Umiyak si Caroline bigla. “Ty, ikaw ba iyan?”Hindi siya makapaniwala na nakatayo siya sa harapan niya ng ligtas. Naalala niya na nahulog siya mula sa mataas…Mukhang nainis si Tyler. “Mommy, anong sinasabi mo? Sino pa ba ito maliban sa akin?”Pinunasan ni Caroline ang mga luha niya matapos makarinig ng sagot. “Wala, Ty. Kung ano ano lang ang sianasabi mo. Parating na ako.”“Tara, Mommy.”Tumango si Caroline at naglakad papunta kay Tyler.Matapos maglakad ng matagal, napagtanto niyang hindi siya makapunta sa tabi ni Tyler!Natakot si Caroline habang nakatingin kay Tyler. “Ty…”“Ang bagal mo, Mommy. Bilisan mo maglakad.”Huminga ng malalim si Caroline at tumakbo papunta kay Tyler.Habang mas mabilis siyang tumakbo, mas lalo naging malayo si Tyler sa paningin niya.“Mommy…” puno ng pagkabigo ang mga mata ni Tyler. “Mommy, bakit wala ka pa dito?”“Parating na ako!” sagot ni Caroline. “Huwag ka gumalaw. Hintayin mo ako.”“Huli na, Mommy…”Naging mahina ang boses ni Tyler, at
“Wala kang pakielam! Evan, bakit mo ba ako pinipigilan na makita ang anak ko! Hindi kita mapapatawad sa buong buhay ko kapag nawala si Ty! Ikaw ang walang ginawa! Wala kang awa at hindi tumulong!” sigaw ni Caroline.Lumapit si Paige para magpaliwanag matapos mapansin ang hindi natutuwang ekspresyon ni Evan. “Kumalma ka, Caroline. Ipapakita ko sa iyo si Ty, okay?”Inilabas niya ang kanyang phone at vinideo call si Axel.Hindi nagtagal bago siya sumagot, at nakita ang mukha niya sa screen.“Ano iyon?” narinig niya ang boses ni Axel.Nagsalita si Paige, “Iharap mo ang camera kay Ty para makita… huh?”Kinuha ni Caroline ang phone bago pa matapos magsalita si Paige. Tinitigan niya ng mabuti ang screen. Naluha siya ng ifocus ni Axel ang camera kay Tyler, tahimik na nakahiga sa kama.“Buhay si Ty…” inisip niya.Wala siyang benda o kaya catheter; ang mayroon lamang siya ay IV drip sa likod ng kamay niya.Umiyak siya, “Anong nangyari sa kanya?”“Nakatanggap siya ng matinding dosage ng
Matapos ang ilang sandali, hindi napigilan ni Caroline magtanong, “Bakit ka nakatitig sa akin?”Naupo ng elegante si Evan sa upuan at nagdekwatro. “Mag-usap tayo tungkol sa atin.”Iniwasan ni Caroline ang topic. “Wala tayong dapat pag-usapan.”“Totoo? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit ko ito pagsisisihan,” tanong ni Evan.Sinabini Caroline, “May katotohanan sa mga salita sa oras ng pagiging desperado.”Kalmado ang ekspresyon ni Evan na tila nahulaan na niyang hindi sasabihin ni Caroline ang totoo.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo ipaliwanag. Pero naniniwala ako na gusto mo malaman ang tungkol kay Axel, tama?” sinabi ni Evan.Tinignan siya ni Caroline. “Anong sinasabi mo?”“Anak natin si Axel.”Hindi nagpaligoyligoy si Caroline. “Ano naman?”“Hindi ko balak na makita ka pa muli ni Axel,” sinabi ni Evan.Natulala si Caroline. “Bakit?”Natawa si Evan. “Sa tingin mo nararapat ka maging ina ni Axel?”Tumawa si Caroline. “Ano? Sa tingin mo sa iyo lang ang bata? Anak ko din siya
Tumango si Caroline. “Sige.”Sa totoo lang, tama ang kapatid niya. Hindi sana siya mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi siya naging pabaya.Ipinaliwanag ni Neil, “Kinausap ko na ang mgapulis. Sinabi nila na si Wayne ang sanhi ng aksidente. Hindi niya sinaktan ang ibang mga bata, si Tyler lang. At sinabi niya kung sino ang tunay na mastermind—si Daniella. Nasa police station siya ngayon. Hindi siya tinutulungan ni Lolo.”“Sino ang bruhang iyon? Gugulpihin ko siya hanggang mamatay!” galit na galit si Kenny.Tinignan siya ni Neil. “Miyembro siya ng pamilya Xander. Itutuloy mo ba?”Nasamid si Kenny. Bago siya sa Angelbay pero alam niya ang tungkol sa tatlong maimpluwensiyang mga tao dito.Mamamatay siya kapag kinalaban niya ang mga Xander.Natakot si Kenny at sinabi, “Uh… mas tatagal ang kumpanya kapag maraming materyales. Mag tulungan muna tayo.”Kinilabutan si Caroline ng maalala si Daniella. Naiintindihan niya na mali ang pagkakaintindi niya sa kung gaano kasama si Daniell
