Pagkatapos nyang ligpitin ang mga nangalaglag na unan at i-set ang malaking kama ay dali-dali nyang tinungo ang pintuan at nagsalita bago nya buksan ang pinto. “Mabilisan mo d’yan, hihintayin kita sa labas para sabay na tayong bababa,” pagkuway labas nya at kinabig ito pasarado nang malakas. Iniwan nya si Joaquín sa loob ng kwarto na nakamaang sa topak nya.Nagsasalubong ang kanyang kilay habang nakatitig sya sa malapad na pintuan ng kwarto. “Ako? Selfish?! Hah! Siraulo,” pilit ang kanyang tawa sabay nagbalik sa pagiging tiger look ang kanyang mukha.Hindi sya kahit kailanman naging selfish kay Joaquín. Itong pagpapanggap palang nya ay isa sa makakapagpatunay ng kanyang sakripisyo alang-alang rito. Lahat ng bagay na gusto ni Joaquín, kahit minsan labag na sa kanyang prinsipyo ay ginagawa nya kaya napakasakit na paratangan pa rin sya nito na makasarili gayong pati pagkatao at ang natitirang pride na mayroon sya ay i-giveup nya para makuntento ito.Hinapit nya ang kanyang tiyan nang bi
Nangingiti sya sa ideya na tinatanggap na rin sya ng ina ni Joaquín pero hindi nya maiwasang isipin na napilitan lang ito dahil sa siguro’y naramdaman nito na wala naman syang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanang simpleng babae lang ang pakakasalan ng kanyang anak. Naisip nyang kung malalaman lang nitong hindi totoo ang pagkakasundo nila ni Joaquín ay mabubunutan ito ng tinik sa lalamunan. “Can we not fight? At least not for now. It’s Christmas. Ibigay mo na sa akin ang ‘peace and love on Earth’ kahit ngayong araw lang na ‘to,” wika ni Joaquín pagbukas nya ng pinto at madatnan ang nakabusangot nyang mukha. Tinapik nya nang malakas ang kamay ni Joaquín nang kagyat na apuhapin nito ng palad ang kanyang mukha.“Hindi ako ang nauna, Joaquín, kundi ikaw. Wala akong ginagawang masama kaya please lang, h’wag mo ‘kong pakialaman,” pakli nya pagkuway nag-umpisa nang maglakad patungo sa puno ng hagdanan.“H’wag daw pakialaman… Ayaw mong pakialaman kita? Are you sure?” tinaasan
“Sure! I’d gladly take the task, Mijo! I’m glad you asked!” animated na animated na ipinaglapat ni Doña Alejandra ang kanyang mga palad sa sobrang tuwa. “Oh, oh, oh! I have so many things in mind about it; I’m so excited!” Agad inisa-isa ni Doña Alejandra ang mga kakailanganin at ang mga tradisyonal na ginagawa sa isang wedding ceremony na Hispanic ang tema. Masaya namang nakipagpalitan ng ideya si Jessica na nagprisinta ring tutulong sa pagsasaayos ng kanilang ‘kasal.’ “Napag-usapan na namin 'to dati, ‘di ba, mi cielo?” marahang siko ni Joaquín sa kanya. Minasdan nya ang total satisfaction sa mukha ni Joaquín sa kagalakan ng kanyang ina na paihip-ihip sa tasa ng kapeng hawak. “She only wants a simple wedding, but I want her to give her, like, a wedding-of-the-year kind. Syempre, everything but the best for mi señorita. But I want it prepared really quick, since I don’t have much time left to stay here."“Por supuesto (Of course), Mi Joaquín! One month of preparation is long enough
“It’s really too early to confirm yet, Abby. Malay mo false positive ka at hyperchlorhydria (hyperacidity) lang ‘yan. Counting on days could be very misleading since it’s only a few weeks since, uhm, you first do the deed, you say. At hindi ka pa nagkakaroon. We’ll have to wait for your next period to come. Kapag na-delay ka magte-test tayo ulit, saka natin makukumpirma ‘yan. Please, just relax. H’wag kang umiyak,” nag-aalalang anas ni Rafael, inilapag nito ang dalawang pregnancy test kit na ginamit nya sa side drawer. “Oo nga, pero kilala ko ang katawan ko, Rafael!” punas-punas nya ang kanyang naglalalaglagang mga luha nang mahimasmasan sya sa kanyang pagkahimatay. “Alam ko ‘yun, kasi nursing ang kurso ko.” “At doktor naman ako, Abby. Syempre dapat makasigurado muna tayo. For now, I can only give you vits. And take the necessary precautions as if pregnant ka nga just to be sure. H’wag ka nang kumontra. Nursing ka nga pero simpleng pagta-track ng regla mo hindi mo ginagawa. Buti pa
“Para magkabalikan sila. Hindi mo ba napapansin? Tuwing makakaharap na lang si Jessica laging binibida ni Joaquín ang tungkol sa pagbubuntis ko pati sa kasal-kasal na ‘yan… Pinagseselos nya ‘yung tao.” “Ano?!” malakas na sambit ni Rafael. Kagyat na nagiba pa ang mukha nito sa narinig nito sa kanya. “Kaya ayokong tuluyang makasal kami. Rafael, hindi ito tulad ng laro natin nu’ng mga bata pa tayo. Seryosong commitment ang kasal. Sagrado. Hindi na maaaring bawiin ang lahat kapag natuluyan nga kaming magpakasal tapos naisip nyang si Jessica pa rin ang gusto nya,” pangangatwiran nya. “Nagpapanggap na nga akong buntis eh, pati ba naman sa kasal?” “Oh my God! You’re so unbelievable, Eyb,” pakli ni Rafael. Naiiling na tumayo ito sa kinauupuan sabay biro pa nito. “Selos yata ang dahilan ng pagkahilo mo eh." “Hoy, para sabihin ko sa ‘yo hindi ko kelangang magselos,” depensa nya. “Alam ko ang lugar ko. ‘Eto oh,” sabay proud na itinaas nya ang kanyang kamay na may suot na engagement ring.
