Home / Other / Underground Monsters' Catastrophe / CHAPTER 2 (Their Arrival At San Hernandez)

Share

CHAPTER 2 (Their Arrival At San Hernandez)

PAREHONG tulog ang mga kaibigan ni Rayna sa loob ng van na kanilang nirentahan.

Si Kim ang may pinakamalakas na hilik. Nang makita ni Raynazel ang malaking karatula na may guhit na malaking arrow na nakaturo pataas ay pumara na siya.

"Kuya ito po ang bayad namin. Balik ho ulit kayo sa Linggo, Tanghali po 'ah" Ngumiti siya sa driver at isa-isang ginising ang mga kaibigan.

"Guys gising na we're here na yohoooo!!" Malakas niyang inalog ang mga balikat nito.

 Nagising sina Glee, Daphne, Fretzie at Glyrazze na parehong sabog ang mukha dahil napakagulo ng mga buhok.

Si Kim naman ay nanatiling tulog.

"Iwan na natin 'yan tulog mantika 'e" Tawa ni Daphne at akmang baba na sana sila nang sampalin ni Fretzie sa mukha si Kim dahilan para mapabangon ito.

"Aray! Pashnea!" inis na inis na reklamo ni Kim at tinignan ng masama si Fretzie.

"Gaga andito na tayo" Sambit ni Rayna habang nakaharap kay Kim.

Bumaba si Kim sa kanilang Van na nirentahan at agad na inilibot ang buong paningin sa paligid.

"Wait! Kuya Roger picturan mo kami dali!" excited na sabi ni Kim habang nakaharap kay Roger, ang driver ng van na kanilang nirentahan.

Kakamot-kamot naman na kinuha ni Roger ang cellphone ni Kim.

"Maam full storage na ho ayaw ma save" Kumakamot na pahayag ng lalaki.

"Ayyy nako naman! Gleea sa'yo nalang" Padabog na iniligpit ni Kim ang kaniyang phone sa loob ng bag at binalingan si Gleea.

Agad din namang inilahad ni Gleea ang phone niya at masaya silang kinuhanan ng litrato ni Roger.

"Ang ganda natin girls pero pinakamaganda parin ako hehehe" masaya at mayabang na sabi ni Kim sabay hagikhik.

"Tara na para makapagpahinga tayo" seryosong anunsyo ni Rayna, binalewala ang kahanginan ni Kim.

Naglakad sila ng mahigit bente minutos. Napa 'o' ang bibig nila nang makita ang napakalaking mansyon nila Rayna.

Luma ang disenyo pero ang lakas ng dating.

Pinicturan iyon ni Kim at akmang ipo-post sa kaniyang IG nang magsalita si Gleea.

"Walang signal" natatawang sabi ni Gleea.

Ngumuso naman si Kim at inis na ibinalik sa bulsa ang kaniyang cellphone.

"Guys? Huwag niyong e-empty batt ang mga phone niyo dahil walang electricity rito" sambit ni Rayna.

Sabay na napabuntonghininga sina Glyrazze, Fretzie, Kim at Daphne maliban kay Gleea na alam na dahil sinabi ito ni Renz noong isang araw.

Lumikha nang ingay habang binubuksan ni Rayna ang kinakalawang nilang Gate na sa tantsa niya ay nasa tatlong daang taon na ang edad.

"Ang bongga ng house niyo girl" masayang bulalas ni Daphne.

"Oo nga baka ay makita ko rito sa Jose Rizal 'ah" maarteng hagikhik ni Kim.

Masyado kasing makaluma, Tila itinayo ang bahay noong kapanahonan pa ng mga Kastila.

Natatakbo sina Daphne at Kim papasok sa bahay nila Rayna pero nagsisigaw ang dalawa nang salubungin sila ng itak ng isang babaeng may mahabang buhok.

Nanlilisik ang mga mata nito at handa ng tagain ang dalawang dalaga na akmang papasok sana.

"Mamang huwag!" sigaw ni Rayna.

