DALAWANG buwan na ang nakakalipas ngunit ni anino ni Ismael ay hindi na mahagilap ng pamilya Iñara. Ilang beses nang inatake sa puso ang kanilang Ina, habang si Kirsten naman ay hindi mapalagay at panay ang pag mo-monitor nang naging takbo nang imbestigasyon.
Hating Gabi na siya nang makarating sa kanilang bahay. Pagod na pagod galing sa trabaho. Nag news forecast siya sa nangyaring pagputok ng bulkan sa karatig bayan na kanilang tinitirhan.
Unang sumalubong sa kaniya ang Pitong Taong gulang na anak. Kahit na nasa Ikalawang Baitang na ito ay nasa babyrone parin nakalagay ang gatas. Nag-iisa niyang anak si Kim. Hindi na muling nag-asawa si Kirsten simula nang mamayapa ang kaniyang asawa na isang Police.
"Mama!" Salubong ni Kim sa Ina at agad niya itong hinalikan sa pisngi.
"Kumain ka na po Ma?" Tanong niya sa Ina.
Tumango si Kirsten. Binalingan niya nang tingin ang nanghihi
Ilang taon na nga ba ang nakalipas simula nang mangyari ang delubyo na hindi ko inaasahan na magaganap pala kahit sa modernong panahon."Yohooo! Kakainin ka na ng PURIAS ko baby" tumakbo ang batang lalaki papalapit sa mas maliit na batang babae."Huhuhu huwag po Mommy! Si Kuya oh!" Humahagulgol na ang batang babae buhat nang pananakot na ginawa ng nakakatandang kapatid."Justine! Stop that! Natatakot na ang kapatid mo." ani ng Mommy nila, sinasaway ang panganay."Mommy bilhin niyo po ito. I want this!" sabi ng batang lalaki sabay nguso."Let's just buy another toy. At saka anak hindi ka ba natatakot sa itsura niyan? Mas okay ang Batman o kaya'y SuperMan diyan" malumanay na pahayag ng kanilang Ina."Okay Mommy" malungkot na sagot ng batang lalaki.Nang tuluyan na silang makaalis sa pwestong iyon ay nilapitan ko ang laruang hawak kanina lan
ILANG araw nalang ay ga-graduate na si Gleea sa kursong BA Honours Creative Writing and Journalism. Excited na siya dahil ga-graduate siya with flying colors. Ganoon rin ang mga kaibigan niya. Si Kim Iniara na isang future Flight Attendant, Si Daphne na pangarap maging isang Accountant, Si Glyrazze na napakatalino na katulad niya ay ga-graduate din with flying colors sa kursong Criminology. Si Fretzie na isang future Nurse at si Raynazel na kasalukuyang nag-aaral sa kursong Abogasya. Wala na siyang mahihiling pa kahit na hindi siya ganoong mayaman ngunit mayaman naman siya sa pagmamahal, kalinga at suporta ng mga magulang at mga kaibigan. "Glee? Camping daw tayo kila Raynazel? G ka?" excited na sabi ni Kim. "Sure. '
PAREHONG tulog ang mga kaibigan ni Rayna sa loob ng van na kanilang nirentahan. Si Kim ang may pinakamalakas na hilik. Nang makita ni Raynazel ang malaking karatula na may guhit na malaking arrow na nakaturo pataas ay pumara na siya. "Kuya ito po ang bayad namin. Balik ho ulit kayo sa Linggo, Tanghali po 'ah" Ngumiti siya sa driver at isa-isang ginising ang mga kaibigan. "Guys gising na we're here na yohoooo!!" Malakas niyang inalog ang mga balikat nito. Nagising sina Glee, Daphne, Fretzie at Glyrazze na parehong sabog ang mukha dahil napakagulo ng mga buhok. Si Kim naman ay nanatiling tulog.
