Share

CHAPTER SIX

"WHAT?! You mean, Charlotte and I will spend the night here? Dito sa hacienda mo?" Zalheia blurted upon hearing what Morgan had just said. Pasado alas-singko na iyon ng hapon at ayon dito ay hindi sila makakauwi ng Maynila dahil na-flat-an di umano ang isang gulong ng Toyota Vios nito. Wala raw itong extra tire para ipangpalit doon.

Tumango ang binata. "Yup, you heard me right, Lheia," parang wala lang na wika nito.

"Baka mag-alala sa amin si Nanay Sai—"

"We will call her to notify. What's the use of this gadget, anyway," anitong kinuha sa bulsa ng pantalon ang mamahaling cellphone nito, saka iniabot sa kanya.

Tinitigan lamang niya iyon at hindi kinuha. "I-I don't have with me an extra dress. Ayokong matulog na ganito ang suot ko," she said, then peered at herself wearing plain denim jeans and pink shirt. Hindi siya sanay na matulog sa ganoong ayos, and besides ay amoy-araw na rin ang damit niyang iyon. "Kaya uuwi na lang kami ni Charlotte at maghahanap ng masasak—"

"Walang ibang means of transportation dito, Lheia," agaw nito, saka ibinalik sa bulsa nito ang cellphone. "This place is a private property for us Cordova clan. Kailangan mo munang magpunta sa bayan para makahanap ng bus pa-Manila. Malayo-layo pa ang bayan dito, hindi mo kakayaning lakarin iyon...and besides, it’s getting dark," litanya ng binata. Humalukipkip ito, at sumandig sa pader ng kinaroroonan nilang kuwarto. His eyes were fixed on her, kaya't hayun na naman ang kakaibang pakiramdam niya sa tuwing tititigan siya nito.

"Ahm... K-kasi—"

"Kung ang pino-problema mo ay ang damit mo. Don't worry, nandiyan naman si Aling Pacing, ihihiram kita ng duster sa kanya," anito na ang tinutukoy ay ang matandang katiwala ng naturang hacienda.

"D-duster?!" nanlaki ang mga matang bulalas niya.

"Oo, bakit?"

"Ah... W-wala naman," tugon niyang umiling. Honestly, she couldn't imagine herself wearing a duster. Oo, siya na ang maarte kung patungkol sa mga damit ang pag-uusapan. Hindi naman siya ganoon ka-fashionista na `tulad ng artistang si Anne Curtis, pero hindi naman siya old-fashion para magsuot ng duster na para sa kanya ay pang-matanda lang. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? Ayaw naman niyang matulog nang naka-jeans dahil hindi siya komportable sa ganoong ayos.

"So, what's your decision?" mayamaya'y untag ni Morgan sa pananahimik niya. Lumagpas ang paningin nito sa kanya at napatutok iyon sa kama.

Napalingon siya, only to find out na gising na pala si Charlotte. Kain-tulog-gising lang kasi ang ginawa nito buong maghapon. Oh, well, what more would she expect? That's the life of a baby ‘cause they have no problems to carry.

Agad niyang nilapitan ang anak at tinabihan ito sa pagkakahiga. Tumagilid siya rito, then she kissed Charlotte on the cheek. "Good morning again, baby," aniyang napangiti sa sariling sinabi. Palagi kasing "good morning" ang sinasabi niya every time na nagigising ito sa kahit na anong oras. Saka napatingin siya kay Morgan who was glaring at them. There was fondness on his stares. "Oo, dito na kami matutulog ni baby...at ihiram mo na rin ako ng duster kay Aling Pacing," natatawa niyang dugtong, saka binalingan na naman si Charlotte. Nilaro-laro niya ang sanggol na siyang ikinahagikhik nito.

"Siguro `paglaki ni Charlotte ay magiging Mama's girl `yan. Ngayon pa lang kasi ay ini-i-spoil mo na. Halatang close na close kayo," komento ni Morgan. Hindi niya namalayang nakaupo na pala ito sa gilid ng kama at waring aliw na aliw na pinagmamasdan sila.

She just simply smiled at him and continued playing with Charlotte.

"Can I ask you something, Lheia?" mayamaya'y tanong nito.

"What is it?" she asked back without giving him any look. She was still busy with her baby.

"Paano kapag bumalik ang ama ni Charlotte, tatanggapin mo pa ba siya?" deretsong tanong nito.

Napatigil siya bigla sa kakalaro sa anak. She, then, gazed at Morgan who was seriously staring at her. His eyes were obviously waiting for an answer—a true and honest answer.

'Paano pa siya babalik? Eh, nandito na nga siya sa harapan ko at nakatitig sa akin,' anang isip niya. Iyon sana ang gusto niyang sabihin ngunit nagpigil lamang siya.

"I-I don't know. Baka hindi na. Isinuka na niya kami ng anak niya, so I guess, there's no reason for me to accept him," she tried to put conviction on her voice para magmukha siyang kapani-paniwala. Though, at some point, she considered it as a statement in behalf of her little sister Rebecca.

"But he is still the father of your child," hirit nito.

"Marahil nga ay siya ang ama ng anak ko. But I guess, I deserve someone better, someone who will never leave and turn his back on me, someone who's responsible enough to accept Charlotte as his own and besides...I don't love him anymore," she stiffly said na tila ba nagsasalita siya sa ganang kanya.

Nakita niyang dahan-dahang nagliwanag ang mukha ng binata at tuluyan na itong ngumiti. "May pag-asa pa pala ako nito," he murmured.

"Ano? What were you saying?" she asked. Hindi kasi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil pabulong lamang iyon.

Morgan widely smiled, at pabigla rin itong nahiga sa kama. Charlotte was in between them. Sa unang tingin ay mapagkakamalan talaga silang isang tunay at masayang pamilya. "Never mind what I've said. You will know it sooner," sagot nitong kinindatan pa siya.

Halos magsumirko naman ang puso niya sa hindi malamang dahilan. Kinikilig ba siya?

"If I were that man, I won't leave you. And if I were Charlotte's father, I promise not to leave her," Morgan seriously said habang nagpapalipat-lipat ang titig nito sa kanilang dalawa ng bata.

Wala sa oras na napawi ang nadarama na sana niyang kilig kanina `pagkarinig ng sinabi nito. Mukha nga yatang magaling magdrama itong si Cordova. Artistahin, ika nga. Iniwan na nga, may gana pang magsalita ng ganoon.

'Tell that to the marines, Cordova!' sigaw ng isip niya habang nakatitig sa binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status