ILANG araw nalang ay ga-graduate na si Gleea sa kursong BA Honours Creative Writing and Journalism. Excited na siya dahil ga-graduate siya with flying colors. Ganoon rin ang mga kaibigan niya.
Si Kim Iniara na isang future Flight Attendant, Si Daphne na pangarap maging isang Accountant, Si Glyrazze na napakatalino na katulad niya ay ga-graduate din with flying colors sa kursong Criminology. Si Fretzie na isang future Nurse at si Raynazel na kasalukuyang nag-aaral sa kursong Abogasya.
Wala na siyang mahihiling pa kahit na hindi siya ganoong mayaman ngunit mayaman naman siya sa pagmamahal, kalinga at suporta ng mga magulang at mga kaibigan.
"Glee? Camping daw tayo kila Raynazel? G ka?" excited na sabi ni Kim.
"Sure. 'Yong iba iinvite niyo" nakangiting sagot niya.
Agad na nagtatakbo si Kim palabas ng classroom nila at masayang tinungo ang direksyon nina Daphne, Raynazel, at Fretzie na kasalukuyang gumagawa ng banner para sa event ng school nila kinabukasan.
"What do you think Gly? G ka rin?" Lumapit si Gleea kay Glyrazze na sa oras na iyon ay tahimik na nagbabasa ng libro.
"Okay lang naman basta ay hindi tayo magugutom" iritableng sagot nito dahil naantala ang kaniyang pagbabasa.
"Puro ka kain hindi ka naman tumataba" tawa ni Gleea.
Inirapan siya nito at huli nang makaiwas siya sa pangingiliti ng kaibigan.
Mula sa labas ng classroom nila ay nakarinig sila nang tilian ng mga kaklase niya.
Agad na pinamulahan ng mukha ang dalaga nang kawayan siya at ngitian ng boyfriend niyang si Renz na nasa bukana ng classroom nila.
"Chief!" Salute pa ni Glyrazze sa batang Chief.
Isa itong Chief, at kahit bago pa lamang ito sa kaniyang propesyon ay agad itong na- promote sa mas mataas na posisyon dahil sa angking determinasyon, talino at pagiging responsable.
"Hello" masayang bati ng batang Chief kay Glyrazze.
"Ang hot naman ng bf mo Gleea" Tili ng tatlong mga kaklase niyang pawang mga bakla.
"Yeah!" sang-ayon naman nina Zoey at Marian na kilalang bitch sa buong campus nila.
"Asinatado rin 'yan" Tawa ni Mark, ang kaklase ni Gleea na may pagkamanyak at babaero.
Mas lalong pinamulahan ng mukha si Glee sa panunukso ng mga ka blockmates niya.
Kapag vacant nilang magkakaibigan ay tumatambay sila sa classroom ni Gleea. Si Glyrazze ay ang mga libro lang talaga ni Gleea ang sadya niya kapag pumupunta sa classroom ng kaibigan.
Si Kim naman ay nakikichissmiss kung saan. Sila Daphne, Raynazel at Fretzie naman ay inaako ang gawain ni Gleea sa paggawa ng banner na gagamitin sa iba't-ibang events.
"Babe payag ka?" Paglalambing ni Gleea sa nobyo.
"Ano naman 'yon Babe?" Tanong ng nobyo niya sabay pahid sa pawis ng dalaga.
"Mag c-camping kami sa Weekends, Sa San Hernadez Babe" Nagpacute pa siya para payagan.
"Camping? Ibig sabihin bundok? walang kuryente, malayo sa bayan, walang Signal, maraming ligaw na hayop" seryosong sagot nito.
Napangaga siya sa sinabi nito.
"I've been there Babe. Delekado doon" dagdag ni Renz.
"Once in a lifetime lang naman" Pinag-igihan niya pa lalo ang paglalambing para payagan siya.
"Sasama ako" matigas na sabi ni Renz.
"But Babe 'e camping naman 'yon 'e" Pagpapacute ulit niya.
Huminga nang malalim si Renz at hinalikan ang noo ng nobya.
"Mag-iingat ka doon Gleea Carmenia" pupungay-pungay ang mata ng binata.
"I will" ngiti ni Gleea.
Hindi mapaglagyan ang kaniyang saya dahil tiyak na papayagan naman siya ng mga magulang niya lalo na't ang mga kaibigan niya ang kaniyang kasama.
