Share

Chapter 2

Author: ashtrizone
last update Huling Na-update: 2021-11-18 04:07:56

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I'm not excited with the party because I found it weird and mysterious. I just hope that everything will be fine if we‘ll go there.

Nagbasa muna ako ng mga chats nila na nagsasabing bibili pa sila ng damit nila at ayaw na magkasabay-sabay kaming pumunta para raw surprise.

I just rolled my eyes.

Hindi naman halatang gusto nilang pumunta sa party? E, parang kagabi lang ay nagdadalawang-isip ang karamihan sa amin.

I just spent the whole day cleaning the unit. Ayaw ko naman na tumunganga na lang magdamag. Baka magbago pa ang isip ko na hindi pumunta sa party na iyon.

Nang sumapit ang hapon ay nag-umpisa na rin akong mag-ayos sa sarili ko. Wala naman akong problema sa damit kaya hindi ko na kailangang bumili ng bago. I just wore a black leather skirt with a black tank top. I also partnered my outfit with a pair of black leather boots then my black leather jacket.

Wala namang attire na nabanggit ang kailangan suotin sa party kaya bahala sila. Breaking the rules were somehow fun.

Inilugay ko lang ang tuwid at mahaba kong itim na buhok. I just applied a light make-up and I'm off to go. Bago ko paandarin ang sasakyan ko ay nagchat muna ako sa group chat namin at nabasa ko na rin ang sunod-sunod na chats nila na papunta na.

Anveshika Ferolinoz:

I'm on my way too.

Reply ko kahit hindi pa naman talaga ako nakakaalis. Malay ko ba kung hindi pa talaga sila nakakaalis at ako lang mag-isa ang mauna ro'n?

The sure, the better for me.

Shaira Silvia Dorothea:

Ingat kayo!

Laszle Gamboa:

Kayo rin! Kaloka! Excited na ‘ko!

Athena Sanchez:

Take care.

Nabi Chase Alfelor:

Gusto ko na magparty! Bilisan n'yo!

Nang m****a ang mensahe nila ay pinatay ko na ang phone ko at nagsimulang magdrive papunta sa location ng party. I was welcomed with my friends who arrived first at the venue.

"Anve!" masiglang tawag sa akin ni Nabi.

"Akala ko hindi ka na pupunta, Veshie!" matinis na saad ni Laszle sabay halakhak.

"Hindi ko naman hahayaan na kayo lang dito, 'no!" sabi ko pero hindi ko na sinabi ang opinyon ko tungkol sa party na 'to. I still find this party a creepy and mysterious one.

"Aww! I love you talaga, Anveshika!" si Lacheska.

"Mahal ko kayo lahat kaya walang iwanan!" natatawang sambit ko.

"Sasabak ka ba sa giyera, Vesh?" nang-aasar na tanong ni Gareth.

I rolled my eyes at him. “Fuck the rules, Gareth.”

Natawa naman sila sa isinagot ko.

"Sabi ko nga!" Gareth pouted.

I'm a serious person but when it comes to my friends, I just let myself to be comfortable around them.

Hindi rin nagtagal ay nakumpleto na kami kaya sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Bahagya pa akong nagtaka dahil napansin kong kaunti ang tao sa labas pero ang dami rito sa loob!

Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang malawak na bulwagan at maraming lamesa. Two grand staircases will be found inside, then big chandeliers were hanging on the ceiling of this huge house.

"I knew it! This is not a scam!" saad ni Gareth sabay hiwalay sa amin para pumunta sa kung saan.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga sinasabi ng mga kasama ko dahil agad akong nagmasid sa paligid.

Nagpunta naman kaming mga naiwan sa isang table na may mga nakahandang mga inumin. I'm not that party girl type of person after all.

Nagmasid-masid lang ako sa paligid kung may kakaiba ba na mangyayari ngayon. Pero nawawala iyon sa isip ko dahil marami namang tao ang narito.

Maybe, I should stop doubting this party? I think everything's normal but still, I won't let my guard down.

I was drowned with the thought that this party isn't a scam. I just enjoyed the view and the drinks that were served.

Nagpatuloy ang kasiyahan ng party hanggang sa biglang huminto ang music. Napahinto ang lahat sa pagsayaw at napatuwid ako ng tayo. Ramdam ko rin ang bahagyang pagkahilo dahil nakailang baso na rin ako ng alak.

