Matapos bumalik sa bahay, natuwa si Lily na makita si Scott at nasabik na maghanda ng pagkain para sa kanya.Itinupi ni Scott ang mga manggas niya at tumulong sa kusina. Gusto tumulong ni Caroline, pero sinabi ni Scott na huwag na.Bago kumain, isinama ni Scott ang mga bata para maghugas ng kamay habang inilalabas ni Lily ang mga pagkain.Noong umayos sila ng upo, sinabihan ni Lily si Caroline, “Carol, alam ko na hindi ko lugar na magsalita, pero matagal ko ng naobserbahan sa nakalipas na mga taon at pakiramdam ko dapat ko ito ipaalala sa iyo. Maalalahanin si Doctor Wilson, lalo na sa mga bata. Ang pagkunsidera sa kanya ay maaaring nakabubuti para sa kapakanan mo.”Natahimik si Caroline, “Lily, may mga kailangan pa ako na gawin. Hindi ko gusto maging pabigat kay Scott.”Siniguro siya ni Lily, “Alam din iyon ni Doctor Wilson, pero willing siya na suportahan ka. Kailangan mo ng karamay sa pinagdadaanan mo.”Yumuko si Caroline. “Malaki na nga ang utang na loob ko sa kanya…”“Bakit hindi m
Natulala si Caroline, “Ginawa mo ito para sa mga bata?”“Oo.” Hindi ito itinanggi ni Scott. “Sapagkat ayaw mo ako na makihati ako sa stress mo sa buhay, sa mga bata na lamang kita matutulungan.”Naantig ang puso ni Caroline. Habang hindi ganoon katindi ang nararamdaman niya para kay Scott, mukhang siya ang pinakamagandang piliin para maging ama ng mga anak niya.Sinserong sinabi ni Caroline, “Salamat.”Natawa si Chuck. “Hindi ko gusto na nagpapasalamat ka kasi parang hindi tayo magkaibigan niyan. Dagdag pa doon, boluntaryo ko itong ginagawa.”Uminom ng juice si Scott. “Kailan dadating si Axel?”“Bukas.” Sambit ni Caroline, “Dadalhin ko siya.”Natigil si Scott bago nagsalita. “Ako na. Mas mabuti na hindi ka muna pumunta sa Villa Rosa.”Umiling-iling si Caroline. “Gusto ko manatili ang pangako ko sa bata. Bukod pa doon, hindi ka kilala ng bata, nag-aalala ako na baka hindi siya sumama sa iyo.”Pumayag si Scott. “Mas maaga na lang akong pupunta kung ganoon.”“Sige.”*Isinuot ni Caroline
umakyat si Caroline ng hagdan at pumasok sa study para iaccess ang encrypted na files niya sa laptop.Sa loob ay DNA test report niya, ni Daniella, at ni Neil, kasama ang ebidensiya ng pamemeke ni Daniella ng pagkakakilanlan niya na nadiskubre ni Neil. Ang pinakamahalaga ay ang video call ni Daniella at Nicholas na nagsasabwatan.Si Nicholas ang dapat pasalamatan ni Caroline dahil sa kakaibang hobby niya ng pagtatago ng ebidensiya. Balak niyang sukatin ang reaksyon ni Daniella sa loob ng dalawa’t kalahating buwan.Ngunit, isang pagdududa ang nanatili sa isip ni Caroline. Mukhang may nagtago ng ebidensiya sa pagpatay ni Daniella ilang taon na ang nakararaan, kabilang na rin ang pagpapalit ng bata.Ang hula ni Caroline ay balak ni Daniella na ilihim ito mula sa pamilya Xander at pamilya Jordan. Ang nananatiling katanungan: Sino ang taong tumutulong sa kanya?Habang nawawala sa sarili kakaisip, tumayo si Caroline, lumapit sa bintana at hinigop ang inumin niya.Hindi niya alam, nakuhanan n
Mabilis na kumilos si Liora at hinarangan ang hagdan bago makasagot si Caroline. Nakanguso siya at nakalobo ang mga pisngi habang galit na sinasabi, Bakit ninyo kukunin ang mommy ko, Mamang pulis?”Sumama sina Tyler at Axel sa kanila.Malamig ang boses ni Tyler. “Hindi ninyo siya puwedeng kunin ng walang rason.”Pareho sila ni Axel. “Sabihin ninyo sa amin ang dahilan.”Tinignan ng masama ng tatlong bata ang mga pulis. Dinepensahan nila ang nanay nila, natatakot na baka kunin siya.Kalmado si Scott at Caroline, nagapalitan sila ng tingin at nagtulungan.Pinakalma ni Scott ang mga bata habang kalmadong bumaba mula sa hagdan si Caroline. Nilapitan niya ang mga pulis at sinabi, “Puwede ako sumama sa inyo, pero puwede ba ninyo ipaliwanag kung anong mali ang nagawa ko?”Sumagot ang pulis, “May nagreport na mamamatay tao ka at pineke ang pagkamatay para makatakas sa kulungan.”“Hindi mamamatay tao ang mommy ko! Kabaliwan ito!” sigwa ni Liora, nakawala siya mula kay Scott at kumapit sa hita ni
