Share

11

Author: bulakeny4.
last update Last Updated: 2021-12-07 20:23:29

[Chapter 11]

4 years later...

"Good morning, Alva!" Irene screamed when she saw me walking towards her direction.

"Shh! Baka mapagalitan tayo!" ani ko sa kaniya sabay tawa ng marahan.

"Dedma 'yang mga 'yan! Palibhasa wala silang kaibigan!" bwelta pa niya sabay tawa ng malakas, kaya pinagtitinginan kami ng ibang tao.

Wala akong ginawa kundi tumawa na lang dahil hindi ko talaga siya mapipigilan. Hinaplos ko ang buhok ko at kahit walang salamin, ay patuloy ko pa rin itong inaayos. Inilalagay ko ang mga nahulog na hibla ng buhok sa likod ng tainga.

"Girl, maganda ka na, baka maoverqualified ka at matalo mo na si Medusa!" bulong niya sa akin habang papasok kami sa elevator.

"Irene! Ang aga-aga! Isave mo 'yang pagiging m*****a mo mamaya!" sagot ko sa kaniya dahil alas-otso pa lang ng umaga ang ingay-ingay na niya, napailing na lang ako habang napapangiti.

Irene is my workmate, sabay kaming pumasok sa kompanya ni Daddy, years pagkatapos kong grumaduate. Sabay din kaming grumaduate ni Irene nung college, galing nga lang siya ng Westwood. Kahit sarili naming kompanya ito ay talagang nakipagsapalaran pa rin ako para makapasok, dahil mataas talaga ang standards dito. I even got interviewed in other companies, and I spent the years there, for me to gained experience and to work on this well-known company. My Dad insist that I should work there, easy as that, but I refuse. Mas gusto kong gumalaw sa sarili kong mga paa, kaya hindi muna ako pumasok sa kompanya namin, at pumasok ako sa iba.

Nasa 3rd floor pa lang kami ng biglang dumami ang tao, kaya mabilis kaming napausod ni Irene sa gilid. Nakita kong pumasok ang manager ng department namin, na tinatawag ni Irene na Medusa, si Vanity. Kung tutuusin ay kasing edad lang namin siya, pero mabilis siyang napromote dahil talagang magaling siya.

"Ang agang mag-inarte." bulong ni Irene para manlaki ang mga mata ko, saka sinenyasan siya na 'wag maingay dahil baka marinig kami.

"Irene!" bulong ko sa kaniya.

"Bakit ka matatakot kay Medusa? Kung tutuusin nga mas may karapatan ka dahil Daddy mo ang may-ari nito! Kaloka ka!" ani pa niya sa akin sabay lingkis ng braso niya sa braso ko.

Nakarating na kami sa 5th floor, ang floor ng department namin. Maraming employees dito kaya ang karamihan ng nakasabay namin sa elevator ay bumaba na rin. Nagsalubong naman kaagad ang kilay ni Irene ng lumabas na si Vanity sa elevator, kaya lumabas na rin kami.

Naglakad kami papuntang cubicle namin, mabilis niyang binuksan ang computer niya kaya ganoon na lang din ang ginawa ko. Inayos ko na rin ang gamit ko at bumuntong-hininga. Mas masarap talaga mag-aral kaysa magtrabaho, minsan nga ay gusto ko ng sumuko, pero ng tignan ko ang picture namin ni Joaquin, ito iyong litratong si Lia ang kumuha noong nasa Boracay kami.

Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit, ng mahapyawan ng mata ko ang picture namin ni Lia, sa susunod na araw ay graduation na niya ng elementary. Hindi lubos ko maisip na malaki na siya, at magha-high school na.

"Anong lunch natin mamaya?" tanong niya sa akin, I scoffed.

"Kapapasok pa lang natin, Rene! Pagkain na kaagad ang iniisip mo! Hindi ka ba nag-almusal?" tanong ko sa kaniya.

Nagngiting aso naman siya, kahit may kapayatan si Irene ay talagang malakas siyang kumain. Naalala ko dati, ay siya pa ang umubos ng pagkain ko dahil suko na talaga ako.

"Nag-almusal, nagugutom lang talaga ako." sabi pa niya sa akin para mapatawa ako ng marahan.

"E 'di kung ano ang mahahagilap natin mamaya sa food court, 'yon ang kakainin natin." paliwanag ko sa kaniya at sumenyas na magsimula na kami sa trabaho.

"Kumusta naman kayo ni boylet mo?" tanong niya sa akin ng hindi tumitingin.

"Ayos lang, wala namang bago, limang taon na rin kaming magkasama." sagot ko sa kaniya ng hindi rin tumitingin.

"'Yong akin kasi, nagsawa na siguro sa akin kasi kain ako ng kain, kaya nakipagbreak sa akin." saad niya sabay tawa ng marahan. "Ilang taon din kami ah, simula nung naging 2nd year college kami ay may label na kami." pagyayabang pa niya.

"Wow naman, sana all po." biro ko pabalik at tumawa.

"Kayo ba? Kailan?" tanong niya para mapalingon ako sa kaniya.

"3rd year, crush ko siya noong high school kami, 'di ko ba nabanggit sa'yo?" paninigurado ko, at mabilis siyang umiling.

"Hindi, kasi tahimik ka, 'di ka man lang magkwento tungkol sa lovelife mo kapag nagge-get together tayong magkakatrabaho." litana niya sa akin.

"Oo nga Alva, lagi kang tahimik, noong una nga akala ko pipi ka eh." biro ni Lester, katabi ko sa cubicle.

"Ayaw niya lang magkwento dahil 'yong boyfie niya, isang Engineer!" tawa ni Gina, nasa harapan ko.

"Oo, Engineer siya, tahimik lang talaga ako tungkol sa lovelife ko, kasi gusto ko, lowkey lang." ngiti ko sa kanila, kaya napangiti namang silang tatlo.

"Lowkey pero halos lahat ng katrabaho mo rito alam na may boyfriend kang Engineer! Ayos ah!" reklamo pa ni Gina at tumawa.

"Si President! Papunta rito!" sigaw naman ni Dan, isa sa mga katrabaho ko.

Mabilis naming inayos ang sarili namin, saka isa-isang tumayo, dahil babatiin namin ang President, si Daddy. Ng makita ko ang mga kasama ni Daddy, at kaagad akong umayos ng tindig ng sumilip siya sa glass door ng department namin. Napatigil pa siya at marahang ngumiti sa akin para mapatingin ang iba kong kasama sa akin.

"Good morning," saad niya at ngumiti.

"Good morning po, President!" sabay-sabay naming sabi.

