Nagsalita si Paige, “Hintayin mo ako. Papunta na ko ngayon!”“Paige!” nababalisang sinabi ni Caroline, “Huwag mo hayaan na malaman ito ng iba.”Nagreklamo si Paige, “Hindi ko alam na mahaba ang pasensiya ni Evan. Bakit ba mapilit pa din siya kahit na limang taon na ang lumipas?”Nagsalita si Caroline, “Pasensiya na sa abala.”“Nagrereklamo lang ako!” mapaglaro na sinabi ni Paige, “Hindi naman niya nalaman na nakakausap pa kita, diba?”Ngumiti si Caroline. “Ipapadala ko sa iyo ang lokasyon. Mag-usap pa tayo kapag nagkita na tayo ulit.”“Sige.”Ibinaba ni Caroline ang tawag at binuksan ang pinto para marinig ang tawa ni Liora.Ngumiti siya at tinignan si Liora na masayang naglalaro sa living room. “Nakauwi na ako, Lia.”Tinignan ni Liora ang pinto at inihagis ang manika na nasa kamay niya bago tumakbo papunta kay Caroline.Iniabot niya ang mga braso niya at sinabi, “Welcome home, Mommy. Nakapagdesisyon ka na ba kung saan ako mag-aaral? Pareho ba kami ng school ni Ty?”Lumapit si Caroline
Dumating si Paige para magdinner, at naghanda ng masarap na pagkain si Caroline at Neil para sa kanya.Sa oras na dumating si Paige, naging malapit sa kanya si Liora.“Ninang!” tawag ni Liora kay Paige.Niyakap ni Paige si Liora at sinabi, “Namiss kita ng husto, Lia!! Ikikiss kita!”Lumapit si Liora para matanggap ang halik.Matapos halikan si Liora, humarap si Paige kay Tyler.“Bata, bakit nakatayo ka lang dyan? Gayahin mo ang kapatid mo.” Sabi ni Paige, nagkukunyari na galit,Mature ang sagot ni Tyler, “Sinabi ng nanay ko na dapat may tamang boundary sa pagitan ng lalake at babae.”Walang masabi si Paige, habang iniisip, “Pareho sila ng mannerism ni Evan!”“Mommy’s boy,” reklamo ni Paige.“Patunay ito na mahal ko si Mommy at ipagyayabang ko ito,” sagot ni Tyler.Kita ang yabang sa guwapo niyang mukha.Nanlaki ang mga mata ni Paige habang nagkukunwaring galit. “Turuan mo ng manners ang anak mo, Caroline!”Inihanda ni Caroline ang huling pagkain sa lamesa bago sinabi ng nakangiti, “Sig
Nagising ng maaga si Caroline para ipaghanda ang mga anak niya ng almusal bago sila ipadala sa Grace International Preschool.Matapos dumating sa entrace ng kindergarten, isinama niya papasok ang mga bata, at dinaanan ang mga bata na nagmamaktol.Masunurin sina Liora at Tyler.Mahigpit na hinawakan ni Liora ang kamay ni Caroline at nagtanong, “Nakakatakot ba ang school, Mommy? Bakit sila umiiyak?”Bago pa makasagot si Caroline, nagsalita si Tyler habang nakangiti ng kaunti, “Hindi mga halimaw ang mga teacher sa school, at hindi pinaparusahan ng principal ang mga bata. Hindi mo kailangan mag-alala dito, Liora.”Pagod ang pakiramdam ni Caroline. Naisip niya, “Tinatakot ba ni Ty si Lia o pinapagaan ang loob?”Nakangusong sumagot si Liora, “Tinatakot mo nanaman ako! Hindi ako pinalaking takot!”Tumawa si Tyler at sinabi, “Siyempre. Lumaki ka sa fantasy world.”Hindi alam ni Liora ang gagawin kaya humingi siya ng tulong kay Caroline. “Bad si Ty, Mommy.”Walang masabi si Caroline ng panandal
Matapos marinig ang boses niya, naging malamig ang mga mata ni Evan noong nagtanong siya, “Sino ka?”Gusto magreklamo ni Caroline at inisip niya, “Nabaliw ka na ba? Bakit mo itatanong ang pagkakakilanlan ng hindi mo kilala?”“Sa tingin ko hindi tayo magkakilala, tama? Bastos na magtanong ka ng ganyan.” Sagot ni Caroline.Sumingkit ang mga mata ni Evan at nagbago ang tono niya at sinabi, “Pumapasok dito ang anak ko. May karapatan ako kuwestiyunin ang kahit na sinong itinatago ang mukha niya at kakaiba ang ikinikilos para sa kaligtasan ng anak ko.”Nabigla si Caroline at inisip, “Grabeng palusot!”“Pasensiya na,” sambit ni Caroline, “May allergic reaction ako kaya tinatakpan ko ang mukha ko para hindi mabahala ang iba. Maaari mo tanungin ang principal kung gusto mo malaman kung sino ako.”Matapos iyon, nilampasan siya ni Caroline at umalis.Gumamit siya ng pekeng pangalan at pekeng address sa application form, kaya hindi siya nag-aalala na may malalaman si Evan.Naging malungkot ang eks
