“Nababaliw ka na,” sambit ni Caroline, hindi natatakot habang papunta sa kindergarten.“Wala kang lakas ng loob na aminin? Kaya kitang paaminin!” kumpiyansang sinabi ni Daniella.Bigla sumagi sa isip ni Caroline ang bangungot niya kaya nabalisa siya. Humarap siya kay Daniella ng seryoso. “Anong gusto mo?”Ngumiti si Daniella. “Natatakot ka na baka kunin ko ang mga bata?”Nanatiling kalamado si Caroline. “Hindi mo iyon kaya gawin.”“Ako ang magdedesisyon kung anong kaya ko, Caroline. Natalo na kita ng minsan, kaya ko ito gawin muli!” tumawa ng malakas si Daniella.Sasagot sana si Caroline ng isang mapansin niya ang isang matangkad na lalake sa malapit. Ngumiti siya at kalmadong tinanong, “So Sa tingin mo kaya mo ako asikasuhin, Daniella? Balak mo ako kidnapin muli, gumawa ng bagong murder scene at pagbintangan ako?”“Sa tingin mo ba uulitin ko ang ginawa ko noon?” tumawa si Daniella at bumulong, “Aatakihin kita kung saan masakit. Kilala mo kung sino si Axel Jordan diba? Ako ang nanay ni
Tumungo si Caroline sa alfresco restaurant noong gabi ng appointment at nakita si Kenny na naghihintay sa lamesa.Ipinaghatak niya ng upuan si Caroline at sinabi, “My dear G, maupo ka.”Naiinis siyang tiningnan ni Caroline. “Tumigil ka sa kalokohan mo, Kenny.”Natawa si Kenny. “Kumusta ang performance ko?”Performance?Naguluhan siyang tinignan ni Caroline, “Anong performance?”Ngumuso si Kenny. “Hindi ba’t iyon ang lalake na gusto mo at ayaw?”Natulala si Caroline ng tumingin sa direksyon na itinuro ni Kenny. Nakita niya si Evan na nakaupo sa lamesa sa kasama si Alex at nakatitig sa kanya ng malamig.Kumibot ang mga labi ni Caroline. Hindi niya napansin si Evan noong pumasok siya, hindi na sana siya tumuloy!Inihanda ni Caroline ang sarili niya para umiwas ng tingin.“Paano mo nalaman na gusto at ayaw ko siya?” tanong niya.Naupo si Kenny at nagkibit balikat. “Sinabi mo sa akin noong lasing ka at pinakuha ng mga litrato. Hindi ko kasalanan.”Walang masabi si Caroline. Binigyan siya ng
Naging emosyonal si Kenny. “Siya ang dyosa ko!”Nagsalita si Alex, “Ano pa?”Bumuntong hininga si Kenny. “Naging mahirap ang buhay ni Carol. Noong nakilala ko siya, hindi siya halos kumakain. Pinagsabay niya ang trabaho at pag-aaral habang nag-aalaga ng dalawang bata. Siguradong maganda ang kinakain ng mga bata pero siya tinapay lang.”“Nakilala ko siya sa isang fashion design contest. Inalok niya akong masiguro na magkakaroon ng patas na labanan sa halagang 1,500 Murican dollars. Ang reputasyon ko, na pinaghirapan ko ng husto, ay nakataya dahil sa kumpetisyon.”“Sa totoo lang, mababayad sana ako ng 10,000 Murican dollars! Inayos niya ng kaunti ang orihinal na disensyo ko at sample outfit, kaya natalo ang kumopya sa gawa ko. Sa oras na iyon, naging dyosa ko na siya!”Natahimik si Evan at Alex.Nagtanong si Alex noong naintindihan niya ang kumento ni Caroline noon. Hindi maikukumpara ang pinagdaanan ni Evan sa hirap na dinanas ni Caroline.Naguilty ng husto si Evan. Bigla siyang tumayo
Noong free period, ipinakita ni Axel kay Tyler ang impormasyon na naipon niya.Tahimik na binasa ni Tyler at makikita ang galit sa mga mata niya. “Ito ba ang lahat ng problema sa pagitan ni Mommy at ni Daniella noon?”Tumango si Axel. “Hindi ako sigurado kung may hindi ako nasama.”Tumaas ang boses ni Tyler. “Ang sama ni Daniella! Paano niya nagawang palitan si Mommy at tulungan ang masamang Daddy? Nagkunwari pa siyang kapatid ni Tito Neil! At kinuha ka niya!”Kahit na hindi madalas magsalita si Axel, ang ekspresyon niya ay naging malamig noong sinabi niya, “At hindi lang iyon.”Nagbago ang eksena sa laptop. Bigla nila nakita ang surveillance footage limang taon na ang nakararaan.Pumasok si Caroline sa café, at sa loob ng kalahating oras, dinakip siya ng dalawang lalake. Isinama siya palabas at ipinasok sa itim na sasakyan.Kinuha ni Axel ang traffic surveillance. Nakita nila na ang huling destinasyon ay sa Redwood Neighborhood.Bumaba ang dalawang lalake dala si Caroline papasok sa a
