Tumango si Caroline. “Sige.”Sa totoo lang, tama ang kapatid niya. Hindi sana siya mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi siya naging pabaya.Ipinaliwanag ni Neil, “Kinausap ko na ang mgapulis. Sinabi nila na si Wayne ang sanhi ng aksidente. Hindi niya sinaktan ang ibang mga bata, si Tyler lang. At sinabi niya kung sino ang tunay na mastermind—si Daniella. Nasa police station siya ngayon. Hindi siya tinutulungan ni Lolo.”“Sino ang bruhang iyon? Gugulpihin ko siya hanggang mamatay!” galit na galit si Kenny.Tinignan siya ni Neil. “Miyembro siya ng pamilya Xander. Itutuloy mo ba?”Nasamid si Kenny. Bago siya sa Angelbay pero alam niya ang tungkol sa tatlong maimpluwensiyang mga tao dito.Mamamatay siya kapag kinalaban niya ang mga Xander.Natakot si Kenny at sinabi, “Uh… mas tatagal ang kumpanya kapag maraming materyales. Mag tulungan muna tayo.”Kinilabutan si Caroline ng maalala si Daniella. Naiintindihan niya na mali ang pagkakaintindi niya sa kung gaano kasama si Daniell
Tinanong ni Kenny si Caroline matapos bumalik sa sasakyan, “Kumusta? Nasentensiyahan na ba siya?”Isinuot ni Caroline ang seatbelt niya. “Hindi iyon ganoon kadali.”“Huh? Bakit?” gulat na tanong ni Kenny.“Bakit… aabutin ng tatlong araw bago ko maipaliwanag,” inisip niya.Bukod pa doon, alam niya na iisip ng paraan si Grayson para iligtas si Daniella kung may ginawa siya.Alam niya na magpapakabait ng panandalian si Daniella matapos takutin.Hindi niya gusto madamay si Kenny sa problema niya.*Sa sumunod na araw, bumalik si Naomi sa ospital para papirmahin si Caroline ng mga dokumento. Nagdala din siya ng basket ng prutas.Tinanggap ni Caroline ang mga regalo at inilagay sa lamesa sa tabi. “Salamat. Tandaan mo na magfollowup sa factory sa susunod na dalawang araw at iupdate ako kapag may bagong impormasyon.”Tumango si Naomi. “Sige, Ms. Shenton. Pakitignan din ang dalawang dokumento na ito at pirmahan sila.”Sinuri ng mabuti ni Caroline ang mga dokumento.Matapos ang ilan
Umiling-iling si Caroline, namumutla ng husto ang mukha niya. Maaaring patay na siya ngayon kung hindi mabilis na kumilos si Naomi.Tinignan niya si Naomi na may hiwa sa braso. Agad siyang tumayo at sinabi, “Kailangan natin pumunta sa ospital, Naomi!”Tinignan ni Naomi ang braso niya. Kalmado ang mukha niya na tila wala siyang maramdaman na sakit. “Hindi na kailangan. Maliit na bagay lang ito.”Sinabi ni Caroline, “Hindi ito maliit na bagay! Tara, isasama kita sa ospital!”*Pumunta si Naomi sa emergency room. Nakasampung tahi siya sa braso. At noong nagpa X-Ray siya, nalaman nila na nabali ang siko niya.Naguilty si Caroline. “Ipagpapamedical leave kita para makapagpagaling ka sa bahay, Naomi. Tatandaan ko ang ginawa mo sa araw na ito. Salamat.”Mahinang sinabi ni Naomi, “Paulit-ulit mo na akong pinasalmatan, Ms. Shenton. Hindi ko kailangan magpahinga, kaya hindi ko kailangan ang medical leave.”“Hindi! Hindi ka puwede bumalik ng trabaho ng ganito,” sinabi ni Caroline.Nagsal
“Hmm, namiss din kita. Ayaw ka payagan ni Mommy pumasok sa school dahil gusto niyang magpahinga ka sa bahay ng ilang araw.” Pinagaan ni Axel ang loob ni Liora.“Alam ko. Kumusta ka, Axel?” sambit ni Liora.Galit na sinabi ni Liora, “Inalagaan ka ba niya ng husto sa nakalipas na dalawang araw?”Nanahimik muna si Axel bago sumagot. “Oo.”Samantala, nakaupo siya sa harap ng laptop, tinitignan ang surveillance video ng study, seryoso ang mukha niya. Sa nakalipas na mga araw, dumidiretso sa study ang ama niya pagkatapos maghapunan. Magpapakababad siya sa trabaho hanggang hating gabi.“Makakapagrelax ako matapos ko malaman na naaalagaan ka. Maaga ako matutulog. Goodnight, Axel.”Gumaan ng kaunti ang mood ni Axel sa malambing na boses ni Liora.“Goodnight, Lia.”*Ipinasa pabalik ni Liora ang phone kay Scott at tinitigan siya. “Papa Wilson, puwede ba ako magtanong?” tanong niya.Tinignan siya ni Scott. “Ano iyon, Lia?”“Kapag nalaman ng lalake na iyon na anak niya ako at sinubukan
