Agad syang kumalas kay Abby at naupo sa gilid ng kama na wari ay ngayon lang nahimasmasan sa isang masamang panaginip. “I’m sorry, I know you don’t want this.” He cups his face in his hand. This wasn’t how things were supposed to go. He felt his desires, jealousy, and frustration getting the best of him, forcing Abby sa isang sitwasyon na halata naman nyang hindi nito gusto na lalo nyang ikinadidismaya.“Bakit ka tumigil? Ituloy mo na,” halos pahagulgol na ginagap nito sa kanyang brasong nakatukod sa higaan.“No. Look, I’m sorry, hindi mo kailangang umiyak,” sinulyapan nya ito saglit nang may pag-aalinlangan. “Sino ba’ng umiiyak?” pakli ni Abby. “Kung anu-ano kasi ang binibintang mo sa ‘kin. Napakadramatic mo! Takot na takot ka sa sarili mong multo,” hatak-hatak ni Abby ang kanyang braso pabalik sa kanya pero kinontrol nya ang kanyang sarili. Hindi sya magpapadala kung tanging naiisip lang ni Abby ay isang obligasyon rin ang pakikipagniig sa kanya. Hindi sya ganoon kadesperadong tao
“¡Oye! Pink looks good on you, hermano! Merry Christmas.” Tumuloy ang paghakbang nya pababa ng hagdan nang magulat sya sa pabirong pagtulak sa kanya nito. Kagagaling lang ni Iñigo sa shower, nakasukbit pa sa malapad na balikat nito ang tuwalyang ginamit na syang pinampupunas-punas sa basang buhok. Dagli rin itong natigilan nang makita si Jessica sa pagkain nito sa mahabang dining table.“Hello, Iñigo! Merry Christmas!” bati ni Jessica sa kanyang panganay na kapatid. “You guys don’t seem to care about the cold, huh?”“Merry Christmas… And you’re here, why?” namemeywang na tanong ni Iñigo. Jessica sighs and puts down her teacup, her gaze not leaving him as she fixes the sleeves of her black sweater. “At pareho rin kayo ng tanong, your Mamá asks me to prepare for her party.”“Oh, okay. So,” nagbaling si Iñigo ng tingin sa kanya. “Call your wife, so we can eat breakfast. Maaga palang nasa kusina na si Helena, kunsimido na siguro ang kusinero dahil wala namang alam ‘yun sa kusina,” sabay
“Anong problema, Joaquín? Alam mo, malapit mo na naman akong mainis,” Abby retorts when he brushes her hand in the doorknob the second time. “Wala. Ayoko lang pumasok tayong dalawa sa kwarto,” napapakamot sa ulo nyang sabi. “Ano? Bakit naman?” kunot-noo nitong tanong sa kanya.“Malas kasi ang kwarto na ‘to sa ‘tin… I’ll just be real quick, just wait here, okay?” natataranta na nyang sabi. “Don’t leave,” he kisses her mouth. He doesn’t intend it to be long, since ang goal nya ay makapagbihis pero tila may magnet ang mga labi ni Abby na humila sa mga labi nya pabalik dito. Everything happened instinctively. A quick peck on her lips quickly turned into something fiery, passionate, and full of longing. Pumikit ang mga mata ni Abby at umangkla ang mga braso nito sa kanyang batok nang gagapin ng kanyang dila ang dila nito. Awtomatiko ring nasapo nya at nabuhat si Abby sa pwetan at nabuksan nya ang doorknob gamit ang isa nyang kamay nang inikot ni Abby ang kanyang mga hita sa kanyang bewa
Pagkatapos nyang ligpitin ang mga nangalaglag na unan at i-set ang malaking kama ay dali-dali nyang tinungo ang pintuan at nagsalita bago nya buksan ang pinto. “Mabilisan mo d’yan, hihintayin kita sa labas para sabay na tayong bababa,” pagkuway labas nya at kinabig ito pasarado nang malakas. Iniwan nya si Joaquín sa loob ng kwarto na nakamaang sa topak nya.Nagsasalubong ang kanyang kilay habang nakatitig sya sa malapad na pintuan ng kwarto. “Ako? Selfish?! Hah! Siraulo,” pilit ang kanyang tawa sabay nagbalik sa pagiging tiger look ang kanyang mukha.Hindi sya kahit kailanman naging selfish kay Joaquín. Itong pagpapanggap palang nya ay isa sa makakapagpatunay ng kanyang sakripisyo alang-alang rito. Lahat ng bagay na gusto ni Joaquín, kahit minsan labag na sa kanyang prinsipyo ay ginagawa nya kaya napakasakit na paratangan pa rin sya nito na makasarili gayong pati pagkatao at ang natitirang pride na mayroon sya ay i-giveup nya para makuntento ito.Hinapit nya ang kanyang tiyan nang bi
