Nahirapan si Caroline na may gawin kay Liora, kaya tumingin siya kay Tyler na inaalis ang bag niya.Maghipit niyang tinignan si Tyler at sinabi, “Lumapit ka dito, Ty.”Tumayo si Tyler sa harapan ni Caroline at nauna sa kanya magsalita. “Sorry at isinama ko si Lia sa playdate, Mommy. Kasalanan ko at hindi kita sinabihan agad. Pero hindi mo kami pipigilan ni Lia na magkaroon ng kaibigan, hindi ba Mommy?”Elegante ang mukha ni Tyler, pero kita sa mga mata niya ang pagiging tuso.Hindi kaya makipagtalo ni Caroline dahil inamin ni Tyler ang mali niya.Dapat ba niya talaga pigilan ang mga anak niya makipaglaro sa Villa Rosa? Wala nga naman ginawa na mali ang mga bata!Baka kuwestiyunin pa ng mga anak niya ang pag tanggi niya.Nainis si Caroline na sinabi, “Hindi ko na ito palalakihin dahil inamin ninyo ang inyong pagkakamali. Pero, simula ngayon, magpapaalam kayo bago kayo umalis ng bahay, Ty. Puwede ka mag-iwan ng sulat kung saan kayo pupunta at sino ang kikitain ninyo. Papayagan ko iyon.”
[Pumunta ka sa mailbox ng No. 2 Bayview Villa ng 1:00 p.m., bukas. Kunin mo ang dalawang toothbrush doon at magpa DNA match. Gusto ko ng resulta ASAP.]Inilabas ni Tyler ang phone niya mula sa compartment sa ilalim ng bag niya at nagpadala ng 2,800 dollars sa kausap niya.*Nagtytype si Caroline sa laptop niya sa kabilang kuwarto ng makatanggap siya ng email mula sa MK.Ang email ay naglalaman ng maganda offer mula sa kumpanya, na may kadugtong na pangungusap sa dulo na sinasabi: [Maaari ka humiling kung hindi pa ito sapat.]Noong nabasa ito ni Caroline, ngumisi siya.Maaaring tinanggap niya ang ilang milyong dolyar na sahod noong nakaraan. Ang kailangan lang niya ay lumikha ng sample na damit na aabot ng milyon ang sales revenue.“Sinusubukan ninyo ako irecruit? Managinip kayo!” inisip niya.Ang sagot niya ay simple: [Hindi ito mapaguusapan.]Natanggap ni Reuben ang sagot niya at mabilis na nagtanong: [Maaari ba namin malaman kung mayroon kang bagay na hindi ikinatutuwa?]Hindi makatu
Natahimik si Axel at umiwas ng tingin.Napansin ni Evan na masyadong tahimik sa sasakyan. Kahit na hindi niya masyadong nakakasama si Axel dahil sa busy niyang schedule, nararamdaman niyang may kakaiba kay Axel matapos makilala ang dalawang bata kahapon.Mukhang malayo si Axel, bihira ngumiti at magsalita, kahit ang boses niya malalim at walang buhay.Ang iniisip ni Evan noon ay magkaugali sila ni Axel noong bata siya, ngayon lang niya napansin na maaaring ang pagiging introvert niya ay dala ng pangaabuso ni Daniella.Naging seryoso ang ekspresyon ni Daniella noong napagtanto niya na maaaring kailangan ni Axel ng professional help mula sa psychologist.Kung humaharap talaga sa psychological issues ang anak niya, sisiguraduhin niyang magbabayad si Daniella para sa pagmamalupit niya.Noong oras na iyon, tumunog ang phone ni Evan at nagulo ang isip niya.Agad na sinabi ng tao sa linya, “Mr. Jordan! May nanghack sa company network!”Nagsalubong ang mga kilay ni Evan, at malamig siyang suma
Nakaramdam ng pride at guilt si Evan. Hindi niya nabigyan ng atensyon si Axel at ngayon lang niya nalaman na henyo ang anak niya.Pinigilan niya ang emosyon niya at tinignan ang GPS location sa computer.“International Residence? May inutusan ba si Daniella para dito?” napaisip siya.Habang galit, isinara niya ang mga kamao niya. “Hindi ba sapat ang pera na ibinigay ko? Bakit siya gumagamit ng ganitong paraan para ihack ang kumpanya para lang humingi ng pera?”Sapagkat nakita niya ang hindi magandang itsura ng ama niya, nakahinga ng maluwag si Axel matapos dumating sa kindergarten makalipas ang limang minuto.Matapos maglakad papunta sa klase, tinitigan ni Axel si Tyler at walang pakielam na sinabi. “Hindi mo iyon dapat ginawa.”Ngumiti si Tyler, nagkukunwari na hindi niya naiintindihan. “Anong sinasabi mo?”“Hinack mo ang company network ng ama ko,” malamig na sagot ni Axel.Nanatiling kalmado si Tyler at sinabi, “Inaamin mo din ba na maabilidad ka sa hacking?”Maingat na nagsalita si
Nakahinga ng maluwag si Caroline dahil nandito si Kenny—hindi na siya nag-aalala masyado.Habang dalawang oras na lang ang natitira, tumingin online si Caroline para sa clothing factory na nakasale.Nakahanap siya ng tatlong factory at nagset ng appointment sa mga may-ari bago tumungo sa kindergarten para sunduin ang mga bata.Matapos ang labinglimang minuto, pumarada siya sa entrance ng kindergarten.Maaga siyang dumating, sampung minuto pa bago matapos ang klase.Noong bumaba siya, nakita niya si Daniella na mabilis na tumungo sa pinto.Kaunting oras lang ang lumipas at lumabas si Alice hawak ang kamay ni Axel.Kinuha ni Daniella muli ang kamay ni Axel, pero umiwas siya, ayaw niyang sumama.“Axel, abala ang ama mo, kaya inutusan niya ako na sunduin ka. Magpakabait ka.” Sambit ni Daniella.“Hindi,” mahigpit ang kapit niya sa kamay ni Alice.Nahirapan si Alice sa gagawin niya, yumuko siya at sinabi kay Axel, “Axel, nandito ang nanay mo para sunduin ka. Puwede ka sumama sa kanya, okay?”