"Miss Vanity Lerona, pinatatawag ka ni Vice President." tawag sa kaniya ng isa sa mga kasama ni Daddy.

Mabilis namang naglakad si Vanity palabas ng pintuan, para kausapin ang tumawag sa kaniya. Sumenyas ang President na pwede na kaming maupo kaya ganoon ang ginawa namin.

"Napapadalas ang pagtawag ng Vice Pres kay Vanity ah, ano kayang meron?" tanong ni Irene kaya nagkibit-balikat na lang ako.

"Baka may something." sagot naman ni Gina.

"Si Gina, kung ano-ano iniisip, trabaho lang 'yan panigurado." sagot naman ni Lester.

"Hoy! Ikaw kaya ang kung ano-ano iniisip!" reklamo nito para mapangisi si Lester.

Wala kaming nagawa ni Irene kundi tumawa na lang dahil sa asaran ng dalawa.

"Anong kakainin natin, Alva?" tanong sa akin ni Irene, lunchbreak na at nasa food court kami ngayon.

"Ikaw bahala, halos lahat naman yata ng ulam diyan e', natatakam ka." pagbibiro ko sa kaniya.

"Sige, ikaw magbabayad ha?" tanong niya para manlaki ang mata ko sa gulat.

"Pass, may bayaran ako ngayon, next time na lang." ngiti ko sa kaniya, she pouted like a kid.

"Fine, sa susunod ha! Ako na lang ang manlilibre sa'yo para may reason ka para ilibre ako sa susunod." ngisi niya sa akin sabay kuha ng order ko, kahit labag sa loob ko ay sumang-ayon na lang din ako.

Sabay-sabay kaming kumain nila Irene, Lester at Gina. Sa mag-iisang taon ko rito, ay nakahanap kaagad ako ng mga taong makakasama ko. Si Irene ay mag-iisang taon na rin kagaya ko, habang si Lester at Gina naman ay tatlong taon na.

"Hindi ko nga alam eh, mas matanda naman ako kay Vanity, hindi man lang ako napromote." reklamo ni Gina sabay subo ng pagkain.

"Mas matagal kasi siya sa'yo, wala namang nagsisimula kaagad sa manager Gina, ano ka ba, sadyang magaling lang siya kaya ganoon." litana ni Lester sa kaniya sabay inom ng tubig.

"Duh, baka sadyang may koneksyon lang siya, bakit? Sa ilang taon ba natin siyang nakatrabaho anong nagawa niyang ikagagaling niya? Wala!" reklamo pa ni Gina sabay mahinang ibinagsak ang kutsara.

"Basta Gina, dadaan ka rin sa ganiyan, at mapropromote ka rin." ngiti sa kaniya ni kuya Lester.

"Oo nga Gina, 'wag kang mag-alala." sagot naman ni Irene sa kaniya sabay ngiti ng marahan.

Kahit mas matanda si Gina at Lester sa amin, ay sila na ang nagsabi na huwag namin silang tatawagin na ate at kuya, dahil hindi raw sila sanay. Kung tutuusin ay pareho silang mukhang bata, kaya hindi mo mapagkakamalan na mas matanda sila sa'yo.

"Ikaw Alva? Bakit ayaw mong magpapromote sa Daddy mo? Tutal kayo rin naman ang may-ari ng kompanyang ito." sabi sa akin ni Gina.

Nag-angat muna ako ng tingin bago ko lunukin ang kinakain ko.

"Uh, hindi, m-magiging unfair sa inyo 'yon, pare-pareho lang tayong nagtratrabaho rito, kahit anak ako ng President, 'wag niyo kong bigyan ng special treatment, gusto kong magtrabaho para sa sarili ko." saad ko at pinaglaruan ang kanin. "Dadating din naman tayo sa mga promote-promote na 'yan, mas maganda ng pinaghirapan mo ang isang bagay. Para fair sa ibang tao rito sa kompanya na nagagawa pang mag-overtime." paliwanag ko sa kanila at pare-pareho naman silang napatango sa sinabi ko.

"'Yan ang magandang mindset." ngiti sa akin ni Lester kaya napangiti na rin ako.

"Sana lahat ganiyan ang iniisip, 'yong iba kasi, s****p." tawa ni ate Gina at nag-apir pa sila ni Irene para matawa kaming lahat.

"Joaquin, you home?" tawag ko sa kaniya pagpasok ko pa lang ng unit namin, patay ang ilaw kaya mabilis ko iyong binuksan.

Napansin kong nakakalat ang boots niya na ginagamit sa trabaho, nandoon din ang bag niya sa sofa kaya napag-alaman ko talagang nasa bahay na siya. Wala namang pasok bukas kaya maaasikaso ko siya.

Hindi ko pa natatanggal ang sapatos ko ay mabilis kong inayos ang sapatos niya sa lagayan. Pumunta pa ako sa kusina para ibaba ang binili kong pagkain, dahil minsan kapag gabi, ay hindi na kami nakakapagluto.

Ibinaba ko rin ang bag ko sa may sofa katabi ng bag niya at mabilis na naglakad papasok sa kwarto. Balak ko na sanang buksan ang ilaw ng makita ko siyang nakadapa sa higaan namin, hindi pa nakakapagbihis. Napabuntong-hininga na lang ako dahil pareho kaming pagod galing sa trabaho, pero walang mangyayari sa amin kapag pareho kamint hindi gumawa ng paraan.

"Joaquin..." gising ko sa kaniya. "Maglinis ka muna ng katawan tapos kumain tayo--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinatak para mapahiga na rin ako sa kama namin.

"Hmm? Anong ulam?" bulong niya sa akin sabay yakap ng mahigpit. "Ikaw?" tanong niya sa akin para lang mahampas ko siya sa braso.

"Ang bastos! Pagod lang 'yan!" narinig ko pa siyang napatawa ng marahan dahil sa sinabi ko, tinanggal ko ang braso niya sa akin, saka napaupo.

"Madudumihan ang higaan! Ikaw talaga! Nakasapatos pa ako oh!" reklamo ko at napatayo na, saka hinatak siya patayo na rin para maligo. "Maligo ka na, kumain na tayo." paalala ko sa kaniya.

Napilit ko naman siyang tumayo, mukhang inaantok na talaga siya, pero wala siyang magagawa dahil amoy pawis siya, at galing sa trabaho. Pero ang pawis niya, pwede mong gawing pabango! Dahil mabango pa rin siya kahit pagod!

