Share

UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 3

Nalaman nila na ang discrepancy ay gawa ng isang board member na nagdispalco ng 2 bilyong pesos, at ngayon ay hindi na ito makontak. 

Nasa gitna ng tensyon ang buong paligid ng opisina nang matapos ang mainit na pagtatalo nina Xavier at Antonette. Ang bawat piraso ng galit sa tinig ni Xavier ay nararamdaman ni Antonette sa bawat salitang bumagsak sa kanya.

“All along, it’s your fault, Antonette!” malakas na sigaw ni Xavier habang nakatitig sa kanya. “You didn’t even bother to double-check! Alam mo ba ang ibig sabihin nito? You need to fix it right away or you will lose your job, and don’t think we won’t sue you for your incompetency.”

Ramdam ni Antonette ang bawat salita ni Xavier na tila mga talim na tumatama sa kanyang puso. Nanginginig ang kanyang mga kamay, ngunit pinilit niyang itago ang takot. Alam niyang may malaking pagkukulang siya, at hindi siya makahanap ng tamang salita upang ipagtanggol ang sarili.

Malamlam ang mga mata ni Antonette, ngunit pinilit niyang huwag patulan ang luha. Nakita niya ang pagkadismaya at galit sa mga mata ni Xavier. "I-I’m sorry, Sir," sabi niya, kahit paalam niya sa sariling kulang iyon para punan ang pagkakamali.

"May disbursing authority ka, at ikaw mismo ang may hawak ng mga datos bago ko ito pirmahan. Now, dahil sa kapabayaan mo, wala tayong oras para sa paliwanag. Kailangan mong kunin ang dokumentong iyon bago pirmahan ng mga business partners, ngayong gabi!”

“No apologies, Antonette. Ang kailangan ko ay aksyon!” Mariing utos ni Xavier. “Kunin mo ang mga dokumento bago magbukas ang main branch bukas. Kapag hindi mo nakuha iyon ngayong gabi, hindi lang ang kompanya ang may malaking problema—kasama ka roon. Malinaw?”

Tumango si Antonette. “Opo, Sir. Gagawin ko po ang lahat.Hindi ko po intensyong mangyari ‘to,” Pilit niyang itinatago ang takot, ngunit ramdam niya ang malamig na pawis na bumabalot sa kanyang katawan. Pilit na pinipigilan ang luha sa kanyang mga mata. Alam niyang ngayon lang niya nakita si Xavier na ganito kalupit, ngunit wala siyang karapatang magreklamo—ito ang trabahong pinili niya at ito'y kasalanan niya.

Tinuro siya ni Xavier na parang wala nang pasensya. “Hindi ako interesado sa mga paliwanag mo, Antonette. What matters now is that you fix this mess! Bago mag-sunrise, kailangan mong makuha ang mga dokumento. Hindi ako makakatulog hangga’t hindi sigurado ang kompanya na hindi tayo mahaharap sa isang malaking skandalo! Tandaan mo, ang reputasyon ng Heaven Shipping Inc. ang nakasalalay dito. And if you don’t do it, you’re fired, and we will sue you for negligence. Do you understand?!”

Tumango si Antonette, bagamat hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding lungkot at takot. “Opo, Sir. Kukunin ko po ang mga dokumento bago mag-umaga.” Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang bag at mabilis na lumabas ng opisina, naririnig pa ang mariing paghinga ni Xavier sa likuran niya.

Habang nagmamadaling tinatahak ang pasilyo palabas, hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong masaya siya sa trabahong ito. Ngunit ngayon, tila binabalot siya ng malupit na realidad—isang mali lang, at mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya.

Mabilis siyang sumakay ng taxi, hindi mapakali habang tumatakbo ang bawat minuto sa kanyang relo. Sa loob ng sasakyan, pinilit niyang kalmahin ang sarili. Ngunit sa bawat pag-alala niya sa mga sinabi ni Xavier, nararamdaman niya ang lalim ng kanyang kasalanan.

Habang iniisip niya ang kanyang responsibilidad, biglang naisip niya ang hirap ng pagiging bagong empleyado at ang mga sakripisyong ginawa niya para makarating sa posisyong iyon. Ngunit ngayon, isang pagkakamali lang, maaaring mawala ang lahat.

Nakarating siya sa main branch sa labas ng opisina bandang alas-diyes ng gabi, tahimik at halos walang tao. Pero dama niya ang bigat ng bawat hakbang niya papasok sa gusali. Nang makita niya ang security guard, ipinakita niya ang ID at nagpaliwanag kung bakit siya naroon sa ganoong oras.

Nagmamadali siyang nagtungo sa opisina ng record room, dala ang kaba at panalangin na sana ay hindi pa natutulog ang in-charge doon.

“Pasensya na, Ma’am. Pero kailangan niyo pong maghintay nang kaunti habang inaayos ko ang entry niyo sa record,” sabi ng guard na halatang naantala ng biglaan niyang pagdating.

Napansin siya ng guwardiya, at agad siyang tinanong, “Ma’am, gabi na ah. Kailangan niyo po bang pumasok?”

“Ah…opo. May kailangang baguhin sa isang importanteng dokumento. Kung maaari po sanang pumasok kahit saglit?” Nakikiusap ang tono niya, at bahagyang nahalata ng guard ang pangangailangan niya.

Matapos ang ilang pakiusap, pinapasok siya nito. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso habang hinahanap ang mga dokumento sa loob ng filing room. Pinagmasdan niya ang bawat folder na dumadaan sa kanyang kamay, natatakot siyang magkamali sa bawat galaw.

Pilit niyang inintindi, pero ang bawat segundo ng paghihintay ay tila isang dagok sa kanyang pagkatao. Nang sa wakas ay pinayagan siyang pumasok, tumakbo siya sa opisina ng finance department. Nahanap niya ang file cabinet kung saan nakatago ang kopya ng mga financial reports.

Nang matagpuan niya ang dokumento, nabasa niya ang discrepancy na kagagawan ng isang board member na nag-disbursed ng malaking halaga. Hindi siya makapaniwala. Dalawang bilyon? Parang hindi kayang paniwalaan na posible ang ganitong kalaking pagkakamali, pero heto siya, hawak ang ebidensya.

Napakabilis ng kilos ni Antonette pabalik ng opisina ni Xavier. Nang makarating siya sa opisina ng CEO, nakita niya si Xavier na naghihintay, matindi pa rin ang galit sa kanyang mga mata ngunit may pag-aalala rin na hindi maikakaila.

Sa wakas, natagpuan niya ang dokumento, ngunit bago pa man niya ito makuha nang buo, biglang pumasok sa kanyang isipan ang mga galit na salita ni Xavier.

"All along, it’s your fault… you’re incompetent." Ramdam niya ang bigat ng mga salitang iyon, at hindi niya maiwasang mapaluha sa kabila ng kanyang pagpupursigi. Ngunit ito ang responsibilidad niya, at alam niyang dapat siyang manindigan para sa nagawa niyang pagkakamali.

Nang makabalik si Antonette sa opisina ni Xavier dala ang mga dokumento, hindi siya nag-atubiling pumasok agad at ilapag ito sa mesa ni Xavier.

"Sir, nakuha ko na po ang mga dokumento. Na-review ko na rin at nakumpirma ko na nga pong may discrepancies. Kailangan lang po nating palitan ang mga datos bago mag-umaga para hindi na ito matuloy sa kanilang meeting,” sabi niya, halos humihingal.

Lumipas ang ilang minuto ng katahimikan habang binabasa ni Xavier ang dokumento. Hindi niya maiwasang magtaka sa mga nangyari, at ngayon, tila hindi lang galit ang nararamdaman niya kay Antonette, kundi labis na pagkabahala.

Sinipat ni Xavier ang mga dokumento, at bahagyang humupa ang galit sa kanyang mukha. Hindi pa rin siya natuwa, pero ramdam ni Antonette ang pag-igting ng respeto ni Xavier sa kanyang nagawa.

Nakatayo si Antonette sa kanyang harapan, halos di humihinga sa kaba. Sa wakas, tumayo si Xavier, tumitig sa kanya at sinabing, “Paano mo napabayaan ang ganitong kalaking discrepancy, Antonette?”

Ngunit bago pa siya makasagot, bumuntong-hininga si Xavier. “Alam ko ang hirap ng posisyon mo, Antonette, lalo na bilang bago. Hindi ko pinapayagang magkaroon ng ganitong pagkakamali, lalo na kung kaya mo itong pigilan. Alam kong may kakayahan ka.”

"Salamat sa pagsunod sa utos ko, Antonette. Ngayon, kailangan nating siguraduhin na magiging maayos ang lahat bukas," sabi ni Xavier sa mas mahinahong boses.

Nagulat si Antonette sa pagbabago ng tono ng boses niya. “Si-sir, gusto ko pong humingi ng tawad sa lahat ng kaguluhang nagawa ko. Alam ko pong kasalanan ko ang pagkakamali, ngunit…” Sandaling tumigil siya at pilit pinigilan ang luha sa mga mata. “Ngunit gagawin ko po ang lahat para maitama ito.”

Tumango si Xavier, tila lumambot ang matigas niyang ekspresyon. “Gusto kong malaman kung bakit mo ginawa ito, Antonette. Sa totoo lang, napakadali sanang basta-bastang magalit at hindi magtiwala. Ngunit gusto kong malaman… Bakit ka pa rin nandito? Bakit ka pa rin nagpupursigi, sa kabila ng lahat ng hirap?”

Hindi agad nakasagot si Antonette. Alam niyang ang tanong na iyon ay hindi simpleng sagutin, ngunit naramdaman niya ang pangangailangan na maging totoo sa kanyang nararamdaman.

“Sir, dahil sa trabahong ito, nakahanap ako ng pangarap na kaya kong ipaglaban. Kahit gaano kahirap o kabigat, alam kong kaya ko ito kung ako lang ay bibigyan ng isa pang pagkakataon.” Halos pabulong ang boses niya, ngunit dama ni Xavier ang katapatan sa kanyang tinig.

Napatitig si Xavier kay Antonette, ramdam ang pagod at hirap ng taong nasa harapan niya. “Sa tingin mo, kaya mong dalhin ang bigat ng responsibilidad na ito?”

“Oo, Sir. Kahit paulit-ulit, gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa inyo na karapat-dapat ako sa posisyong ito,” sagot niya, may kapaitan ngunit puno ng determinasyon ang boses.

Bagamat dama pa rin niya ang tensyon sa pagitan nila, nagbigay siya ng ngiti at muling tumango. Sa kanyang puso, alam niya ang kanyang pagkukulang, ngunit alam din niya na handa siyang ayusin ang lahat ng pagkakamali sa abot ng kanyang makakaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status