Pinulot ni Evan ang basang towerl sa lamesa at pinunasan ng mabagal ang kanyang mga kamay. “Malayo si Axel sa tao dahil sa pangaabuso ni Daniella.”“Inabuso ni Daniella si Axel?” nabigla si Draco. “Paano niya nagawang abusuhin si Axel kung siya itong ina niya?”Tinignan ni Evan si Draco na nababalisa at sinabi, “Pinalo niya at sinigawan si Axel.”Hinampas ni Draco ang lamesa at isinigaw, “Sinabi ko na sa iyo na hindi nararapat ang babae na iyon para maging manugang ng pamilya!”Malinaw na nagagalit. “Anong dahilan at pinapunta mo ako dito?”Nagsalita si Draco, “Buhay pa ba ang kabit mo dati?”“Anong pakielam mo doon?” tanong ni Evan.“Huwag ka pumatol sa mamamatay tao at sirain ang reputasyon ng pamilya natin! Inabandona mo ang Otis project at bumalik agad sa Angelbay dahil sa kanya, hindi ba?” galit na tanong ni Draco.Handa na magsalita si Evan, pero hindi siya nakapagsalita dahil sa mga yabag na narinig niya. Napatingin siya at nakakita ng middle-aged na lalake. Naging seryoso bigla
Pinigil ni Evan ang galit niya at inutos, “Alamin kung kailan bumalik si Casey sa bansa!”Nabigla si Reuben ng malaman na nakabalik na si Casey.“Oh no! Ginalit ni Mr. Jordan si Master Jordan!” naisip niya.Si Casey ang unang anak ni Draco, na pinahahalagahan niya ng sobra. Siguradong siya na lang ang tagapagmana ng pamilya Jordan kung hindi siya napasok sa malaking iskandalo noong nakaraan.Hindi tunay na magkapatid si Casey at Evan, pero alam ni Reuben na tinik sa lalamunan ni Evan si Casey.Bilang kanang kamay ni Evan, naiintindihan niya kung gaano niya kagusto patayin si Casey.Maaaring napatay na ni Evan si Casey kung hindi siya nagtatago abroad.*Sa Bayview Villa.Ngumuso si Liora ng makita ang kapatid niya na nasa laptop madalas. “Masyado kang abala at ayaw mo na akong kalaro, Tyler.”Tumigil sa trabaho si Tyler at tinignan si Liora. “Lia, may importante akong ginagawa.”Kumurap si Lia. “Ano iyon? Sabihin mo sa akin!”Umiling-iling si Tyler at pinisil ang pisngi ni Liora. “Hind
“Bagay na bagay sa iyo ang reputasyon mo bilang tagapagmana ng mga Xander sa elegante mo.”Maraming tagapagmana ang pumuri kay Daniella.“Hindi lang mabait si Ella, mahinhin din siya at edukada…”Pinigilan ni Daniella ngumiti ng malapad habang pinapakinggang ang mga papuri nila. “Ito ang tadhana ko! Ako lang ang nararapat sa pambobola ng mga taong ito!” inisip niya.Sinamahan si Daniella ng mga tagapagmana habang bumababa sa hagdan. Elegante siyang naglakad patungo sa entablado habang naka high heels.Kinuha niya ang mikropono at sinimulan ang kanyang speech. “Salamat sa pagpunta ninyong lahat dito sa birthday party ko…”*Samantala, sa Bayview Villa.Habang binabantayan ang party ni Daniella sa laptop gamit ang surveillance camera, kausap ni Tyler si Axel sa phone.“Ang dami niyang sinasabi.” Malinaw na ubos na ang pasensiya ni Tyler.Sumagot si Axel, “Tuwang tuwa siya sa resulta, sa dami ng suporta niya.”Ngumiti si Tyler. “Ito na ang huling tiyansa niya sa pride. Tandaan mo, inapi n
Nanatiling tahimik si Caroline bago siya tumayo at dumiretso sa kuwarto ng mga anak niya.Malinaw na nagulat si Tyler noong bumukas bigla ang pinto. Mabilis niyang isinarado ang laptop.Ang atensyon ni Caroline ay nasa laptop. Habang seryoso ang mukha, nagtanong siya, “Anong pinapanood mo, Ty?”Tumawa si Tyler. “Cartoons, Mommy.”“Kung cartoons ang pinapanood mo, bakit isinarado mo agad ang laptop ng nagpapanic?” nagdududang tanong ni Caroline.Naisip bigla ni Tyler. “Ayaw ko isipin mo na wala akong ambisyon.”Hinding hindi titignan ni Caroline ang mga sikreto ni Tyler. Naniniwala siyang kailangan may privacy rin ang mga bata.Ngunit, hindi maliit na bagay ang nangyari ngayon.Ang eksena ay nakakagulat para sa mga matatanda, lalo na sa bata na hindi pa physically at mentally developed.Matapos mapansin na ayaw umamin ni Tyler, huminga ng malalim si Caroline at umupo sa tabi niya. “Ty, hindi ko gusto na nagsisinungaling ka. Kahit na hindi mo sinasabi ang totoo para sa ikabubuti ng lahat