Kumunot ang noo ko nang magsimulang magpatay sindi ang mga ilaw.

What the hell?

Nahirapan kaming hanapin ang isa't-isa dahil sa dami ng tao. Naalerto ako nang marinig ang biglaang pagsara ng lahat ng pintuan ng bahay. Nang dahil doon ay napahinto ang mga tao at napunta doon ang atensyon kaya nagkaroon kami ng oras para makalapit sa isa't-isa.

"What's happening?!"

"What the hell was wrong!?"

"What the fuck is this!?"

Sunod-sunod ang reklamo namin pero napansin ko na ang mga tao na narito ay hindi man lang nag-pa-panic. Para bang may hinihintay lang sila na senyales para tuluyang gumalaw.

I narrowed my eyes as I roamed my sight around this place. I should have trusted my guts yesterday! Now, we're doomed! This is a trap!

"AAAHH!"

Nagsigawan ang mga kaibigan ko nang namatay ang mga ilaw sa buong bahay. Habang ako ay pinipilit na maging kalmado at mag-obserba sa nangyayari sa paligid.

"Okay lang ba kayo?" rinig kong tanong ni Lacheska sa 'di kalayuan.

"Yes! we're fine!" sagot ng isa.

"Ayos lang!" rinig ko si Laszle malapit sa pwesto ko.

Hindi rin nagtagal ay bumukas muli ang mga ilaw. And to my freaking shock, there's no other people around! Kami na lang ang narito sa bulwagan!

"Damn this shit!" I hissed as I tried to look for a possible escape plans. My heart started to beat crazily because of what's happening right now.

"Bakit nagkaganito!" inis at takot na singhal ni Gareth.

"Let's go! Kailangan na nating lumabas!" takot na sabi ni Shaira.

Nagkaniya-kaniya kaming pagpupumilit na buksan ang mga pintuan pero nabigo lang kami dahil hindi ito mabuksan, pati na rin ang mga bintana.

"Fuck this! Show yourself, asshole!" Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa galit at inis.

"Veshie, calm down," mahinahong pagpapakalma sa akin ni Laszle.

How can I fucking calm down?

Inutusan ko sila na subukan din namin na batuhin ang mga bintana ng bahay pero hindi man lang iyon nababasag!

What the really fuck?!

"We're doomed!" nanlulumong sambit ni Shanaya.

We need to think on how we'll fucking go out in this freaking place! But we're losing because we can't find any ways to escape.

Damn! Kahit anong pag-obserba ko sa paligid ay wala akong mahinuha na kasagutan. Para bang pinaghandaan talaga 'to ng kung sino mang hayop na iyon!

Natahimik kaming lahat nang may marinig kaming parang tunog ng orasan. We didn't move and we just stare at each other, but I know that they're frightening right now, even me.

"Naririnig... n'yo ba 'yon?" kabadong tanong ni Lacheska.

"O-Oo..." si Shanaya.

"Saan galing 'yon?" tanong naman ni Nabi.

Inilibot namin ang tingin sa paligid. Palakas nang palakas ang tunog pero hindi namin malaman kung nasaan ang tunog ng orasan na iyon! Paniguradong pakana iyon ng taong nasa likod nito!

Muli naming sinubukan na buksan ang mga pintuan pero nauubos na lang ang lakas namin dito. Sinubukan na rin naming hampasin ng matigas na bagay ang door handle pero hindi talaga nasisira!

I should've think deeply about this first! Dapat ay pinagkatiwalaan ko ang hinala ko na hindi maganda ang mangyayari sa party na 'to! Pero ano pa ang magagawa ko? We're already here and we just need to fucking escape this house!

"Shit! May usok!" sigaw ni Athena.

Napatingin kaming lahat sa isang sulok nang biglang may sumabog at nagpakawala ng isang usok. Nagsimulang kumalat ang usok na iyon sa kung nasaan kami!

"Cover your nose! Fuck you, whoever you are! Magtutuos talaga tayo kapag nakita kitang hayop ka!" matapang na sabi ko habang tinatakpan ang ilong ko.

"Shit! Nakakahilo!" rinig kong sabi ng isa sa amin.

