Mataas ang sikat ng araw nang pumasok si Xavier Echiverri sa kanyang opisina sa Heaven Shipping Inc. Ang bawat hakbang niya ay tila may dala-dalang pangamba sa mga empleyadong nag-aabang. Alam nilang lahat na sa araw na ito, isang mahalagang presentasyon ang kanilang haharapin. Bawat isa sa kanila ay nakahanda, ang mga mata'y nagmamasid sa kanyang bawat kilos.Magka-2 linggo pa lang siya mula nang siya ay ma-hire sa kompanya. Ang kanyang unang proyekto bilang marketing officer ay tila isang panaginip, ngunit alam niyang ang kanyang clumsiness ay maaaring magdulot ng mga hindi inaasahang sitwasyon. Habang tinitingnan ang mga tao sa paligid, naramdaman niya ang kanyang mga kamay na nanginginig.“Puwede bang ikaw na lang mauna?kinakabahan ako,” bulong ni Antonette, isang bagong hire, sa kanyang katrabaho habang nag-aayos ng mga dokumento.“Natatakot ako kay Sir Xavier.”“Basta’t ready ka at tama yung reports mo, okay lang ‘yan,” sagot ni Ben, may halong takot ang boses.“Pero sinisiguro k
Habang nakaawang ang bibig ni Antonette, hindi siya makapaniwala sa bigat ng boses ni Xavier. May nakita siyang kakaibang pag-aalala sa mata nito na hindi niya inaasahang makikita mula sa palaging seryosong CEO. Ramdam niya ang tensyon na tila bumabalot sa buong opisina."S-Sige po, Sir," nauutal na sagot niya, pilit pinapakalmante ang nanginginig na mga kamay habang sinisigurong maayos ang mga hawak niyang reports. Nang tumalikod si Xavier upang unahan siya palabas ng conference room, sinundan niya ito, pero dahil sa kaba, hindi maiwasang magkamali ng hakbang.Habang palabas ng elevator, muntik na siyang matapilok sa gilid ng sahig at nagbagsakan ang mga hawak niyang folders. Nagkandaugaga siya sa pagpulot ng mga ito nang biglang natapakan ni Xavier ang isang papel, dahilan para mapaatras siya ng kaunti at bigyan siya ng masamang tingin."Ano ba yan, Miss Pinagpala! Napaka-careless mo naman! Paano ka makaka-close ng deal kung ganiyan ang lampa-lampa mo?" may diin sa boses na galit na
Nalaman nila na ang discrepancy ay gawa ng isang board member na nagdispalco ng 2 bilyong pesos, at ngayon ay hindi na ito makontak. Nasa gitna ng tensyon ang buong paligid ng opisina nang matapos ang mainit na pagtatalo nina Xavier at Antonette. Ang bawat piraso ng galit sa tinig ni Xavier ay nararamdaman ni Antonette sa bawat salitang bumagsak sa kanya.“All along, it’s your fault, Antonette!” malakas na sigaw ni Xavier habang nakatitig sa kanya. “You didn’t even bother to double-check! Alam mo ba ang ibig sabihin nito? You need to fix it right away or you will lose your job, and don’t think we won’t sue you for your incompetency.”Ramdam ni Antonette ang bawat salita ni Xavier na tila mga talim na tumatama sa kanyang puso. Nanginginig ang kanyang mga kamay, ngunit pinilit niyang itago ang takot. Alam niyang may malaking pagkukulang siya, at hindi siya makahanap ng tamang salita upang ipagtanggol ang sarili.Malamlam ang mga mata ni Antonette, ngunit pinilit niyang huwag patulan an
Habang tinitingnan ni Xavier si Antonette, parang may biglang kumirot sa kanyang puso. Nakita niya ang kasipagan at dedikasyon ng babaeng ito na, sa kabila ng mga pagkakamali, ay nanatiling nakatayo at handang lumaban. Ang inis niya ay napalitan ng respeto—isang bagay na hindi niya inaasahang mararamdaman.“Kung ganoon, may plano akong makipag-meeting sa mga board members bukas para maresolba ito bago tayo makarating sa malaking problema. Antonette, kailangan kita sa tabi ko para ipaliwanag ito,” sabi ni Xavier.Hindi makapaniwala si Antonette sa narinig. Hindi siya pinalayas o sinibak sa posisyon; sa halip, inanyayahan pa siyang tumulong sa pag-ayos ng problema.“Si-sir, maraming salamat po…” sagot niya na may nangingilid na luha.“Walang anuman, Antonette. Pero tandaan mo, hindi pa rin ako impressed sa ginawa mo. Bibigyan kita ng huling pagkakataon, at sana ay huwag mo nang ulitin ito, kundi isesante kita. Gusto kong makita ang tunay mong lakas at kakayahan. Sa susunod, siguraduhin
