Share

Kabanata 157 Bakit Ka Naapektuhan ng Husto

Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan noong pinuna siya ni Caroline sa harap ng maraming tao.

Tinitigan niya ng masama si Caroline at sinabi, “Kinuha mo ang anak ko ng walang paalam, ngayon pinapagalitan mo ako?”

“Hindi ko sinabi sa iyo ng maaga, pasensiya na!” malinaw ang galit sa boses ni Caroline. “Pero ikunsidera mo ang nararamdaman ni Axel. Ang pagkuwestiyon sa kanya agad ay hindi makakabuti. Hindi mo ba nakita kung anong lagay ni Axel? Pakiusap, mag-alala ka naman at magmalasakit.”

Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Bakit ka nag-aalala sa anak ko?”

Walang masabi si Caroline. Nakalimutan niya na hindi alam ni Evan ang koneksyon niya sa bata dahil nakafocus siya kay Axel kanina.

Pinalitan niya ang topic, “Pinapayuhan lang kita para kay Axel.”

Natawa si Evan at lumapit kay Caroline. “Napapaisip ako bakit masyadong invested ka sa anak ko. Sinusubukan mo ba bumawi sa kanya matapos mabigo kay Daniella?”

Tinitigan n Caroline si Evan habang iniisip, “Kailangan ba talaga maghingati sa bata?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status