Tinanong ni Kenny si Caroline matapos bumalik sa sasakyan, “Kumusta? Nasentensiyahan na ba siya?”Isinuot ni Caroline ang seatbelt niya. “Hindi iyon ganoon kadali.”“Huh? Bakit?” gulat na tanong ni Kenny.“Bakit… aabutin ng tatlong araw bago ko maipaliwanag,” inisip niya.Bukod pa doon, alam niya na iisip ng paraan si Grayson para iligtas si Daniella kung may ginawa siya.Alam niya na magpapakabait ng panandalian si Daniella matapos takutin.Hindi niya gusto madamay si Kenny sa problema niya.*Sa sumunod na araw, bumalik si Naomi sa ospital para papirmahin si Caroline ng mga dokumento. Nagdala din siya ng basket ng prutas.Tinanggap ni Caroline ang mga regalo at inilagay sa lamesa sa tabi. “Salamat. Tandaan mo na magfollowup sa factory sa susunod na dalawang araw at iupdate ako kapag may bagong impormasyon.”Tumango si Naomi. “Sige, Ms. Shenton. Pakitignan din ang dalawang dokumento na ito at pirmahan sila.”Sinuri ng mabuti ni Caroline ang mga dokumento.Matapos ang ilan
Umiling-iling si Caroline, namumutla ng husto ang mukha niya. Maaaring patay na siya ngayon kung hindi mabilis na kumilos si Naomi.Tinignan niya si Naomi na may hiwa sa braso. Agad siyang tumayo at sinabi, “Kailangan natin pumunta sa ospital, Naomi!”Tinignan ni Naomi ang braso niya. Kalmado ang mukha niya na tila wala siyang maramdaman na sakit. “Hindi na kailangan. Maliit na bagay lang ito.”Sinabi ni Caroline, “Hindi ito maliit na bagay! Tara, isasama kita sa ospital!”*Pumunta si Naomi sa emergency room. Nakasampung tahi siya sa braso. At noong nagpa X-Ray siya, nalaman nila na nabali ang siko niya.Naguilty si Caroline. “Ipagpapamedical leave kita para makapagpagaling ka sa bahay, Naomi. Tatandaan ko ang ginawa mo sa araw na ito. Salamat.”Mahinang sinabi ni Naomi, “Paulit-ulit mo na akong pinasalmatan, Ms. Shenton. Hindi ko kailangan magpahinga, kaya hindi ko kailangan ang medical leave.”“Hindi! Hindi ka puwede bumalik ng trabaho ng ganito,” sinabi ni Caroline.Nagsal
“Hmm, namiss din kita. Ayaw ka payagan ni Mommy pumasok sa school dahil gusto niyang magpahinga ka sa bahay ng ilang araw.” Pinagaan ni Axel ang loob ni Liora.“Alam ko. Kumusta ka, Axel?” sambit ni Liora.Galit na sinabi ni Liora, “Inalagaan ka ba niya ng husto sa nakalipas na dalawang araw?”Nanahimik muna si Axel bago sumagot. “Oo.”Samantala, nakaupo siya sa harap ng laptop, tinitignan ang surveillance video ng study, seryoso ang mukha niya. Sa nakalipas na mga araw, dumidiretso sa study ang ama niya pagkatapos maghapunan. Magpapakababad siya sa trabaho hanggang hating gabi.“Makakapagrelax ako matapos ko malaman na naaalagaan ka. Maaga ako matutulog. Goodnight, Axel.”Gumaan ng kaunti ang mood ni Axel sa malambing na boses ni Liora.“Goodnight, Lia.”*Ipinasa pabalik ni Liora ang phone kay Scott at tinitigan siya. “Papa Wilson, puwede ba ako magtanong?” tanong niya.Tinignan siya ni Scott. “Ano iyon, Lia?”“Kapag nalaman ng lalake na iyon na anak niya ako at sinubukan
Umiling-iling ang bodyguard. “Hindi ko alam, pero matindi ang patatalo nila.”Isinantabi ni Caroline ang kutsara, naguluhan siyang tumungo sa pinto. Nakilala niya ang dalawang boses bago niya makita ang mga tao.“Price, mapaghiganti ka ba o ano? Nabastos ka ba ng sasakyan ko?” sigaw ni Paige.“Ikaw ang nagmaneho ng reverse. Hindi ako ang bumangga ng sadya,” matiyagang paliwanag ni Alex.Natawa si Paige. “Puwede mo rin sabihin na bulag ako!”“Wala akong magagawa kung ganyan mo gusto mag-isip,” tinatamad na sagot ni Alex.“T*ng ina! Kung hindi ka pumunta dito ng walang dahilan, babangga ba ang sasakyan ko sa iyo?”“Isang tao ang nagsabi sa akin na bisitahin ko si Tyler para sa kanya at ipakita ang pag-aalala niya.”“Hindi ito importante kung hindi mo sasabihin ang pangalan ng tao!”Magsasalita sana si Caroline habang pinapanood ang walang katapusang pagtatalo nila. Bago pa siya makapagsalita, isang boses ang narinig niya. “Nakakatakot ang makita silang nagtatalo.”Tumalikod si
