Tinginan ni Caroline si Lily at sinabi, “Sa tingin ko malapit na niya akong makilala.”Gulat na nagtanong si Lily, “Ang ibig mo ba sabihin ay si Mr. Jordan?”Tumango si Caroline, habang inaalala ang insidente sa kindergarten kanina.Bumuntong hininga si Lily. “Hindi ito maiiwasan, Carol. Baka hindi rin masama na malaman niya.”Nag-aalala si Caroline. “Nag-aalala ako na baka pigilan niya ako sa paghihiganti ko. Si Daniella nga naman ang biological mother ng anak niya.”“Hindi ganoon ang nakikita ko,” sabi ni Lily habang pinapaupo siya. “Sinabi ko sa iyo noon, nasaktan si Mr. Jordan noon. Kung nag-aalala talaga siya para sa iyo, susuportahan ka niya at kakampihan ka.”Natahimik si Caroline, hindi niya makalimutan ang dating insidente na pinagdudahan siya ni Evan at binalak na kunin ang mga anak niya. Iyon ang dalawang mga bagay na bumabagabag sa kanya.Sinubukan palitan ni Caroline ang topic at sinabi, “Nagugutom ako, Ms. Smith. Anong hapunan natin?”Ngumiti si Lily.*Miyerkules dumatin
Mahigpit na hinawakan ni Axel ang laruan niya, hindi siya sumagot sa sinabi ni Liora. Hindi niya gusto makita kung paano siya ituring ni Daniella.Matapos makita na tahimik si Axel, nakaisip ng isa pang ideya si Liora. “Mukhang ayaw mo makipagkaibigan sa akin. Hindi na sana kita tinulungan kung ganoon!”Pinigilan ni Tyler na ngumiti habang pinapanood si Liora na galitin si Axel.Nagpanic ng kaunti si Axel, at makikita ang pagiging guilty sa mga mata niya. “Sa Villa Rosa. Puwede kayo pumunta sa Sabado.”Ngumiti ng matamis si Liora at iniabot ang hinliliit niya kay Axel. “Pangako yan kung ganoon. Pupunta kami sa Sabado!”Natulala si Axel sa daliri niya. Nababalisa niyang isinara ang kamay niya bago sila nangako sa isa’t isa gamit ang daliri.*Noong kinagabihan, inulat ni Reuben ang resulta ng imbestigasyon niya kay Evan. Ang isang folder ay naglalaman tungkol sa mga magulang ng mga estudyante sa preschool, habang ang isa naman ay tungkol kay Caroline.Matapos mabasa ang folder ni Caroli
Nagpalit ng damit si Liora pero hindi siya sigurado sa pag-alis nila matapos maglinis ng sarili at bumaba sa hagdan.Sumimangot siya kay Tyler at nagtanong, “Tyler, malalagot ba tayo kay Mommy kapag nalaman niya?”Sinulyapan ni Tyler si Liora at tinanong, “Gusto mo ba malaman kung siya ang ama natin o hindi?”“Gusto!” agad na sagot ni Liora. Pagkatapos, nag-alinlangan siya at idinagdag, “Pero, sinabi sa atin ni Mommy naging lupa na si Daddy.”Tumayo si Tyler matapos itali ang sintas ng sapatos niya. “Kung takot ka pumunta, maiwan ka dito at pagtakpan ako.”“Hindi! Takot ako mag-isa!” agad na sinuot ni Liora ang sapatos niya at kumapit sa damit ni Tyler.Hinimas ni Tyler ang ulo ni Liora. “Huwag ka mag-alala. Ako siguro ang unang paparusahan ni Mommy.”Tumango si Liora at tumungo na sila sa Villa Rosa.Matapos ang dalawamping minuto, dumating ang mga bata sa Villa Rosa. Isinama sila papasok ng mga security guard ng villa, marahil ipinaalam na sa kanila ni Axel ang kanilang pagdating.Na
Humarap si Axel kay Daniella at agad na bumaba mula sa sofa at sinundan siya.Noong makarating siya sa ikalawang palapag, napansin ni Daniella na sinusundan siya ni Axel.Tinitigan niya ng masama si Axel at tinanong, “Bakit mo ako sinusundan?”Natakot si Axel sa reaksyon ni Daniella at mahigpit niyang isinara ang mga kamao niya. “Babalik ako sa kuwarto ko.”Sumigaw si Daniella, “Kung gusto mo bumalik sa kuwarto mo, huwag ka maglakad na parang multo!”Nagulat ang dalawang bata sa kuwarto sa pagsigaw niya.Nabigla si Liora. “May babae na sumisigaw sa labas. Iyon ba ang Mommy ni Axel? Mukhang mabangis siya. Papasok ba siya dito?”Tumingin sa pinto si Tyler at inutos, “Ilock mo ang pinto.”“Tutunog iyon,” takot na sinabi ni Liora.“Hindi.” Sumagot si Tyler habang nagtytype sa keyboard. “Silent lock yan. Ilock mo lang.”Kailangan niya ng ilang pang minuto para mabuksan ang software password ni Axel para malaman kung pareho sila ng hobby. Willing siya na isugal ito kaysa hayaan na masayang a
