still with me?" Pinipigilan ni Morgan ang mapangiti habang ikinukumpas ang dalawang palad sa harapan ng maamong mukha ni Zalheia.He had seen her blushed, and clasped her slightly parted reddish lips. Sunod-sunod din itong napalunok at waring hindi alam ang sasabihin. Tila ito musmos na nahuli sa aktong gumagawa ng hindi maganda. Hindi ito makatingin nang deretso sa kanya.'How cute. So innocent,' amused niyang saad sa isipan habang nakahalukipkip pa ring tinititigan ang dalaga."A-ahm... Yes, Sir. I'm still with you," nauutal nitong sagot.He softly chuckled. Hindi na niya naitago pa ang ngiting kanina pa niya gustong ilabas. "So, what have I said?" pilyo niyang panghahamon."H-ha? Ahm, you—you said...that—that..."Tuluyan na siyang napahalakhak. Sabi na nga bang hindi ito nakikinig sa mga pinagsasasabi niya kanina, ‘coz he'd noticed she cast into that magic spell while glaring at him. Tila ito nabato-balani kanina habang nakatitig sa kanya."What's funny?" Zalheia grimaced habang nakakunot ang noo nitong nakatitig sa kanya."Hmm... Nothing. I just find it cute na kahit `huli ka na sa akto, eh, hindi ka pa rin umaamin," aniya na mas lalong napahagalpak nang tawa. He doesn't care at all kung marinig man iyon sa labas ng mga manggagawa. Basta't ang alam niya'y natutuwa siya nang mga sandaling iyon."Will you please stop laughi—""What can you say about my looks, Miss Molina?" He leaned forward. "Isn't it damn enticing? Hmm, Lheia, dear?" puno ng kapilyuhan niyang wika. He really loved teasing maidens na waring hindi alam ang gagawin at madaling magalit."You boastful creep!" pulang-pula ang mukhang bulyaw nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa inis, pagkapahiya o ano."Ops, is that the way how you treat your handsome Boss?" he questioned, emphasizing those two-word "handsome and Boss.""Is that the way how you treat your secretary?""Is that the way how a secretary stares at her Boss?""A-ahm... Is—is that...is that—""Okay, let's get back to business," he butted in giving her his mouth-watery smile na nagpanganga na naman sa dalaga. "Baka mapasukan na `yan ng langaw, ha?" tudyo niya rito.Naningkit ang mga mata nito. Sasagot pa sana ito subalit tumayo na siya sabay kuha ng kanyang attache case sa ibabaw ng mesa. "I have to go. I have a scheduled meeting today. I'll be right back this two PM. Be sure na okay na ang mga files and documents pagbalik ko, huh?"Zalheia answered with a curt nod without even giving him any word. Nakikita niyang parang bad trip pa rin ito sa mga pang-aasar niya.He peered at her closer, saka marahan niyang pinisil ang baba nito. "Cheer up, my beautiful secretary. Sige ka, papangit ka niyan."Inirapan siya nito. "To hell I care!"Natatawang napailing siya, saka naglakad palabas ng pribadong silid. He never thought na may pagka-brutal pala kung magsalita itong na-hire ng mama niya. It was amazing though, that behind Zalheia's beautiful and innocent face lies that frank and brusque woman from within. But he wasn’t disappointed about it, mas challenging pa nga, eh.'Challenging for what?' nangingiti niyang tanong sa sarili.He was about to open the door nang may sumagi na namang kapilyuhan sa isip niya. Napalingon siya sa dalagang masama pa rin ang titig sa kanya. "Bye, dear. I'm sure, you'll gonna miss me." Napahalakhak siya sabay kindat dito bago tuluyang lumabas.Hindi na niya nakita pa ang pamumula ng dalaga dahil sa pinaghalong inis, pagkapahiya at...kilig?---NANGINGITI pa rin si Morgan habang nasa daan at nagmamaneho. His thoughts were still preoccupied with what happened earlier between him and Zalheia. There was something on that woman, he, himself, couldn’t barely fathom. She was different, so unique and so special in her own way. Tama nga ang sinabi ng kanyang ina—na magugustuhan niya ang isang Zalheia Molina.Oo, aaminin niyang attracted siya rito nang una niya itong makita. He wanted to know her better, he wanted to get closer to her and befriend her.Napangiti siya. He knew that it will happen. Time will come na magiging close sila nito. Gagawin niya ang lahat makuha lang niya ang loob nito."Oh, freak! Red lights again," he impatiently blurted upon seeing the traffic lights turned red. He glanced at his Rolex wristwatch—it was fifteen minutes after ten. Ilang minuto na lang at mag-a-alas diyes `y medya na. Paniguradong mali-late siya for his first business deal kung palagi na lang siyang maaabutan ng stop light.Napabuga siya nang hangin, saka inis na kinuha sa compartment ng kotse ang kanyang cellphone. He would call his business colleague to inform na baka ma-late siya for a couple of minutes.He was about to browse for the contact number nang bigla siyang matigilan...at mayamaya'y napangiti. There he was, staring at the photo of Zalheia. Kuha iyon kanina habang nababato-balani itong nakatitig sa kanya. It was a stolen shot and Zalheia didn't even notice he took a picture of her on his phone. Agad niya iyong ginawang screen saver dahil naku-cute-an siya sa hitsura nito. She looked so childly-innocent, so virginal, so saintly.He scanned his thumb fingertip over Zalheia's image. She'd got a nice shape of nose. Hindi man iyon katangusan pero bagay na bagay iyon sa mala-Angelina Jolie nitong mga labi. Lheia also acquired the most perfect-shape face one could ever have. At ang mga mata nito ay napakaganda, napakapungay at napaka-inosente na binagayan ng makakapal at maaalon nitong mga pilik-mata.Humugot siya nang malalim na buntong-hininga. He'd seen that kind of eyes before, kaya't hinding-hindi niya iyon makakalimutan. That same kind of eyes na pag-aari ng dalagitang minahal niya noon—si Rebecca..."THESE are all the files na naiwan ni Mrs. Cordova. Diyan mo malalaman ang mga previous Statement of Accounts ng ating Merchants. If you wanted to know the status of our sales ay dito mo naman makikit—" Napahinto si Zalheia sa kaka-instruct kay Morgan nang mapansin niyang hindi naman ito nakikinig sa mga sinasabi niya, bagkus ay tila wala ito sa sariling titig na titig lang sa kanya.Kasalukuyan silang nakaupong magkatabi sa malambot na couch ng pribadong opisina nito. Pasado alas-dos na iyon nang hapon, and she was currently instructing Morgan of those important files and documents ng CGC. Hindi nga niya mawari kung bakit pa ito nagpapaturo sa kanya gayong kung tutuusin ay sigurado naman siyang alam na nito ang mga iyon—alam na nito ang mga pasikot-sikot sa malaking kompanya ng pamilya nito. Gagawin ba naman itong CEO kung ignorante ito sa pamamalakad ng kompanya? Tingin niya'y hindi. And besides, alam niyang ang binata din ang namamahala ng sister company ng CGC sa ibang
HULING sulyap sa malaking salamin na nasa loob ng kanyang kuwarto ang ginawa ni Zalheia nang katukin siya ni nanay Saida informing her na naroon na sa baba ng bahay nila si Morgan. Kinuha niya ang medyo may kalakihang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ni Charlotte. Kahapon ay bigla na lamang siyang naka-receive ng text message `galing kay Morgan informing her to prepare dahil may pupuntahan daw sila nang araw na iyon ng Sabado.Binalingan niya ang anak na nakadapa sa kama. Nilalaro-laro nito ang mumunting teddy bear na naroon. `Gaya niya ay ready na rin ito. Pinaliguan niya ito kanina at binihisan ng cute na cute na pink baby dress with matching baby shoes na pink din ang kulay. Nilagyan rin niya ng pink baby headband ang ulo nito na mas lalong nagpatingkad sa ka-cute-an nito."Hmm... Ang ganda-ganda naman ng anak ko at ang bango pa. Parang dalaga na," nanggigigil niyang saad at kinarga ito. Pinupog niya ito ng halik na siyang ikinahagikhik ng sanggol.
"WHAT?! You mean, Charlotte and I will spend the night here? Dito sa hacienda mo?" Zalheia blurted upon hearing what Morgan had just said. Pasado alas-singko na iyon ng hapon at ayon dito ay hindi sila makakauwi ng Maynila dahil na-flat-an di umano ang isang gulong ng Toyota Vios nito. Wala raw itong extra tire para ipangpalit doon.Tumango ang binata. "Yup, you heard me right, Lheia," parang wala lang na wika nito."Baka mag-alala sa amin si Nanay Sai—""We will call her to notify. What's the use of this gadget, anyway," anitong kinuha sa bulsa ng pantalon ang mamahaling cellphone nito, saka iniabot sa kanya.Tinitigan lamang niya iyon at hindi kinuha. "I-I don't have with me an extra dress. Ayokong matulog na ganito ang suot ko," she said, then peered at herself wearing plain denim jeans and pink shirt. Hindi siya sanay na matulog sa ganoong ayos, and besides ay amoy-araw na rin ang damit niyang iyon. "Kaya uuwi na lang kami ni Charlotte at magh
