Share

UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 6

Si Antonette ay palaging kinatatakutan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang pagiging clumsy—isang “walking disaster” sa opisina ng Heaven Shipping Inc. Siya ang klase ng empleyadong laging may nadadaganan, natatapunan, o nahuhulog na gamit sa mesa, at walang sinuman ang gustong makatabi niya, lalo na’t sa bawat kilos niya, tila may kalamidad na parating.

Ngunit sa likod ng pagiging pala-talong at magulo ni Antonette, may pusong masayahin at positibo. Tanggap niyang may mga bagay na tila hindi niya kontrolado, at para sa kanya, okay lang iyon. Ngunit sa araw-araw na presensya ng kanilang terror na boss na si Xavier, ang malamig at walang pusong CEO, tila isang napakalaking pagsubok ang kanyang trabaho.

Isang normal na araw sa opisina ang iniisip ni Antonette habang abala siya sa pag-aayos ng meryenda para sa kanyang team. May hawak siyang Coke na iniiling-iling niya kasabay ng saliw ng paborito niyang kanta, Apateu nina Rose at Bruno Mars, habang buong puso siyang kumakanta. Walang kaalam-alam na may mata palang nagmamasid sa kanya mula sa likuran—si Xavier, ang kinatatakutang CEO ng Heaven Shipping Inc.

“Don’t you want me like I want you, baby?

Don't you need me like I need you now?

Sleep tomorrow, but tonight, go crazy

All you gotta do is just meet me at the Apateu, apateu

Apateu, apateu

Apateu, apateu

Uh, uh-huh, uh-huh

Apateu, apateu

Apateu, apateu

Apateu, apateu

Uh, uh-huh, uh-huh"nakapikit pa siyang humihinga ng malalim at sinasabayan ng kembot habang pineperform ang kanyang ‘concert’ performance.

Napuno siya ng excitement sa kanta at di na napansin kung paano niya sinalubong ang bote ng Coke—isang malakas na pindot at BOOM! Nagmistulang fountain ang Coke, at sa gulat, biglang bumuga ang malamig na softdrink sa mukha… ng nag-iisang Xavier."Ang terror niyang boss".

Nagulat si Antonette, at parang nag-slow motion sa kanya ang lahat nang makita ang mukha ng boss niya—galit at basang-basa ng Coke.

"Oras ng trabaho naglalaro ka?!" Umuusok na ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Xavier na may halong incredulity. "Antonette, ikaw na ang may pinakamasamang timing sa buong mundo! "

"Ah… hindi po, sir. Tingnan niyo po yung clock break time po namin sir..Akala ko po kasi… well, ahm…" Hindi niya maipaliwanag ang kanyang sarili sabay turo sa orasan sa loob ng pantry. Sa sobrang kaba, napalingon siya sa mga katrabaho niyang nagkakatinginan, pilit na pinipigil ang tawa. “Sorry po, hindi ko po sinasadya—nadala lang po sa kanta… Gusto niyo po bang marinig? Kaso medyo basa na kayo, baka po madulas kayo sa floor..."

“ANTONETTE!” sigaw ni Xavier, ang malamig niyang boses ngayon ay puno ng pagkapoot. Kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata, habang pinupunasan ang Coke na tumulo sa kanyang mukha at asul na polo.

Natameme si Antonette, habang hinahawakan pa rin ang basang bote ng Coke. "Ah... sir… g-gusto n’yo po ng tissue?" tanong niya habang nanginginig pa sa kaba, alam na alam niyang mali ang pagkakataon ng kanyang tanong.

"Tissue?" Napanganga si Xavier sa hindi makapaniwala. “TISSUE?! Kapag nahuli kitang naglalaro sa oras ng trabaho, matatanggal ka sa isang segundo! pasalamat ka break time !” Umuusok na ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Ano akala mo sa opisina?playground?"

"Sorry po sir, Hindi ko po sinasadya"mahinang tugon nito.

Ang mga katrabaho niya ay napangiti nang lihim, at sa isang iglap, napuno ang conference room ng mga usapan at bulungan.

Huminga nang malalim si Xavier, tila pilit na nilalabanan ang bugso ng kanyang galit. 