Umiling-iling ang bodyguard. “Hindi ko alam, pero matindi ang patatalo nila.”Isinantabi ni Caroline ang kutsara, naguluhan siyang tumungo sa pinto. Nakilala niya ang dalawang boses bago niya makita ang mga tao.“Price, mapaghiganti ka ba o ano? Nabastos ka ba ng sasakyan ko?” sigaw ni Paige.“Ikaw ang nagmaneho ng reverse. Hindi ako ang bumangga ng sadya,” matiyagang paliwanag ni Alex.Natawa si Paige. “Puwede mo rin sabihin na bulag ako!”“Wala akong magagawa kung ganyan mo gusto mag-isip,” tinatamad na sagot ni Alex.“T*ng ina! Kung hindi ka pumunta dito ng walang dahilan, babangga ba ang sasakyan ko sa iyo?”“Isang tao ang nagsabi sa akin na bisitahin ko si Tyler para sa kanya at ipakita ang pag-aalala niya.”“Hindi ito importante kung hindi mo sasabihin ang pangalan ng tao!”Magsasalita sana si Caroline habang pinapanood ang walang katapusang pagtatalo nila. Bago pa siya makapagsalita, isang boses ang narinig niya. “Nakakatakot ang makita silang nagtatalo.”Tumalikod si
Walang masabi si Caroline. Ngayon lang niya nalaman ang nangyari noong lasing sila.Sinabi ni Caroline, “So, gusto mo ba siya maging responsable o hindi? Iyon ang issue.”“Narinig ko na maraming nililigawan si Alex. Kung magdadate kami, lagi ko iisipin na baka mangaliwa siya!”Naguluhan si Caroline. “Pero, mukhang galit ka dahil hindi siya responsable sa iyo.”Bumuntong hininga si Paige. “Kalimutan mo na. Iisipin ko na lang na parang nakagat ako ng aso.”Sinabi ni Caroline, “Mahirap hulaan ang takbo ng relasyon. Mukhang nahulog ka na kay Alex.”“Ako? Imposible!” tumawa si Paige.Tinignan ni Caroline si Paige at napagtanto na baka hindi ito nakikita ng malinaw ni Paige. Gusto niyang tuparin ni Alex ang sinabi niya at hindi saktan si Paige emotionally.*Tumungo si Alex sa Villa Rosa para makita si Evan matapos lisanin ang Bayview Villa.Pumasok siya sa living room, naupo at sinabi, “Nakarecover na ang anak ni Caroline, Evan.”Nagscroll si Evan sa phone niya ng hindi tumitinga
Umiling-iling si Daniella. “Hindi, Lolo. Ang pagbibigay ng pera sa akin ay iba sa pera na kinikita ko mag-isa.”“Malaki na ako. Hindi ako puwede umasa sa mga nakatatanda.”Natuwa si Grayson sa mga sinabi niya. “Anong gusto mo gawin? Sabihin mo sa akin. Susuportahan kita.”Kuminang ang mga mata ni Daniella. “Lolo, gusto ko magbukas ng maliit na fashion design company.”Tinapik ni Grayson ang likod ni Daniella. “Simple lang iyon. Puwede kita gastusan basta mabait ka at masaya.”Sinabi ni Daniella, “Salamat, Lolo! The best ka talaga!”Matapos iyon, ngumiti siya ng nakakatakot. Naniniwala siya na kaya niya dahil nagawa ito ni Caroline. Bukod pa doon, may maaasahan siyang backer.Sa oras na masimulan ang kumpanya niya, balak niyang higitan si Caroline—para maglaho ang TYC Fashion.Natural na hindi lang siya uupo at manonood dahil pinagdusa siya ni Caroline.*Noong Lunes, pumunta ang mag bodyguard sa kindergarten kasama si Caroline para ipadala si Tyler at Liora sa school.Lumap
Noong narinig ito ni Reuben, hindi niya napigilan ang ngiti niya.Kahit na bitter si Evan kay Caroline, pinili niyang tulungan siya kung kinakailangan.*Sa mga nakalipas na araw, tinitignan ni Caroline ang kumento ng mga customer sa tuwing libre siya, maliban na lang kung may meeting.Binuksan ni Kenny ang pinto at nakita siyang nakatitig sa computer. Kaya, sinabi niya, “G, tumigil ka na sa pagtingin. Nagugustuhan ng mga tao ang gamit natin sa nakalipas na tatlong araw, maliban sa araw na nagship out tayo.”Tinignan siya ni Caroline mula sa gilid. “Sa halip na bantayan ang factory, nandito ka para asarin ako?”Kumurap si Kenny, naiinis siya. “Gusto ko lang maglunch kasama ka.”Walang masabi si Caroline.“Huwag ka maging weird,” reklamo ni Caroline.Hindi niya makita si Kenny na nagiging mapagpanggap.Sinabi ni Kenny, “Tara at kumain tayo, okay?”*Matapos nila lumabas ng kumpanya, pumili sila ng kalapit na restaurant.Kakaiba si Kenny ngayon dahil naglalambing siya kay Ca
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa