MULA sa patag na lupa ay biglang lumabas ang isang nilalang na may kahindik hindik na hitsura.
Walang buhok, tuyo ang napakakapal niyang balat at may mahabang dila. Walang saplot at may matatalim na mga ngipin. Ang kaniyang mga kuko ay daig pa ang kutsilyo sa talim na kayang kayang magbukas ng sikmura sa loob lamang ng dalawang segundo. Ang mahahaba niyang tainga ay kayang makarinig kahit na ilang milya pa ang layo ng isang tao. Ngunit hindi siya nakakita sa dilim.
Napabaling siya sa pwesto kung saan may liwanag. Nang tignan niya ito ay may nakita siyang ilaw na nakasabit sa maliit na puno.
Napatingin siya sa tent na may natatanging kulay.
Ang tent na kulay pink.
DALAWANG oras nang naglalakad sina Fretzie at Razze sa masukal na kagubatan ng San Hernadez. Wala silang maaninag na mga tao sa paligid. Tanging mga kaluskos ng mga dahon na kanilang nasasagi sa tuwing nadadaanan nila, mga tunog ng mga nabaling sanga sa tuwing natatapakan nila ito at ang mga tuyong dahon na nasa lupa. "Parang pinaglalaruan tayo ni Rayna 'e." nalulumong sambit ni Fretzie. Dalawang oras na tayong naglalakad ni wala nga ako maaninag na tao at mukhang mas nagiging matarik na itong nilalakad natin. Mukhang hindi tayo naglalakad pababa" reklamo ni Fretzie. "Sabi niya apat na oras Fretzie baka ay kapag tuluyan na nating nasunod ang Mapa na iginuhit niya at saka na tayo makakakita ng tao" mahinahong sagot ni Razze kahit na pagod na pagod na ay patuloy parin sa paglala
MAKALIPAS ang ilang oras na lakaran ay naaninag na nila Razze at Fretzie ang bayan ng San Hernadez. Maraming tao. Hindi nalalayo ang distansiya ng Police Station at simbahan. Magkatabi naman ang eskwelahan at Heath Center. Sa malayong bahagi nakatayo ang palengke. Masyadong maliit ang espasyo kaya sa iisang lugar makikita mo ang lahat ng iyon. Naupo saglit ang dalawa habang habol habol ang hininga. Hindi alintana ni Fretzie ang putik na bumabalot sa kaniyang katawan buhat nang pagkakahulog sa malambot na lupa sa masukal na kagubatan na kanilang dinaanan. Si Razze naman ay ramdam ang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan. Hindi mainit ang panahon dahil sa naglalakihang puno na nagsisilbing payong upang hindi direktang tuma
NAPABALING sina Fretzie at Razze sa isang pang babaeng pulis na abala sa pakikipag-usap sa katawag nito. Nagkatinginan ang dalawa at agad na naunawaan ang pinapahiwatig ng bawat isa."May signal dito sa bayan?" Bulalas ni Razze na napalakas ang boses dahilan para mapatingin sa kaniyang gawi ang isang lalaking pulis na kagagaling lang sa Comfort Room."Oo mayroon. Tanging sa mga kabundukan lang wala." simpleng sagot nito.Nagkatinginan ulit ang dalawa. Napatango si Fretzie dahil sa pamamagitan nang tingin ay parang nababasa nila ang iniisip ng bawat isa."Pwede po bang manghiram ng phone? May tatawagan lang ho" Nakikiusap na sabi ni Razze."Sino naman?" Takang tanong ng lala
NAPABUNTONG hininga na lamang si Miguel ng payagan niya si Gleea na lisanin ang kaniyang mansyon upang iligtas si Kim. "Kapag nahanap mo na siya ay agad kayong magtungo rito" nag-aalang sabi niya sa dalaga. "Maraming Salamat po Mang Miguel." Sambit ni Gleea sabay mano. Pinadalhan siya ng pana na de sindi ang dulo. Bago asintahin ang isang Purias ay dapat na sindihan muna ang goma na nakakabit sa dulo ng palaso saka papanain ang Purias. Dapat ay may apoy na ang dulo. Ang dugo ng mga Purias ay parang gasolina na agad na maglalagablab kapag may apoy. "Hija dalhin mo ito" Inilahad ni Miguel ang isang pares ng gunting kay Gleea. "Kapag nahirapan ka sa pana ay mas madali iyan. Mag-iingat ka" Paalala nitong muli. "Opo. Maraming Salamat po. Mag-iingat rin po kayo rito" emosyonal na sambit ng dalaga. Napayakap siya kay Miguel. Hindi
SAKAY sa likod ni Gleea ang duguang si Kim. Pagod na pagod na siya at sa tingin niya'y naliligaw narin siya dahil kanina pa siya naglalakad pero hanggang ngayon ay hindi niya parin makita ang daan papunta sa mansiyon ng mga Sandoval."Kim? Pwede bang ibaba muna kita? Nangangalay na kasi ako" sambit niya sa pagod na boses."K-Kim?" Tawag niyang muli sa kaibigan pero wala siyang nakuhang tugon mula rito."K-Kim?" kinapa niya ang malamig at lupaypay na kamay ni Kim."K-Kim?" Nagsisigaw na siya sa labis na kaba.Dahan-dahan niyang ibinaba si Kim at tuluyan na ngang umagos ang mga luha ni Gleea nang makitang maputla na ang balat nito at kaonti nalang ang dugong tumutulo mula sa putol nitong braso."K-Kim! Hindi! Gumising ka" Sigaw niya habang kinakapa ang malamig nitong pisngi.Pinulsuhan niya ang kaibigan at nanlanta siya ng walang maramdaman
NAKATULOG sina Razze at Fretzie kakaiyak habang una-unan nila ang hita ni Gleea na nakatitig lang din sa kanila. Hindi lubos maisip ni Gleea na silang tatlo na lamang ang natira. Sa hindi mabilang na pagkakataon, ay sikreto at lihim siyang napahikbi. Malakas ang kutob niya na baka ay wala na rin si Daphne pero umaasa siya na sana ay ligtas pa ang kaibigan. Ang bangkay naman ni Kim ay nakabiyahe na, hindi niya alam kung narating na ba sa pamilya ni Kim ay sinapit ng dalaga. Pilit silang pinapasama upang makauwi na ng Maynila pero nagmatigas ang tatlo. Ayaw nilang iwan si Daphne, kung sakaling buhay pa ang dalaga. Hindi na nila muling natagpuan ang bangkay ni Rayna, malakas ang kutob nila na baka ay inubos na nang tuluyan ng mga PURIAS ang labi ng dalaga. Pinahid ni Gleea ang kaniyang mga luha at hinaplos ang ang buhok ng dalawang kaibigan. Hindi niya makakaya kung
NAGTULUNGAN ang tatlo sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila na pawang mga dahon lamang ng saging. Sobrang nabusog sila kanilang pinagsaluhan."Grabe wa pa namang CR dito, Saan tayo magpopopo?" Bulong ni Fretzie."Pwede namang doon ka sa likod ng mga dahon na iyon dumudumi, tapos hugasan mo ang pwet mo doon sa falls" Sagot ni Glyrazze."Eww baka ma poison ang mga isda" Sabat naman ni Gleea."Ang papangit niyo kabonding" nakangusong sabi ni Fretzie."Seryoso nga ako" Sagot ni Razze, pilit pinipigilan ang pagtawa."Pero hindi naman ako nakakaramdaman ng tawag ng kalikasan" Nguso ni Fretzie.Natawa na lamang sina Gleea at Razze at nagpatuloy sa pagligpit ng kanilang mga pinagkainan."Chief!" Sabay na lumingon ang tatlo sa tatlong Police na nakasaludo sa kanilang Chief na paparating."Kumusta kayo?" B
MULA sa malayo ay natanaw ng grupo nila ni Gleea ang mga kakaibang nilalang na naglalakad nang dahan-dahan papunta sa kanilang kinatatayuan. Bahagyang nakalabas ang mga dila ng mga ito at tumutulo mula rito ang kulay itim nilang mga laway.Isang kisap-mata at tinalunan silang lahat ng mga ito. Nagsisigaw si Fretzie dahil natuklap ang kaniyang balat sa mukha dahilan para makita ang kaniyang buto, inatake kasi siya sa mukha ng gutom na gutom na PURIAS Habang ang mga kasamahan niyang mga Police ay panay ang pagbaril ng mahigit Benteng Purias na umaatake sa kanila.Dahil marunong si Razze sa ano mang self-defense ay hindi siya napuruhan, maging si Gleea ay walang natamo. Tanging si Fretzie ang namimilipit sa sakit."Kailangan na nating umalis rito!" matigas na sambit ng mga kapulisang kasama nila."Sa tingin niyo ba ay makakalabas pa tayo ng buhay sa bundok na 'to, Ha? Mamamatay tayo ng sabay-sabay rito!