Share

Vengeance of Love
Vengeance of Love
Author: Heaven Abby

PROLOGUE

"BECKY, please hold on. Malapit na tayo sa delivery room," natatarantang saad ni Zalheia sa nakababata niyang kapatid na manganganak na. Nakahiga ito sa stretcher na pinagtutulungang itulak ng mga nurse attendant ng naturang ospital. Maputlang-putla ito at tagaktak ng pawis dahil sa iniindang kirot ng tiyan. Halos magkalat na rin ang dugong malayang umaagos mula sa p*****a nito.

Nakikita niyang hinang-hina na ang kapatid. Kung kanina ay panay ang sigaw nito sa sakit, ngayon ay halos hindi na ito tuminag sa kinahihigaan.

"Please hold on, Becky. Magpakatatag ka," muli ay wika niya habang gagap ang nanlalamig na palad nito. "Kailangan mong ilabas nang maayos ang anak mo. Kailangan niyong maging okay pareho," aniyang nagsisimula nang kabahan para sa maaaring kahinatnan ng kapatid. She was afraid na baka hindi makayanan ni Rebecca ang komplikasyon na dulot ng panganganak. Paano kung may mangyaring masama rito? Paano kung mamatay ang sanggol sa sinapupunan nito? And worst is, paano kung mismong kapatid niya ang—

"Here we are at the delivery room."

Naudlot ang samu't-saring alalahanin niya sa tinig na iyon ng babaeng nurse. Agad niyang binitiwan ang nanlalamig na palad ng kapatid para tuluyan na itong ipasok sa loob ng silid-panganakan.

"Zalheia, anak," narinig niya ang mahinang pagtawag ng nanay Saida niya kasabay ng mabining paghawak nito sa braso niya.

Nilingon niya ang butihing matanda. `Tulad niya ay makikita rin sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Umupo muna tayo sa silyang `yon," ani pa nito sabay turo sa upuan sa gilid ng hospital corridor.

Marahan na lamang siyang tumango at nagpatianod dito.

Nanay Saida had been their guardian magmula nang mamatay sa sunog ang mga magulang nila ni Rebecca. She was just thirteen years old then, while Rebecca was just seven. Hindi sila napasama nang matupok ng apoy ang mumunting bahay nila dahil nasa birthday party sila noon ng kanilang kaibigan na ilang kilometro lang ang layo sa tinitirhan nila.

Nagulat na lamang sila noon nang sunduin sila ni nanay Saida habang ibinabalita ang nangyayaring trahedya. Nang eksaktong marating na nila ang kanilang tirahan ay natupok na iyon ng apoy at napasama din ang tirahan ng kapitbahay nila. Ganoon kabilis ang pagsiklab ng apoy. Ganoon kabilis ang mga pangyayaring nagpabago ng kanilang buhay.

That was the most painful part of their lives. Grabeng luha ang ibinuhos niya noon `cause she never had thought na sa murang edad nila ay mauulila na sila. `Buti na lang at nandiyan si nanay Saida, kaibigang matalik ito ng kanilang tunay na ina. Ito ang kumupkop sa kanilang magkapatid. Palibhasa ay wala na silang ibang kamag-anak, at ito naman ay walang sariling pamilya. Likas na rin dito ang pagiging matulungin.

Somehow, their nanay Saida was like an angel sent by God above. Pinag-aral sila nito hanggang sa siya ay makapagtapos ng kursong Administrasyon. Agad siyang naghanap ng trabaho para makatulong at kahit papaano'y siya na ang magpa-aral kay Rebecca.

At the age of twenty ay nagta-trabaho na siya sa isang `di kalakihang kompanya sa Mandaluyong. Makalipas ang dalawang taon ay napagpasyahan niyang mangibang bansa para mas makapag-ipon. She badly needed more money that time dahil si Rebecca ay magku-kolehiyo na.

Everything went well during the first-two years of her work at Singapore bilang office staff. Hindi niya nakakaligtaang magpadala ng mga panggastos at pangmatrikula ng kanyang kapatid. Palagi rin sila nitong nag-uusap at masayang ikinukuwento nito ang tungkol sa pag-aaral. She was glad upon knowing na malalaki ang nakukuha nitong marka sa eskuwela. Rebecca was indeed clever that it made her sister dean's lister at school. And for that, she was absolutely proud of her younger sister. Naisip niyang hindi sayang ang pagod niya.