Tinanggal ko ang sapatos ko at inilagay sa lagayan, hindi ko na inintindi ang itsura ko dahil may kailangan kong unahin ang pagkain namin. Nataranta pa ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto, dahil tapos na kaagad siyang maligo ng ganoon lang! Hindi ko na rin inabalang magpalit ng damit, alam ko sa sarili kong gutom na siya at siya ang mas pagod sa aming dalawa.

Naamoy ko kaagad ang bango niya kaya mabilis akong tumayo sa gilid ng lamesa, saka pinagpagan ang damit ko.

"What's with the rush?" tanong niya at biglang napaupo sa harapan ko.

"Uh, wala naman, alam ko kasing mas pagod ka sa'kin, at siguro hindi mo na ring inabalang kumain, kaya pinaghain na kita." sabi ko sa kaniya sabay upo sa upuang nasa tapat niya.

"Dapat ay naligo ka na, dalawa lang naman tayo, ako na dapat ang naghain." sagot niya sabay ngiti sa akin, napangiti naman ako ng marahan.

"Wala 'to, kumain na tayo at magpahinga, wala naman akong pasok bukas, ipagluluto kita ng ulam, ano bang gusto mo?" tanong ko sabay subo ng binili kong pagkain na fried chicken, dahil ito na lang ang available sa oras na ito.

"Hmm, siguro, sinampalukan, tuwing linggo lang naman tayo nagkakasama e', magluto ka lang ng magluto bukas." biro niya sabay tawa ng marahan.

"Sige, buong araw sinampalukan?" biro ko sa kaniya.

"Ew, that's gross! Dapat ibang putahe naman sa gabi," ngisi niya ng nakakaloko sa'kin. "Pwede sigurong... Ikaw?" tanong niya para lang mapasamid ako.

"Dugyot talaga! Igalang mo ang pagkain Engineer Salvador!" reklamo ko sabay irap sa kaniya. I heard him laugh at his own joke.

"I love you." ani niya para lang mapatitig ako sa kaniya at mapangiti.

"I love you, too." sagot ko at ngumiti sa kaniya pabalik. "Kumain na tayo."

We spend the day at our unit, magkasabay kaming namili dahil ang gusto niya talaga ay sinampalukan. Sinama ko siyang sa palengke, at good thing, tinuruan ako ni Manang Kristy kung paano pumili ng karne at gulay.

Kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang tindera, napapatawa ako na naiinis dahil parang sa isang iglap lang ay kakainin na nila ang boyfriend kong pati ang bayong na dala ay pumopogi! Napapatikhim na lang ako kapag tinitignan siya ng ibang tindera.

"Ate, magkano po sa sitaw?" tanong ko sa babae, nagdalawang tingin pa ako dahil nakatitig siya kay Joaquin.

"Sampu po, isang tali." sagot niya sa akin ng hindi tumitingin.

Iginugol ko lang yata ang umaga ko na puro inis dahil mas mukhang gusto pa nilang pagbentahan ang boyfriend ko kesa sa akin! May isang bese pa nga aysi Joaquin ang tinanong nung tindera imbis na ako! Kaasar!

"Love, sa'yo lang naman ako, 'wag ka ng magalit diyan," ani niya sa akin habang bitbit ang bayong, pabalik na kami ng unit.

Nagmake-face lang ako para akbayan niya ako, he landed a kiss on my forehead, kahit papaano ay natuwa ako, pero nanaig pa rin ang inis sa akin.

"Ako 'yong bumibili pero ikaw ang pinagbebentahan! Ano klaseng tindera sila? Bulag ba sila?" reklamo ko habang isinususi ang pinto ng unit namin, pagkabukas ko ay natigil ako sa pagtalak, nakita ko namang ibinaba niya ang pinamili namin saka inilabas ang plastik na may lamang manok.

Inilagay niya ito sa lababo at siya na mismo ang naglinis. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya para ayusin din ang ibang pinamili.

"Kainis." bulong ko pa habang inilalabas ang ibang gulay.

"Alva, ang aga-aga, 'di pa mo pa nga naluluto itong ulam natin, ang asim na kaagad ng mukha mo." biro pa niya sa akin.

"Ikaw magluto niyan ha!" reklamo ko dahil nagagawa pa niya akong biruin gayong mainit ang ulo ko.

Nagulat pa ako ng bigla niyang iharap ang sarili niya sa akin, sabay patak ng isang mabilis na h***k sa labi ko. Napayuko naman ako sa kilig dahil doon.

"'Wag ka ng magalit, hayaan mo na sila. Ikaw naman ang girlfriend ko, hindi sila." litana niya sa akin sabay balik sa kaniyang ginagawa, ang paghuhugas ng manok. "At saka, 'di kita pababayaan, sa tingin mo ba, kaya kita ipinaalam sa Daddy mo na magsasama na tayo dahil pababayaan lang kita? 'Di ba hindi? 'Wag ka ng sumimangot diyan, maupo ka na lang."

Okay, I get it. Noong nakapasa si Joaquin sa board exam, ay isang taon pa lang siyang nagtratrabaho ay naisipan na naming kumuha ng isang condo unit, dahil dalawa lang naman kami. Hindi pa siya ang nagiging head Engineer kaya hindi pa ganoon kalaki ang sahod niya, kahit ako, ay hindi pa rin ganoon kalaki ang sahod ko kahit sa sarili naming kompanya ako nagtratrabaho.

Hindi pa namin naiisipang bumuo ng pamilya dahil ang mahigpit na bilin sa amin noon ni Daddy ay dapat magpakasal muna kami, at sang-ayon naman ako sa ibinilin niya. At alam din namin sa sarili namin pareho na hindi pa kami handa.

Napaupo ako sa sofa pero nakatingin pa rin sa kaniya, I see his beautiful back, nakita ko pang isinuot niya ang pink na apron, napangiti pa ako ng marahan dahil ang cute niyang tignan, napapangalumbaba na lang ako at napangiti sa itsura niya. I really do love this man.

Mabilis kong hinagod ang buhok ko papasok ng kompanya, alam kong maaga pa pero tanghali na para sa akin ang 6:30, kahit ang totoong pasok ko ay 7:00 ng umaga. Nakita ko kaagad si Irene na busy sa pagtipa sa cellphone niya, ng maramdaman kong maayos na nag itsura ko, ay pinagpagan ko pa ang coat ko.

"Good morning, Irene." saad ko sa kaniya sabay tapat sa harapan niya.

Napangiti muna siya. "Good morning, Alora Valine!" maligalig niyang sabi sa akin para mapatawa ako.

"Ang aga mo naman, anong meron?" tanong ko sa kaniya, kasi madalas talaga ay mga quarter to 7:00 na siya pumapasok.

