Share

Kabanata 132 Bakit Mo Ako Sinusundan

Humarap si Axel kay Daniella at agad na bumaba mula sa sofa at sinundan siya.

Noong makarating siya sa ikalawang palapag, napansin ni Daniella na sinusundan siya ni Axel.

Tinitigan niya ng masama si Axel at tinanong, “Bakit mo ako sinusundan?”

Natakot si Axel sa reaksyon ni Daniella at mahigpit niyang isinara ang mga kamao niya. “Babalik ako sa kuwarto ko.”

Sumigaw si Daniella, “Kung gusto mo bumalik sa kuwarto mo, huwag ka maglakad na parang multo!”

Nagulat ang dalawang bata sa kuwarto sa pagsigaw niya.

Nabigla si Liora. “May babae na sumisigaw sa labas. Iyon ba ang Mommy ni Axel? Mukhang mabangis siya. Papasok ba siya dito?”

Tumingin sa pinto si Tyler at inutos, “Ilock mo ang pinto.”

“Tutunog iyon,” takot na sinabi ni Liora.

“Hindi.” Sumagot si Tyler habang nagtytype sa keyboard. “Silent lock yan. Ilock mo lang.”

Kailangan niya ng ilang pang minuto para mabuksan ang software password ni Axel para malaman kung pareho sila ng hobby. Willing siya na isugal ito kaysa hayaan na masayang a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status