Naupo si Caroline sa police station at tinignan ang mga detective, sina Ross Webb at Wendy Walsh, na kalmadong nakaupo sa harapan niya.Isang oras ng kinukuwestiyon ni Ross at Wendy si Caroline, pero ayaw nilang iwan si Caroline kahit na wala silang ebidensiya.Namimiss na ni Caroline ang mga anak niya, kaya sinabi niya, “Mayroon pa ba?”“Pasensiya niya pero hindi ka namin puwedeng paalisin agad,” mahigpit na sagot ni Wendy.Walang pakielam na tinignan ni Caroline ang dalawa. “Kinuwestiyon na ninyo ako. Ano pa ba ang kailangan ninyo paghinalaan?”Limang taon na ang nakararaan, lumikha ng pekeng pagkakakilanlan si Neil para sa kanya. Hiningan niya ng tulong ang kaibigan niya sa abroad na maingat na ayusin ang background ni Carolyn Shenton mula pagkabata.Ito ang dahilan na nagagawa ni Caroline na maging kalmado habang nandito.Matagal na naghahanap ng impormasyon si Ross at nagrereview ng mga records. Matapos makumpirma ang lahat, kinausap niya si Wendy.“Walang issue maliban sa magkamu
Nagsalita bigla si Wendy, “Chief Dunn?”Humarap si Caroline at sundan ang tingin ni Wendy. Isang medy chubby na lalake ang nakatayo doon, malinaw na nababalisa. Ngunit, napukaw ang atensyon ni Caroline ng guwapong lalake.Nanalaki ang mga mata niya at isinara niya ng maghipit ang mga kamay niya.“Bakit nandito si Evan? Hindi ba’t nasa business trip siya?” naisip niya.Sumimangt si Fabian Dunn at tinanong si Wendy, “Anong nangyayari, Walsh? Bakit hindi pa siya pinapakawalan?”Ipinaliwanag ni Wendy, “Chief, kamukha niya ang mamamatay tao na namatay noong nanganak…”“Anong ibig mo sabihin?!” nilait siya ni Fabian, habang naiinis. “Girlfriend siya ni Mr. Jordan! Kalokohan ito!”Tinignan ni Wendy si Evan habang naguguluhan at humarap kay Fabian. “Chief Dunn, ang pangalan ng mamamatay tao ay Caroline Shenton at minsan na rin na nalink kay Mr. Jordan. Hindi ka ba nag-aalala na baka dinedepensahan niya ang mamamatay tao?” madiin niyang sinabi.“Bigyan mo ako ng ebidensiya!” galit na isnabi ni
Mabilis na nakapiglas si Caroline mula sa pagkakahawak ni Evan at tinitigan siya. “Kontrolin mo ang sarili mo, Mr. Jordan!”Ngumiti ng kaunti si Evan noong narinig niya ang pamilyar na mga salita niya.“Napansin ba niya na isiniwalat na niya ang sarili niya noong tinawag niya akong Mr. Jordan?” inisip ni Evan.Hindi gumawa ng problema si Evan para kay Caroline pero naupo siya ng tuwid at inutusan si Reuben, “Sa Bayview Villa.”Nagalit si Caroline habang nakatingin sa kanya. “Pinaimbestigahan mo ako?”“Oo,” sinabi ni Evan ang totoo.“Hindi mo natutunan na irespeto ang iba!” sigaw ni Caroline.“Hindi ko kailangan,” nagtiim bagay si Evan at sinabi habang malamig. “Matagal na kitang hinahanap, limang taon na!”“Hindi ko gusto na makita mo ako!” kontra ni Caroline.“Caroline, huwag kang ingrata!” pinigil ni Evan ang galit niya.“Inutusan ba kita na hanapin ako?” malamig siyang tinignan ni Caroline. “Hindi sana bababa ng ganito ang buhay ko kung hindi dahil sa iyo!”“Pinlamo mo ba ang pagkak
Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan noong pinuna siya ni Caroline sa harap ng maraming tao.Tinitigan niya ng masama si Caroline at sinabi, “Kinuha mo ang anak ko ng walang paalam, ngayon pinapagalitan mo ako?”“Hindi ko sinabi sa iyo ng maaga, pasensiya na!” malinaw ang galit sa boses ni Caroline. “Pero ikunsidera mo ang nararamdaman ni Axel. Ang pagkuwestiyon sa kanya agad ay hindi makakabuti. Hindi mo ba nakita kung anong lagay ni Axel? Pakiusap, mag-alala ka naman at magmalasakit.”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Bakit ka nag-aalala sa anak ko?”Walang masabi si Caroline. Nakalimutan niya na hindi alam ni Evan ang koneksyon niya sa bata dahil nakafocus siya kay Axel kanina.Pinalitan niya ang topic, “Pinapayuhan lang kita para kay Axel.”Natawa si Evan at lumapit kay Caroline. “Napapaisip ako bakit masyadong invested ka sa anak ko. Sinusubukan mo ba bumawi sa kanya matapos mabigo kay Daniella?”Tinitigan n Caroline si Evan habang iniisip, “Kailangan ba talaga maghingati sa bata?
“Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihan na nagiging kamukha mo ang matagal mong kasama? Paano mo naging kamukha si Tyler? Sinasabi mo ba na ikaw lang may magandang mata?” sumagot si Caroline.Hindi nagtagal, tinignan niya ang mga bata at sinabi, “Pumasok na tayo!”Hindi puwedeng manatili ng matagal dito—baka may mapansin si Evan!Balak niyang magtago hanggang sa maaari. Hindi oras para magkaroon ng child custody battles ngayon!Naging seryoso si Evan, habang pinapanood na umalis sina Caroline at mga anak niya.*Noong pauwi na, humarap si Evan kay Axel at nagtanong, “Nagsaya ka ba sa kanila?”Tumango si Axel. “Oo.”“Hindi maganda ang ugnayan ng Mommy mo at si Caroline. Nag-aalala ka ba na baka may gawin siyang masama?” nag-aalala si Evan para sa kaligtasan ni Axel.Kahit na walang pakielam si Evan kay Daniella, nag-aalala siya para sa anak niya.Hindi niya maintindihan kung bakit nagtatago si Caroline ng limang taon. Tutulong siya sa paghihiganti niya, pero hindi gagamitin ang anak niy
Bumangon si Caroline mula sa kama habang minamasahe ang masakit niyang dibdib. Lumabas siyang kuwarto para tignan ang lagay ng anak niya, nakahinga siya ng maluwag matapos makita silang natutulog ng mahimbing.Isinara niya ang pinto ng mahina at tumabi sa mga anak niya. Hinalikan niya ang noo ni Tyler at Liora at niyakap sila.Naalala niya dahil sa panaginip na hindi niya nabigyan ng atensyon ang kaligtasan ng mga bata kailan lang. Matapos bumalik sa bansang ito, nagfocus siya sa pag-asikaso kay Daniella at nakalimutan ang kaligtasan ng mga anak niya sa Angelbay.Inisip niyang umarkila ng mga guwardiya para bantayan lagi ang mga anak niya.Iminulat ni Tyler ang mga mata niya pagkatapos ipinikit ni Caroline ang kanya.“Bakit nandito si Mommy bigla sa kama namin? Anong nangyayari?” naalala niya na binanggit ni Evan si Daniella sa entrance ng villa. “May problema ba sila ni Mommy?”Nagsalubong ang mga kilay ni Daniella at napagdesisyunan na imbestigahan ito kinabukasan.*Dumating ang Lin
Nagsalubong ang mga kilay ni Caroline, habang iniisip kung paano nalaman ni Daniella na nasa kindergarten siya.“Wala kang lakas ng loob na lumabas at makipagusap? Duwag ka, Caroline,” panunukso ni Daniella.Nagpanto ni Caroline na si Daniella ang nagreport sa kanya sa mga pulis. Dahil ito sa kakaibang ugali ni Daniella.“Sinusubukan ba ako lokohin ni Daniella at palabasin ng sasakyan, para marecord niya ang mukha ko at ipadala ito sa mga pulis? Hindi na ako papaloko sa kanya,” inisip ni Caroline.Hindi masosolusyunan ng pakikipagaway kay Daniella ang alitan nila, kaya hindi kailangan ni Caroline na bumaba mula sa sasakyan.Nagpadala ng text, at bumaba ang mga bodyguard mula sa sasakyan para patigilin si Daniella.Binuksan niya ang makina ng sasakyan niya habang nagmamaneho palayo at inoobserbahan si Daniella na inilalayo.*Anne Wislow, ang secretary ni Caroline, ay kumatok at pumasok sa opisina niya. Ibinigay niya ang schedule. “May meeting ka ngayong umaga at factory visit sa tangha
Nahirapan si Caroline na matapos ang walang kuwenta nilang pinaguusapan ni Alex. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kape niya sapagkat ayaw niyang makinig sa mga bagay tungkol kay Evan.Mas madali paniwalaan na limang taon siyang hinahanap ni Evan kaysa tanggapin ang dalawang taon niyang pagkakalulong sa alak.“Alam mo ba kung bakit tinapos ni Evan ang engagement nila ni Daniella?” tanong ni Alex.Sumagot si Caroline, “Wala akong pakielam sa relasyon nila, Mr. Price.”Napagdesisyunan sabihin ni Alex. “Dahil ito sa iyo. Nadiskubre niyang ikaw ang nagligtas sa kanya noon. Inamin niya habang lasing siya, nagsisisi sa dati niyang pagtrato sa iyo. Sinabi pa niya na isusugal niya ang buhay niya para sa iyo kapag bumalik ka.”“Alam pala ni Evan. Pero walang magbabago kung alam niya. Nakaraan na itong lahat. Sa tingin mo ba simple lang ang naging buhay ko sa nakalipas na limang taon?” itinago ni Caroline ang sakit na nararamdaman niya malamig na nagsalita, “Tapos na ang koneksyon namin, Mr. Pri