"Wala lang, maaga lang talaga ako nagising, at dito naman talaga ako pupunta, saan pa ba? Wala rin naman akong kasama sa bahay." mahabang litana niya sa akin.

Inaya ko na siyang pumasok sa elevator ng may bigla akong marinig na bulungan.

"'Yan ba 'yong anak ni President?" anas nung babaeng maiksi ang buhok.

"Oo, 'yan nga." sagot sa kaniya nung parang babaeng may katandaan na.

"Sana lahat paeasy-easy lang sa buhay. 'Di siguro naghirap 'yan na makapasok dito, anak ng may-ari e'. Daddy's little girl, 'yong mga ganiyang tao dapat nasa bahay lang, nag-aala prinsesa." sagot nito.

"Mataas siguro sahod niyan, malamang, kompanya nila ito e'." tawa nung babaeng may edad na. "Kung ako ganiyan, paupo-upo na lang ako, tutal mayaman naman kami."

Narinig ko pa silang nagtawanan pareho, napapikit na lang ako ng mariin at nakita kong sinulyapan ako ni Irene, nanggagalaiti. Susugurin na sana niya iyong dalawang babae pero mabilis kong hinawakan ang braso niya.

"I-irene, pumasok na tayo sa d-department..." bulong ko sa kaniya, naramdaman ko namang inakbayan niya ako.

"Halika na, hayaan mo 'yang mga 'yan, naiingit lang sila kasi ikaw ang anak, pero hindi nila alam ang hirap mo magtrabaho para makapasok ka rito, akala nila, puro pasweet-sweet ka lang." saad niya sa akin ng makapasok kami sa elevator. "Magkapigsa sana bunganga nila." dagdag pa niya para mapayuko ako, hinawakan naman niya ako ng mahigpit sa kamay.

Pagdating namin sa floor ng department namin, ay hindi pa rin nakatakas ang pandinig ko sa mga sinasabi nila tungkol sa akin.

"Bakit kailangan pa niya magtrabaho? E' ang yaman na nila."

"Mataas sahod niyan panigurado, tatay ba naman niya ang may-ari."

"'Di dapat siya nagtratrabaho sa sarili nilang kompanya, asus, pakitang tao lang, malakas naman kapit sa tatay."

"Alam niyo, kung wala kayong magawa sa umagang 'to, magkape na lang kayo at magtrabaho! Imbis na 'yong mga gawain niyo ang tinatalak niyo riyan, paninirang puri pa ang topic niyo! Pakialam niyo ba kung anak siya ni President?! Mga walang magawa sa buhay!" malakas na sigaw ni Irene para pagtinginan kami ng iba naming katrabaho.

Biglang napayuko ang mga empleyadong pinag-uusapan ako, isa-isa silang umalis sa pwesto nila, at alam ko sa sarili ko na si Irene naman ang pinag-uusapan nila.

"What is this commotion?" maarteng tanong ni Vanity ng lumabas siya sa glass door ng department namin.

Tinignan niya ako ng malamig, dumagdag pa sa pagkataray niya ang bagsak at maiksi niyang buhok.

"Miss Irene Bengco, if you want to have a fight with another employee, you should do it outside the company, am I right?" sabi pa niya sa maarteng tono para lang mapairap si Irene, at mabilis kaming naglakad papasok sa department.

"I'm just defending my friend, is there any problem with that? Ikaw ba? Sa tingin mo, kapag sinisiraan ang kaibigan mo ay wala kang gagawin? I'm not here to fight, I'm here to work for the company and fulfill my duties, defending a friend is one of my duties here." sagot niya sabay alis sa harapan ni Vanity, nilingon ko pa siya bago kami pumunta sa cubicle namin, nakita ko ang pagdaan ng malalamig niyang titig sa akin.

"I-irene, d-dapat... Dapat—" bigla akong napatigil sa pagsasalita ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"It's not a big deal, hayaan mo sila kung ano ang iisipin nila sa'kin, ano naman kung anak ka ng Presidente ng kompanyang ito? As long as na patas ka sa ibang empleyado, wala silang dapat na masabi sa'yo, tandaan mo 'yan." mahabang litana niya sa akin sabay ngiti.

"Kung ako si Irene, gan'on din ang gagawin ko." sagot ni Lester sa gilid ko.

"Tumpak ka riyan, Ter!" sagot ni Gina sabay tawa sa akin.

Napangiti lang ako ng tipid, dahil sa akin, nagkaroon pa tuloy ng gulo sa kompanya.

"Oh?" tanong sa akin ni Joaquin ng sabay kaming tumapat sa pintuan ng unit namin, hindi namin inaasahan na sabay kaming makakauwi ngayong gabi.

Hindi ko siya inimikan, iniisip ko pa rin ang pangyayari kaninang umaga. Sabay kaming pumasok sa bahay, tinanggal ko ang sapatos ko, at sa kawalan sa wisyo ay hindi napansin ang isang base na nakapatong sa katabi nitong lamesa.

"Alva! Be careful!" sigaw ni Joaquin sa akin. Nabasag ko ang base.

"S-sorry..." ani ko sabay pulot ng mga bubog sa sahig.

"Hindi ka kasi nag-iingat e'!" pagalit pa niyang sabi sa akin sabay pulot din ng mga nagkalat na bubog.

"H-hindi ko napansin..." bulong ko sa kaniya. Napaaray pa ako ng dahil nasugat ako ng bubog na pinupulot ko.

Mabilis naman siyang gumalaw at tinignan ang kamay ko, bigla ko iyong iniwas at tumayo, saka naghanap ng gamot. Sa paghahanap ko sa cupboard ay bigla kong nasagi ang isang gamot, mabilis na kumalat ang laman nito sa sahig.

"Alva! Are you out of your mind?! Anong nangyayari sa'yo?!" nagagalit niyang tanong sa akin, napahawak na lang ako sa kamay kong may sugat.

"Anong gagawin mo kapag wala ako?! Hahayaan mo na lang ang mga bubog na nakakalat diyan?! Anong gagawin mo sa sugat mo ngayon kapag wala ako?!" nagagalit niyang mga tanong sa akin, hindi ko alam ay tinubuan na rin ako ng galit at nararamdaman kong namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata ko.

"Anong gagawin mo—"

"I'm trying okay?!" sigaw ko sa kaniya habang nakahawak sa kamay ko.

"I-I'm trying to... Do my best! Gusto kong buhayin ang sarili ko gamit ang sarili kong mga paa! 'Yan ba ang tingin niyo sa'kin?! Ha?!" sigaw ko at napailing na lang.