Subalit nang nasa ika-apat na taon na ito sa kolehiyo ay bihira na lamang sila nitong mag-usap. Palaging off ang cellphone nito kapag tinatawagan niya, at kapag nagkaka-uusap naman sila ay palagi itong nagmamadali na waring may importanteng gagawin. She just ignored those weird actions of her younger sister sa pag-aakalang busy lang ito sa eskuwela. That wasn't surprising though, kasi malapit na itong makapagtapos.

Ngunit isang araw ay bigla na lamang siyang nagulantang nang makatanggap ng tawag mula sa nanay Saida nila, telling her the real condition of Rebecca—her sister was pregnant!

Dali-dali siya noong umuwi sa Pilipinas. It was easy for her to get back to the Philippines sapagkat patapos na noon ang kontrata niya. She planned not to renew her contract nang malaman ang kalagayan ng kapatid.

She was ragingly furious nang komprontahin niya ito. Iyak lang nang iyak noon si Rebecca at waring sising-sisi sa kamaliang nagawa. Ang buong akala daw kasi nito ay pananagutan ito ng lalaking nakabuntis dito subalit nagkamali ito.

She tried to ask her sister who the man was. Ilang ulit na pinilit niya itong magtapat, but Rebecca kept silent and didn't divulge the name and personality of that man to blame. Kahit ang nanay Saida nila ay walang kaalam-alam. Masyado kasing ma-sekreto si Rebecca when it comes to love and relationship.

"Sino rito ang kamag-anak ng buntis?"

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang tinig na iyon ng doktor. Sabay silang napatayo ni nanay Saida. "A-ako po. Kapatid niya ako."

"You need to sign a waver," the doctor sympathetically uttered. "Kailangang i-cesarian ang kapatid mo. Nanghihina na siya at maraming dugo na ang nawala sa kanya. She could no longer endure the pain of normal delivery. We've seen complications sa pagbubuntis niya. We are afraid na kailangan naming may isalba isa sa kanila ng bat—"

"Save my sister then!" she firmly butted in. She needed her sister the most. Hindi niya yata kakayaning mawala ang kaisa-isa na lang na taong kadugo niya.

"We will try," tugon ng doktor saka sila nito iniwan.

"Goddamn! Don't just try, do it!" hindi niya napigilang tumaas ang boses habang napapasabunot nang marahan sa sariling buhok. She's becoming hysterical nang mga sandaling iyon.

"Anak, manalangin tayo sa Kanya," her nanay Saida tenderly whispered sabay gagap ng palad niya.

Napatingin siya sa butihing matanda. "`Nay, I want my sister live. I'm afraid I'd loose her," mangiyak-ngiyak niyang turan sabay yakap dito.

---

"TAYO na, Lheia. Umuwi na tayo. Mukhang papaambon na," pukaw ng nanay Saida ni Zalheia sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa puntod ni Rebecca. Oo, nailibing na ang kapatid niya. Hindi nito nakayanan ang komplikasyon na dulot ng panganganak. The doctor said, they've tried their best to save the life of the mother, ngunit sadya yatang gusto ni Rebecca na ang sanggol sa sinapupunan nito ang mabuhay. That might be a motherly instinct and love that had caused Rebecca to choose the life of her daughter to live.

"Mauna na lang po kayo, `Nay," mahina niyang saad habang nakayuko sa puntod ng kapatid. Kanina pa nagsi-alisan ang mga taong nakilibing. Sila na lamang dalawa ni nanay Saida ang naroon. Samantalang ang anak naman ni Rebecca ay iniwan lang muna nila sa mapagkakatiwalaan nilang kapitbahay.

"Hindi kita puwedeng iwan ditong mag-isa, Lheia. Hihintayin kita," anito.

Hindi na lamang siya umimik. Tahimik lamang siya at tulalang nakatitig sa lapida ni Rebecca. Who would have thought na sa edad nitong beynte anyos ay mawawala na ito? Napakabata pa nito para kunin ni Kamatayan. Marami ang mga pagkakataong nasayang. Ga-graduate na sana ito at makapagta-trabaho, but everything was ruined. Ruined by that dumbass irresponsible man na iniwan ang kapatid niya pagkatapos na makuha ang gusto nito.

 

She felt a sudden vast of anger piercing into her whole being. Kung may dapat na sisihin sa sinapit ng kapatid niya, iyon ay walang iba kundi ang manlolokong lalaking iyon!

'You will pay for this, evil man! I will make your life a living hell!' said the back of her vengeful mind with gritted teeth. Gagawin niya ang lahat makilala lang ang katauhan ng lalaking gumawa niyon sa nag-iisa niyang kapatid!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status