Nakita kong umubo-ubo na ang mga kasama ko habang tumatagal. I tried to cover my nose harder and not to inhale the smoke so I restrained to breath. Pero tuluyan pa rin na nilalamon ng usok ang buong lugar.

"Guys... Guys... I think i-inaantok ako..." rinig kong nanghihinang sabi ng isa sa amin.

"Brace yourselves! Damn!" inis na sigaw ko kaya napaubo ako dahil sa pagkakalanghap ng usok.

The place was already surrounded by the smoke. Hindi ko na makita pa ang mga kaibigan ko. May naririnig din akong unti-unting pagbagsak sa sahig.

I tried to brace myself more. Naglakad-lakad pa ako kahit nanghihina na rin ako dahil sa usok. Unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko kaya wala akong nagawa nang tuluyan na akong napaluhod sa sahig at umubo-ubo.

Damn! This isn't the right time to be weak! I swear! Kung sino man ang may gawa nito ay magtutuos kami!

Hindi ko na magawa pa na magsalita dahil sa labis na panghihina kaya sa isip ko na lang inilalabas ang gusto kong sabihin.

I will look for you and you will pay for what you did to us! You'll be facing hell!

"S-Sana okay kayong... lahat s-sa paggising niyo..." nanghihina kong sambit.

Hindi ko na alam kung ano ang lagay ng mga kaibigan ko, pero nanghihina na talaga ako. Pero bago ako tuluyang mawala sa katinuan ay may naramdaman akong mga yabag na papalapit sa kinaroroonan namin.

I was completely lost as the smoke successfully devoured my whole system. All of my strengths disappeared as I slowly closing my eyes then darkness followed.

Kaugnay na kabanata

  • Unraveled Puzzle   Chapter 3

    Gumising ako nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pikit mata akong bumangon sa kinahihigaan dahil nakakaramdam pa ako ng bahagyang pagkahilo. Napasapo ako sa ulo ko dahil do’n.Idinilat ko ang aking kaliwang mata at agad na bumagsak iyon sa bintanang katapat ng kama ko.I sighed.Sino naman ang nagbukas ng kurtina ng bintana?Hindi pa sana ako magigising!Anong oras na ba?Tirik na tirik naman na yata ang araw?I groaned when I felt my head throbbing like hell. Mahina kong hinilot ang sentido para maibsan kahit papaano ang hilo na nararamdaman.Fuck! Bakit ang sakit ng ulo ko?Ano'ng nangyari kagabi?&nbs

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 4

    Mas dumoble lang ang kaba sa dibdib ko dahil hindi ko alam kung nasaan talaga ako. Kabado man ay sinikap kong panatalihin na kalmado ang mga kilos ko nang lumabas ako sa kwarto na pinagmulan ko.I was walking silently, determined that I won't make any noise. Nagmasid ako sa paligid nagbabaka-sakaling may ibang tao na narito. Baka mamaya ay na-kidnap na pala ako at manghihingi ng ransom, pero wala namang mapapala sa akin ang kidnapper kung sakali.Nang makarating ako sa sala ay wala akong nakita na ibang tao. Dumiretso naman ako sa kusina at nabigo rin nang makitang wala tao roon. Maging ang banyo na katabi ng kusina ay sinilip ko pero wala rin akong nadatnan."What the hell is happening?" I whispered to myself.The last time I remembered, we were just having fun on that party not until everything went chaos...

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 5

    BLISSFUL DAY, ANVESHIKA!ENJOY YOUR STAY. THE HOUSE IS YOURS.— D.S.RHindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop laman ang mensahe na iyon.Para saan ba ‘yon?Sino ang nagpadala ng mensahe na ‘yon?Siya ba ang nasa likod ng lahat ng ‘to?Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon o matatakot. Nakakatuwa kasi kahit papaano ay may tutuluyan na ako rito at siyempre, hindi mawawala ang takot ko sa lugar na ito. Hindi ko nga alam kung nasaan ako kaya hindi dapat maging kampante na walang mangyayari sa akin sa lugar na ‘to.I won’t let my guard down this time.I regretted that I didn’t follow my guts before the party happens. We should have talked about that deeply. Hindi dapat kami nagpadalos-dalos at agad na pumayag na pumun

