“Sige na, aakyat na ako. I can’t do this anymore. I know you’re not happy na naririto ako. Pero at least I deserve some respect; I gave birth to all of you! Hindi porke malalaki na kayo ay hindi ko kayo kayang disiplinahin. Naririto kayo sa poder ko ng ilang araw kaya pag-aralan ninyong pakitunguhan ako nang may paggalang bilang Mamá ninyo.”Natahimik ang buong lamesa at pinagmasdan nila ang padabog na pagpanhik ng kanilang ina sa hagdan. He figures nalasing ito sa kanyang ininom. Na-appreciate nya ang efforts nito para maging maayos ang kanilang Christmas Eve dinner. Pero sa hindi nya maipaliwanag na ugali ng kanyang Mamá ay abot-abot ang kanyang hiyang nararamdaman ngayon sa dalawang babaeng kaharap nila sa hapunan. “Okay ka lang?” mahinang tanong ni Abby nang isandal nya ang likod sa sandalan ng upuan. Ngumiti sya rito at marahang pinisil ang kamay nito na ipinatong nito sa kanyang isang hita. Gumanti ito ng matamis na ngiti at hinawakan ang kanyang balikat. Naramdaman nya ang pag
“Hindi kita pinipilosopo, boss. Matulog na tayo kasi maaga ako gigising. Sinabihan kami ni Doña Alejandra na tumulong sa pagpe-prepare bukas,” naupo ito sa gilid ng kama at marahas na nagsuklay ng buhok. “Patutuyuin ko lang ‘tong buhok ko tapos mahihiga na ‘ko.”'Mamá na rin dapat,' he wanted to correct her. Pero sadyang mahirap ipilit ngayon ang mga bagay na tulad noon lalo na't alam nyang alam din ni Abby na mainit ang mga mata sa kanya ng kanyang ina. Tumayo lang sya roon at matamang tumingin kay Abby sa kanyang seryosong pagsusuklay na nakatingin lang sa sahig. He suddenly feels the growing distance between them. Ni hindi man lang sya tinitingnan nito. Magiliw lang ito sa kanya kapag kaharap ang kanyang pamilya, pero kapag sila na lang dalawa ay nakabibingi ang katahimikang lumulukob sa kanila. Nabubugnot na hinubad nya ang kanyang suot na walking shorts at T-shirt. Inayos nya ang kanyang unan at ang unan na gagamitin ni Abby sa tabi ng kanyang unan at saka dumapa at minasdan an
“Sa’n naman ako magpupunta? Natutulog ako lang dito,” agad na depensa nito na nakataas pa ang mga kilay. “Fuck that, Abegail!” Umugong ang malaki nyang boses sa buong ng kulob na kwarto. “Natutulog ka na gayak na gayak? Lumabas ka na naman ba habang tulog ako? San’ ka nagpunta? Sino’ng kasama mo?” “Gayak na gayak ba ‘tong ganito sa ‘yo?!" turo nito sa maiksi nyang shorts na pantulog. Tumigil ka sa kapraningan mo! Nilalamig ako eh,” balik nito sa kanya. “Halika rito,” marahas na hinatak nya ito patayo sa braso at halos pabalibag na inihiga sa kama. Sapilitan nyang hinubad ang suot nitong dark green na jacket. "You slept with a thick hoodie on. I reckon this is Santiago’s, right? Nakakatuwa namang hindi mo na nakuhang isauli sa kanya,” he let out a terrifying smirk. “Wala akong makapal na jacket, Joaquín. Ang lamig-lamig dito! Puro maninipis na pantulog at mga damit na pang-alis ang inempake mo... Nasasaktan ako! Ano ba!” hiyaw ni Abby pagkahubad nya ng T-shirt nito. Lumipad ang dami
Agad syang kumalas kay Abby at naupo sa gilid ng kama na wari ay ngayon lang nahimasmasan sa isang masamang panaginip. “I’m sorry, I know you don’t want this.” He cups his face in his hand. This wasn’t how things were supposed to go. He felt his desires, jealousy, and frustration getting the best of him, forcing Abby sa isang sitwasyon na halata naman nyang hindi nito gusto na lalo nyang ikinadidismaya.“Bakit ka tumigil? Ituloy mo na,” halos pahagulgol na ginagap nito sa kanyang brasong nakatukod sa higaan.“No. Look, I’m sorry, hindi mo kailangang umiyak,” sinulyapan nya ito saglit nang may pag-aalinlangan. “Sino ba’ng umiiyak?” pakli ni Abby. “Kung anu-ano kasi ang binibintang mo sa ‘kin. Napakadramatic mo! Takot na takot ka sa sarili mong multo,” hatak-hatak ni Abby ang kanyang braso pabalik sa kanya pero kinontrol nya ang kanyang sarili. Hindi sya magpapadala kung tanging naiisip lang ni Abby ay isang obligasyon rin ang pakikipagniig sa kanya. Hindi sya ganoon kadesperadong tao
