MULA sa malayo ay natanaw ng grupo nila ni Gleea ang mga kakaibang nilalang na naglalakad nang dahan-dahan papunta sa kanilang kinatatayuan. Bahagyang nakalabas ang mga dila ng mga ito at tumutulo mula rito ang kulay itim nilang mga laway.
Isang kisap-mata at tinalunan silang lahat ng mga ito. Nagsisigaw si Fretzie dahil natuklap ang kaniyang balat sa mukha dahilan para makita ang kaniyang buto, inatake kasi siya sa mukha ng gutom na gutom na PURIAS Habang ang mga kasamahan niyang mga Police ay panay ang pagbaril ng mahigit Benteng Purias na umaatake sa kanila.
Dahil marunong si Razze sa ano mang self-defense ay hindi siya napuruhan, maging si Gleea ay walang natamo. Tanging si Fretzie ang namimilipit sa sakit.
"Kailangan na nating umalis rito!" matigas na sambit ng mga kapulisang kasama nila.
"Sa tingin niyo ba ay makakalabas pa tayo ng buhay sa bundok na 'to, Ha? Mamamatay tayo ng sabay-sabay rito!
NAALERTO ang grupo nila Renz nang biglang mahulog sa napakalalim na bangin ang kanilang kasamahan dahil sa biglaang pagtalon ng PURIAS papunta sa lalaki. Nawalan ito namg balanse at diretsong nahulog."Kev!" Sigaw ni Renz at akmang bababa ngunit pinigilan siya ng mga kasamahan niya."Chief tama na" Sambit ni Ian na isa sa pinakamagaling at responsableng Police."N-Nalagasan na naman tayo" Gustong maiyak ni Renz matapos niyang sabihin iyon.Gusto rin na kumala ng kaniyang mga luha dahil alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhat dahil siya mismo ay naranasan iyon.Ano na lamang ang sasabihin ng mga naiwang pamilya sa Maynila ng mga nasawing mga Police?Ayaw niyang nakakakita ng umiiyak dahil ito ang nagpapadurog ng kaniyang puso.Kaya naman labis ang kaba at pag-aalala ng binata para sa kaniyang nobya at mga kaibigan nito n
TAIMTIM na ipinagdarasal ni Gleea ang mga kaluluwa ng mga kasamahang nasawi nang magpunta sila sa San Hernandez. Pitong buwan na ang nakakaraan ngunit sariwa parin sa kaniyang isipan ang mga nasaksihan. "Gleea? Nandiyan na si Renz" Bulong ni Razze. Napabaling ang paningin ni Gleea sa kung saan huminto ang sasakyan ng kaniyang nobyo. Nagpaalam na sa kaniya nang tuluyan si Razze dahil may lakad daw ito kasama ang kaniyang buong pamilya. "Nagugutom ka na?" Tanong ni Renz sa nobya at inalalayan ito papasok sa kaniyang sasakyan. "Kanina pa Babe, Saan tayo?" Tanong ni Gleea sa nobyo habang abala ang lalaki sa pag mamani obra ng sasakyan nito. "Nagluto si Ate ng paborito mo Babe, Nakalimutan ko na iniimbitahan ka pala niya sa bahay" ani ni Renz. Napatango si Gleea at agad tinahak ni Renz ang daan papunta sa bahay nila ng kaniyang Ate.
ILANG oras nang nakatingala si Gleea sa kisame ng kaniyang kwarto. Hindi niya namalayan na nalipasan na pala siya ng gutom. Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa kaniyang pandinig ang mga palahaw at mga tili ng kaniyang mga kaibigan at ang mga kasamahang mga Police nang paslangin ang mga ito ng mga kakaibang mga nilalang. Napabaling ang kaniyang paningin nang makarinig nang katok. Maingat siyang tumayo at binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kaniyang Ina. Nginitian niya lamang ito at tinaggap ang isang baso ng tubig ang gamot. "Kumusta ang pakiramdam mo anak?" mahinahon na tanong ni Mrs. Glenda. Napabuntong Hininga si Gleea, hindi agad nakasagot sa ibinatong tanong ng kaniyang Ina. "M-Ma, Bakit kaya kailangang sapitin ko ito? Pagod na pagod na ho akong umiyak, Ma, natatakot parin po ako" Nagsimula nang humikbi ang dalaga.
