Ngumiti ng walang pakielam si Caroline at sinabi, “Hindi ka late, maaga lang akong dumating. Huwag ka tumayo lang dyan. Maupo ka.”Naupo si Neil, karga niya si Liora. Pagkatapos iniabot niya ang isa pa na regalo kay Tyler. “Ty, ito ang customized processor na gusto mo.”Tinanggap ito ni Tyler ng nakangiti. “Salamat, Tito Neil!”Habang hawak ang backpack niya, inilabas niya ang kanyang laptop at inassemble ang processor.Habang pinapanood ang mga anak niya, nakaramdam siya ng pait.Nahirapan siyang isilang ang triplets, at nawalan ng malay noong naglalabor siya. Ipinaalam sa kanya ng doktor na pumanaw na ang unang anak niya.Naiimagine niya na malusog din sana siya tulad ni Tyler at Liora kung nabubuhay pa siya.Pinigilan niya ang lungkot niya at sinabi niya kay Neil, “Naaayos mo na ba ang kay Ms. Smith, Neil?”“Sasakay siya sa eroplano sa makalawa,” sagot ni Neil matapos humigop ng kape.Tumango si Caroline at kinuha ang shades niya sa lamesa. “Pupunta muna ako sa banyo.”Nakita niya
Nag-aalalang nagtanong si Neil, “Okay ka lang ba na mag-isa, Carol?”Tumawa si Caroline. “Hindi puwedeng nasa tabi kita lagi, hindi ba? Gusto ko tignan ang ilang mga paaralang pambata. Oras na rin para mag-aral si Lia at Ty.”Madalas niyang tinitignan ang mga kindergarten schools bago siya bumalik. Balak niyang pumili kung saan niya ieenroll ang mga anak niya, naisip niya na mas mababawasan ang iniisip niya kapag natignan na niya muna ang mga kindergarten schools.“Sige, hindi ako sasama kung ganoon. Baka makaagaw tayo ng pansin kapag masyadong tayong marami,” sambit ni Neil.Tumango si Caroline. Inayos niya ang gamit niya at sinabihan ang mga bata bago umalis.Sa pinto, tinignan ni Tyler si Neil na abala sa pakikipaglaro kay Liora.Mabilis siyang nagtype sa keyboard ng walang alinlangan, at napalitan ang game interface sa isang software login screen.Nagpakita sa harap niya ang platform ng hacker organization, at hindi nagtagal, isang mensahe mula kay Angst ang natanggap niya.Angst:
Nakarinig ng tunog si Caroline, at pabulong na ulong ang nagmula sa kanya noong maramdaman niya ang sakit.Habang nakahiga sa mga bisig Caroline, tumingala si Axel, nagulat sa kakaibang tunog.Hindi makapaniwala siyang tumingin kay Caroline.Yakap ni Caroline si Axel ng isang kamay habang hinihimas ang kanyang likod sa sakit.Matapos masiguro na walang pinsala ang bata, nagtanong siya, “Okay ka lang ba, bata?”Mabilis na nag-isip ang bata, pero nanatiling hindi kumikilos ang katawan niya.Gumaan ang pakiramdam ng bata sa amoy ni Caroline, okay lang sa kanya ang mahawakan ng taong ito, hindi tulad ng iba.Hindi lang iyon, kinamusta pa niya kung okay siya matapos bumagsak.Naguluhan si Caroline at nagtanong, “May masakit ba?”Naging malamig ang mga mata ng bata, at mabilis siyang tumayo. Yumuko siya, ibinuka ang kanyang bibig at sinabi ng mahina na halos hindi marinig, “salamat”.Pagkatapos, tumalikod siya at tumakbo paalis ng hindi na nagsasalita pa.Tumayo si Caroline habang nakasimang
Nagsalita si Paige, “Hintayin mo ako. Papunta na ko ngayon!”“Paige!” nababalisang sinabi ni Caroline, “Huwag mo hayaan na malaman ito ng iba.”Nagreklamo si Paige, “Hindi ko alam na mahaba ang pasensiya ni Evan. Bakit ba mapilit pa din siya kahit na limang taon na ang lumipas?”Nagsalita si Caroline, “Pasensiya na sa abala.”“Nagrereklamo lang ako!” mapaglaro na sinabi ni Paige, “Hindi naman niya nalaman na nakakausap pa kita, diba?”Ngumiti si Caroline. “Ipapadala ko sa iyo ang lokasyon. Mag-usap pa tayo kapag nagkita na tayo ulit.”“Sige.”Ibinaba ni Caroline ang tawag at binuksan ang pinto para marinig ang tawa ni Liora.Ngumiti siya at tinignan si Liora na masayang naglalaro sa living room. “Nakauwi na ako, Lia.”Tinignan ni Liora ang pinto at inihagis ang manika na nasa kamay niya bago tumakbo papunta kay Caroline.Iniabot niya ang mga braso niya at sinabi, “Welcome home, Mommy. Nakapagdesisyon ka na ba kung saan ako mag-aaral? Pareho ba kami ng school ni Ty?”Lumapit si Caroline
