Bakit masama ang trato nila sa batang ito?Hindi katulad si Axel ng ibang mga bata, na inosente sa maraming bagay.Namula ang mga mata ni Caroline at lalo tumindi ang galit niya kay Daniella.Mahinhin na hinawakan ni Neil ang mukha ni Axel. “Axel, mahal na mahal ka namin. Babawi kami ng unti-unti sa iyo para sa mga hindi mo naranasan. Ngayon, gusto kita ihatid sa Villa Rosa. Okay lang ba?”“Neil!” hindi mapakali si Caroline. “Huwag mo siya ibalik! Hindi ko siya gusto bumalik sa malamig na pamilya.”Bumuntong hininga si Neil. “Caroline, hindi ito ang oras para mawala ka sa sarili. Kailangan bumalik ni Axel. Kung hindi, baka maghinala si Evan. Hindi ka niya sasaktan, pero masisiguro mo ba na ganoon din ang pamilya Jordan?”Sumingkit ang mga mata ni Tyler sa sinabi ni Neil.“Dalawang bagay pa ang kailangan ko asikasuhin, at ngayon may bagong issue pa. Gaano karaming hirap ba ang pinagdaanan ng Mommy ko bago ako isinilang?” naisip ni Tyler.Naawa muli si Tyler para kay Caroline.Bigla, umi
Inihatid ni Neil si Axel pabalik sa Villa Rosa at tinanong siya, “Axel, sinisisi mo ba ako dahil hindi kita pinayagan na matili doon?”Masunurin na sumagot si Axel, “Hindi. Kuntento na akong makilala ang Mommy ko.”Hindi niya gusto gumawa ng problema para kay Caroline at pakiramdam niya mas mababantayan niya si Evan kung mananatili siya sa Villa Rosa.Basta ayaw makasama ni Caroline si Evan, determinado si Axel na makielam at pigilan na malagay siya sa panganib.Willing siya na gawin ang kahit na anong hiling ni Caroline.Matapos ang kaunting katahimikan, nagsalita si Neil, “Axel, wala kaming pagpipilian ng Mommy mo. Hindi kami maaaring magsabi ng marami sa iyo. Pero kailangan mo maniwala na mahal na mahal ka namin.”Hindi mapigilan ni Axel ang tuwa niya, matapos mapagtanto kung gaano siya kamahal ng nanay niya.Kasabay nito, hindi niya mapigilan na mapaisip tungkol sa sitwasyon ni Evan at Caroline.*Kakauwi lang ni Evan noong nakauwi na si Axel, at malinaw na natatakot si Axel.“Nala
Hindi maiwasan ni Paige na isipin ang melodramatic na eksena na sinusubukan ni Evan na suyuin si Caroline matapos mabasa ang sagot niya.“Boss, ang ininda mo sa nakalipas na limang taon ay kaunting sakit lang. Hindi mo pa nararanasan ang tunay na sakit…” inisip ni Paige.*Noong Huwebes, bumili si Caroline at Kenny ng clothing factory. Hindi nila pinalitan ang technical support at bumili ng bagong makina.Sa kumpanya, kinolekta ng mga secretary ni Kenny ang mga resume ng mga aplikante, lalo na ang sa mga elite. Ang mga resume ay ibinigay kay Caroline at Kenny.Sa araw din na iyon, inappoint na nila ang mga manager ng iba’t ibang departamento at sinimulan ang unang high-level meeting ng TYC Fashion. Tinapos ni Caroline ang pagpoposisyon ng fashion brand at sales channel sa mga manager.Pagkatapos ng meeting, naging abala si Caroline sa pagdiskusyon ng direksyon ng unang clothing design kasama ang design department sa conference room.Samantala, tumayo si Evan sa harap ng French window n
Tahimik na tinignan ni Alex ang mga lego. “Puwede mo ba ako isama?”“Siyempre!” nasabik si Tyler na isama ang kapatid niya sa pag-iimbestiga. Nakakasabik!Nagtanong si Axel, “At ikaw? Sinong nagturo sa iyo?”Sumagot si Tyler, “Wala. Natuto ako mag-isa. Magaling ako sa pag-imbestiga ng mga tao.”Tumango si Axel. “Simulan mo sa pag-imbestiga tungkol kay Daniella at mga kakilala niya. Ako na ang bahala sa mga sira na files.”Ngumuso si Liora, “Anong pinagbubulungan ninyo? Hindi kayo nakikipaglaro sa akin.”“Papunta na kami!” sabay na sagot ng mga bata.*Noong kinagabihan, iniwasan ni Tyler si Caroline at naupo sa tapat ng laptop niya para imbestigahan ang lahat ng may ugnayan kay Daniella.Matapos ang isang oras, nakahanap siya ng ilang mga tao at ipinadala ang dokumento kay Axel, na naghihintay.Noong matanggap ang mga dokumento, ginamit ni Axel ang emulator at pumasok sa software na ininstall niya sa phone ni Daniella.Nagsimula siya magtrabaho—kailangan niya ang impormasyon ng ibang t