"Sumama ka sa'kin" nagulat siya nang bigla na lamang siyanh hilahin ng kaniyang nobyo pasakay sa sasakyan nito.
Narating nila ang bahay nila Renz at agad siyang binati ng mga katulong.
"Babe saan tayo pupunta?" kinakabahan niyang tanong dahil wala siyang ideya sa tumatakbo sa isipan ng kaniyang nobyo.
"I'll train you how to use guns, knives and etc" Hinila siya nito sa isang malawak na silid.
"Bakit naman kailangan ako matuto ng ganito?" naguguluhan niyang tanong.
"Dahil alam kong magagamit mo ito sa camping ninyo Gleea. Mas mabuti nang maghanda ka" Sagot nito.
Kutsilyo.
Espada.
Baril.
Pana at palaso.
At boxing gloves?
NAKAHIGA si Daphne sa Queen Sized Bed niya habang nakasimangot. Naiinis siya sa nobyo niyang si Louie dahil hindi siya pinayagan nitong sumama sa Camping nilang magkakaibigan sa darating na weekend.
"Sirain ko ang blue print mo diyan 'e" inis niyang sabi, paiyak na.
Mas lalo siyang nainis nang marinig ang katok mula sa pintuan ng kwarto niya na sigurado siyang kagagawan ng katulong nila.
"Leave me alone!" sigaw niya sa sobrang inis.
"Maam nasa labas po si Engineer Louie, may dala po na mga regalo hehehe" kinikilig na sabi ni Yaya Mary, ang Mayor Doma nila.
Pilit niyang tinatago ang kaniyang kilig nang makita ang boyfriend niya na gwapong-gwapo sa suot nito na white button down shirt at black pants. Nasa sofa nila nakalapag ang hard hat nito.
"What are you doing here Louie Pilyaz?" mataray niyang tanong.
"I'm sorry Boss. Okay Fine! papayag na ako but promise me to take care of yourself" nag-aalalang sabi nito at ang mga mata'y nangungusap.
"Sino ba naman ang tanga na pababayaan ang sarili niya? Ang Oa mo, magkapareho kayo ng kaibigan mo na Police masyadong exaggerated" inis na sabi niya.
"Huwag ka na nga magalit pinapayagan ka na nga 'e" Lumabi ito sa kaniya.
Nag-iwas siya nang tingin kasi napakagwapo nito kapag ginagawa ang ganoon.
"Fine" Pabagsak siyang sumandal sa kanilang sofa at nginitian ang nobyo.
Niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ilong.
"Siguraduhin mo na makakauwi ka ng walang labis, walang kulang. Magpapakasal tayo pagkatapos mong grumaduate. Ingatan mo ang sarili mo ro'n 'ah? Mahal na mahal kita" Hinalikan siya nang mabilisan sa kaniyang labi.
Hindi maintindihan ni Daphne ang kakaibang pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kaniyang kinailaliman. Pakiramdam niya ay huli na ang sandali ito, Kung saan kasama niya ang nobyo.
"A-Anong bang pinagsasabi mo? Dalawang araw lang naman kami" Nag-iwas siya ng tingin upang maitago ang nagbabadyang mga luha na nais nang magsitulo
Ayaw niyang mag over think.
"Promise me" Hinawakan ni Louie ang mga kamay niya at pinisil iyon.
"Iloveyou" Hinapit niya ang batok ng nobyo at hinalikan ito sa noo.
Napangiti naman si Louie dahil pagkatapos ng paghalik ni Daphne ay namula na parang kamatis ang pisngi ng dalaga.
ABALA si Kim sa pag-iimpake ng kaniyang mga gamit kahit na ilang araw pa ang hihintayin bago sila aalis.
"Baka may sapa doon so need ko ng swimsuit" masayang sabi ni Kim sabay tiklop ng dalawang pares ng swimswear.
Biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang kwarto, iniluwa nito ang Lola niya na nakasakay sa wheel chair.
"Delekado ang Lugar na 'yon Kim. Sigurado ka bang tutuloy ka apo?" malungkot na tanong ng kaniyang Lola Salud.
"La anong delekado? Edi sana chugi na ang mga parents ni Rayna kung delekado pa ro'n. Saang lumalop ka na naman nakarinig nang chimiss tungkol ro'n La?" Tanong ng dalaga.