Dumating si Paige para magdinner, at naghanda ng masarap na pagkain si Caroline at Neil para sa kanya.Sa oras na dumating si Paige, naging malapit sa kanya si Liora.“Ninang!” tawag ni Liora kay Paige.Niyakap ni Paige si Liora at sinabi, “Namiss kita ng husto, Lia!! Ikikiss kita!”Lumapit si Liora para matanggap ang halik.Matapos halikan si Liora, humarap si Paige kay Tyler.“Bata, bakit nakatayo ka lang dyan? Gayahin mo ang kapatid mo.” Sabi ni Paige, nagkukunyari na galit,Mature ang sagot ni Tyler, “Sinabi ng nanay ko na dapat may tamang boundary sa pagitan ng lalake at babae.”Walang masabi si Paige, habang iniisip, “Pareho sila ng mannerism ni Evan!”“Mommy’s boy,” reklamo ni Paige.“Patunay ito na mahal ko si Mommy at ipagyayabang ko ito,” sagot ni Tyler.Kita ang yabang sa guwapo niyang mukha.Nanlaki ang mga mata ni Paige habang nagkukunwaring galit. “Turuan mo ng manners ang anak mo, Caroline!”Inihanda ni Caroline ang huling pagkain sa lamesa bago sinabi ng nakangiti, “Sig
Nagising ng maaga si Caroline para ipaghanda ang mga anak niya ng almusal bago sila ipadala sa Grace International Preschool.Matapos dumating sa entrace ng kindergarten, isinama niya papasok ang mga bata, at dinaanan ang mga bata na nagmamaktol.Masunurin sina Liora at Tyler.Mahigpit na hinawakan ni Liora ang kamay ni Caroline at nagtanong, “Nakakatakot ba ang school, Mommy? Bakit sila umiiyak?”Bago pa makasagot si Caroline, nagsalita si Tyler habang nakangiti ng kaunti, “Hindi mga halimaw ang mga teacher sa school, at hindi pinaparusahan ng principal ang mga bata. Hindi mo kailangan mag-alala dito, Liora.”Pagod ang pakiramdam ni Caroline. Naisip niya, “Tinatakot ba ni Ty si Lia o pinapagaan ang loob?”Nakangusong sumagot si Liora, “Tinatakot mo nanaman ako! Hindi ako pinalaking takot!”Tumawa si Tyler at sinabi, “Siyempre. Lumaki ka sa fantasy world.”Hindi alam ni Liora ang gagawin kaya humingi siya ng tulong kay Caroline. “Bad si Ty, Mommy.”Walang masabi si Caroline ng panandal
Matapos marinig ang boses niya, naging malamig ang mga mata ni Evan noong nagtanong siya, “Sino ka?”Gusto magreklamo ni Caroline at inisip niya, “Nabaliw ka na ba? Bakit mo itatanong ang pagkakakilanlan ng hindi mo kilala?”“Sa tingin ko hindi tayo magkakilala, tama? Bastos na magtanong ka ng ganyan.” Sagot ni Caroline.Sumingkit ang mga mata ni Evan at nagbago ang tono niya at sinabi, “Pumapasok dito ang anak ko. May karapatan ako kuwestiyunin ang kahit na sinong itinatago ang mukha niya at kakaiba ang ikinikilos para sa kaligtasan ng anak ko.”Nabigla si Caroline at inisip, “Grabeng palusot!”“Pasensiya na,” sambit ni Caroline, “May allergic reaction ako kaya tinatakpan ko ang mukha ko para hindi mabahala ang iba. Maaari mo tanungin ang principal kung gusto mo malaman kung sino ako.”Matapos iyon, nilampasan siya ni Caroline at umalis.Gumamit siya ng pekeng pangalan at pekeng address sa application form, kaya hindi siya nag-aalala na may malalaman si Evan.Naging malungkot ang eks
Mabilis na sinagot ni Caroline ang tawag, “Hello?”Sumagot si Alice, “Ms. Shenton, maaari ka ba pumunta sa school ngayon? May nangyari. May nakaaway na bata si Liora at kinalmot niya ang mukha ng bata.”Mabilis ang tibok ng puso ni Liora. “Kumusta si Liora?”Nagsalita si Alice. “Okay lang si Liora. Huwag ka mag-alala.”Sumagot si Caroline, “Papunta na ako.”Matapos ibaba ang tawag, mabilis na tumungo si Caroline sa kindergarten na 15 minutes lang ang layo mula sa kumpanya.Agad siyang tumungo sa opisina ng teacher, at narinig ang boses ng babae na sumisigaw.“Anong klaseng estudyante ang pinapapasok ninyo dito? Paano kayo nakapagpapasok ng batang walang alam? Gusto ko ng justification para sa insidenteng ito at compensation mula sa magulang niya!”Mapanghamak niyang sinabi, “Walang amang mga p*ta!”Pumasok si Caroline sa opisina habang malamig ang ekspresyon niya at nakasara ng mahigpit ang mga kamay.Isang medyo chubby na babae ang nakaupo sa sofa, hawak ang anak niya. May dalawang ma