NAGPALIPAT-LIPAT ang titig ni Zalheia sa dalawang imahe ng lalaki sa portrait na nakasabit sa malaking sala ng villa nina Morgan. Hindi niya iyon napagtuunan nang pansin kanina dahil abala sila sa pamamasyal sa lugar na sakop ng Hacienda de Cordova. Akala niya ay mga larawan lamang iyon ni Morgan. But as she was intently looking at it now ay doon lamang niya napagtantong dalawang tao pala iyon at hindi lamang iisa."Magkamukhang-magkamukha sila, `no?"Muntik na siyang mapatalon sa kinatatayuan nang gambalain siya ng tinig na iyon ni Aling Pacing. "S-sino ho `yong isang lalaki diyan, Manang?""Siya si Michael. Ang kambal ni Morgan.""Ho?!" gulat niyang bulalas na napabaling sa matanda. "May kambal po pala si Morgan?" Ang buong akala niya ay nag-iisang anak lamang ito nina Mister Regidor at Misis Lorena.Tumango si Aling Pacing. "Oo, may kambal si Morgan. Pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali ng kakambal niya," anito."Ano ho'ng i
PAKANTA-KANTANG lumabas si Zalheia sa pribadong opisina ni Morgan. Inutusan siya nitong kunin sa Accounting Department ang ilang papeles na kakailanganin nito para sa pag-approve ng next project ng kanilang valued merchant.It was almost one month nang panliligaw ng binata sa kanya, at sa loob ng isang buwang iyon ay masasabi niyang seryoso ito at talaga namang determinadong pasagutin siya. Hatid-sundo pa rin siya nito. Minsan ay lumalabas sila para mag-date. Bumibisita rin ito sa kanila ni Charlotte at close na ito sa kanyang 'anak'.Napangiti siya, saka akmang liliko na sana papuntang accounting room nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Awtomatiko siyang napalingon. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya nang mapagtantong si Misis Cordova iyon. Nakatayo ito sa malawak na lounge ng kompanya.Agad niya itong nilapitan at binati. Nakipagbeso-beso siya sa mabait na biyuda. "Napasyal ho kayo, Ma'am?" nakangiti niyang tanong."Oo, may pinuntah
KASALUKUYANG nasa supermarket ng isang sikat na mall si Zalheia at namimili ng mga instant foods, gamit sa bahay, gatas at diaper ni Charlotte, at kung anu-ano pang bagay na mahalaga para sa pang-araw-araw na pamumuhay. She was with Morgan, ngunit saglit itong nagpaalam na pupunta muna ng comfort room."Tama na siguro `to," kausap niya sa sarili nang makitang halos mapuno na ng kanyang mga pinamili ang push cart na ginamit.Pupunta na sana siya sa counter para magbayad nang maalalang nagpapabili pala ng gulay si nanay Saida. Plano raw kasi nitong magluto ng chop suey. Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nakakatikim n'on.She went to the Fruits and Vegetables Section. Kinuha niya ang mga gulay na kakailanganin para sa pagluto ng chop suey. May kaunti pa silang natitirang karne sa bahay kaya napagpasyahan niyang gulay na lang muna ang bilhin.'Makabili na nga rin ng prutas.' kausap niya sa sarili nang maalalang wala na pala silang prutas sa bahay
KANINA pa nagpapalakad-lakad nang paroo't parito si Zalheia sa ospital na kinaroroonan niya. Namumuroblema siya kung saan kukuha ng dugo na isasalin kay Charlotte. Nasa ospital na `yon ang 'anak' niya at naka-confine. Mag-iisang linggo na kasing nagpapabalik-balik ang lagnat nito hanggang sa napag-alaman nilang may dengue ito. Kailangan na nitong masalinan ng dugo kaya't ang pinuproblema niya ay kung saan siya kukuha niyon. Type AB kasi si Charlotte at bihira lang ang taong may dugong gan'on.Nagpa-examine na siya ng kanyang dugo, but sad to say ay hindi match ang mga dugo nila. Kahit si nanay Saida ay nag-volunteer na rin pero iba rin ang blood type nito kay Charlotte.Maluha-luha na siya nang mga sandaling iyon habang tila wala sa sariling nagpapabalik-balik sa paglalakad nang paroo't parito. Hindi niya alam ang gagawin sa oras na may mangyaring masama sa 'anak' niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili dahil naging kulang ang ginawa niyang pag-iingat para rito.
"MARIA Rebecca Molina?"Zalheia heard that familiar voice from her back. Napalingon siya and had found out that it was Mrs. Cordova. Nakatutok ang mga mata nito sa lapida ni Rebecca, saka tumitig ito sa kaniya. Nasa mukha nito ang pinaghalong ekspresiyon—naroon ang pagkabigla, pagtataka at matinding katanungan."She's my sister, Tita. My younger sister," pagpapaliwanag niya.Again, there was a sudden shock on Mrs. Cordova's face upon hearing what she said, saka sunod-sunod itong umiling. "S-she was the teen-aged girl na kinahumalingan noon ng mga anak ko," wika nitong tumingin sa kaniya. Tinabihan siya nito.She froze. Siya naman ang nagulat sa sinabi nito. Kunot-noong napatitig siya sa biyudang Ginang. She wasn't surprised kung nahumaling man si Morgan sa kapatid niya sapagkat alam na niya iyon. What striked her most was the revelation na pati pa pala ang kakambal nitong si Michael ay nagkaroon ng koneksiyon sa kapatid niya."S-she was t