Walang masabi si Caroline. Ngayon lang niya nalaman ang nangyari noong lasing sila.Sinabi ni Caroline, “So, gusto mo ba siya maging responsable o hindi? Iyon ang issue.”“Narinig ko na maraming nililigawan si Alex. Kung magdadate kami, lagi ko iisipin na baka mangaliwa siya!”Naguluhan si Caroline. “Pero, mukhang galit ka dahil hindi siya responsable sa iyo.”Bumuntong hininga si Paige. “Kalimutan mo na. Iisipin ko na lang na parang nakagat ako ng aso.”Sinabi ni Caroline, “Mahirap hulaan ang takbo ng relasyon. Mukhang nahulog ka na kay Alex.”“Ako? Imposible!” tumawa si Paige.Tinignan ni Caroline si Paige at napagtanto na baka hindi ito nakikita ng malinaw ni Paige. Gusto niyang tuparin ni Alex ang sinabi niya at hindi saktan si Paige emotionally.*Tumungo si Alex sa Villa Rosa para makita si Evan matapos lisanin ang Bayview Villa.Pumasok siya sa living room, naupo at sinabi, “Nakarecover na ang anak ni Caroline, Evan.”Nagscroll si Evan sa phone niya ng hindi tumitinga
Umiling-iling si Daniella. “Hindi, Lolo. Ang pagbibigay ng pera sa akin ay iba sa pera na kinikita ko mag-isa.”“Malaki na ako. Hindi ako puwede umasa sa mga nakatatanda.”Natuwa si Grayson sa mga sinabi niya. “Anong gusto mo gawin? Sabihin mo sa akin. Susuportahan kita.”Kuminang ang mga mata ni Daniella. “Lolo, gusto ko magbukas ng maliit na fashion design company.”Tinapik ni Grayson ang likod ni Daniella. “Simple lang iyon. Puwede kita gastusan basta mabait ka at masaya.”Sinabi ni Daniella, “Salamat, Lolo! The best ka talaga!”Matapos iyon, ngumiti siya ng nakakatakot. Naniniwala siya na kaya niya dahil nagawa ito ni Caroline. Bukod pa doon, may maaasahan siyang backer.Sa oras na masimulan ang kumpanya niya, balak niyang higitan si Caroline—para maglaho ang TYC Fashion.Natural na hindi lang siya uupo at manonood dahil pinagdusa siya ni Caroline.*Noong Lunes, pumunta ang mag bodyguard sa kindergarten kasama si Caroline para ipadala si Tyler at Liora sa school.Lumap
Noong narinig ito ni Reuben, hindi niya napigilan ang ngiti niya.Kahit na bitter si Evan kay Caroline, pinili niyang tulungan siya kung kinakailangan.*Sa mga nakalipas na araw, tinitignan ni Caroline ang kumento ng mga customer sa tuwing libre siya, maliban na lang kung may meeting.Binuksan ni Kenny ang pinto at nakita siyang nakatitig sa computer. Kaya, sinabi niya, “G, tumigil ka na sa pagtingin. Nagugustuhan ng mga tao ang gamit natin sa nakalipas na tatlong araw, maliban sa araw na nagship out tayo.”Tinignan siya ni Caroline mula sa gilid. “Sa halip na bantayan ang factory, nandito ka para asarin ako?”Kumurap si Kenny, naiinis siya. “Gusto ko lang maglunch kasama ka.”Walang masabi si Caroline.“Huwag ka maging weird,” reklamo ni Caroline.Hindi niya makita si Kenny na nagiging mapagpanggap.Sinabi ni Kenny, “Tara at kumain tayo, okay?”*Matapos nila lumabas ng kumpanya, pumili sila ng kalapit na restaurant.Kakaiba si Kenny ngayon dahil naglalambing siya kay Ca
“G, medyo guilty ako sa iyo.”Naguluhan si Caroline. “Bakit?”“Wala.” Sinabi ni Kenny, pinilit ngumiti para itago ang kalungkutan niya. “Hintayin mo lang ako bumalik!”Sa oras na makita niyang dumaan siya sa security checkpoint at umalis, tumalikod na siya at bumalik.*Noong gabi, habang naghahapunan sina Caroline kasama ang dalawang mga bata, pumasok bigla si Paige.“Ninang!” nasabik na bumaba si Liora mula sa upuan at niyakap si Paige.Hinawakan ni Paige ang mukha ni Liora at hinalikan bago tinignan si Caroline. “Carol, may sasabihin ako sa iyo.”Nagtanong si Caroline, “Hindi ka pa kumakain, hindi ba?”Isinama ni Paige si Liora sa hapag kainan at naupo. “Hindi, pero hindi ako magtatagal dito para sa dinner. May gathering ako mamaya.”Madalas may gathering si Paige kasama ang mga kaibigan niya, kaya hindi ito masyadong inisip ni Caroline.Nagtanong si Caroline, “Anong sasabihin mo?”“Narinig ko mula sa mga katrabaho ko na ang mapagpanggap na babae ay magtatayo ng kumpanya