Share

UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO Chapter 2

Habang nakaawang ang bibig ni Antonette, hindi siya makapaniwala sa bigat ng boses ni Xavier. May nakita siyang kakaibang pag-aalala sa mata nito na hindi niya inaasahang makikita mula sa palaging seryosong CEO. Ramdam niya ang tensyon na tila bumabalot sa buong opisina.

"S-Sige po, Sir," nauutal na sagot niya, pilit pinapakalmante ang nanginginig na mga kamay habang sinisigurong maayos ang mga hawak niyang reports. Nang tumalikod si Xavier upang unahan siya palabas ng conference room, sinundan niya ito, pero dahil sa kaba, hindi maiwasang magkamali ng hakbang.

Habang palabas ng elevator, muntik na siyang matapilok sa gilid ng sahig at nagbagsakan ang mga hawak niyang folders. Nagkandaugaga siya sa pagpulot ng mga ito nang biglang natapakan ni Xavier ang isang papel, dahilan para mapaatras siya ng kaunti at bigyan siya ng masamang tingin.

"Ano ba yan, Miss Pinagpala! Napaka-careless mo naman! Paano ka makaka-close ng deal kung ganiyan ang lampa-lampa mo?" may diin sa boses na galit na sabi ni Xavier. Ramdam niya ang matalim na titig ni Xavier na parang kutsilyo sa bawat pagbanggit sa pangalan niya.

"Pasensya na po, Sir," nahihiyang sagot ni Antonette habang pilit pinupulot ang mga papel na kumalat sa sahig. Sa kabila ng galit ni Xavier, nagpatuloy siya sa pag-alalay kay Antonette, pero hindi niya rin maiwasan ang pagdududa sa kakayahan niya.

"May inconsistency sa mga reports mo, lalo na sa financial results," ani Xavier, ngayon ay muling seryosong nakatingin sa kanya.

Bigla siyang tinapik ni Xavier sa balikat, isang simpleng kilos na nagbigay ng kakaibang init sa kalooban niya. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pag-aalala mula sa kanya. "Antonette, kailangan kong siguraduhin na tama ang lahat bago sumabog ang balitang ito sa media," malumanay na sabi nito, pero ramdam niya ang tensyon sa bawat salita.

Napalunok si Antonette, ramdam ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Alam niyang malaki ang nakaatstake dito. "Opo, Sir. Gagawin ko po ang lahat para maging tama ang report natin," sagot niya, pilit pinapakalmante ang sarili.

Habang naglalakad sila pabalik sa conference room, pilit niya iniisip kung ano ang posibleng pagkakamali sa mga datos. Malaking deal ang pinaghahandaan nila, at isang simpleng mali ay maaaring magdulot ng malaking problema hindi lang para sa kumpanya kundi para rin kay Xavier.

"Antonette, siguruhin mo na walang pagkakamali," madiing sabi ni Xavier habang isinasara ang pinto ng conference room. "Hindi tayo pwedeng magkamali sa pagkakataong ito."

"Yes, Sir," sagot niya habang buong lakas ng loob na tumingin sa kanya. "Ako na po ang bahala."

Napatingin si Xavier sa kanya, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang bahagyang paglambot ng mga mata nito. Tila may nakita itong kakaibang tiwala sa kanya. "Salamat, Antonette," mahina nitong sabi, pero dama niya ang sinseridad.

Nagpatuloy silang magtrabaho sa katahimikan, parehong nakatutok sa pag-aayos ng report. Alam ni Antonette na bawat segundo ay mahalaga. Habang sinusuri ang bawat numero, hindi maiwasang mapatingin siya kay Xavier na tila ngayon ay may naiibang init sa bawat kilos.

Sa isang pagkakataon, napalapit si Xavier sa kanya at naramdaman niya ang mabangong halimuyak nito. Ramdam niya ang paglapit ng kanyang hininga, at halos hindi siya makahinga sa tensyon. "Antonette," biglang tawag nito sa kanya, ang tinig na halos isang bulong lang.

Nagkatinginan sila, at sa mata ni Xavier, may nakita siyang hindi niya kayang maipaliwanag—isang emosyon na tila hindi lang para sa trabaho. Sa mga sandaling iyon, tila tumigil ang mundo nila, at sa kabila ng lahat ng tensyon, naramdaman niya ang isang koneksyon na hindi niya maipaliwanag.

Pero bago pa man siya makasagot, bumalik si Xavier sa pagiging seryoso. "Ipasa mo sa akin ang final report sa loob ng tatlumpung minuto," mahina ngunit mariing sabi nito.

"Yes, Sir," sagot niya, ngunit may natirang damdaming pumipintig sa kanyang puso—isang damdaming tila nagpapaalala na hindi lang trabaho ang bumabalot sa kanilang mundo, kundi isang bagay na mas malalim, mas masalimuot, at mas makapangyarihan.

Hindi mapigilan ni Xavier ang biglang kabog ng kanyang dibdib nang makita ang malaking discrepancy sa financial report—dalawang bilyong piso ang nawawala sa mga datos. Napatingin siya kay Antonette, na tila namumutla na rin sa mga sandaling iyon.