“¡Oye! Pink looks good on you, hermano! Merry Christmas.” Tumuloy ang paghakbang nya pababa ng hagdan nang magulat sya sa pabirong pagtulak sa kanya nito. Kagagaling lang ni Iñigo sa shower, nakasukbit pa sa malapad na balikat nito ang tuwalyang ginamit na syang pinampupunas-punas sa basang buhok. Dagli rin itong natigilan nang makita si Jessica sa pagkain nito sa mahabang dining table.“Hello, Iñigo! Merry Christmas!” bati ni Jessica sa kanyang panganay na kapatid. “You guys don’t seem to care about the cold, huh?”“Merry Christmas… And you’re here, why?” namemeywang na tanong ni Iñigo. Jessica sighs and puts down her teacup, her gaze not leaving him as she fixes the sleeves of her black sweater. “At pareho rin kayo ng tanong, your Mamá asks me to prepare for her party.”“Oh, okay. So,” nagbaling si Iñigo ng tingin sa kanya. “Call your wife, so we can eat breakfast. Maaga palang nasa kusina na si Helena, kunsimido na siguro ang kusinero dahil wala namang alam ‘yun sa kusina,” sabay
“Anong problema, Joaquín? Alam mo, malapit mo na naman akong mainis,” Abby retorts when he brushes her hand in the doorknob the second time. “Wala. Ayoko lang pumasok tayong dalawa sa kwarto,” napapakamot sa ulo nyang sabi. “Ano? Bakit naman?” kunot-noo nitong tanong sa kanya.“Malas kasi ang kwarto na ‘to sa ‘tin… I’ll just be real quick, just wait here, okay?” natataranta na nyang sabi. “Don’t leave,” he kisses her mouth. He doesn’t intend it to be long, since ang goal nya ay makapagbihis pero tila may magnet ang mga labi ni Abby na humila sa mga labi nya pabalik dito. Everything happened instinctively. A quick peck on her lips quickly turned into something fiery, passionate, and full of longing. Pumikit ang mga mata ni Abby at umangkla ang mga braso nito sa kanyang batok nang gagapin ng kanyang dila ang dila nito. Awtomatiko ring nasapo nya at nabuhat si Abby sa pwetan at nabuksan nya ang doorknob gamit ang isa nyang kamay nang inikot ni Abby ang kanyang mga hita sa kanyang bewa
Pagkatapos nyang ligpitin ang mga nangalaglag na unan at i-set ang malaking kama ay dali-dali nyang tinungo ang pintuan at nagsalita bago nya buksan ang pinto. “Mabilisan mo d’yan, hihintayin kita sa labas para sabay na tayong bababa,” pagkuway labas nya at kinabig ito pasarado nang malakas. Iniwan nya si Joaquín sa loob ng kwarto na nakamaang sa topak nya.Nagsasalubong ang kanyang kilay habang nakatitig sya sa malapad na pintuan ng kwarto. “Ako? Selfish?! Hah! Siraulo,” pilit ang kanyang tawa sabay nagbalik sa pagiging tiger look ang kanyang mukha.Hindi sya kahit kailanman naging selfish kay Joaquín. Itong pagpapanggap palang nya ay isa sa makakapagpatunay ng kanyang sakripisyo alang-alang rito. Lahat ng bagay na gusto ni Joaquín, kahit minsan labag na sa kanyang prinsipyo ay ginagawa nya kaya napakasakit na paratangan pa rin sya nito na makasarili gayong pati pagkatao at ang natitirang pride na mayroon sya ay i-giveup nya para makuntento ito.Hinapit nya ang kanyang tiyan nang bi
Nangingiti sya sa ideya na tinatanggap na rin sya ng ina ni Joaquín pero hindi nya maiwasang isipin na napilitan lang ito dahil sa siguro’y naramdaman nito na wala naman syang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanang simpleng babae lang ang pakakasalan ng kanyang anak. Naisip nyang kung malalaman lang nitong hindi totoo ang pagkakasundo nila ni Joaquín ay mabubunutan ito ng tinik sa lalamunan. “Can we not fight? At least not for now. It’s Christmas. Ibigay mo na sa akin ang ‘peace and love on Earth’ kahit ngayong araw lang na ‘to,” wika ni Joaquín pagbukas nya ng pinto at madatnan ang nakabusangot nyang mukha. Tinapik nya nang malakas ang kamay ni Joaquín nang kagyat na apuhapin nito ng palad ang kanyang mukha.“Hindi ako ang nauna, Joaquín, kundi ikaw. Wala akong ginagawang masama kaya please lang, h’wag mo ‘kong pakialaman,” pakli nya pagkuway nag-umpisa nang maglakad patungo sa puno ng hagdanan.“H’wag daw pakialaman… Ayaw mong pakialaman kita? Are you sure?” tinaasan