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 6

    "Putangina! Sino ka ba?! Ano ba'ng kailangan mo?!" Hindi ko na napigilan na pagtaasan ng boses ang kausap ko.He deserves it!Pinaglalaruan niya ako!Maaaring hindi lang ako!Baka pati ang mga kaibigan ko rin!Tanging halakhak lang niya ang narinig ko sa kabilang linya. Halatang tuwang-tuwa sa mga naririnig niya sa akin.This shouldn't be this way. I should be calm. I shouldn't be affected. But this shit, just mentioned my beloved brother and my whole system fucked up."Nasaan sila? Ano'ng ginawa mo sa mga kaibigan ko! Papatayin talaga kita kapag nagkita tayo, tandaan mo 'yan! Fuck you!" sigaw ko pa pero gaya kanina ay tinawanan lan

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 7

    Kinabukasan ay maaga akong gumising. Kahit hindi pa rin ako sigurado sa naghihintay sa akin ngayong araw ay haharapin ko pa rin iyon. Hindi ko malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi ko ito haharapin.Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan na gawin 'to?Ano ang saysay ng pagpunta ko rito sa lugar na 'to?Iyon talaga ang hindi ko makuha.Matapos ko makapag-ayos sa sarili ay natuwa ako sa tumambad sa walk-in closet na naroon. Napangiti ako dahil ang mga damit na narito ay talagang pasok sa panlasa ko.Hanga ako sa gagong 'yon. Mukhang maayos naman ang taste ng kidnapper ko.I picked a white ruffled top and a cream pencil cut skirt partnered with a cream blazer. I also wear a cream stilettos.At saka ko

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 8

    I swallowed hard as I hold the door handle. Parang gusto kong umurong at hindi na makita pa ang kung sinong nasa loob.But no!I shouldn't let that fucker win over me!Never!Over my fucking dead body!Bumuntonghininga ako sa huling pagkakataon at matapang na binuksan ang pintuan. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hindi agad nag-aangat ng tingin. Ramdam ko ang presensiya niya sa aking likuran pero hindi agad ako lumingon.Paano kung mali naman ang iniisip ko?"You're here."I swallowed hard as I heard his baritone voice. Unti-unti akong humarap sa kaniya at ganoon na lang ang pangangatal ko.

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 9

    “Ngayon lang nagkaroon ng sekretarya si Sir Dearil,” komento ng staff habang nakangiting nakatitig sa akin.Naguluhan naman ako sa sinabi niya.Ha?Seryoso ba siya?Kaso mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil hindi ako makabasa ng bakas ng pagbibiro sa mukha niya."Po?" naguguluhang tanong ko. Napakamot pa ako sa kilay ko at naghihintay sa sagot niya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, nakakakilabot."Ikaw pa lang ang naging sekretarya ni Sir Dearil. Hindi na niya kailangan ng sekretarya dahil nariyan naman si Gian, ang kaniyang personal butler. Pero ngayon lang talaga siya nagka-sekretarya." Mariin ang titig sa akin ni manang staff na para bang pinapasok niya ang kaloob-looban ko.Tumikhim naman ako para maibsan ang kaunting kaba na nararamdaman ngayon.Oo, kaunti lang, promise.&nbs

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Unraveled Puzzle   Chapter 10

    “You have a car?” kuryosong tanong niya.Agad siyang lumabas sa elevator nang bumukas ang mga pinto nito. Sumunod naman ako sa kaniya.Para pa akong madadapa sa pagsunod ko sa kaniya dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.What’s happening to me?"Beside yours," sagot ko. I tried to sound calm and I think I made it.Tumango naman siya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Sinadya kong hindi siya sabayan sa paglakad niya kaya nandito ako likod, nakasunod lang.Habang nasa likod niya ako ay hindi ko mapigilan na tingnan ang kabuuan niya habang naglalakad kami.He has a lean body. I think his muscles were just put in the right places. The way he walked, screams authorativeness and power.