Naagaw nito ang pansin ng babae. Ibinaba niya ang itak at humarap kay Rayna.

"Mamang ako ho ito, si Rayna. Ibaba niyo po iyan. Mga kaibigan ko po sila" malumanay na sabi ni Rayna at dahan dahan na nilapitan ang ina.

"Hindi ka nagsabi na darating ka pala at may mga kasama pa" malamig na sabi nito.

"Hindi niyo po ba natanggap ang liham?" nagtatakang tanong ni Rayna.

"Pumasok na kayo" malamig na sabi nito ,hindi nito pinansin ang sinabi ni Rayna.

Sinenyasan ni Rayna ang mga kaibigan na sumunod sa kaniya sa loob. Agad na sumunod sina Glyrazze at Gleea. Nag-alinlangan pa sina Fretzie, Daphne at Kim pero agad rin naman na sumunod.

"Nasaan po si Papang?" Tanong ni Rayna sa Ina.

"Nagpapahinga sa kaniyang silid" walang ganang sagot ng babae.

Tumango si Rayna. Naisipan niyang mamayang gabi nalang niya pupuntahan ang ama at kukumustahin.

"Tig tatlo kada silid" malamig na sabi na pahayag ulit ng babae.

"Si Gleea, Fretzie at Gly" Sambit ni Rayna.

"Ako, si Kim at Daphne" malumanay na dagdag niya.

"Okay" simpleng sagot ni Daphne.

Agad nilang inayos ang mga gamit nila ng makapasok na sila sa kanilang mga silid.

NASA itaas ng puno si Kim habang itinataas sa ere ang kaniyang selpon upang makahagilap ng signal, nagbabakasakali lang naman siya.

Bumagsak ang mga balikat niya dahil kahit 1 bar ay wala man lang.

"Kainis!" Sambit niya habang nakanguso.

Mula sa di kalayuan ay may natanaw siyang bulto ng tao. Parang may hinuhukay ito sa lupa. Nakita rin niyang may ibinuhos itong mga pagkain doon at agad na tinakpan ng yero at mga dahon.

Nakasuot ng balabal ang babae at bigla na lamang itong nawala sa kaniyang paningin nang mapatingin ulit siya.

Humampas ang malamig na hangin sa mukha niya dahilan para magtayuan ang mga balahibo niya.

"Creepy" takot na bulong niya sa sarili.

Nang makababa siya sa itaas ng puno ay muntik na siyang atakehin ng makita mismo sa kaniyang harapan ang Nanay ni Rayna na si Aling Nancy. Malamig itong nakatingin sa kaniya.

"Bakit nandito ka pa?" galit na sabi nito habanng pinanlakihan siya ng mata.

Napalunok siya ng paulit-ulit bago nakasagot.

"N-Naghahanap h-ho n-ng s-signal" nauutal niyang sagot.

"Walang signal rito!" galit na sabi ng babae.

"A-Ah ganoon po ba? S-sige po balik na ako sa kwarto ko" kinakabahan at takot niyang sabi niya at agad na tumakbo pabalik sa silid nila Rayna at Daphne. Habol-habol niya ang kaniyang hininga at sobrang lamig rin ng kaniyang pawis.

SABAY-SABAY silang naghapunan. Malamig ang pakikitungo ng mga magulang ni Rayna sa kanila. Ang kwento ni Rayna ay matapos niyang makauwi noong December ay nagkaganoon na ang Mamang niya pagkauwi niya.

Parang ibang tao na ito. 

"Ahmm Nanay Nancy? Pwede po bang tayuan ng tent sa bandang likuran ng bahay niyo?" nahihiyang tanong ni Gleea.

"Bakit?!" galit na tanong ni Nancy dahilan para mapaatras si Gleea.

"C-Camping h-ho" kinakabahan niyang sagot.

"Oo at huwag na ulit kayong tatapak sa pamamahay ko!" Padabog itong umalis sa hapag.