"G-ganiyan ba?! A-ang tingin niyo sa i-isang Alva?! Na kailangan lagi ng tulong at l-laging umaasa sa ibang tao?! I'm trying my best Joaquin! G-ginusto ko bang pumasok sa sariling kompanya ng pamilya ko?! 'Di ba hindi?! Si Daddy mismo ang nagsabi! Pero anong sinasabi nila sa'kin?! Dapat ay hindi na ako nagtrabaho at nagpasarap na lang sa sarili kong bahay! Dahil nga, mayaman kami! Ganiyan ba talaga kayo?! Akala ko niyo ay wala akong mapapatunayan?!" mahabang litana ko at napaupo na lang sa sahig bigla.

"Akala niyo ba... Na wala akong silbi sa inyo? N-napabigat lang ako? Na h-hindi ko kaya... Ang sarili ko?" iyak ko at isinubsob ang mukha ko sa tuhod ko.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay sa likod ko, hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa pag-iyak.

"I'm sorry... I'm sorry dahil, nasigawan kita, p-pagod lang ako..." wika niya sabay yakap sa akin. "I'm sorry, love." dagdag pa niya sabay yakap sakin ng mahigpit kahit nakayuko ako.

Ng marinig ko siyang humikbi ay mas lalong akong naiyak. Pareho lang din naman ang sitwasyon namin dahil kay tito Sherman lang din siya nagtratrabaho. Nag-angat ako ng tingin at napayakap na lang din sa kaniya.

"I'm sorry..." saad ko sabay yakap sa kaniya ng mahigpit. "I'm t-trying my b-best..." ani ko pa sabay iyak ng marahan.

Hinawakan niya ang likod ko para pakalamahin ako. Inilayo niya ako sa kaniya at hinawakan niya ang pisngi ko. I saw his eyes full of sadness and regret about what happened, umiwas pa siya ng tingin sa akin.

"I know, it's hard for the both of us, lalo na't sa sarili nating kompanya tayo nagtratrabaho." singhap niya. "But, w-we need to be strong, right? Kailangan, pareho tayon nandiyan para sa isa't-isa. Alva, through ups and downs, nandito ako lagi sa tabi mo. Hinding-hindi kita pababayaan." sabi niya sa akin sabay yakap muli ng mahigpit.

"Villareal, Arcelia T., Valedictorian."

Ng sabihin iyon ng emcee ay hindi ko maiwasang hindi maiyak, dahil isa ng dalaga si Lia, at Valedictorian pa! I saw Daddy tearing up, bigla pa akong napatawa ng maiyak talaga siya! I hugged him, because this is the first time he attended Lia's programs in school.

"Daddy, where's Mommy?" tanong niya ng matapos program. Nagtinginan pa kami ni Daddy.

"S-she's late, I guess," sabi ni Daddy sabay tikhim. "You know already, Lia, she has many projects." ngiti sa kaniya ni Daddy.

"Oh," napatigil pa siya ng may kahabaan. "It's okay, Daddy! Dapat unahin ni Mommy ang mga projects niya, dahil mas importante po 'yon!" she giggled, I felt some sadness with that smile.

"We should celebrate, kuya Joaquin's here naman 'di ba?" ani ko pa sa kaniya sabay ngiti.

"Yes po ate!" sagot niya sa akin sabay hawak sa kamay ko, mabilis niyang binitawan ang kamay ni Daddy.

Nagulat pa si Daddy ng bitawan siya ni Lia, pareho naman kaming tumawa dahil parang bata si Daddy na inilagay ang mga kamay niya sa bulsa niya.

"I'm sorry Daddy, here." saad niya sabay hawak ulit sa kamay ni Daddy.

"I know now!" sigaw ni Daddy para mapatingin kami ni Joaquin sa kaniya. "Maybe, we should throw a party tonight! In our company! Isn't great? And also, it was the company's 20th anniversary, ipapakilala kita sa mga empleyado ko." ngiti ni Daddy sa kaniya, mabilis na tumango si Lia.

"That's great Dad!" ngiti ko rin pabalik sa kaniya.

"Kailangan mong sumama." pagmamaktol ko sabay lingkis ng braso ko sa braso ni Joaquin. Nanlaki naman ang mata niya. "Hindi ka pwedeng humindi." taas kilay kong sabi sa kaniya.

Bumuntong-hininga muna siya bago ngumisi. "Yes, madam. Sasama ako."

Hinalikan ko siya sa pisngi dahil sa tuwa, tumingin ako kay Daddy at napansin kong nakataas ang kilay niya. Nagngiting aso lang ako dahil nakita niya pala iyon.

"Daddy! I'm already 24!" bwelta ko sabay tawa.

Sinimulan namin ang selebrasyon sa loob ng bahay, kasama ang ibang kasambahay namin. Daddy insist that we should celebrate on our own, kaming pamilya lang. Hindi na siya nag-abala pang mag-imbita ng ibang tao.

I was holding a glass filled with some ice tea, napaupo ako sa sofa katabi ni Lia, Daddy was busy talking to Joaquin and other maids.

"I thought Mommy was here." buntong-hininga niya sabay sandal ng ulo sakin.

"Hindi ka ba masaya?" tanong ko habang hindi binibitawan ang baso.

"Ate, I'm happy, pero iba pa rin kapag kumpleto tayo, right?" sabi pa niya sa akin. "it's silly, pero dapat talaga ay maging masaya ako kahit wala si Mommy, ayokong malungkot si Daddy kapag nakita niya akong malungkot din." paliwanag niya sa akin, sabay tumuwid siya ng upo.

"I'm sorry Lia, but, congratulations. You're already in high school." ngiti ko sa kaniya.

She smiled back. Nakita kong papalapit naman sa amin si Daddy at Joaquin, at abot hanggang tainga ang ngiti ng tatay ko.

"We should celebrate, tonight." paalala niya sa amin. "Be there are 7pm, alright?" sabi niya sa amin.

Saktong pagtayo ko ay nagulat kaming lahat ng nabasag ang iilang basong hawak ni Manang Kristy. Mabilis namang naglakad sila Daddy at Joaquin para tulungan ang matanda, habang ako ay biglang nakaramdam ng kung ano dahil sa mga nabasag na baso.

"Ate, are you okay?" tawag sa akin ni Lia dahil napatulala talaga ako kina Manang Kristy.

"Y-yes... I'm okay..." saad ko. "I'm fine."

I was walking back and forth in my room, I don't know what to feel, pero parang may nararamdaman akong kakaiba. Nagulat pa ako ng magring ako cellphone ko, nasa bahay ako ngayon. Am I nervous? Kasi ngayon lang kami nagkasama ng magulang ko? Am I nervous for Lia? I don't know. Hindi ko ba alam kung magiging masaya ako o hindi.