Mabilis na sinagot ni Caroline ang tawag, “Hello?”Sumagot si Alice, “Ms. Shenton, maaari ka ba pumunta sa school ngayon? May nangyari. May nakaaway na bata si Liora at kinalmot niya ang mukha ng bata.”Mabilis ang tibok ng puso ni Liora. “Kumusta si Liora?”Nagsalita si Alice. “Okay lang si Liora. Huwag ka mag-alala.”Sumagot si Caroline, “Papunta na ako.”Matapos ibaba ang tawag, mabilis na tumungo si Caroline sa kindergarten na 15 minutes lang ang layo mula sa kumpanya.Agad siyang tumungo sa opisina ng teacher, at narinig ang boses ng babae na sumisigaw.“Anong klaseng estudyante ang pinapapasok ninyo dito? Paano kayo nakapagpapasok ng batang walang alam? Gusto ko ng justification para sa insidenteng ito at compensation mula sa magulang niya!”Mapanghamak niyang sinabi, “Walang amang mga p*ta!”Pumasok si Caroline sa opisina habang malamig ang ekspresyon niya at nakasara ng mahigpit ang mga kamay.Isang medyo chubby na babae ang nakaupo sa sofa, hawak ang anak niya. May dalawang ma
Nagsalita ang matabang babae, “Bayaran mo ako ng pera kung ganoon! Hindi naman ganoon kalaki ang hinihingi ko, mga 700,000 dollars lang! Hindi ako tatanggap ng mas kaunti dito!”Ngumiti si Caroline at sumagot, “Hindi ganoon kamahal na bayaran ang 700,000 dollars para sa emotional trauma ng bata.”Nagulat ang matabang babae at nagtanong, “Kaya mo ito bayaran?”Kumpiyansang nagsalita si Caroline, “Oo, siyempre. Pero, dapat ba natin ikunsidera din ang emotional trauma na ininda ng anak ko?”Nagbago ng husto ang ekspresyon ng matabang babae, “Okay lang ang anak mo. Bakit pa natin ito ikukunsidera?”Tinignan ni Caroline ang surveillance camera sa opisina at kalmadong sinabi, “Tignan ba natin ang footage? Naalala ko na pinagalitan ng anak mo ang anak ko at tinawag silang walang amang p*ta. Mas masaki ang mga salita kaysa sa pisikal na pang-aapi. Hindi naman ganoon kalaki ang hinihingi ko. Sapat na ang isang milyong dolyar para sa emotional trauma ng dalawa kong anak.”Tumayo ang matabang bab
Ngumisi si Caroline at yumuko para hawakan ang mga kamay ng mga anak niya. “Maraming tao sa mundo na magkakamukha. Pakiusap huwag ka na magtanong ng ganito sa hinaharap!”Nilampasan niya si Evan, habang hawak ang kamay ng mga anak niya at lumakad palayo.Malamig ang mga mata ni Evan habang pinapanood ang pag-alis ng tatlo. Kumbinsido siyang si Caroline ang babae na ito kahit na ayaw niya itong aminin!Ngunit, wala siyang lakas ng loob na alisin ang shades niya, sa takot na baka ibang tao ito.Mabilis na tumungo si Caroline sa sasakyan nila sa labas ng academic building. Pero sa oras na binuksan niya ang makina ng sasakyan, mali lagi ang pagshift niya ng gears.Sumimangot si Liora at nagtanong, “Anong nangyayari sa iyo, Mommy? Bakit ka nanginginig? Kaibigan mo ba ang taong iyon?”Sumagot si Caroline ng kakaiba ang tono niya, “Hindi ko siya kaibigan! Hindi kami magkakilala!”Tumaas ang kilay ni Tyler, habang iniisip, “Bakit mababalisa si Mommy kung hindi sila magkakilala?”Napagdesisyuna
Tinginan ni Caroline si Lily at sinabi, “Sa tingin ko malapit na niya akong makilala.”Gulat na nagtanong si Lily, “Ang ibig mo ba sabihin ay si Mr. Jordan?”Tumango si Caroline, habang inaalala ang insidente sa kindergarten kanina.Bumuntong hininga si Lily. “Hindi ito maiiwasan, Carol. Baka hindi rin masama na malaman niya.”Nag-aalala si Caroline. “Nag-aalala ako na baka pigilan niya ako sa paghihiganti ko. Si Daniella nga naman ang biological mother ng anak niya.”“Hindi ganoon ang nakikita ko,” sabi ni Lily habang pinapaupo siya. “Sinabi ko sa iyo noon, nasaktan si Mr. Jordan noon. Kung nag-aalala talaga siya para sa iyo, susuportahan ka niya at kakampihan ka.”Natahimik si Caroline, hindi niya makalimutan ang dating insidente na pinagdudahan siya ni Evan at binalak na kunin ang mga anak niya. Iyon ang dalawang mga bagay na bumabagabag sa kanya.Sinubukan palitan ni Caroline ang topic at sinabi, “Nagugutom ako, Ms. Smith. Anong hapunan natin?”Ngumiti si Lily.*Miyerkules dumatin