Nagsisimula ang araw sa opisina na may kaunting kaaliwan para kay Antonette. Sa kabila ng kanyang nararamdamang sakit, sinubukan niyang ibalik ang kanyang dating sigla. Nang makapasok siya, agad siyang sinalubong ng kanyang kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Carla.“Antonette, kamusta ka na? Ayos ka lang ba talaga?” tanong ni Carla na may halong pag-aalala."Oo naman, Carla. Kailangan ko lang talagang mag-focus sa trabaho ngayon,” sagot niya habang sinusubukan niyang ngumiti, kahit na alam niyang may kirot pa rin sa kanyang puso. Muli niyang pinaalalahanan ang sarili na huwag hayaang makontrol siya ng pagkakamaling nangyari kahapon.Habang masigla silang naglalakad patungo sa pantry, napansin nila ang hindi mapakaling galaw ng kanilang mga kasamahan. Narinig nila ang malakas na tunog ng makina sa labas ng gusali, kasabay ang biglaang pagbulong ng mga tao. Lahat ay tumigil, biglang natigilan ang mga nagkukumpulan, at walang anu-ano’y nagpuntahan sa kani-kanilang mga cubicle.Isang
Si Antonette ay palaging kinatatakutan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang pagiging clumsy—isang “walking disaster” sa opisina ng Heaven Shipping Inc. Siya ang klase ng empleyadong laging may nadadaganan, natatapunan, o nahuhulog na gamit sa mesa, at walang sinuman ang gustong makatabi niya, lalo na’t sa bawat kilos niya, tila may kalamidad na parating.Ngunit sa likod ng pagiging pala-talong at magulo ni Antonette, may pusong masayahin at positibo. Tanggap niyang may mga bagay na tila hindi niya kontrolado, at para sa kanya, okay lang iyon. Ngunit sa araw-araw na presensya ng kanilang terror na boss na si Xavier, ang malamig at walang pusong CEO, tila isang napakalaking pagsubok ang kanyang trabaho.Isang normal na araw sa opisina ang iniisip ni Antonette habang abala siya sa pag-aayos ng meryenda para sa kanyang team. May hawak siyang Coke na iniiling-iling niya kasabay ng saliw ng paborito niyang kanta, Apateu nina Rose at Bruno Mars, habang buong puso siyang kumak
Lumipas ang ilang araw at muling bumalik ang normal na pang-araw-araw na takbo sa Heaven Shipping Inc. Si Antonette, bagaman laging puno ng pagsubok ang bawat hakbang sa opisina, ay hindi pa rin nawawalan ng sigla. Subalit, sa tuwing makikita niya si Xavier, tila isang mabigat na ulap ang bumabalot sa kanyang paligid.Nang makapasok si Antonette sa opisina, natigilan siya nang makita si Xavier sa hallway, matalim ang tingin na parang laging may gustong ipamukha. Para bang hinahamon siya ng araw na iyon ng mas matinding pagsubok."Ano na naman ang kalokohang ginawa mo, Antonette?" malamig na tanong ni Xavier, hindi man lang nag-abala ng pasakalye."A-ah, sir, wala po! Ayusin ko na po ang mga files na—""Bakit? May tiwala ka bang kaya mong ayusin iyan?" putol ni Xavier, sabay sunod ng tingin sa mga dokumentong hawak ni Antonette. Kitang-kita sa mga mata nito ang pangungutya. "Huwag mong sabihin na balak mong sirain na naman ang opisina."Namula si Antonette, ngunit pilit niyang pinigila