Walang masabi si Caroline. Ngayon lang niya nalaman ang nangyari noong lasing sila.Sinabi ni Caroline, “So, gusto mo ba siya maging responsable o hindi? Iyon ang issue.”“Narinig ko na maraming nililigawan si Alex. Kung magdadate kami, lagi ko iisipin na baka mangaliwa siya!”Naguluhan si Caroline. “Pero, mukhang galit ka dahil hindi siya responsable sa iyo.”Bumuntong hininga si Paige. “Kalimutan mo na. Iisipin ko na lang na parang nakagat ako ng aso.”Sinabi ni Caroline, “Mahirap hulaan ang takbo ng relasyon. Mukhang nahulog ka na kay Alex.”“Ako? Imposible!” tumawa si Paige.Tinignan ni Caroline si Paige at napagtanto na baka hindi ito nakikita ng malinaw ni Paige. Gusto niyang tuparin ni Alex ang sinabi niya at hindi saktan si Paige emotionally.*Tumungo si Alex sa Villa Rosa para makita si Evan matapos lisanin ang Bayview Villa.Pumasok siya sa living room, naupo at sinabi, “Nakarecover na ang anak ni Caroline, Evan.”Nagscroll si Evan sa phone niya ng hindi tumitinga
Umiling-iling si Daniella. “Hindi, Lolo. Ang pagbibigay ng pera sa akin ay iba sa pera na kinikita ko mag-isa.”“Malaki na ako. Hindi ako puwede umasa sa mga nakatatanda.”Natuwa si Grayson sa mga sinabi niya. “Anong gusto mo gawin? Sabihin mo sa akin. Susuportahan kita.”Kuminang ang mga mata ni Daniella. “Lolo, gusto ko magbukas ng maliit na fashion design company.”Tinapik ni Grayson ang likod ni Daniella. “Simple lang iyon. Puwede kita gastusan basta mabait ka at masaya.”Sinabi ni Daniella, “Salamat, Lolo! The best ka talaga!”Matapos iyon, ngumiti siya ng nakakatakot. Naniniwala siya na kaya niya dahil nagawa ito ni Caroline. Bukod pa doon, may maaasahan siyang backer.Sa oras na masimulan ang kumpanya niya, balak niyang higitan si Caroline—para maglaho ang TYC Fashion.Natural na hindi lang siya uupo at manonood dahil pinagdusa siya ni Caroline.*Noong Lunes, pumunta ang mag bodyguard sa kindergarten kasama si Caroline para ipadala si Tyler at Liora sa school.Lumap
Noong narinig ito ni Reuben, hindi niya napigilan ang ngiti niya.Kahit na bitter si Evan kay Caroline, pinili niyang tulungan siya kung kinakailangan.*Sa mga nakalipas na araw, tinitignan ni Caroline ang kumento ng mga customer sa tuwing libre siya, maliban na lang kung may meeting.Binuksan ni Kenny ang pinto at nakita siyang nakatitig sa computer. Kaya, sinabi niya, “G, tumigil ka na sa pagtingin. Nagugustuhan ng mga tao ang gamit natin sa nakalipas na tatlong araw, maliban sa araw na nagship out tayo.”Tinignan siya ni Caroline mula sa gilid. “Sa halip na bantayan ang factory, nandito ka para asarin ako?”Kumurap si Kenny, naiinis siya. “Gusto ko lang maglunch kasama ka.”Walang masabi si Caroline.“Huwag ka maging weird,” reklamo ni Caroline.Hindi niya makita si Kenny na nagiging mapagpanggap.Sinabi ni Kenny, “Tara at kumain tayo, okay?”*Matapos nila lumabas ng kumpanya, pumili sila ng kalapit na restaurant.Kakaiba si Kenny ngayon dahil naglalambing siya kay Ca
“G, medyo guilty ako sa iyo.”Naguluhan si Caroline. “Bakit?”“Wala.” Sinabi ni Kenny, pinilit ngumiti para itago ang kalungkutan niya. “Hintayin mo lang ako bumalik!”Sa oras na makita niyang dumaan siya sa security checkpoint at umalis, tumalikod na siya at bumalik.*Noong gabi, habang naghahapunan sina Caroline kasama ang dalawang mga bata, pumasok bigla si Paige.“Ninang!” nasabik na bumaba si Liora mula sa upuan at niyakap si Paige.Hinawakan ni Paige ang mukha ni Liora at hinalikan bago tinignan si Caroline. “Carol, may sasabihin ako sa iyo.”Nagtanong si Caroline, “Hindi ka pa kumakain, hindi ba?”Isinama ni Paige si Liora sa hapag kainan at naupo. “Hindi, pero hindi ako magtatagal dito para sa dinner. May gathering ako mamaya.”Madalas may gathering si Paige kasama ang mga kaibigan niya, kaya hindi ito masyadong inisip ni Caroline.Nagtanong si Caroline, “Anong sasabihin mo?”“Narinig ko mula sa mga katrabaho ko na ang mapagpanggap na babae ay magtatayo ng kumpanya