Bigla ko lang itong naramdaman noong umuwi kami, at pagkatapos sabihin ni Daddy. Tumingin ako sa orasan, at nakita kong alas-sais na.

Katatapos ko lang mag-ayos at hinihintay ko lang si Lia, pero parang may isang bagay na pinipigilan akong huwag pumunta sa party. But, it's for Lia. Kailangan ay umattend kami.

"Hello?" I said.

[Hey? Are you ready?] saad ni Joaquin. [Alva, I'll be a little late. Is that okay for you? Wala pa kasi si kuya Jazper dito.] paalam niya, narinig ko pang nagkamot siya ng ulo.

"Uh, okay? Why?" saad ko. "Is there any problem?"

[Wala kasing kasama si Manang Fe rito, kaya hinihintay ko siya.] sagot niya sa akin.

"Okay, uh, Joaquin," sabi  ko sa kaniya, "I feel, there's something wrong in here. Parang, may nararamdaman ako na hindi ko malaman kung ano." paliwanag ko sa kaniya, napaupo ako sa dulo ng dati kong kama.

[Whatever the things that you've been thinking, love, it's nonsense. Anong bagay ang pumipigil sa'yo? This is Lia's night, malulungkot siya kapag hindi tayo umattend.] sagot niya sa akin, tumango-tango naman ako.

"Yeah, right, it's nonsense. Kailangan ay umattend kami. It's a special day for Lia." sagot ko sabay ngiti.

[It's her special day, we don't want to burst her bubble right?] sabi niya sa kabilang linya.

"Yeah, I think I'm nervous." tawa ko ng marahan.

[Alright love, let's meet in your Daddy's company, keep safe in your ride, love you.] sabi niya.

"I love you, too." sagot ko sabay patay ng tawag.

Saktong pagpatay ko ng tawag ay biglang pumasok si Lia sa kwarto, and she's absolutely stunning with that gold dress in off-shoulders. Nakaheels din siya at hindi pa maayos ang buhok niya. She's wearing the necklace my Daddy gave in her graduation. Lia's a fine lady now.

"Ate, you should be my hairdresser and make-up artist for tonight!" she uttered as she walks towards the stool of my vanity dresser. "Light make-up please, masyado pa raw baby ang mukha ko para sa mga mabibigat na make-up sabi ni ate Velma." she said, ate Velma's our new maid.

"Okay, I get it. First, we should put some moisturizer, and a lip balm in your lips, okay?" paalala ko sa kaniya.

Sinimulan kong ayusan si Lia sa kaniyang buhok, I make it in a low bun, kasi lalagyan ko ng ipit ang buhok niya mamaya. I even put some blush, and mascara in her eyelashes. I made her face in a fresh-look.

Ng tumingin siya sa salamin ay natuwa siya sa itsura niya, inilagay ko rin ang isang butterfly accessory sa buhok niya na sakto ang kulay sa damit niya.

"You're so, pretty." bati ko sa kaniya.

"Ate's pretty, too." sagot niya sa akin. I was wearing a body con dress with a slit on the left side of it, gold earring and necklace, I even used my black Chanel sling bag that completes the look. Hinayaan ko lang ding na nakalugay ang buhok ko, pero may kulot ang dulong part. I even put some not-so-light make up, dahil empleyado rin naman ako sa kompanya.

"Ate, I'm ready, let's go?" tanong ni Lia at mabilis siyangg naglakad papalabas ng pintuan ko.

Tinititigan ko lang siya habang nakatayo siya, at parang may anongn kirot sa puso ko ang naramdaman ko.

"Uh, Lia?"

"Yes po, ate?" lingon niya sa akin.

Gusto ko sanang sabihin na huwag na kaming tumuloy pero, kaagad din akong umiling at ngumiti sa kaniya.

"N-nothing... Tara na?" tanong ko sa kaniya, mabilis naman siyang tumango.

Sumakay kami sa kotse ni Daddy, ipinasundo niya kami roon sa driver niya, kaya dapat ay mabilis kami. Nagpaalam na rin kami kay Manang Kristy at sa ibang kasambahay sa bahay.

"Are you excited?" tanong ko sa kaniya, pero ako ay binabagabag talaga.

"Yes ate! I hope Mommy's there!" she said, humawak pa siya sa kamay ko at ngumiti.

Paulit-ulit kong tinitignan ang cellphone ko dahil gusto ko talagang kausapin siya tungkol sa nararamdaman ko. But I insist na huwag na lang dahil baka busy siya kakahintay kay kuya Jazper.

"Ate, your hand is cold, is there any problem?" tanong ni Lia para bumalik ako sa wisyo.

"W-what? N-nothing..." ngiti ko sa kaniya sabay tingin sa labas ng bintana.

Muli kong binuhay ang cellphone ko at balak ko na sanang tawagin si Joaquin, tumingin pa ako sa driver ni Daddy at ng mapansin ko ang isang ilaw na papalapit ng papalapit sa amin, mabilis kong niyakap si Lia dahil isang kotse ang malakas na sumalpok sa tagiliran ng kotseng sinasakyan namin. Napapikit na lang ako ng biglang sumigaw si Lia ng makita niya ang liwanag na papalapit sa amin.

Hindi ko na nagawa pang dumilat at niyakap na lang ng mahigpit si Lia dahil alam ko sa sarili, na baka ito na siguro ang huling pagyakap ko sa kaniya.

Related chapters

  • Until the Last String of my Heart   12

    [Chapter 12] tw: death I opened my eyes, I feel heavy this time. Hindi ko maiangat ang ulo ko, at mahapdi rin ang mukha ko. Hindi ko na rin maiangat ang kaliwang kamay ko dahil sa pagkamanhid. I saw the stars shining in the dark sky. My eyesight becomes blurry, the colors of red and blue is alternating, reflecting in the sky, I raise my head and tears started to form when I saw my one and only treasure. Nakadagan kay Lia ang pinto ng kotse, at talagang nayupi ito, para lang maipit ang kaliwa kong paa at ang kamay kong nakayakap sa kaniya, I saw blood stains in my dress, nagkalat din ang mga bubog sa paligid. Wala akong nagawa kundi maiyak na lang dahil sa sinapit ng kapatid ko. Her head is already bleeding, dahil ang taas na part ng pinto at parang nakadikit na sa kaniya. I cried harder when I realize, that she wouldn’t survive her injuries, but I pray to God silently for her to recover, she’s too young, she

    Last Updated : 2022-02-02
  • Until the Last String of my Heart   Prolouge

    "Spin the bottle already!""Fine!""Ayusin mo Jennifer!" Mariella demanded as she gave the bottle to Jennifer."Guys, 'wag na kayong maingay, Jennifer paikutin mo na," I said.We're playing spin the bottle at this hour, walang teacher, kaya ang bawat isa sa amin ay may ginagawa, pero, lowkey maingay lang dahil may ibang klase rin naman sa magkabilang room.I was seated beside Jennifer, habang ang magkatabi ay sina Harison at Ashlyn, Mariella and Nathan. Magkatapat kami ni Harison, Jennifer to Nathan, and Ashlyn to Mariella.The bottle stops spining, at ang nguso ng bote ay tumapat kay Mariella, habang si Harison naman ang magtatanong sa kaniya.

