Share

Chapter 141 - Symptomatic Bipolar Disorder

Nangingiti sya sa ideya na tinatanggap na rin sya ng ina ni Joaquín pero hindi nya maiwasang isipin na napilitan lang ito dahil sa siguro’y naramdaman nito na wala naman syang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanang simpleng babae lang ang pakakasalan ng kanyang anak. Naisip nyang kung malalaman lang nitong hindi totoo ang pagkakasundo nila ni Joaquín ay mabubunutan ito ng tinik sa lalamunan.

“Can we not fight? At least not for now. It’s Christmas. Ibigay mo na sa akin ang ‘peace and love on Earth’ kahit ngayong araw lang na ‘to,” wika ni Joaquín pagbukas nya ng pinto at madatnan ang nakabusangot nyang mukha. Tinapik nya nang malakas ang kamay ni Joaquín nang kagyat na apuhapin nito ng palad ang kanyang mukha.

“Hindi ako ang nauna, Joaquín, kundi ikaw. Wala akong ginagawang masama kaya please lang, h’wag mo ‘kong pakialaman,” pakli nya pagkuway nag-umpisa nang maglakad patungo sa puno ng hagdanan.

“H’wag daw pakialaman… Ayaw mong pakialaman kita? Are you sure?” tinaasan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
louise.kristel15
ang tgal ng update tpos isa lng pla
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status