"Kay Ismael, ang Tito mo. Bago siya tuluyang mapipi ay ang lugar na iyon ang huli niya na pinuntahan, malakas ang kutob ko na ang lugar na iyon ang dahilan ng pagkakapipi ng Tito mo. Na-trauma rin siya" malungkot na sabi ng kaniyang Lola.
"La 'diba ikaw rin naman ang nagsabi na nahulugan ng falling debris si Tito sa ulo noon? At saka hinostage ang pinagta-trabahoan nila? Alam niyo namang may kalambotan, pagkamatatakutin at pagkanerbyoso iyong si Tito kaya na-trauma at kasabay noon ay ang pagkakapipi niya, Tapos pagbibintangan mo pa ang bundok na pinanggalingan ni Rayna? La, stop na baka ay matakot mo pa ako" Pailing-iling na pahayag ni Kim.
"Bahala ka ngang bata ka! Kaya ka walang jowa kasi napaka bungangera mo!" Pinalo nito ang pwet niya dahilan para mapasigaw siya.
"Ang harsh mo La" Ngumungusong sabi niya.
"Wala ka namang talagang manliligaw at nobyo" tawa ng kaniyang Lola.
Inirapan niya lang ito.
"Bungal ka" hindi niya napigilang matawa ng mag-iba ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang Lola.
Kunot-noo siyang tinignan nito ng masama at bigla nalang kiniliti.
"Wala ka ngang suso" Hagikhik ng kaniyang Lola.
At napuno ng tawanan ang apat na sulok ng kwarto ni Kim.
ANG mag-asawang Barcella na pinapangaralan ang kanilang unica hija.
"Ang itinuro ko sa'yo. Kailangan mo na i-apply kapag may masamang loob ang may balak na manakit sa inyo" seryosong sabi ng Daddy niyang Sundalo.
"Magdala ka na rin ng Swiss Knife at Katana Razze para may pang self defense ka" seryosong sabi naman ng Mommy niya.
"Dad! Mom! Ano ba naman ka'yo! Dalawang araw lang kami doon at saka walang masamang loob do'n" inis na sabi ni Glyrazze.
"Mainam ng maging handa dahil hindi namin makakaya na mawala ka sa'min. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin" malungkot na sabi ng Mommy niya.
"Tsk! Ang Oa ng mga magulang ko!" iritableng pahayag niya.
"Glyrazze! Magseryoso ka!" galit na sabi ng Daddy niya.
Napatango naman siya dahil tiyak na pagagalitan na siya ng ama kapag nagsalita pa siya ng mga bagay na hindi nito magugustuhan.
"Okay po. Mag-iimpake lang ho ako" Tumakbo siya papunta sa kaniyang kwarto at napahinga ng malalim.
NAGPADALA ng sulat ang dalaga na si Raynazel sa mga magulang niya sa San Hernadez, isang malayong bayan na matatagpuan sa bundok. Walang signal at kuryente. Malayo rin sa Health Center, Police Station and iba pa.
Nabanggit niya sa sulat na tutungo siya ro'n kasama ang kaniyang mga kaibigan para ipahinga ang kanilang mga sarili sa nakaka stress na exams. Hindi pa kasi kilala ng mga kaibigan ni Rayna ang mga magulang niya simula ng maging magkaibigan sila.
"Ate Myrna wala ho ako rito sa weekends. Uuwi ho ako sa amin, sa San Hernandez po" Paalam niya sa landlady na namamahala sa apartment na kaniyang tinitirhan.
"Walang problema hija" nakangiting sagot ng matanda.
Agad din siyang bumalik sa kaniyang kwarto upang mag impake.
Apat na araw ang kailangang hintayin bago maipadala ang sulat sa kaniyang mga magulang.
Sa Birnes ang itinakda nilang araw upang bumiyahe. Aabot sa sampung oras ang biyahe kaya tiyak na pareho silang pagod na pagod kapag nakarating na sa bahay.
TANGING mga katulong lang ang nadatnan ni Fretzie sa kanilang mansyon, as usual busy sa kanilang negosyo ang kaniyang mga magulang at mga kapatid.
"Maam? Bakit ho kayo nag-iimpake?" takang tanong ni Dolores, isa sa mga kasambahay nila.