"Antonette, para kang isang kalamidad sa kumpanyang ito!" Napapikit si Xavier habang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang sinturon, kitang-kita ang pag-igting ng kanyang panga. "Kung may susunod pa ulit na pagkakamali, ikaw ang una kong palalayasin at sisantehin dito!"

Sa puntong iyon, hindi na malaman ni Antonette kung tatango ba siya o magpapaalam na lang sa mundo sa hiya. “Opo, sir. Hindi na po mauulit.” Nanginginig pa rin ang boses niya habang pilit na nag-i-smile.

Kinabukasan, bumalik si Antonette sa opisina na tila ba naglalakad sa loob ng hawla ng mga leong gutom. Nagsitahimik ang mga kasamahan niyang natatawa kahapon, habang siya naman ay muling sinasariwa ang pagkapahiya. Sa isip niya, ang gusto lang naman niya ay magpasaya at makalimot sa stress ng trabaho.

Habang pinapasa niya ang ilang documents sa HR, biglang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Xavier, na tahimik ngunit kitang-kitang seryoso. Muli niyang naalala ang eksena kahapon, kaya’t halos pigil-hininga siyang sumabay sa elevator.

"Ano pang ginagawa mo dito sa opisina, Antonette? Hindi ba’t dapat hinahanda mo ang reports para sa board meeting?” tanong ni Xavier na may tono ng pagka-irita.

“Opo, sir. Iniwan ko lang po ‘yung isang dokumento sa HR,” sagot niya habang nagsusumikap na hindi magkamali sa bawat hakbang. Pero sa sobrang kaba niya, hindi niya napansin ang sariling high heels na sumabit sa dulo ng kanyang pantalon. Ay, Diyos ko po!

Sa isang iglap, bumagsak siya sa harapan ni Xavier, dala ang stack ng mga documents na halos ikalat sa sahig ng elevator. Natahimik si Xavier, at sa tingin niya, hindi na ito makapaniwala sa mala-pelikula niyang pagka-clumsy.

"Antonette!" galit na galit na tawag ni Xavier habang nakatingin sa nagkalat na documents. "Hindi ka na nga natuto sa nangyari kahapon, at ngayon, pati itong elevator, ginawa mong eksena ng kalokohan mo?!”

Pilit na binubuo ni Antonette ang dignidad niya habang pinupulot ang mga papel. "Pasensya na po, sir… hindi ko po sinasadya… naipit lang po ang pants ko…”

"Bakit ba lagi kang may palusot? At kung hindi mo kayang maging maayos sa trabaho, Antonette, baka kailangan mong maghanap ng ibang mapapasukan na bagay sa level mo!"

Walang sabi-sabi, lumabas si Xavier sa elevator nang bumukas ang pinto, iniwan siyang nakaluhod at nagmamadaling mag-ayos ng kalat sa sahig. Wala na siyang mukhang maihaharap sa mga kasamahan.

Pagkatapos ng ilang araw, hindi pa rin mawala sa isip ni Antonette ang mga nangyari. Habang nag-aayos siya ng files sa kanyang desk, napansin niyang parating na naman si Xavier. Parang automatic na nag-panic mode ang puso niya, iniisip kung ano na naman kaya ang sasabihin nito. Ngunit tila mas malala ang araw na iyon para sa kanya.

“Antonette!” sigaw ni Xavier mula sa dulo ng hallway. Agad siyang tumayo at nilapitan ito, ngunit bago pa man siya makalapit nang maayos, nadapa siya at muntik nang tamaan si Xavier.

Sumigaw na naman si Xavier, halatang hindi makapaniwala sa ikatlong pagkakataon ng kapalpakan niya. “Antonette! Kung clumsiness ang career, siguradong ikaw ang top sa lahat!” bulyaw nito.

Ngunit sa likod ng bawat masakit na salita, tila may kung anong nagniningning na liwanag sa puso ni Antonette. Sa bawat galit at pasaring ng boss niyang terror, naisip niyang baka nga may aral na dala ang ganitong klaseng pagsubok. Oo, mabigat ang bawat tingin at salita ni Xavier, pero dahil dito, natutunan niyang tumibay at wag sumuko.

Pinilit niyang ngumiti kahit masakit. Sa isip niya, ang mga taong mahirap mahalin ang nagtuturo sa atin ng pinakamalalim na aral tungkol sa lakas ng ating puso.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status