Share

Underground Monsters' Catastrophe
Underground Monsters' Catastrophe
Author: G7eextraordinaryPen

PROLOGUE

Ilang taon na nga ba ang nakalipas simula nang mangyari ang delubyo na hindi ko inaasahan na magaganap pala kahit sa modernong panahon.

"Yohooo! Kakainin ka na ng PURIAS ko baby" tumakbo ang batang lalaki papalapit sa mas maliit na batang babae.

"Huhuhu huwag po Mommy! Si Kuya oh!" Humahagulgol na ang batang babae buhat nang pananakot na ginawa ng nakakatandang kapatid.

"Justine! Stop that! Natatakot na ang kapatid mo." ani ng Mommy nila, sinasaway ang panganay.

"Mommy bilhin niyo po ito. I want this!" sabi ng batang lalaki sabay nguso.

"Let's just buy another toy. At saka anak hindi ka ba natatakot sa itsura niyan? Mas okay ang Batman o kaya'y SuperMan diyan" malumanay na pahayag ng kanilang Ina.

"Okay Mommy" malungkot na sagot ng batang lalaki.

Nang tuluyan na silang makaalis sa pwestong iyon ay nilapitan ko ang laruang hawak kanina lang ng batang lalaki.

Pinagmasdan ko ang laruan na nasa dalawang dangkal ang taas.

Kuhang-kuha talaga ang itsura.

"Mommy? What are you doing?" Napalingon ako sa'king likuran nang marinig ang boses ni Isha, my daughter.

Nginitian ko lang siya at ipinakita sa kaniya ang hawak ko.

"Oh My God! I saw these monsters in YouTube last night Mom! It is located in San Hernadez" she exclaimed surprisingly.

Napatango ako't napangiti.

"Pero wala na daw natira ni isang lahi nila doon Mommy. Ang mga kabundukan doon ay may naglalakihan ng mga gusali tulad ng mga kabahayan, mga tindahan, skwelahan at iba pa" ani ni Isha habang nakatitig sa modelo ng PURIAS.

Natahimik ako at pinagmasdan lang siya.

Naubos nga talaga namin ang lahi nila. Kinapa ko ang kaliwang mata ko at unti-unting naglabasan ang nga ala-ala na pilit ko nang binabaon sa limot.

Nabulag ang isa kong mata. Hindi na ako nag-abala pang ipaayos, Pitong Taon narin naman ang nakalipas.

"Maam? Bibilhin niyo po ba?" ani ng Saleslady habang nakangiti.

Ininguso niya si Isha na nasa counter na pala habang nagpapacute sa'kin.

"Sige Miss" sagot ko at sinundan siya.

Nang makalabas kami ng Toy Shop ay panay ang titig ni Isha sa modelo ng PURIAS.

"Mommy? I read some articles about these kind of monsters." Itaas niya sa ere ang apat na modelo ng PURIAS na may kulay berde, pula, itim at asul.

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang ipagpatuloy ang pagsasalita niya.

"They only ate virgin people, pregnant, and newly born babies. Ibig sabihin Mommy ang mga matatanda at mga taong hindi na virgin ay hindi nila kinakain." takot na takot niyang sabi habang nakayakap sa sarili.

Natawa ako ng kaunti at hinawakan ang kamay niya.

"Anak umuwi na tayo. I think you're Daddy's already home" ani ko sa malumanay na boses.

Tumango naman siya.

Pagkalabas namin sa exit ng Mall ay nasa labas na pala si Renz, ang asawa ko. Mukhang kanina pa kami hinihintay.

Pinauna ko si Isha na makapasok at akmang ako na sana ang susunod na sasakay ng may biglang mahagip ang mga mata ko.

Nanginig ang kalamnan ko nang matukoy ang kaniyang anyo.

Tuyo ang makapal niyang balat.

Kulay pula.

May mahabang dila.

At walang buhok.

Makalipas ang ilang segundo ay nagbalat kayo siya bilang tao.

"PURIAS!" sigaw ko. 

Naalarma ang mga tao at isa-isang nagtatakbuhan sa iba't-ibang direksyon.

( This novel was the result of the Author's vast imagination, No to Copying or reprinting or worst you'll be brought to jail. Plagiarism is a crime, punishable by law! Thankyou and Mabuhay!)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status