“Hindi kita hahayaang mamatay,” mahigpit na sinabi ni Evan. “Pero kailangan mo harapin ang pagtataksil sa akin.”Tumayo si Evan at umalis ng hindi tumitingin pabalik.Ipinikit ni Caroline ang mga mata niya, habang lumuluha. Nawalan na siya ng pag-asa.Hindi siya pinagkatiwalaan ni Evan—matagal ng ganoon.*Matapos ang dalawang linggo, kumuha si Evan ng abogado para tulungan si Caroline. Sinentensyahan siya ng korte ng limang taong pagkakakulong sa pagpatay kay Nicholas, sinasabi na self-defense ito dahil sa ilang ulit niyang balak na pagpatay sa kanya.Noong tanghali ng pagkakasintensiya, binisita ni Daniella si Caroline. Naupo sila ng magkatapat, salamin lang ang pumapagitna.Hindi mapigilan ni Daniella ang pagtawa niya, hinamak niya ang magulong itsura ni Caroline. “Ang gulo ng itsura mo.”Tinitigan siya ng masama ni Caroline. “Hindi ka ba nag-aalala na baka bisitahin kita sa gabi, Daniella?”Hindi natinag si Daniella, at kalmadong sumagot, “Ano pa ang saysay nito? Natutuwa akong mak
“Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Evan.“Ang anak ko ay nasa abroad, at pitong buwan na ang nakaraan ng makatanggap ako ng balita na naaksidente siya. Hindi ko siya makontak, kaya nagtravel ako abroad. Ngunit, ninakawan ako sa oras na bumaba ako mula sa eroplano. Mas mabuti na hindi na natin ito pag-usapan. Bakit mo ako hinahanap?”Nag-aalala si Evan sapagkat hinanap niya si Gloria para siguruhin ang impormasyon na nakuha niya pitong buwan na ang nakararaan.Masyadong nagkataon na naloko si Gloria para umalis ng bansa at naging imposible para sa kanya na mahanap siya.Pinigilan niya ang mga pagdududa niya at ipinakita ni Evan ang mga litrato ni Caroline noong bata siya at nagtanong, “Naalala mo ba ang batang ito?”Matapos suriin ang litrato, tumango si Gloria, inalala ang nakaraan. “Oo! Maraming hirap na pinagdaanan ang batang iyan sa ampunan namin. Madalas siyang inaapi at sinasaktan ng ibang mga bata. Hindi namin maalis ang ibang mga bata kaya binigyan namin siya ng dagdag na atensy
“Evan, wala kang kuwenta! Ang triplets ni Caroline ay iyo lahat! Pinili mo si Daniella kaya namatay si Caroline at ang tatlong anak mo!”Natusok ang puso ni Evan sa mga binitawang mga salita ni Paige.Bumuka ang maputlang mga labi ni Evan at sumara ng mahigpit ang mga kamao niya. Hindi niya matanggap na wala na si Caroline at hindi niya nakita ang walang buhay niyang katawan!“Hindi puwedeng patay na siya, hahanapin ko siya!” nangako siya sa sarili niya.*Lumipas ang limang taon.Lumabas si Evan mula sa meeting room ng MK, at nilapitan siya ni Reuben. “Mr. Jordan, ayaw makipagtulungan ni G sa kumpanya natin.”Tumigil si Evan at hinarap si Reuben. “May nahanap ka na ba na baho niya?”Umiling-iling si Reuben at sumagot, “Ang alam ko lang ay apprentice siya ni John Salvatore, wala ng iba pa.”Sumingkit ang mga mata ni Evan. Si John Salvatore, isang kilalang international designer ay maagang inanunsiyo ang retirement niya, at idineklara si G bilang tagapagmana niya bago nilisan ang fashio
Ngumiti ng walang pakielam si Caroline at sinabi, “Hindi ka late, maaga lang akong dumating. Huwag ka tumayo lang dyan. Maupo ka.”Naupo si Neil, karga niya si Liora. Pagkatapos iniabot niya ang isa pa na regalo kay Tyler. “Ty, ito ang customized processor na gusto mo.”Tinanggap ito ni Tyler ng nakangiti. “Salamat, Tito Neil!”Habang hawak ang backpack niya, inilabas niya ang kanyang laptop at inassemble ang processor.Habang pinapanood ang mga anak niya, nakaramdam siya ng pait.Nahirapan siyang isilang ang triplets, at nawalan ng malay noong naglalabor siya. Ipinaalam sa kanya ng doktor na pumanaw na ang unang anak niya.Naiimagine niya na malusog din sana siya tulad ni Tyler at Liora kung nabubuhay pa siya.Pinigilan niya ang lungkot niya at sinabi niya kay Neil, “Naaayos mo na ba ang kay Ms. Smith, Neil?”“Sasakay siya sa eroplano sa makalawa,” sagot ni Neil matapos humigop ng kape.Tumango si Caroline at kinuha ang shades niya sa lamesa. “Pupunta muna ako sa banyo.”Nakita niya