DALAWANG buwan na ang nakakalipas ngunit ni anino ni Ismael ay hindi na mahagilap ng pamilya Iñara. Ilang beses nang inatake sa puso ang kanilang Ina, habang si Kirsten naman ay hindi mapalagay at panay ang pag mo-monitor nang naging takbo nang imbestigasyon.Hating Gabi na siya nang makarating sa kanilang bahay. Pagod na pagod galing sa trabaho. Nag news forecast siya sa nangyaring pagputok ng bulkan sa karatig bayan na kanilang tinitirhan.Unang sumalubong sa kaniya ang Pitong Taong gulang na anak. Kahit na nasa Ikalawang Baitang na ito ay nasa babyrone parin nakalagay ang gatas. Nag-iisa niyang anak si Kim. Hindi na muling nag-asawa si Kirsten simula nang mamayapa ang kaniyang asawa na isang Police."Mama!" Salubong ni Kim sa Ina at agad niya itong hinalikan sa pisngi."Kumain ka na po Ma?" Tanong niya sa Ina.Tumango si Kirsten. Binalingan niya nang tingin ang nanghihi
Ilang taon na nga ba ang nakalipas simula nang mangyari ang delubyo na hindi ko inaasahan na magaganap pala kahit sa modernong panahon."Yohooo! Kakainin ka na ng PURIAS ko baby" tumakbo ang batang lalaki papalapit sa mas maliit na batang babae."Huhuhu huwag po Mommy! Si Kuya oh!" Humahagulgol na ang batang babae buhat nang pananakot na ginawa ng nakakatandang kapatid."Justine! Stop that! Natatakot na ang kapatid mo." ani ng Mommy nila, sinasaway ang panganay."Mommy bilhin niyo po ito. I want this!" sabi ng batang lalaki sabay nguso."Let's just buy another toy. At saka anak hindi ka ba natatakot sa itsura niyan? Mas okay ang Batman o kaya'y SuperMan diyan" malumanay na pahayag ng kanilang Ina."Okay Mommy" malungkot na sagot ng batang lalaki.Nang tuluyan na silang makaalis sa pwestong iyon ay nilapitan ko ang laruang hawak kanina lan
ILANG araw nalang ay ga-graduate na si Gleea sa kursong BA Honours Creative Writing and Journalism. Excited na siya dahil ga-graduate siya with flying colors. Ganoon rin ang mga kaibigan niya. Si Kim Iniara na isang future Flight Attendant, Si Daphne na pangarap maging isang Accountant, Si Glyrazze na napakatalino na katulad niya ay ga-graduate din with flying colors sa kursong Criminology. Si Fretzie na isang future Nurse at si Raynazel na kasalukuyang nag-aaral sa kursong Abogasya. Wala na siyang mahihiling pa kahit na hindi siya ganoong mayaman ngunit mayaman naman siya sa pagmamahal, kalinga at suporta ng mga magulang at mga kaibigan. "Glee? Camping daw tayo kila Raynazel? G ka?" excited na sabi ni Kim. "Sure. '
PAREHONG tulog ang mga kaibigan ni Rayna sa loob ng van na kanilang nirentahan. Si Kim ang may pinakamalakas na hilik. Nang makita ni Raynazel ang malaking karatula na may guhit na malaking arrow na nakaturo pataas ay pumara na siya. "Kuya ito po ang bayad namin. Balik ho ulit kayo sa Linggo, Tanghali po 'ah" Ngumiti siya sa driver at isa-isang ginising ang mga kaibigan. "Guys gising na we're here na yohoooo!!" Malakas niyang inalog ang mga balikat nito. Nagising sina Glee, Daphne, Fretzie at Glyrazze na parehong sabog ang mukha dahil napakagulo ng mga buhok. Si Kim naman ay nanatiling tulog.
MULA sa patag na lupa ay biglang lumabas ang isang nilalang na may kahindik hindik na hitsura. Walang buhok, tuyo ang napakakapal niyang balat at may mahabang dila. Walang saplot at may matatalim na mga ngipin. Ang kaniyang mga kuko ay daig pa ang kutsilyo sa talim na kayang kayang magbukas ng sikmura sa loob lamang ng dalawang segundo. Ang mahahaba niyang tainga ay kayang makarinig kahit na ilang milya pa ang layo ng isang tao. Ngunit hindi siya nakakita sa dilim. Napabaling siya sa pwesto kung saan may liwanag. Nang tignan niya ito ay may nakita siyang ilaw na nakasabit sa maliit na puno. Napatingin siya sa tent na may natatanging kulay. Ang tent na kulay pink.