Naniniwala si Tyler na ang babae sa labas ay fiancée ng lalake at hindi tunay na ina ni Axel. Naging seryoso ang ekspresyon niya noong sinabi niya ng mahina, “Sige, tutulungan ko siya! Pero hindi tayo puwede lumabas ngayon. Baka masaktan lalo si Axel.”Sapagkat alam nilang hindi nila kayang harapin ng pisikal ang nakatatanda, kailangan nila makahanap ng ibang paraan para tulungan si Axel.Inilabas ni Tyler ang tablet niya, nag login sa isang app, at nagpadala kay Evan ng email gamit ang pekeng ID.*Noong bumaba mula sa sasakyan si Evan sa Angelbay Airport, nagvibrate ang phone niya, at nakatanggap siya ng anonymous email.Naguluhan siya, binuksan niya ito at nakakita ng simpleng mensahe: [Evan Jordan! Ang anak mo ay ginugulpi ng nanay niya!]Natulala siya sa mensahe, at sumagot: [Sino ka?]Tyler: [Huwag ka mag-alala sa kung sino ako. Bumalik ka na sa Villa Rosa kung hindi ka naniniwala sa akin!]Nagulat si Tyler kung bakit nag-aalala si Evan sa pagkakakilanlan niya.“Iba mag-isip ang
Galit na nilapitan ni Evan si Daniella kung saan siya naman ay namutla takot.“Hindi ba’t nasa business trip siya? Bakit nandito na siya agad?” inisip ni Daniella habang napapaatras sa takot.“E-Evan, kaya ko ito ipaliwanag—Urgh!”Bago pa matapos ni Daniella ang sasabihin niya, sinakal siya ni Evan.“Pagod ka na ba mabuhay, Daniella?” malakas na sigaw ni Evan. “Pinalampas kita sapagkat ina ka ni Axel! Hindi ko inaasahan na napakalupit mo! Limang taong gulang lang siya pero sinasaktan mo na! Paano mo ito nagawa?”Namula ang mukha ni Daniella dahil hindi siya makahinga. Gusto niyang magpaliwanag pero wala siyang masabi sa higpit ng hawak ni Evan sa leeg niya.Pinakawalan siya ni Evan noong namutla na ang mukha niya at tumirik ang mga mata niya.Matapos huminga, umubo si Daniella at bumagsak sa sahig. Natagalan bago siya nagkaroon ng lakas para makapagsalita.Tinignan niya si Evan habang lumuluha at sinabi, “Anak ko si Axel. Paano ko siya masasaktan? Aksidente ko lang siyang natumba!”Hum
Nahiya si Caroline.Sapagkat abala siya ng limang taon sa trabaho, hindi niya nabigyan ng atensyon masyado ang mga anak niya. Bilang resulta, hindi niya alam ang social network account nila.Hinawakan niya ang ilong niya at nagtanong, “Kenny, friends ba kayo ni Ty?”“Oo,” sagot ni Kenny, inilabas niya ang phone niya at binuksan ang chat history nila ni Tyler bago ito ipakita kay Caroline.Nagpadala si Caroline ng message: [Nasaan ka, Ty? Sumagot ka ng “Mommy” kapag nakita mo ito!]Matapos ipadala ang mensahe, kinuha ni Caroline ang susi ng sasakyan niya.Tinignan niya si Lily na mukhang guilty at nababalisa at pinagaan ang loob niya, “Pupunta ako sa police station, Ms Smith. Huwag ka mag-alala.”Namumula ang mga mata ni Lily. “Kasalananko at hindi ko binantayan ang mga bata, Carol.”“Hindi mo ito kasalanan, Ms. Smith,” sagot ni Caroline. “May sariling isip na ang mga bata. Titignan ko ang lokasyon nila.”Humarap siya kay Kenny at sinabi, “Manatili ka dito kasama si Ms. Smith, Kenny.”S
Bumaba mula sa sofa si Liora at naghanda na tumakbo papunta kay Tyler.Ngunit, hinawakan ni Evan ang kamay niya at sinabi, “Ihahatid ko kayo.”Magalang na tumanggi si Tyler, kinuha niya ang kamay ni Liora at sinabi, “Okay lang, sir. Kaya namin umuwi ng kami lang.”Malamig siyang tinitigan ni Evan, “Hindi ligtas.”“Okay lang kami,” siniguro siya ni Tyler. “Huwag mo kami alalahanin, sir.”Sumingkit ang mga mata ni Evan, “Sapagkat kaya ninyo naman, hindi ko na kayo ihahatid.”Nagpaalam si Tyler at Liora kay Axel. Tahimik niyang pinanood ang pag-alis nila.*Sa police station.Tinitignan ni Caroline ang traffic surveillance noong nakita niya ang mga anak niya na bumaba mula sa taxi sa Villa Rosa. Natakot siya, bakit sila pumunta sa delikadong lugar.Nag-alinlangan si Caroline bago napagdesisyunan na sunduin ang mga bata, naniniwala na wala doon si Evan.Noong sumakay siya sa sasakyan, nakatanggap siya ng tawag sa hindi kilalang numero.Agad na sinagot ni Caroline ang tawag, nagulat siya da