"Tell my parents that i'll go camping this coming weekends. I'm will just prepare my stuffs baka ay hindi ko na ito maasikaso dahil busy na ako nitong mga susunod na araw." seryosong sagot ng dalaga.
"Saan naman po kayo tutungo?" Usisa ng dalagang kasambahay.
"Sa San Hernandez, sa bahay nila Rayna" Sagot niya.
"Maam! Delekado po ro'n! Marami na po ang mga napabalitang mga taong nagpunta ro'n at hindi na nakabalik" takot na pahayag ni Dolores.
"Will you please stop being so exaggerated? Edi sana hindi na nakabalik si Rayna? Galing siya ro'n noong December. Pagi kasi nagpapaniwala sa mga sabi-sabi" galit na sabi ni Fretzie sabay irap.
"Sorry po" Napayuko si Dolores matapos humingi ng paumanhin sa amo.
"Sige na leave me alone. Gusto ko nang magpahinga" malamig na sabi ni Fretzie at agad na nahiga sa kaniyang kama.
"Dadalhan ko nalang ho kayo ng dinner" Pasigaw na sabi ni Dolores na nasa hagdanan na pala.
"Okay" walang ganang tugon niya.
PAREHONG tulog ang mga kaibigan ni Rayna sa loob ng van na kanilang nirentahan. Si Kim ang may pinakamalakas na hilik. Nang makita ni Raynazel ang malaking karatula na may guhit na malaking arrow na nakaturo pataas ay pumara na siya. "Kuya ito po ang bayad namin. Balik ho ulit kayo sa Linggo, Tanghali po 'ah" Ngumiti siya sa driver at isa-isang ginising ang mga kaibigan. "Guys gising na we're here na yohoooo!!" Malakas niyang inalog ang mga balikat nito. Nagising sina Glee, Daphne, Fretzie at Glyrazze na parehong sabog ang mukha dahil napakagulo ng mga buhok. Si Kim naman ay nanatiling tulog.
MULA sa patag na lupa ay biglang lumabas ang isang nilalang na may kahindik hindik na hitsura. Walang buhok, tuyo ang napakakapal niyang balat at may mahabang dila. Walang saplot at may matatalim na mga ngipin. Ang kaniyang mga kuko ay daig pa ang kutsilyo sa talim na kayang kayang magbukas ng sikmura sa loob lamang ng dalawang segundo. Ang mahahaba niyang tainga ay kayang makarinig kahit na ilang milya pa ang layo ng isang tao. Ngunit hindi siya nakakita sa dilim. Napabaling siya sa pwesto kung saan may liwanag. Nang tignan niya ito ay may nakita siyang ilaw na nakasabit sa maliit na puno. Napatingin siya sa tent na may natatanging kulay. Ang tent na kulay pink.
DALAWANG oras nang naglalakad sina Fretzie at Razze sa masukal na kagubatan ng San Hernadez. Wala silang maaninag na mga tao sa paligid. Tanging mga kaluskos ng mga dahon na kanilang nasasagi sa tuwing nadadaanan nila, mga tunog ng mga nabaling sanga sa tuwing natatapakan nila ito at ang mga tuyong dahon na nasa lupa. "Parang pinaglalaruan tayo ni Rayna 'e." nalulumong sambit ni Fretzie. Dalawang oras na tayong naglalakad ni wala nga ako maaninag na tao at mukhang mas nagiging matarik na itong nilalakad natin. Mukhang hindi tayo naglalakad pababa" reklamo ni Fretzie. "Sabi niya apat na oras Fretzie baka ay kapag tuluyan na nating nasunod ang Mapa na iginuhit niya at saka na tayo makakakita ng tao" mahinahong sagot ni Razze kahit na pagod na pagod na ay patuloy parin sa paglala
MAKALIPAS ang ilang oras na lakaran ay naaninag na nila Razze at Fretzie ang bayan ng San Hernadez. Maraming tao. Hindi nalalayo ang distansiya ng Police Station at simbahan. Magkatabi naman ang eskwelahan at Heath Center. Sa malayong bahagi nakatayo ang palengke. Masyadong maliit ang espasyo kaya sa iisang lugar makikita mo ang lahat ng iyon. Naupo saglit ang dalawa habang habol habol ang hininga. Hindi alintana ni Fretzie ang putik na bumabalot sa kaniyang katawan buhat nang pagkakahulog sa malambot na lupa sa masukal na kagubatan na kanilang dinaanan. Si Razze naman ay ramdam ang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan. Hindi mainit ang panahon dahil sa naglalakihang puno na nagsisilbing payong upang hindi direktang tuma