Si Daniella pala ang mastermind sa likod ng pagkakakidnap kay Tyler.Siya ang naging dahilan kung bakit hinimatay si Caroline.Noong nalaman ni Tyler, inisip niya kung paano kukumprontahin ang babaeng masama.Sapagkat ganito ang ginawa niya, kailangan niya magbigay ng magandang regalo para sa opening ceremony niya.*Isinama ni Caroline ang mga bata sa kindergarten at pagkatapos, dumiretso sa kumpanya.Habang papunta doon, dumaan siya sa lumang technology company. Maraming pagod na empleyado ang umaalis ng kumpanya noong naglalakad siya.Napagdesisyunan niyang kumuha ng mga litrato gamit ang phone niya, nakunan niya ng litrato ang pangalan ng kumpanya ni Daniella, YN.Pagkatapos, dumalo siya sa meeting ng kumpanya bago pumunta sa clothing factory.Dumating siya sa factory ng 10:30 a.m.Noong pumasok siya sa opisina, umaasa siyang gumanda na ang kundisyon ni Naomi. Pero, wala doon si Naomi sa desk area. Kaya dumiretso siya sa work area.Doon niya nakita si Naomi na nakikipagu
Noong gabi, tumungo sa ospital si Caroline para makita si Lily.Hindi inaasahan na noong lumabas siya mula sa elevator, nakasalubong niya si Evan na nakikipagusap sa doktor. Ang una niyang naisip na gawin ay iwasan siya, pero nakatingin sa kanya si Evan mula sa malayo.Kaya tinibayan ni Caroline ang loob niya at lumapit. Noong dinaanan niya si Evan, tumango siya.“Madam, maaari ka bang maghintay?”Tinawag siya ng doktor habang hirap na mag ingles.Tumigil si Caroline at tumalikod. “Anong problema?”Lumapit ang doktor at iniabot sa kanya ang report. “Ito ang report ni Ms. Smith. Dagdag pa dito, gusto ni Mr. Jordan pag-usapan ang posibilidad ng isa pang brain surgery para sa kanya.”Nakuha ni Caroline ang report, pero nakasulat ito ng espanyol, lenguaheng hindi niya alam.Tinignan niya si Evan. Na mukhang natutuwa at napapaisip.Sinasadya ba niya ito?Maaaring sinabi ng doktor sa kanya na ibigay ang report na hindi mabasa habang iniisip na hihilingin niya na ipaliwanag sa kanya
“Ms. Shenton, ikaw…” bumuntong hinga ang doktor ng malalim. “Nag-aalala ng husto si Mr. Jordan kay Ms. Smith, pero ang sama ng bintang mo sa kanya. Siyempre, masasaktan ang kahit na sino dahil doon.”Noong napansin ng doktor ang ekspresyon ni Caroline, ipinaliwanag niya, “Kakaiba ang kaso ni Ms. Smith. Madali ang opera para sa surgeon. Kaya, hindi dapat nagkaganito ang sitwasyon niya.”Huminga ng malalim si Caroline at sinabi, “Dahil ba ito sa psychological factor?”Sumimangot ang doktor. “Mataas ang posibilidad na hindi.”Tumango ng naiinis si Caroline. “Okay, pero ipipilit ko pa din ang conservative treatment.”Tumalikod ang doktor dahil nabigo siyang kumbinsihin si Caroline.Pumasok si Caroline sa ward ni Lily. Noong naktia niya ang namumutla niyang mukha, nag-alinlangan siya ng kaunti.Sa huli, napagdesisyunan niyang tawagan si Scott.Sumagot si Scott matapos ang ilang sandali.Naglakad si Caroline sa lounge at sinabi, “Scott, ikaw ba ang nag-opera kay Lily?”“Ako ang ass
Ibinaba ni Alex ang tawag bago inilagay ang bote sa harapan niya.Mukhang siyang lasing. “Alex, bakit kay tumawag? Balak mo ba tumakas?”Walang masabi si Alex. Pagkatapos, tinignan si Paige. “Miss, hindi iyon sumagi sa isip ko. Nangako akong hihingi ng tawad sa iyo, kaya hindi ko sisirain ang pangako ko.”“Siyempre, hindi iyon ganoon kadali.” Sambit ni Paige. “Puwede ba ako humingi ng tawad sa iyo matapos ka patayin?”“Sa tingin mo magagawa mo iyon? Makukulong ka kapag may pinatay ka.”“Eh? Pixie?”Noong nagtanong si Alex, isang bata at guwapong lalake ang lumapit sa kanila. Mukhang nasa 20 taong guang na siya.Kinalimutan niya ang tanong ni Alex, at tumayo habang makinang ang mga mata. “Bakit ka nandito? Pagkakataon nga namain! Samahan mo ako uminom!”Inimbitahan siya ni Paige matapos ang drinking party nila ni Alex. Nagbago ang ekspresyon ni Alex.Noong nakita ni Pixie si Alex, nagtanong siya, “Sino siya?”Agad na sumagot si Paige, “Oh, matandang lalake lang. Huwag mo siy