MULA sa patag na lupa ay biglang lumabas ang isang nilalang na may kahindik hindik na hitsura. Walang buhok, tuyo ang napakakapal niyang balat at may mahabang dila. Walang saplot at may matatalim na mga ngipin. Ang kaniyang mga kuko ay daig pa ang kutsilyo sa talim na kayang kayang magbukas ng sikmura sa loob lamang ng dalawang segundo. Ang mahahaba niyang tainga ay kayang makarinig kahit na ilang milya pa ang layo ng isang tao. Ngunit hindi siya nakakita sa dilim. Napabaling siya sa pwesto kung saan may liwanag. Nang tignan niya ito ay may nakita siyang ilaw na nakasabit sa maliit na puno. Napatingin siya sa tent na may natatanging kulay. Ang tent na kulay pink.
DALAWANG oras nang naglalakad sina Fretzie at Razze sa masukal na kagubatan ng San Hernadez. Wala silang maaninag na mga tao sa paligid. Tanging mga kaluskos ng mga dahon na kanilang nasasagi sa tuwing nadadaanan nila, mga tunog ng mga nabaling sanga sa tuwing natatapakan nila ito at ang mga tuyong dahon na nasa lupa. "Parang pinaglalaruan tayo ni Rayna 'e." nalulumong sambit ni Fretzie. Dalawang oras na tayong naglalakad ni wala nga ako maaninag na tao at mukhang mas nagiging matarik na itong nilalakad natin. Mukhang hindi tayo naglalakad pababa" reklamo ni Fretzie. "Sabi niya apat na oras Fretzie baka ay kapag tuluyan na nating nasunod ang Mapa na iginuhit niya at saka na tayo makakakita ng tao" mahinahong sagot ni Razze kahit na pagod na pagod na ay patuloy parin sa paglala
MAKALIPAS ang ilang oras na lakaran ay naaninag na nila Razze at Fretzie ang bayan ng San Hernadez. Maraming tao. Hindi nalalayo ang distansiya ng Police Station at simbahan. Magkatabi naman ang eskwelahan at Heath Center. Sa malayong bahagi nakatayo ang palengke. Masyadong maliit ang espasyo kaya sa iisang lugar makikita mo ang lahat ng iyon. Naupo saglit ang dalawa habang habol habol ang hininga. Hindi alintana ni Fretzie ang putik na bumabalot sa kaniyang katawan buhat nang pagkakahulog sa malambot na lupa sa masukal na kagubatan na kanilang dinaanan. Si Razze naman ay ramdam ang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan. Hindi mainit ang panahon dahil sa naglalakihang puno na nagsisilbing payong upang hindi direktang tuma
NAPABALING sina Fretzie at Razze sa isang pang babaeng pulis na abala sa pakikipag-usap sa katawag nito. Nagkatinginan ang dalawa at agad na naunawaan ang pinapahiwatig ng bawat isa."May signal dito sa bayan?" Bulalas ni Razze na napalakas ang boses dahilan para mapatingin sa kaniyang gawi ang isang lalaking pulis na kagagaling lang sa Comfort Room."Oo mayroon. Tanging sa mga kabundukan lang wala." simpleng sagot nito.Nagkatinginan ulit ang dalawa. Napatango si Fretzie dahil sa pamamagitan nang tingin ay parang nababasa nila ang iniisip ng bawat isa."Pwede po bang manghiram ng phone? May tatawagan lang ho" Nakikiusap na sabi ni Razze."Sino naman?" Takang tanong ng lala
NAPABUNTONG hininga na lamang si Miguel ng payagan niya si Gleea na lisanin ang kaniyang mansyon upang iligtas si Kim. "Kapag nahanap mo na siya ay agad kayong magtungo rito" nag-aalang sabi niya sa dalaga. "Maraming Salamat po Mang Miguel." Sambit ni Gleea sabay mano. Pinadalhan siya ng pana na de sindi ang dulo. Bago asintahin ang isang Purias ay dapat na sindihan muna ang goma na nakakabit sa dulo ng palaso saka papanain ang Purias. Dapat ay may apoy na ang dulo. Ang dugo ng mga Purias ay parang gasolina na agad na maglalagablab kapag may apoy. "Hija dalhin mo ito" Inilahad ni Miguel ang isang pares ng gunting kay Gleea. "Kapag nahirapan ka sa pana ay mas madali iyan. Mag-iingat ka" Paalala nitong muli. "Opo. Maraming Salamat po. Mag-iingat rin po kayo rito" emosyonal na sambit ng dalaga. Napayakap siya kay Miguel. Hindi