Mahigpit na hinawakan ni Axel ang phone niya dahil sa matalim na pagtitig ni Evan. “Anong klaseng tanong?”“Tungkol kay Ty at Lia.” Napaisip si Caroline kung bakit slow ngayon si Axel.Mahina ang boses niya at hindi nasasabik tulad ng dati.Bumilis ang tibok ng puso ni Axel, “Hindi, Mommy.”Sumagot si Caroline, “Mabuti. Ito ang sikreto natin. Naniniwala ako na kaya mo ito itago.”Matapos iyon, itinaas muli ni Evan ang phone niya.Nagbago ang mukha ni Axel noong nakita niya ang mga salita doon. Nanginginig siyang nagtanong, “Mom… Mommy, kailan mo sasabihin kay Daddy ang background ni Ty at Lia…”Napasimangot si Caroline at napaisip, “May problema sa emosyon ni Axel ngayon. Bukod pa doon, mas marami siyang tanong kaysa sa nakaraan niyang tawag.”Bigla, naisip ni Caroline si Evan.Marahil katabi niya si Axel.Sinubukan kumalma ni Caroline at sinabi, “Axel, magkapatid kayo ni Ty at Lia kahit na hindi kayo pareho ng ama.”Nakahinga ng maluwag si Axel. Mabuti na lang at napansin n
Binuksan ni Daniella ang pinto at lumapit kay Grayson dala ang phone niya. Nakaupo pa siya sa kama.Itinuro niya ang babae sa litrato at nagtanong, “Lolo, kilala mo ba ang babaeng ito?”Tinignan ni Grayson ang litrato at sinuri ng mabuti. Pero, isang tingin lang at napaisip na siya, “Pamilyar siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.”Nagsalita si Daniella, “May kinalaman ito kay Evan. Nakita ko ito sa drawer ng study ni Evan noon.”“Oh.” Tinignan ito muli ni Grayson at umiling-iling, “Ella, hindi ko maalala kung sino siya.”Nabalisa ng kaunti si Daniella. “Lolo, puwede mo ba tignan ng mas mabuti. Kamag-anak ba ito ni Evan o iba pa?”“Oo, may hinahanap siya. Bakit nababalisa ka din?”Tumigil sa pagtingin sa litrato si Grayson at ibinalik kay Daniella ang phone.Sumagot si Daniella, “May pakielam ako sa kanya, kaya nababalisa din ako para sa kanya”Sinabi ni Grayson, “Hindi ko gusto na makielam ka pa sa kanya. Lumabas ka na. Gusto ko pa magpahinga ng kaunti.”Nainis
“Jamie, maraming tao sa itaas, kaya hindi kita papayagan na sumama sa akin. Sasabihan ko si Dr. Bailey at mga bodyguard na isama ka sa tabi at kumuha ng pagkain. Okay?”“Oh.” Masunuring sumakay sa sasakyan si Jamie.Sinabi ni Caroline kay Freya, “Dr. Bailey, pakibantayan siya ng mabuti. Huwag mo siya hayaan mawala sa paningin mo.”“Huwag ka mag-alala, Ms. Shenton,” siniguro siya ni Freya bago iniwan si Jamie at mga bodyguards.Ngunit, hindi sila lumayo. Tumigil sila malapit sa kumpanya.Hindi nagtagal, isinama ni Freya si Jamies a kalapit na café para sa kape.Inorder ni Jamie ang halos lahat sa café dagdag pa sa baso ng lemon na inorder ni Freya.Sapagkat palapit na ang November, hindi ganoon kainit sa umaga. Masarap sa pakiramdam ang init ng araw.Kaya, naupo sa labas sina Freya at Jamie, habang hinihintay si Caroline.Samantala, sa hindi kalayuan bumaba si Daniella mula sa sasakyan suot ang high heels. Uutusan na sana niya ang bodyguard niya ng makuha ang atensyon niya ng i
Nahiya si Caroline at inisip niya na hindi ito tama.Bata si Tyler na higit ang talino sa mga kaedaran niya. Natural na hindi siya magiging interesado sa mga ganitong istorya.Hinimas ni Caroline ang mukha ni Liora. “Tapos na ang storytime mga anak. Babasahan ko kayo ng istorya ulit sa sa susunod. Gumagabi na, at may pasok kayo bukas. Tulog na kayo.”Sinabi ni Liora, “Sige, Mommy. Goodnight, huwag ka magpuyat.”“Sige, Mommy.”Pinatay ni Caroline ang ilaw ng lampara, lumabas ng kuwarto ng mga bata at bumalik sa kuwarto niya.Nakakatulog na si Jamie ng mag-isa ngayon, kaya hindi na niya kailangan tabihan si Jamie.Nahiga si Caroline sa kama at kinuha ang kanyang phone mula sa tabing lamesa para magbasa ng balita.Nakita niya ang mensahe ni Evan at nagulat siya. Binuksan niya ito at nakita ang litrato ni Kenny na may yakap na magandang babae.“May issue ba dito?” Bukod pa doon, anong gusto niya sa pagpapadala ng ganitong larawan? Bakit siya nakikielam sa pribadong buhay ni Kenny?
Mapaglarong sinabi ni Caroline, “Ikaw ang may gusto na lumipat dito sa amin. At naalala mo ba, hindi ko pag-aari mag-isa ang kumpanya.”“Wala kang awa. Oo nga pala, okay ba ang lahat sa kumpanya?” tanong ni Kenny.“Okay naman. Nagpapatuloy pa din ito kahit wala ka.” Muling inasar ni Caroline si Kenny.Sinabi ni Kenny, “Sige. Hindi mo kailangan ulit-ulitin ang mababang posisyon ko sa puso mo. Kinausap ka ba ng loko-loko?”“Oo. Nagpadala siya ng litrato na may kayakap ka na magandang babae kanina.”“T*ng ina! Hanggang dito sa Ylesir umaabot impluwensiya niya! Kung ganoon, mag-effort ako na isipin na sayang lang na naging tayo, okay?”Naalala ni Caroline ang sinabi ni Kenny noon kay Evan.“Kausapin mo muna ako bago ka kumilos sa susunod, para hindi nakakahiya sa atin pareho kapag nalaman ito,” sinabi ni Caroline ng hindi natutuwa.Tumawa si Kenny, “Hindi ko susuwayin ang utos ng boss ko.”Natawa si Caroline. “Sige, matutulog na ako. Magpakabusy ka na sa mga bagay dyan.”*Sa su
Nag-iisip pa din si Caroline ng paraan para tanggihan ang kuwintas, kaya hindi niya napansin si Scott na pumasok sa kusina. Nagulat siya sa ikinilos ni Scott.“Ang akala ko ako ang magluluto ng almusal?”Magkatabi silang nakatayo at namula si Caroline.Natawa si Scott. “Nagbibiro lang ako.”Walang magawa si Caroline. “Hindi ako natutuwa sa mga birthday party. Puwede natin imbitahan si Paige para sa dinner.”“Ikaw ang birthday girl, kaya ikaw ang magdesisyon. Ako na ang mag-aasikaso.”“Sige.”Hinawakan ni Scott ang mga balikat ni Caroline at inikot siya. “Lumabas ka at hintayin matapos maluto ang almusal, birthday girl.”Pinalabas si Caroline ng kusina. Wala siyang ibang gagawin kaya umakyat siya para gisingin ang mga bata.Naihanda na ni Scott ang almusal sa oras na bumaba siya kasama ang mga bata pagkatapos nila maglinis ng sarili.Sabik na lumapit si Liora noong nakita niya si Scott. “Papa Wilson! Namiss kita! Saan ka nagpunta?”Binuhat ni Scott si Liora at malambing na hi
Nakahinga ng maluwag si Caroline sa paliwanag ni Scott.Tumango siya at sinabi, “Mabuti kung ganoon. Kung hindi, hindi ko alam ang kukunin ko para sa birthday mo.”Mukhang naiiinis ng kaunti si Scott. “Para namang ibang tao tayo sa isa’t isa.”Ipinaliwanag ni Caroline, “Hindi, kasi napakahalaga ng regalo mo.”“Sige, niloloko lang kita. Pupunta ako sa ospital mamaya, dadalo ako mamayang gabi para gunitain ang birthday mo.”“Sige.”*Noong tanghali, tumawag si Paige noong tapos na siya sa mga task niya.“Happy Birthday, Carol!” narinig niya ang nasasabik na boses ni Paige.Ngumiti si Caroline, “Salamat!”Sinabi ni Paige, “Walang anuman! Huwag ka maghanda ng kahit na ano mamayang gabi. Nagbook ako ng malaking private room sa hotel para gunitain ang birthday mo.”Sinabi ni Caroline, “Birthday lang ito, huwag na natin palakihin.”“Hindi! Unang birthday mo ito dito. Kailangan engrande ito!”Walang masabi si Caroline. Iisipin ng iba na baka ika-80th na birthday ang gugunitain niy
Sapilitan na isinama si Evan sa mall kasama si Paige na natulala dahil sa sinabi niya.Gumamit ng palusot si Alex. “Mas naiintindihan ng babae ang kapwa babae!”Walang rason si Evan para tumanggi.Tinitigan ng masama ni Paige si Alex habang nahihirapan siyang maglakad sa dami ng bodyguard na nakasunod.Hindi nagtagal, nakita niyang nauuna maglakad si Evan. Hininaan niya ang kanyang boses at galit na nagtanong, “Bakit mo inimbitahan na sumama ang boss ko?”Tumigil sa paglalakad si Evan at tumingin sa kanila ng marinig silang nagbubulungan.Agad na ngumiti si Paige at sinabi, “Anong maitutulong ko, Mr. Jordan?”Walang masabi si Alex sa mabilis na pagbabago ng ugali ni Paige.Hindi nagsalita si Evan pero tumingin sa paligid.Kinuha ni Paige ang pagkakataon na ito para kurutin ng madiin si Alex sa puwet.Nagtiim bagang si Alex. “Anong ginagawa mo!”Sinabi ni Paige, “Sabihin mo, bakit mo isinama si Mr. Jordan? Hindi mo ba alam na hindi sila magkasundo ni Carol?”Sinabi ni Alex,