“Hindi, uhm, nagbigay lang ako ng number ng OB sa kanya,” tumungo sya para iiwas ang tingin sa lalakeng puzzled na puzzled na nakatuon lang ang tingin sa kanya.“Edi nagpapa-checkup ka nga kasi may OB-Gyn ka?” nagugulumihanang tanong ni Joaquín. “Hindi nga… Wala akong OB. Ewan ko.” “Anong ewan mo?!” kumukunot na ang noong susog ni Joaquín. “Ewan ko nga. Hindi naman kasi ako buntis eh. ‘Di ba props lang natin ‘to?” tinumbasan nya ang iritableng tinig ni Joaquín. “Oo nga, eh bakit sabi ni Rafael paglilihi 'yan? Anong meron bakit madalas kang nahihilo ngayon eh hindi ka naman ganyan dati kung hindi ka naglilihi? Madalas ka namang tanghali na magising dati, ni hindi ka nga nakakapag-almusal bago ka pumasok sa school pero hindi ka nahihilo. Ngayon lang."“Eh, anong gusto mong isagot ko sa ‘yo? Na buntis ako? Hindi nga ako buntis,” naiinis na wika nya. Dagli nyang tinakpan ang kanyang bibig nang magpaduwal-duwal na naman sya sa hapdi ng nararamdaman nyang umaakyat na mapait mula sa kan
Matapos nyang makakain ng konting kanin na may sabaw ng nilagang baka at palitan ng t-shirt at trousers ni Joaquín ay nagpaalam itong lalabas sandali ng kwarto. “May gagawin lang ako saglit sa labas. Hindi ako magtatagal, babalik rin ako agad,” sinulyapan nito ang cellphone na nasa bulsa pagkatapos ay binuksan ni Joaquín ang malalaking salaming bintana sa kanyang ulunan para makapasok ang hangin sa kwarto. “Okay lang ako rito, kahit h’wag ka nang bumalik,” malamig nyang sagot. “Napakasungit mo naman. Saglit nga lang ako,” malambing na anas nito. “Matulog ka lang muna, paggising mo nandito na ‘ko ulit," tumabi ito sa kanya at hinalik-halikan ang kanyang leeg. "Hm... alam mo ang bango-bango mo talaga ngayon, humahalimuyak ka sa buong kwarto natin, mi cielo. Amoy biko ka ngayon ni Nanay na may konting thinner ng pintura. Masarap at nakaka-adik," natatawang dagdag ni Joaquín. "Nang-iinis ka pa, lumayas ka na nga rito," naiiritang pumiksi sya nang bahagya nang pisilin ni Joaquín a
Nakakatulog na sana sya nang maramdaman nya ang paglangitngit pabukas ng pinto ng kwarto. “Mahal ko? Ngayon palang ako nakakaidlip…” bulong nya sabay sipat nya sa gawi ng pintuan. Dagli syang napaupo sa kama nang ang babaeng kinaiinisan nya ngayon ang nakita nyang pumasok sa pinto. Ngiting-ngiti ito sa kanya at may dala pang dalawang box na inilapag nito sa lamesa. “Hi, Abby! Are you sleeping? The door isn't locked kaya pumasok na ‘ko.” Napagdesisyunan nyang magpaka-casual. Pasko ngayon at na-stress na sya nang todo-todo kanina. At isa pa, wala naman talaga itong ginagawang masama sa kanya. Wala syang dapat ikagalit at hinding-hindi rin nya kailangang magselos. Walang rason para magselos. “Ah oo, patulog na sana ako eh... Ano ‘yang dala mo?” “Your flamenco dress and black sandals, pinabili ng Mamá n’yo sa ‘kin sa Manila. Tig-isa kayo ng hipag mo. I hope I got your size correct. This color suits you well since hindi ka naman kaputian,” ipinakita nito ang kabuuan ng kulay puti