    Last Updated : 2021-08-06
  • Until the Last String of my Heart   01

    [Chapter 1]"Oh, hi Alva! Want some help?""Oh, uh, hindi na kaya ko na 'to," I answered."Good luck with that! Be careful!" my schoolmate said as she smiles.Napangiti na lang din ako sa sinabi niya, may kabigatan din ang box na ito, kaya patigil-tigil ako sa paglalakad para ayusin."Good day, Alva! Woah, kailangan mo ba ng tulong?" another schoolmate appeared."No, I can handle this," pagsisigurado ko, at ngumiti sa kaniya, ngumiti na lang din siya pabalik at sinabihan ako na mag-ingat.

    Last Updated : 2021-08-06
  • Until the Last String of my Heart   02

    [Chapter 2]I was playing with Lia this time, after I changed my clothes, and we even eat some snacks. We were busy playing when Manang Kristy knock on the door."Alva?" she said, tumayo na ako at pinagbuksan siya ng pinto."Bakit po?" tanong ko kaagad bago ko mabuksan ng tuluyan ang pintuan."Nandiyan si Joaquin." ani pa niya para lang magulat ako ng bahagya."Uh, pasabi na lang po, bababa na po ako," I smiled, tumango lang si Manang Kristy at ngumiti sa akin.Isinara ko na ang pinto at mabilis na pumunta sa lamesa kung saan nakalagay ang mga suklay ni Lia. I combed my hair gently, and e

    Last Updated : 2021-08-27
  • Until the Last String of my Heart   03

    [Chapter 3]"Hey, Harison?"[Oh, it's late na Alva, what's wrong birthday girl?] sabi niya sa kabilang linya.Napabuntong-hininga ako at ibinagsak ang sarili sa kama, iniwan ko muna sa kwarto niya si Lia, dahil mamaya roon ako matutulog. I just need someone to talk to these days."Oh, nothing, it's just..."[Do you received my gift already? I gave it to kuya Rudy para dalhin sa'yo 'yon.] he said."Yes, it's a perfume, ate Arianne gave it to me, thank you Harison." ani ko at ngumiti.[So, what's the deal anyway birthday girl?] he asked, n

    Last Updated : 2021-08-27
  • Until the Last String of my Heart   04

    [Chapter 4]"Thank you." I said, saka kinuha ang isang pack ng tissue."Oh, eto." sabi pa ni Asher sabay abot sa akin ang isang strawberry milk.Suminga muna ako saka kinuha sa kaniya ang inumin, hindi ko mapigilang hindi mapasinghot dahil kanina pa ako umiiyak. Magang-maga na rin siguro ang mata ko, nakakahiya para kay Asher.Nakaupo lang kami sa isang bench na nasa ilalim ng puno ng Narra, kakaunti lang ang estudyante rito dahil busy kakanood ng ibang laro sa iba't-ibang parte ng school. Balita ko rin ay nanalo sila Joaquin, hindi na naglaro si Asher dahil sabi niya ay sasamahan niya raw ako."Alva, tumahan ka na, wala ka ng tubig sa kat

    Last Updated : 2021-08-29
  • Until the Last String of my Heart   05

    Chapter 5"I-ikaw?" we both exclaimed."O-oh, you both already know each other..." Mommy said in a low voice."Umm, not much, nakabanggaan ko lang siya sa To the Max, noong mga time na may laro sa school." paliwanag ko, at inayos ang salamin ko."I can't believe this, what a small world." he said in a low voice and even displayed a smirk."Ma'am, Sir, nakahanda na po ang lamesa," saad ni Manang Kristy at kinuha ang mga plato sa lalaki. "Pwede na po kayong maupo."Pumunta na kami sa dining room, katapat ko si Mommy, habang katabi naman niya ang lalaki, at katabi ko naman si Lia na kanina pa nakangiti.

    Last Updated : 2021-09-01
  • Until the Last String of my Heart   06

    [Chapter 6] "Pick it up..." I whispered to myself. Nakahiga lang ako sa higaan, iniisip ko pa rin ang ginawa ko kanina sa kaniya. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko siyang sigawan. And there it goes, ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko sa kaniya. I can't help myself thinking about him, alam ko sa sarili ko na talagang galit siya sa akin. Storms of thoughts forming already inside my mind, hindi ko rin mapigilan ang hindi pag-iyak, dahil ako mismo ay nasasaktan para sa kaniya. I should think before then, sana inisip ko ang mga ginawa ko kanina at hindi ako nagpadala sa galit ko. "I'm s-sorry..." I said, I cried silently, while holding my phone, nagbabakasakaling tawagan niya ako pabalik para makausap. Hindi ko na namalayan, na nakatulog na lang ako dahil sa kakaiyak. I woke up because of the alarm, medyo may kasakitan din ang mata ko, siguro ay dahil sa kakaiya

    Last Updated : 2021-09-11

Latest chapter

  • Until the Last String of my Heart   12

    [Chapter 12] tw: death I opened my eyes, I feel heavy this time. Hindi ko maiangat ang ulo ko, at mahapdi rin ang mukha ko. Hindi ko na rin maiangat ang kaliwang kamay ko dahil sa pagkamanhid. I saw the stars shining in the dark sky. My eyesight becomes blurry, the colors of red and blue is alternating, reflecting in the sky, I raise my head and tears started to form when I saw my one and only treasure. Nakadagan kay Lia ang pinto ng kotse, at talagang nayupi ito, para lang maipit ang kaliwa kong paa at ang kamay kong nakayakap sa kaniya, I saw blood stains in my dress, nagkalat din ang mga bubog sa paligid. Wala akong nagawa kundi maiyak na lang dahil sa sinapit ng kapatid ko. Her head is already bleeding, dahil ang taas na part ng pinto at parang nakadikit na sa kaniya. I cried harder when I realize, that she wouldn’t survive her injuries, but I pray to God silently for her to recover, she’s too young, she