Naupo si Caroline sa police station at tinignan ang mga detective, sina Ross Webb at Wendy Walsh, na kalmadong nakaupo sa harapan niya.Isang oras ng kinukuwestiyon ni Ross at Wendy si Caroline, pero ayaw nilang iwan si Caroline kahit na wala silang ebidensiya.Namimiss na ni Caroline ang mga anak niya, kaya sinabi niya, “Mayroon pa ba?”“Pasensiya niya pero hindi ka namin puwedeng paalisin agad,” mahigpit na sagot ni Wendy.Walang pakielam na tinignan ni Caroline ang dalawa. “Kinuwestiyon na ninyo ako. Ano pa ba ang kailangan ninyo paghinalaan?”Limang taon na ang nakararaan, lumikha ng pekeng pagkakakilanlan si Neil para sa kanya. Hiningan niya ng tulong ang kaibigan niya sa abroad na maingat na ayusin ang background ni Carolyn Shenton mula pagkabata.Ito ang dahilan na nagagawa ni Caroline na maging kalmado habang nandito.Matagal na naghahanap ng impormasyon si Ross at nagrereview ng mga records. Matapos makumpirma ang lahat, kinausap niya si Wendy.“Walang issue maliban sa magkamu
Nagsalita bigla si Wendy, “Chief Dunn?”Humarap si Caroline at sundan ang tingin ni Wendy. Isang medy chubby na lalake ang nakatayo doon, malinaw na nababalisa. Ngunit, napukaw ang atensyon ni Caroline ng guwapong lalake.Nanalaki ang mga mata niya at isinara niya ng maghipit ang mga kamay niya.“Bakit nandito si Evan? Hindi ba’t nasa business trip siya?” naisip niya.Sumimangt si Fabian Dunn at tinanong si Wendy, “Anong nangyayari, Walsh? Bakit hindi pa siya pinapakawalan?”Ipinaliwanag ni Wendy, “Chief, kamukha niya ang mamamatay tao na namatay noong nanganak…”“Anong ibig mo sabihin?!” nilait siya ni Fabian, habang naiinis. “Girlfriend siya ni Mr. Jordan! Kalokohan ito!”Tinignan ni Wendy si Evan habang naguguluhan at humarap kay Fabian. “Chief Dunn, ang pangalan ng mamamatay tao ay Caroline Shenton at minsan na rin na nalink kay Mr. Jordan. Hindi ka ba nag-aalala na baka dinedepensahan niya ang mamamatay tao?” madiin niyang sinabi.“Bigyan mo ako ng ebidensiya!” galit na isnabi ni
Mabilis na nakapiglas si Caroline mula sa pagkakahawak ni Evan at tinitigan siya. “Kontrolin mo ang sarili mo, Mr. Jordan!”Ngumiti ng kaunti si Evan noong narinig niya ang pamilyar na mga salita niya.“Napansin ba niya na isiniwalat na niya ang sarili niya noong tinawag niya akong Mr. Jordan?” inisip ni Evan.Hindi gumawa ng problema si Evan para kay Caroline pero naupo siya ng tuwid at inutusan si Reuben, “Sa Bayview Villa.”Nagalit si Caroline habang nakatingin sa kanya. “Pinaimbestigahan mo ako?”“Oo,” sinabi ni Evan ang totoo.“Hindi mo natutunan na irespeto ang iba!” sigaw ni Caroline.“Hindi ko kailangan,” nagtiim bagay si Evan at sinabi habang malamig. “Matagal na kitang hinahanap, limang taon na!”“Hindi ko gusto na makita mo ako!” kontra ni Caroline.“Caroline, huwag kang ingrata!” pinigil ni Evan ang galit niya.“Inutusan ba kita na hanapin ako?” malamig siyang tinignan ni Caroline. “Hindi sana bababa ng ganito ang buhay ko kung hindi dahil sa iyo!”“Pinlamo mo ba ang pagkak
Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan noong pinuna siya ni Caroline sa harap ng maraming tao.Tinitigan niya ng masama si Caroline at sinabi, “Kinuha mo ang anak ko ng walang paalam, ngayon pinapagalitan mo ako?”“Hindi ko sinabi sa iyo ng maaga, pasensiya na!” malinaw ang galit sa boses ni Caroline. “Pero ikunsidera mo ang nararamdaman ni Axel. Ang pagkuwestiyon sa kanya agad ay hindi makakabuti. Hindi mo ba nakita kung anong lagay ni Axel? Pakiusap, mag-alala ka naman at magmalasakit.”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Bakit ka nag-aalala sa anak ko?”Walang masabi si Caroline. Nakalimutan niya na hindi alam ni Evan ang koneksyon niya sa bata dahil nakafocus siya kay Axel kanina.Pinalitan niya ang topic, “Pinapayuhan lang kita para kay Axel.”Natawa si Evan at lumapit kay Caroline. “Napapaisip ako bakit masyadong invested ka sa anak ko. Sinusubukan mo ba bumawi sa kanya matapos mabigo kay Daniella?”Tinitigan n Caroline si Evan habang iniisip, “Kailangan ba talaga maghingati sa bata?