“Antonette,” madiin ang boses niya, ngunit ramdam ang halo ng galit at takot, “paano nangyari ito? Dalawang bilyong piso ang kulang sa report na ito!” Nakatitig siya sa kanya, ang mga mata’y tila nangungusap ng pagkabigo.

Napalunok si Antonette, nanlalamig ang mga kamay. Hindi niya alam kung saan nagkamali, ngunit isang bagay lang ang sigurado—malaking problema ito hindi lang para sa kanya, kundi para kay Xavier at sa buong kompanya.

“Sir, pinasa ko po ang tamang mga numero. Baka po may mali lang sa pag-encode, or…” Naghahanap siya ng tamang paliwanag ngunit naguguluhan din siya sa sitwasyon. Paano magkakaroon ng ganito kalaking pagkakaiba?

“Ang report na ito ay napadala na sa main branch,” ani Xavier, ang boses niya’y puno ng tensyon. “Kung malaman ito ng mga business partners natin, baka umatras sila at kasuhan tayo ng e****a.”

Puno ng kaba ang dibdib ni Antonette. Alam niyang isang maliit na pagkakamali lamang ang maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng malaking proyekto. Nagpaikot-ikot ang isipan niya, pilit na hinahanap kung saan nagkamali. “Sir, maaaring may glitch o error sa software na ginamit natin. Baka po may nakialam sa system o…”

Hindi natapos ni Antonette ang sasabihin nang biglang sumingit si Xavier. “Pumunta ka sa accounting department. Alamin mo kung paano nangyari ito. Ngayon na, Antonette!”

“O-opo, Sir.” Agad siyang tumalima, bumaba ng mabilis sa elevator papunta sa accounting. Ang bawat hakbang niya’y tila bumibigat sa kaba. Isang simpleng mali lang sa financial report ay maaaring makasira hindi lang sa kompanya, kundi sa reputasyon ni Xavier—at alam niyang siya ang may responsibilidad sa pagkakagulo ng mga dokumento.

Pagdating niya sa accounting, kaagad niyang kinausap ang team. “Please, i-double check niyo lahat ng transactions na naka-log nitong buwan. I-verify niyo rin lahat ng withdrawals o anumang suspicious na activity sa account natin,” utos niya, hindi maitago ang pag-aalala.

Habang nagtatagal ang pag-aanalisa, lalo lang lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Ang mga mata niya ay hindi maalis sa computer screen habang pilit sinusuri ang bawat detalye. Isang oras ang lumipas, at nang matapos na ang mga accountants, tumingin sila kay Antonette, kita ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

“Ma’am, mukhang tama po lahat ng transactions sa system. Walang discrepancy sa internal database natin,” sagot ng isa sa mga staff.

Hindi niya malaman ang gagawin—ang report ay nandoon na, at walang maipaliwanag na mali sa system.

Agad siyang bumalik kay Xavier, ngunit bago pa siya makalapit, sinalubong siya nito ng malamig na titig. “So? Ano ang nakita mo?”

“Sir, walang issue sa accounting records mismo. Ang lahat po ng transactions ay naka-log ng maayos. Pero posibleng may taong nakialam sa report natin bago ito napadala sa main branch.”

Natahimik si Xavier, tila mas lalong nagiging seryoso. “Antonette, alam mo ba ang bigat ng sitwasyong ito? Kung hindi natin malalaman ang puno’t dulo nito, tiyak na babagsak tayo—at hindi ko iyon hahayaang mangyari.”

Napatingin siya kay Xavier, dama ang galit at pangamba sa boses nito. “Gagawa ako ng paraan, Sir. Hindi ko po hahayaang masira ang kompanya ninyo. Ako po ang mananagot.”

Sa kabila ng kanyang tapang, ramdam niya ang pagod at pangamba sa kalooban. Sa dami ng kanyang iniisip, hindi niya napigilang mapahawak sa kanyang noo, pilit pinipigilan ang bumubulwak na emosyon.

Napabuntong-hininga si Xavier at marahang tinapik ang balikat niya, tila nagpapakita ng kaunting simpatiya. “Antonette, hindi ko man gusto ang pagkakamaling ito, pero alam kong hindi mo rin ginusto ang mangyari ito. Gawin natin ang lahat ng makakaya natin para maayos ito.”

Ang simpleng pag-alo ni Xavier ay tila nagsindi ng panibagong lakas sa kanya. Tumango siya, puno ng determinasyon. “Gagawin ko po ang lahat, Sir. Hindi ko po kayo bibiguin.”

“Simulan mo na ang re-investigation ng report. I-coordinate mo ako sa bawat detalye na makikita mo. Walang dapat makalabas sa problemang ito,” sabi ni Xavier, ang boses niya’y puno ng kaseryosohan.

Habang inumpisahan niya ang pagsisiyasat, naramdaman ni Antonette ang init ng kamay ni Xavier sa kanyang balikat. Hindi man siya magsalita ng masyado, ramdam niya ang kaunting tiwala na ibinigay sa kanya ng kanyang boss. Sa kabila ng tensyon, tila may nabuong hindi maipaliwanag na koneksyon sa pagitan nila—isang koneksyon na lalong nagpapalakas ng loob niya na ayusin ang gulong ito para sa kanila, para sa kompanya, at marahil… para sa kanya rin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status