Nabigla si Caroline, pero naintindihan niya agad.Hindi imposible para sa mga bata na magtanim ng sama ng loob at hindi kilalanin ang nanay nila.Ibinaba niya si Axel, ngumiti si Caroline at sinabi, “Okay, naniniwala ako sa iyo. Balik ka na ngayon sa kindergarten at hintayin ang tatay mo na sunduin ka, okay?”Alam ni Caroline kung sino ang kinamumuhian ni Axel, pero ayaw niyang idamay ang bata sa problema niya.Gayunpaman, malapit ang pakiramdam niya kay Axel. Nanlambot ang puso niya sa bata at hindi niya ito itinulak palayo.Nangako si Axel kay Tyler na hindi siya gagawa ng problema para kay Caroline, kaya napatingin na lang siya na tila nangungulila at bumalik sa kindergarten.Pagkatapos ng klase, sinundo ni Caroline ang mga bata at sumakay sa sasakyan.Ngunit, gusto niyang hintayin si Evan bago umalis.Itinuro Liora si Evan pero agad na tinakpan ni Tyler ang bibig ni Liora para hindi siya magsalita.Naguluhan si Caroline, tumingin sa rearview mirror at nagtanong, “Anong nangyayari?”
Kumibot ang mga labi ni Grayson noong nagsalita siya, “Sigurado ako na hindi si Ella ang may gawa. Mabait siya, mahinhin at considerate. Hinding-hindi siya mananakit ng bata.”Inaasahan na ni Evan ang isasagot ni Grayson kaya inutusan niya si Reuben na iplay ang isang video.Ipinakita sa video si Daniella na malakas na pinapalo si Axel gamit ang nakarolyong magazine sa harap ng katulong at yaya sa living room.Bumilis ang tibok ng puso ni Grayson noong nakita niya ang ginawa ni Daniella at nakakatakot niyang mukha.“Gusto mo pa din ba siyang depensahan?” naging mabagsik ang mukha ni Evan, gusto niyang saktan si Daniella.Alam ni Grayson na hindi tama na palampasin si Daniella ng ganoon na lamang.Itinulak ni Grayson palayo si Reuben at lumapit kay Daniella.Habang hindi nagsasalita, sinampal siya ni Grayson ng dalawang beses, malinaw ang galit niya.Nahihilo na nga si Daniella. Napaatras siya sa lakas ng mga sampal ni Grayson, habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Nanginig an
Naguluhan si Caroline sa sinabi ni Tyler at tulala siyang sumagot, “Oo, alam ko.”“Mommy, alam mo ba na hindi anak si Axel ng masamang babae?” nagbigay ng nakakagulat na balita si Tyler.Nagblangko ang isip ni Caroline. “Anong ibig niya sabihin na hindi siya ang anak niya? Hindi ba’t buntis si Daniella noong mga panahon na iyon?” inisip niya.Nakasimangot na nagtanong si Caroline, “Ty, anong alam mo?”Ngumiti si Tyler. “Mommy, bakit hindi ka magmaternity test kay Axel?”Nahirapan huminga si Caroline. “Bakit ko iyon gagawin? Anong nalalaman nila? Anong itinatago nila mula sa akin? Hindi ba’t namatay ang una kong anak?” sa isip niya.Kinabahan si Caroline at namula ang mga mata niya.Itinuro niya si Axel habang nanginginig ang mga kamay at paos. “Anak ba kita?”Hindi niya magawa na tanggapin ito.Matapos ang limang taon, nagsisimula na siyang tanggapin ang pagkawala ng unang anak niya. Ngayon, sinasabi ng mga anak niya na nasa harapan niya ang batang ito.Pakiramdam niya nasa panaginip s