    Huling Na-update : 2021-11-18

Pinakabagong kabanata

  • Unraveled Puzzle   Epilogue

    "I can see the past... while Damien can see the future..."Nagimbal ako sa katotohanang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o tatanggihan.Sa likod ng mga asul na mga mata ko pala mahahanap ang mga taong hinahanap ko... pero masaya ba ako na silang dalawa iyon?Sa halip na magdiwang ay parang nalungkot ako sa likod ng nalaman ko mula kay Dearil.Bakit sa dinami-dami ng tao ay silang dalawa pa ang hinahanap ko?Ito na ba ang papel ng dalawang Ravides sa buhay ko rito sa El Kanjar?"H-How come?" utal na tanong ko."Remember our first phone call?" Tumango ako sa kaniya dahil naalala ko iyon. "I've mentioned your brother... I saw him on your past as long as what happened to your family..." sambit niya."Paano?" mahinang tanong ko."That day when we saw you on t

  • Unraveled Puzzle   Chapter 43

    Natagpuan ko na lang ang sarili ko ilalim niya habang siya ay nasa ibabaw ko na unti-unting pinapasok sa akin ang alaga niyang tila isang mandirigma na ngayon."Fuck!" I cried as I felt like there's something in between me got broke."I'm sorry... it's my gentle way already though it's really painful at first..." malambing bulong niya.Napatango naman ako habang pinupunasan niya ang luha na tumulo sa mata ko."Just tell me, if I can move, hmm? I won't move if it still hurts..." marahang sambit niya at sunod na sinunggaban ng halik ang labi ko.I returned the same ferocity. His tongue was poking my lips so I opened my mouth to let his tongue enter and taste every bit of my mouth. I moaned between the kisses.Ang mga kamay niya na akyat baba ang haplos sa aking baywang ay unti-unting nagtutungo sa aking dibdib. Napaliyad ako nang mar

  • Unraveled Puzzle   Chapter 42

    "Ay, tangina! Live porn na naman!"Napalingon kami sa may pintuan nang marinig ang sigaw ni Detective France. Natawa naman kami ni Damien at dahan-dahan niya akong ibinaba mula sa pagbuhat niya.Hindi ka siya nangalay?Ang bigat-bigat ko na kaya!Halos pakainin ba naman niya ako segu-segundo!Tingnan na lang natin kung hindi madagdagan ang timbang ko dahil doon!Pero siyempre, nasa tamang pangangalaga kasi ako kaya wala dapat reklamo, 'di ba?Argh! I'm crazy."Ang landi n'yo talagang dalawa!" akusa pa ni Detective France at pumasok na siya dahil nanatili pa rin siya pintuan kanina."Inggit ka, Detective France?" pang-aasar ko sa kaniya.

  • Unraveled Puzzle   Chapter 41

    "Baby..." magaang tawag sa akin ni Damien at pinisil ang mga kamay ko.Mapait akong ngumiti. "I'm fine."Ganito pala ang pakiramdam na matraydor ng isang taong itinuring mong kaibigan. Hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya ito sa akin dahil sa mga kabutihang ginawa niya. Pagpapakitang tao lang ba ang lahat ng iyon?"That explains why you received the threat. There's a manual on the security's post revealing the house numbers at the village, I saw it. May bahay rin ako roon at may suspetya na ako sa kaniya simula noong nagtanong siya sa akin kung may kilala raw ba akong pangalan na Anveshika Ferolinoz," mahabang paliwanag ni Detective France na siyang nagpatango sa aming lahat.Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga rebelasyon na 'to."I forgot! The first victime of Heart Forest Crime was your HR Head, Maniro Derso." Napasinghap naman kami ni Dearil ha

  • Unraveled Puzzle   Chapter 40

    "Maraming salamat, Anveshika. Patawad din sa lahat ng nangyari..." malungkot na sabi ni Rhianne habang hawak ang kamay ko."You're not at fault, Rhianne," sabi ko sa kaniya.Umiling lang siya at malungkot na tumitig sa kabaong unti-unting bumaba sa ilalim ng lupa. Gaya ng ipinangako ko kay Manong Liher ay ginawa ko ang paglibing kay Lhianne Jimenez. Nalungkot ako nang sinabi niyang hindi siya pupunta ngayon dahil sa sobrang hiya niya raw sa anak niya, wala raw siyang karapatan na harapin ang anak niya dahil sa lahat ng kasalanang nagawa niya."Sobrang maraming salamat..." bulong niya.Ngumiti na lang ako sa kaniya. Lumapit na kami sa lumubog na kabaong sa lupa. Hawak pa rin ni Rhianne ang kamay ko at ramdam ko ang panginginig at panlalamig no'n kaya marahan ko iyong pinisil. Hawak-hawak ang putik bulaklak ay unti-unti namin iyong inihagis sa ibabaw ng kabaong. Ganoon din ang ginawa nina Damien at Dea