Nangingiti sya sa ideya na tinatanggap na rin sya ng ina ni Joaquín pero hindi nya maiwasang isipin na napilitan lang ito dahil sa siguro’y naramdaman nito na wala naman syang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanang simpleng babae lang ang pakakasalan ng kanyang anak. Naisip nyang kung malalaman lang nitong hindi totoo ang pagkakasundo nila ni Joaquín ay mabubunutan ito ng tinik sa lalamunan. “Can we not fight? At least not for now. It’s Christmas. Ibigay mo na sa akin ang ‘peace and love on Earth’ kahit ngayong araw lang na ‘to,” wika ni Joaquín pagbukas nya ng pinto at madatnan ang nakabusangot nyang mukha. Tinapik nya nang malakas ang kamay ni Joaquín nang kagyat na apuhapin nito ng palad ang kanyang mukha.“Hindi ako ang nauna, Joaquín, kundi ikaw. Wala akong ginagawang masama kaya please lang, h’wag mo ‘kong pakialaman,” pakli nya pagkuway nag-umpisa nang maglakad patungo sa puno ng hagdanan.“H’wag daw pakialaman… Ayaw mong pakialaman kita? Are you sure?” tinaasan
“Sure! I’d gladly take the task, Mijo! I’m glad you asked!” animated na animated na ipinaglapat ni Doña Alejandra ang kanyang mga palad sa sobrang tuwa. “Oh, oh, oh! I have so many things in mind about it; I’m so excited!” Agad inisa-isa ni Doña Alejandra ang mga kakailanganin at ang mga tradisyonal na ginagawa sa isang wedding ceremony na Hispanic ang tema. Masaya namang nakipagpalitan ng ideya si Jessica na nagprisinta ring tutulong sa pagsasaayos ng kanilang ‘kasal.’ “Napag-usapan na namin 'to dati, ‘di ba, mi cielo?” marahang siko ni Joaquín sa kanya. Minasdan nya ang total satisfaction sa mukha ni Joaquín sa kagalakan ng kanyang ina na paihip-ihip sa tasa ng kapeng hawak. “She only wants a simple wedding, but I want her to give her, like, a wedding-of-the-year kind. Syempre, everything but the best for mi señorita. But I want it prepared really quick, since I don’t have much time left to stay here."“Por supuesto (Of course), Mi Joaquín! One month of preparation is long enough
“It’s really too early to confirm yet, Abby. Malay mo false positive ka at hyperchlorhydria (hyperacidity) lang ‘yan. Counting on days could be very misleading since it’s only a few weeks since, uhm, you first do the deed, you say. At hindi ka pa nagkakaroon. We’ll have to wait for your next period to come. Kapag na-delay ka magte-test tayo ulit, saka natin makukumpirma ‘yan. Please, just relax. H’wag kang umiyak,” nag-aalalang anas ni Rafael, inilapag nito ang dalawang pregnancy test kit na ginamit nya sa side drawer. “Oo nga, pero kilala ko ang katawan ko, Rafael!” punas-punas nya ang kanyang naglalalaglagang mga luha nang mahimasmasan sya sa kanyang pagkahimatay. “Alam ko ‘yun, kasi nursing ang kurso ko.” “At doktor naman ako, Abby. Syempre dapat makasigurado muna tayo. For now, I can only give you vits. And take the necessary precautions as if pregnant ka nga just to be sure. H’wag ka nang kumontra. Nursing ka nga pero simpleng pagta-track ng regla mo hindi mo ginagawa. Buti pa
“Para magkabalikan sila. Hindi mo ba napapansin? Tuwing makakaharap na lang si Jessica laging binibida ni Joaquín ang tungkol sa pagbubuntis ko pati sa kasal-kasal na ‘yan… Pinagseselos nya ‘yung tao.” “Ano?!” malakas na sambit ni Rafael. Kagyat na nagiba pa ang mukha nito sa narinig nito sa kanya. “Kaya ayokong tuluyang makasal kami. Rafael, hindi ito tulad ng laro natin nu’ng mga bata pa tayo. Seryosong commitment ang kasal. Sagrado. Hindi na maaaring bawiin ang lahat kapag natuluyan nga kaming magpakasal tapos naisip nyang si Jessica pa rin ang gusto nya,” pangangatwiran nya. “Nagpapanggap na nga akong buntis eh, pati ba naman sa kasal?” “Oh my God! You’re so unbelievable, Eyb,” pakli ni Rafael. Naiiling na tumayo ito sa kinauupuan sabay biro pa nito. “Selos yata ang dahilan ng pagkahilo mo eh." “Hoy, para sabihin ko sa ‘yo hindi ko kelangang magselos,” depensa nya. “Alam ko ang lugar ko. ‘Eto oh,” sabay proud na itinaas nya ang kanyang kamay na may suot na engagement ring.