  • Until the Last String of my Heart   11

    [Chapter 11]4 years later..."Good morning, Alva!" Irene screamed when she saw me walking towards her direction."Shh! Baka mapagalitan tayo!" ani ko sa kaniya sabay tawa ng marahan."Dedma 'yang mga 'yan! Palibhasa wala silang kaibigan!" bwelta pa niya sabay tawa ng malakas, kaya pinagtitinginan kami ng ibang tao.Wala akong ginawa kundi tumawa na lang dahil hindi ko talaga siya mapipigilan. Hinaplos ko ang buhok ko at kahit walang salamin, ay patuloy ko pa rin itong inaayos. Inilalagay ko ang mga nahulog na hibla ng buhok sa likod ng tainga."Girl, maganda ka

  • Until the Last String of my Heart   10

    [Chapter 10]The day of the concert came, I was wearing a simple oversize t-shirt, a pair of maong pants ang white rubber shoes. May kahabaan na rin ang buhok ko kaya maayos kong naitali iyon.I put some light make-up, alam kong pagpapawisan ako roon dahil sa dami ng tao at mainit na rin. Joaquin said that the concert will start at 9:00 p.m. and it is already 8:00. Tumingin ako ulit sa salamin at nakita ko namang maayos ang itsura ko. I even wear the necklace Joaquin gave me. Ngumiti pa ako sa salamin, saka kinuha ang bag ko.Me:where r you?Halos wala pang limang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ko.Love:In

  • Until the Last String of my Heart   09

    [Chapter 9]"'Wag na 'wag mo ng ulitin 'yon ha!" suway ko sa kaniya ng itigil niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay namin."Did I do anything wrong?" patay-malisya niyang sagot sa akin, narinig ko pa siyang natawa."Yes! Paano kung may nakakita sa'tin? Mapapatawan pa tayo ng violation e'!" pagmamaktol ko pa habang hawak ko ang bag ko.I heard him laughed this time, biglang nanlambot ang puso kong nagagalit kanina. Oh my gosh, Alora.Ganito ka ba karupok kay Joaquin? Hindi ito tama!"'W-wag ka ngang t-tumawa! Hindi kaya nakakatuwa 'yon!" ani ko sa kaniya at hinampas siya sa braso ng marahan.

  • Until the Last String of my Heart   08

    [Chapter 8]"Should I go to Harison's house?" I ask Joaquin, he nodded."Yes, he's your friend, kailangan mo rin siyang kamustahin. Maybe, he need some person to talk to, lalo na't narinig mo naman yung sinabi ni Asher 'di ba? Naging matamlayin siya. He do have a problem." sabi sa akin ni Joaquin, papalabas na kami ng campus at ihahatid niya ako kina Harison.I just nodded, napahawak ako ng mahigpit sa bag ko, I should settle some things with him.On the road, ang iniisip ko lang ay kung ano ang sasabihin ko kay Harison, binabagabag ako ng konsensya ko dahil sa sinabi ko sa kaniya, at dahil sa hindi pagsunod niya. We were silent along the road, hina

  • Until the Last String of my Heart   07

    Chapter 7"Congratulations po!" sigaw ng karamihan sa Villa Mariposa, ng mapatingin ako sa mga tao ay hindi ko maiwasang hindi mamula sa hiya.Niyakap ako ni Joaquin, at nakita ko ang totoong ngiti sa mga labi niya, nagpasalamat siya sa ibang taong pumapalakpak sa amin ngayon."Nakakahiya..." bulong ko sa kaniya. Pinapahid ko pa rin ang mga luhang tumulo galing sa mga mata ko."It's not embarassing love, they are happy for us, smile," he said, and caress my cheeks. "I love you, Alva." he smiled at me.Napatawa ako ng marahan ng sabihin niya iyon, niyakap ko pa siya ng mahigpit, naririnig ko pa rin ang palakpakan ng mga tao na nakapalibot sa amin, I

  • Until the Last String of my Heart   06

    [Chapter 6] "Pick it up..." I whispered to myself. Nakahiga lang ako sa higaan, iniisip ko pa rin ang ginawa ko kanina sa kaniya. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko siyang sigawan. And there it goes, ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko sa kaniya. I can't help myself thinking about him, alam ko sa sarili ko na talagang galit siya sa akin. Storms of thoughts forming already inside my mind, hindi ko rin mapigilan ang hindi pag-iyak, dahil ako mismo ay nasasaktan para sa kaniya. I should think before then, sana inisip ko ang mga ginawa ko kanina at hindi ako nagpadala sa galit ko. "I'm s-sorry..." I said, I cried silently, while holding my phone, nagbabakasakaling tawagan niya ako pabalik para makausap. Hindi ko na namalayan, na nakatulog na lang ako dahil sa kakaiyak. I woke up because of the alarm, medyo may kasakitan din ang mata ko, siguro ay dahil sa kakaiya

  • Until the Last String of my Heart   05

    Chapter 5"I-ikaw?" we both exclaimed."O-oh, you both already know each other..." Mommy said in a low voice."Umm, not much, nakabanggaan ko lang siya sa To the Max, noong mga time na may laro sa school." paliwanag ko, at inayos ang salamin ko."I can't believe this, what a small world." he said in a low voice and even displayed a smirk."Ma'am, Sir, nakahanda na po ang lamesa," saad ni Manang Kristy at kinuha ang mga plato sa lalaki. "Pwede na po kayong maupo."Pumunta na kami sa dining room, katapat ko si Mommy, habang katabi naman niya ang lalaki, at katabi ko naman si Lia na kanina pa nakangiti.

  • Until the Last String of my Heart   04

    [Chapter 4]"Thank you." I said, saka kinuha ang isang pack ng tissue."Oh, eto." sabi pa ni Asher sabay abot sa akin ang isang strawberry milk.Suminga muna ako saka kinuha sa kaniya ang inumin, hindi ko mapigilang hindi mapasinghot dahil kanina pa ako umiiyak. Magang-maga na rin siguro ang mata ko, nakakahiya para kay Asher.Nakaupo lang kami sa isang bench na nasa ilalim ng puno ng Narra, kakaunti lang ang estudyante rito dahil busy kakanood ng ibang laro sa iba't-ibang parte ng school. Balita ko rin ay nanalo sila Joaquin, hindi na naglaro si Asher dahil sabi niya ay sasamahan niya raw ako."Alva, tumahan ka na, wala ka ng tubig sa kat

DMCA.com Protection Status