Umubo ng kaunti si Caroline at sinabi, “Sumakay na tayo, Scott.”Tumango si Scott at kinuha ang bagahe niya. Bigla, nakarinig siya ng sigaw mula sa kawalan.“Doctor Wilson?”Si Reuben ito.Naging tense si Caroline. Napansin ni Scott ang reaksyon niya at sumimangot.Humarap si Scott kay Reuben at nakita si Evan na nakatayo sa harap ng sasakyan, habang malagim ang ekspresyon.Binati siya ni Scott ng nakangiti ng kaunti. “Matagal na rin, Mr. Jordan, Reuben.”Nalipat ang tingin ni Evan kay Caroline, mukhang sinusuri siya ng mabuti habang nakasingkit ang mga mata.Hinatak ni Scott si Caroline sa mga bisig niya at sinabi, “Mr. Jordan, aalis na ako kasama ang girlfriend ko.”“Sandali,” malamig na sinabi ni Scott.Matapos maramdaman ang tensyon, niyakap ng mahigpit ni Caroline si Scott at sinabi, “Dear, kaibigan mo ba siya? Mamaya na kayo magkuwentuhan. Nagugutom na ako. Kumain na muna tayo, okay?”Nabigla si Evan sa mapangakit niyang boses, pati si Reuben nagulat.Tumango ng magalang si Scott
Matapos bumalik sa bahay, natuwa si Lily na makita si Scott at nasabik na maghanda ng pagkain para sa kanya.Itinupi ni Scott ang mga manggas niya at tumulong sa kusina. Gusto tumulong ni Caroline, pero sinabi ni Scott na huwag na.Bago kumain, isinama ni Scott ang mga bata para maghugas ng kamay habang inilalabas ni Lily ang mga pagkain.Noong umayos sila ng upo, sinabihan ni Lily si Caroline, “Carol, alam ko na hindi ko lugar na magsalita, pero matagal ko ng naobserbahan sa nakalipas na mga taon at pakiramdam ko dapat ko ito ipaalala sa iyo. Maalalahanin si Doctor Wilson, lalo na sa mga bata. Ang pagkunsidera sa kanya ay maaaring nakabubuti para sa kapakanan mo.”Natahimik si Caroline, “Lily, may mga kailangan pa ako na gawin. Hindi ko gusto maging pabigat kay Scott.”Siniguro siya ni Lily, “Alam din iyon ni Doctor Wilson, pero willing siya na suportahan ka. Kailangan mo ng karamay sa pinagdadaanan mo.”Yumuko si Caroline. “Malaki na nga ang utang na loob ko sa kanya…”“Bakit hindi m
Natulala si Caroline, “Ginawa mo ito para sa mga bata?”“Oo.” Hindi ito itinanggi ni Scott. “Sapagkat ayaw mo ako na makihati ako sa stress mo sa buhay, sa mga bata na lamang kita matutulungan.”Naantig ang puso ni Caroline. Habang hindi ganoon katindi ang nararamdaman niya para kay Scott, mukhang siya ang pinakamagandang piliin para maging ama ng mga anak niya.Sinserong sinabi ni Caroline, “Salamat.”Natawa si Chuck. “Hindi ko gusto na nagpapasalamat ka kasi parang hindi tayo magkaibigan niyan. Dagdag pa doon, boluntaryo ko itong ginagawa.”Uminom ng juice si Scott. “Kailan dadating si Axel?”“Bukas.” Sambit ni Caroline, “Dadalhin ko siya.”Natigil si Scott bago nagsalita. “Ako na. Mas mabuti na hindi ka muna pumunta sa Villa Rosa.”Umiling-iling si Caroline. “Gusto ko manatili ang pangako ko sa bata. Bukod pa doon, hindi ka kilala ng bata, nag-aalala ako na baka hindi siya sumama sa iyo.”Pumayag si Scott. “Mas maaga na lang akong pupunta kung ganoon.”“Sige.”*Isinuot ni Caroline
umakyat si Caroline ng hagdan at pumasok sa study para iaccess ang encrypted na files niya sa laptop.Sa loob ay DNA test report niya, ni Daniella, at ni Neil, kasama ang ebidensiya ng pamemeke ni Daniella ng pagkakakilanlan niya na nadiskubre ni Neil. Ang pinakamahalaga ay ang video call ni Daniella at Nicholas na nagsasabwatan.Si Nicholas ang dapat pasalamatan ni Caroline dahil sa kakaibang hobby niya ng pagtatago ng ebidensiya. Balak niyang sukatin ang reaksyon ni Daniella sa loob ng dalawa’t kalahating buwan.Ngunit, isang pagdududa ang nanatili sa isip ni Caroline. Mukhang may nagtago ng ebidensiya sa pagpatay ni Daniella ilang taon na ang nakararaan, kabilang na rin ang pagpapalit ng bata.Ang hula ni Caroline ay balak ni Daniella na ilihim ito mula sa pamilya Xander at pamilya Jordan. Ang nananatiling katanungan: Sino ang taong tumutulong sa kanya?Habang nawawala sa sarili kakaisip, tumayo si Caroline, lumapit sa bintana at hinigop ang inumin niya.Hindi niya alam, nakuhanan n