Tinanong ni Kenny si Caroline matapos bumalik sa sasakyan, “Kumusta? Nasentensiyahan na ba siya?”Isinuot ni Caroline ang seatbelt niya. “Hindi iyon ganoon kadali.”“Huh? Bakit?” gulat na tanong ni Kenny.“Bakit… aabutin ng tatlong araw bago ko maipaliwanag,” inisip niya.Bukod pa doon, alam niya na iisip ng paraan si Grayson para iligtas si Daniella kung may ginawa siya.Alam niya na magpapakabait ng panandalian si Daniella matapos takutin.Hindi niya gusto madamay si Kenny sa problema niya.*Sa sumunod na araw, bumalik si Naomi sa ospital para papirmahin si Caroline ng mga dokumento. Nagdala din siya ng basket ng prutas.Tinanggap ni Caroline ang mga regalo at inilagay sa lamesa sa tabi. “Salamat. Tandaan mo na magfollowup sa factory sa susunod na dalawang araw at iupdate ako kapag may bagong impormasyon.”Tumango si Naomi. “Sige, Ms. Shenton. Pakitignan din ang dalawang dokumento na ito at pirmahan sila.”Sinuri ng mabuti ni Caroline ang mga dokumento.Matapos ang ilan
Umiling-iling si Caroline, namumutla ng husto ang mukha niya. Maaaring patay na siya ngayon kung hindi mabilis na kumilos si Naomi.Tinignan niya si Naomi na may hiwa sa braso. Agad siyang tumayo at sinabi, “Kailangan natin pumunta sa ospital, Naomi!”Tinignan ni Naomi ang braso niya. Kalmado ang mukha niya na tila wala siyang maramdaman na sakit. “Hindi na kailangan. Maliit na bagay lang ito.”Sinabi ni Caroline, “Hindi ito maliit na bagay! Tara, isasama kita sa ospital!”*Pumunta si Naomi sa emergency room. Nakasampung tahi siya sa braso. At noong nagpa X-Ray siya, nalaman nila na nabali ang siko niya.Naguilty si Caroline. “Ipagpapamedical leave kita para makapagpagaling ka sa bahay, Naomi. Tatandaan ko ang ginawa mo sa araw na ito. Salamat.”Mahinang sinabi ni Naomi, “Paulit-ulit mo na akong pinasalmatan, Ms. Shenton. Hindi ko kailangan magpahinga, kaya hindi ko kailangan ang medical leave.”“Hindi! Hindi ka puwede bumalik ng trabaho ng ganito,” sinabi ni Caroline.Nagsal
“Hmm, namiss din kita. Ayaw ka payagan ni Mommy pumasok sa school dahil gusto niyang magpahinga ka sa bahay ng ilang araw.” Pinagaan ni Axel ang loob ni Liora.“Alam ko. Kumusta ka, Axel?” sambit ni Liora.Galit na sinabi ni Liora, “Inalagaan ka ba niya ng husto sa nakalipas na dalawang araw?”Nanahimik muna si Axel bago sumagot. “Oo.”Samantala, nakaupo siya sa harap ng laptop, tinitignan ang surveillance video ng study, seryoso ang mukha niya. Sa nakalipas na mga araw, dumidiretso sa study ang ama niya pagkatapos maghapunan. Magpapakababad siya sa trabaho hanggang hating gabi.“Makakapagrelax ako matapos ko malaman na naaalagaan ka. Maaga ako matutulog. Goodnight, Axel.”Gumaan ng kaunti ang mood ni Axel sa malambing na boses ni Liora.“Goodnight, Lia.”*Ipinasa pabalik ni Liora ang phone kay Scott at tinitigan siya. “Papa Wilson, puwede ba ako magtanong?” tanong niya.Tinignan siya ni Scott. “Ano iyon, Lia?”“Kapag nalaman ng lalake na iyon na anak niya ako at sinubukan
Umiling-iling ang bodyguard. “Hindi ko alam, pero matindi ang patatalo nila.”Isinantabi ni Caroline ang kutsara, naguluhan siyang tumungo sa pinto. Nakilala niya ang dalawang boses bago niya makita ang mga tao.“Price, mapaghiganti ka ba o ano? Nabastos ka ba ng sasakyan ko?” sigaw ni Paige.“Ikaw ang nagmaneho ng reverse. Hindi ako ang bumangga ng sadya,” matiyagang paliwanag ni Alex.Natawa si Paige. “Puwede mo rin sabihin na bulag ako!”“Wala akong magagawa kung ganyan mo gusto mag-isip,” tinatamad na sagot ni Alex.“T*ng ina! Kung hindi ka pumunta dito ng walang dahilan, babangga ba ang sasakyan ko sa iyo?”“Isang tao ang nagsabi sa akin na bisitahin ko si Tyler para sa kanya at ipakita ang pag-aalala niya.”“Hindi ito importante kung hindi mo sasabihin ang pangalan ng tao!”Magsasalita sana si Caroline habang pinapanood ang walang katapusang pagtatalo nila. Bago pa siya makapagsalita, isang boses ang narinig niya. “Nakakatakot ang makita silang nagtatalo.”Tumalikod si