Tinignan lang sila ng walang emosyong mukha ng Papang ni Rayna na si Miguel.

Gamit ang saklay ay naglakad ito upang sundan ang asawa.

Putol ang dalawang hita nito. Sabi ni Rayna diabetic ang kaniyang ama. Hindi naman sila nito sinusupladohan sadyang hindi lamang ito nakikisamaluha at sobrang lamig nang pakikitungo.

Nagulat sila nang makitang dala na ng Nanay ni Rayna ang mga gamit nila at agad itong inihagis palabas ng mansyon.

"Mag camping na kayo at huwag na ulit tatapak rito!" galit na galit na sigaw ng Ginang.

Napayuko silang pareho habang si Rayna naman ay hindi makatingin sa mga kaibigan dahil sa matinding kahihiyan. Sobrang nahihiya siya sa asal na pinapakita ng kaniyang Ina. Si Gleea ay nanatiling nakayuko dahil ang lahat ng ito ay kasalanan niya. Kung sana ay hindi niya binanggit ang about sa camping ay hindi sana magagalit ang Nanay ni Rayna.

HINDI matigil ang pagka-kamot ni Daphne sabay palo ng mga lamok na kumakagat sa kaniyang hita. Nagtutulong-tulungan sila para maitayo ang tig-iisang tent bawat miyembro.

"S-Sorry G-Guys" naiiyak na sabi ni Gleea habang tulala na nakaupo sa kahoy na natumba.

"Soss! huwag na ka ng umiyak girl mas keri namin rito kaysa makipag plastikan kay Aling Nancy" maarteng sagot ni Kim.

"Baka marinig ka ni Rayna" Sita ni Daphne sa kaibigan.

Napagdesisyunan nilang umalis na lamang sa mansyon nila Rayna at sa lupang sakop mismo ng pamilya Sandoval.

Nasa pusod na sila ng kagubatan habang itinatayo ang kaniya-kaniyang tent.

"Ang creepy ng parents niya 'diba Fret?" Baling ni Kim kay Fretzie na abala sa pag-aayos ng mga gamit nila.

"Medyo" Nagkibit balikat ang dalaga.

"Guys gamitin natin 'to para may ilaw tayo" masayang anunsyo ni Glyrazze na kararating lang galing sa pangunguha ng mga panggatong.

"Ano 'to?" Tanong ni Kim kahit obvious na obvious naman na bombilya ang hawak ni Glyrazze.

"Ibinigay ni Rayna sa'kin. Kailangan daw 'to i connect sa isang phone tapos iilaw na" masayang sagot ni Razze.

"Saan ba kasi si Rayna? Matapos niya tayong yayain dito at dalhin tapos pababayaan niya tayong pag piyestahan ng mga lamok sa masulaka na gubat na 'to!" inis na sabi ni Daphne.

"Nagmamadali nga 'yon 'e kasi baka daw pagalitan na naman ng Nanay niya. Concern parin naman sa'tin si Rayna at saka guys hindi naman niya kasalanan kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon. Naipit lang talaga si Rayna" Pagtatanggol ni Razze sa kaibigan nila.

"Mukha niya!" inis na sabi ni Daphne habang naka krus ang dalawang braso.

"Daph tama na!" Sita ni Gleea.

"Anong kakainin natin kinabukasan?! Wala nga tayong dalang pagkain!" inis na naman na dagdag ni Daphne.

"Nangako si Rayna na hahatiran niya tayo bukas ng mga karne pero tayo parin ang magluluto" Sagot ni Razze.

Hindi na sumagot ulit si Daphne.

"Matulog na tayo guys dahil maliligo pa tayo sa sapa bukas. Rayna gave me a Map" Winagayway ni Razze ang mapa na hawak hawak niya.

"Mabuti pa nga. I'm so tired na" Pairap na sagot ni Daphne at agad na ring pumasok sa kulay pink niyang tent.

"Goodnight guys" malambing na sabi ni Kim at pumasok na rin sa kulay itim niyang tent.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status