NAPABALING sina Fretzie at Razze sa isang pang babaeng pulis na abala sa pakikipag-usap sa katawag nito. Nagkatinginan ang dalawa at agad na naunawaan ang pinapahiwatig ng bawat isa."May signal dito sa bayan?" Bulalas ni Razze na napalakas ang boses dahilan para mapatingin sa kaniyang gawi ang isang lalaking pulis na kagagaling lang sa Comfort Room."Oo mayroon. Tanging sa mga kabundukan lang wala." simpleng sagot nito.Nagkatinginan ulit ang dalawa. Napatango si Fretzie dahil sa pamamagitan nang tingin ay parang nababasa nila ang iniisip ng bawat isa."Pwede po bang manghiram ng phone? May tatawagan lang ho" Nakikiusap na sabi ni Razze."Sino naman?" Takang tanong ng lala
NAPABUNTONG hininga na lamang si Miguel ng payagan niya si Gleea na lisanin ang kaniyang mansyon upang iligtas si Kim. "Kapag nahanap mo na siya ay agad kayong magtungo rito" nag-aalang sabi niya sa dalaga. "Maraming Salamat po Mang Miguel." Sambit ni Gleea sabay mano. Pinadalhan siya ng pana na de sindi ang dulo. Bago asintahin ang isang Purias ay dapat na sindihan muna ang goma na nakakabit sa dulo ng palaso saka papanain ang Purias. Dapat ay may apoy na ang dulo. Ang dugo ng mga Purias ay parang gasolina na agad na maglalagablab kapag may apoy. "Hija dalhin mo ito" Inilahad ni Miguel ang isang pares ng gunting kay Gleea. "Kapag nahirapan ka sa pana ay mas madali iyan. Mag-iingat ka" Paalala nitong muli. "Opo. Maraming Salamat po. Mag-iingat rin po kayo rito" emosyonal na sambit ng dalaga. Napayakap siya kay Miguel. Hindi
SAKAY sa likod ni Gleea ang duguang si Kim. Pagod na pagod na siya at sa tingin niya'y naliligaw narin siya dahil kanina pa siya naglalakad pero hanggang ngayon ay hindi niya parin makita ang daan papunta sa mansiyon ng mga Sandoval."Kim? Pwede bang ibaba muna kita? Nangangalay na kasi ako" sambit niya sa pagod na boses."K-Kim?" Tawag niyang muli sa kaibigan pero wala siyang nakuhang tugon mula rito."K-Kim?" kinapa niya ang malamig at lupaypay na kamay ni Kim."K-Kim?" Nagsisigaw na siya sa labis na kaba.Dahan-dahan niyang ibinaba si Kim at tuluyan na ngang umagos ang mga luha ni Gleea nang makitang maputla na ang balat nito at kaonti nalang ang dugong tumutulo mula sa putol nitong braso."K-Kim! Hindi! Gumising ka" Sigaw niya habang kinakapa ang malamig nitong pisngi.Pinulsuhan niya ang kaibigan at nanlanta siya ng walang maramdaman
NAKATULOG sina Razze at Fretzie kakaiyak habang una-unan nila ang hita ni Gleea na nakatitig lang din sa kanila. Hindi lubos maisip ni Gleea na silang tatlo na lamang ang natira. Sa hindi mabilang na pagkakataon, ay sikreto at lihim siyang napahikbi. Malakas ang kutob niya na baka ay wala na rin si Daphne pero umaasa siya na sana ay ligtas pa ang kaibigan. Ang bangkay naman ni Kim ay nakabiyahe na, hindi niya alam kung narating na ba sa pamilya ni Kim ay sinapit ng dalaga. Pilit silang pinapasama upang makauwi na ng Maynila pero nagmatigas ang tatlo. Ayaw nilang iwan si Daphne, kung sakaling buhay pa ang dalaga. Hindi na nila muling natagpuan ang bangkay ni Rayna, malakas ang kutob nila na baka ay inubos na nang tuluyan ng mga PURIAS ang labi ng dalaga. Pinahid ni Gleea ang kaniyang mga luha at hinaplos ang ang buhok ng dalawang kaibigan. Hindi niya makakaya kung