Nag-aalalang nagtanong si Neil, “Okay ka lang ba na mag-isa, Carol?”Tumawa si Caroline. “Hindi puwedeng nasa tabi kita lagi, hindi ba? Gusto ko tignan ang ilang mga paaralang pambata. Oras na rin para mag-aral si Lia at Ty.”Madalas niyang tinitignan ang mga kindergarten schools bago siya bumalik. Balak niyang pumili kung saan niya ieenroll ang mga anak niya, naisip niya na mas mababawasan ang iniisip niya kapag natignan na niya muna ang mga kindergarten schools.“Sige, hindi ako sasama kung ganoon. Baka makaagaw tayo ng pansin kapag masyadong tayong marami,” sambit ni Neil.Tumango si Caroline. Inayos niya ang gamit niya at sinabihan ang mga bata bago umalis.Sa pinto, tinignan ni Tyler si Neil na abala sa pakikipaglaro kay Liora.Mabilis siyang nagtype sa keyboard ng walang alinlangan, at napalitan ang game interface sa isang software login screen.Nagpakita sa harap niya ang platform ng hacker organization, at hindi nagtagal, isang mensahe mula kay Angst ang natanggap niya.Angst:
Nakarinig ng tunog si Caroline, at pabulong na ulong ang nagmula sa kanya noong maramdaman niya ang sakit.Habang nakahiga sa mga bisig Caroline, tumingala si Axel, nagulat sa kakaibang tunog.Hindi makapaniwala siyang tumingin kay Caroline.Yakap ni Caroline si Axel ng isang kamay habang hinihimas ang kanyang likod sa sakit.Matapos masiguro na walang pinsala ang bata, nagtanong siya, “Okay ka lang ba, bata?”Mabilis na nag-isip ang bata, pero nanatiling hindi kumikilos ang katawan niya.Gumaan ang pakiramdam ng bata sa amoy ni Caroline, okay lang sa kanya ang mahawakan ng taong ito, hindi tulad ng iba.Hindi lang iyon, kinamusta pa niya kung okay siya matapos bumagsak.Naguluhan si Caroline at nagtanong, “May masakit ba?”Naging malamig ang mga mata ng bata, at mabilis siyang tumayo. Yumuko siya, ibinuka ang kanyang bibig at sinabi ng mahina na halos hindi marinig, “salamat”.Pagkatapos, tumalikod siya at tumakbo paalis ng hindi na nagsasalita pa.Tumayo si Caroline habang nakasimang
Nagsalita si Paige, “Hintayin mo ako. Papunta na ko ngayon!”“Paige!” nababalisang sinabi ni Caroline, “Huwag mo hayaan na malaman ito ng iba.”Nagreklamo si Paige, “Hindi ko alam na mahaba ang pasensiya ni Evan. Bakit ba mapilit pa din siya kahit na limang taon na ang lumipas?”Nagsalita si Caroline, “Pasensiya na sa abala.”“Nagrereklamo lang ako!” mapaglaro na sinabi ni Paige, “Hindi naman niya nalaman na nakakausap pa kita, diba?”Ngumiti si Caroline. “Ipapadala ko sa iyo ang lokasyon. Mag-usap pa tayo kapag nagkita na tayo ulit.”“Sige.”Ibinaba ni Caroline ang tawag at binuksan ang pinto para marinig ang tawa ni Liora.Ngumiti siya at tinignan si Liora na masayang naglalaro sa living room. “Nakauwi na ako, Lia.”Tinignan ni Liora ang pinto at inihagis ang manika na nasa kamay niya bago tumakbo papunta kay Caroline.Iniabot niya ang mga braso niya at sinabi, “Welcome home, Mommy. Nakapagdesisyon ka na ba kung saan ako mag-aaral? Pareho ba kami ng school ni Ty?”Lumapit si Caroline
Dumating si Paige para magdinner, at naghanda ng masarap na pagkain si Caroline at Neil para sa kanya.Sa oras na dumating si Paige, naging malapit sa kanya si Liora.“Ninang!” tawag ni Liora kay Paige.Niyakap ni Paige si Liora at sinabi, “Namiss kita ng husto, Lia!! Ikikiss kita!”Lumapit si Liora para matanggap ang halik.Matapos halikan si Liora, humarap si Paige kay Tyler.“Bata, bakit nakatayo ka lang dyan? Gayahin mo ang kapatid mo.” Sabi ni Paige, nagkukunyari na galit,Mature ang sagot ni Tyler, “Sinabi ng nanay ko na dapat may tamang boundary sa pagitan ng lalake at babae.”Walang masabi si Paige, habang iniisip, “Pareho sila ng mannerism ni Evan!”“Mommy’s boy,” reklamo ni Paige.“Patunay ito na mahal ko si Mommy at ipagyayabang ko ito,” sagot ni Tyler.Kita ang yabang sa guwapo niyang mukha.Nanlaki ang mga mata ni Paige habang nagkukunwaring galit. “Turuan mo ng manners ang anak mo, Caroline!”Inihanda ni Caroline ang huling pagkain sa lamesa bago sinabi ng nakangiti, “Sig
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa