Share

Kabanata 236 Namiss Mo Ako

Nahiya si Caroline at inisip niya na hindi ito tama.

Bata si Tyler na higit ang talino sa mga kaedaran niya. Natural na hindi siya magiging interesado sa mga ganitong istorya.

Hinimas ni Caroline ang mukha ni Liora. “Tapos na ang storytime mga anak. Babasahan ko kayo ng istorya ulit sa sa susunod. Gumagabi na, at may pasok kayo bukas. Tulog na kayo.”

Sinabi ni Liora, “Sige, Mommy. Goodnight, huwag ka magpuyat.”

“Sige, Mommy.”

Pinatay ni Caroline ang ilaw ng lampara, lumabas ng kuwarto ng mga bata at bumalik sa kuwarto niya.

Nakakatulog na si Jamie ng mag-isa ngayon, kaya hindi na niya kailangan tabihan si Jamie.

Nahiga si Caroline sa kama at kinuha ang kanyang phone mula sa tabing lamesa para magbasa ng balita.

Nakita niya ang mensahe ni Evan at nagulat siya. Binuksan niya ito at nakita ang litrato ni Kenny na may yakap na magandang babae.

“May issue ba dito?” Bukod pa doon, anong gusto niya sa pagpapadala ng ganitong larawan? Bakit siya nakikielam sa pribadong buhay ni Kenny?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status