  • Unraveled Puzzle   Chapter 39

    Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero agad din iyong nagdilim nang makabawi siya at humalakhak."Hindi ko inaasahan na mas maaga mong malalaman. Pinahahanga mo ako, Anveshika." Marahan pa siyang pumalakpak. Napairap ako at bumaba sa sasakyan para makaharap siya ng maayos."What are you doing, Anveshika? Stay inside the fucking car!" Rinig ko ang boses ni Damien mula sa earpiece na suot ko.Napangisi ako. "What now, Liher Jimenez? The father of Lhianne and Rhianne Jimenez, right? Also, the mastermind behind the Heart Forest Crime," mariin kong sabi."Ano ngayon ang gagawin mo ngayong alam mo na?" nakangisi niyang tanong sa akin."You're busted." Nakangisi lang ako sa kaniya habang nakatitig at maya-maya lang ay narinig na namin ang sirena ng mga pulis.Nakita kong natigilan siya dahil sa tunog na iyon. Agad siyang humugot ng bari

  • Unraveled Puzzle   Chapter 38

    Kailangan ko na matapos ang kahibangan na ‘to. Gusto ko nang mabawasan kahit papaano ang tumatakbo sa isipan ko dahil baka hindi ko na lang mamalayan ay nababaliw na pala ako.Una ay nasagot ko na kung bakit kamukha ng mga nakakasalamuha kong tao rito sa El Kanjar ang mga tao sa totoong buhay ko bilang Anveshika. Parehas ang mga mukha nila pero iba ang pangalan nila rito sa El Kanjar at may pagkakaiba rin pagdating sa ugali.Pangalawa ay hindi ko pa rin alam kung may kinalaman ba ang mga tao na ito sa paraan ng pag-alis ko rito sa El Kanjar.Pangatlo ay ano nga ba ang katotohanan sa likod ng Heart Forest Crime? Ang totoong kwento kay Lhianne Jimenez?Pang-apat ay ano’ng kinalaman ko sa suspek ng Heart Forest Crime? May posible akong sagot dito na maaari ngang, ang mukha ng suspek ng Heart Forest Crime ay siya ring mukha ng totoong dahilan ng pagkamatay ni Kuya Gignesh. Hindi ko akalain na

  • Unraveled Puzzle   Chapter 37

    Kinabukasan ay naging normal naman na ang paggising ko. Ramdam ko pa rin ang pamumugto ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi.Naghilamos muna ako bago ako bumaba ng kwarto. Wala pang kumakatok dito sa kwarto ko, siguro ay hindi pa tapos ang paghahanda ng umagahan namin.Hinayaan lang ako ng magkambal na umiyak na kagabi. Alam kong may ideya sila sa kung ano’ng nangyari kay Kuya Gignesh dahil nabanggit ko iyon. Siguro’y naguguluhan sila kung bakit ako umiyak nang makita ko ang picture ng lalaking biktima ng Heart Forest Crime. Ako lang naman ang nakakakilala ng mukha ni Kuya.Hindi nga ako nagkamali dahil hindi suicide ang ikinamatay ni Kuya. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin talaga napapalagay ang loob ko dahil doon. My Kuya didn’t deserve this, his death deserves justice! Gagawin ko ang lahat para makaalis sa laro na ito.

  • Unraveled Puzzle   Chapter 36

    “A man?” hindi makapaniwalang tanong ni Detective France.Dearil nodded his head.“What the fuck?” Hindi ko na napigilan na hindi makisingit. “She looked innocent! What did you do?” tanong ko sa magkambal.“We were on leave that time,” sagot ni Damien kaya napatingin ako sa kaniya at nakakunot ang noo. “Gian told us that the HR Department already handled it, that’s why we let it pass,” dugtong niya.Bumuntonghininga ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko na iyon.“So, maybe it was a wrong accused...” Detective France concluded.“She’s in HR Department, meaning she was applying in your company or was she an employee already?” tanong ko.Damien shook his head. “I remembered it now, clearly. I saw her on t

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status