Tense ang panga ni Evan noong malamig siyang nagsalita. “Sa tingin mo ba ginawa niya ito?”“Mr. Jordan, hindi ganoong klase ng tao si Ms. Shenton, pero…”Bumuntong hininga si Reuben bago natapos magsalita. Wala siyang masabi.“Sa pulis station tayo.”Tumayo si Evan matapos ito sabihin.*Ininda ni Caroline ang ilang oras ng pagtatanong sa police station. Hindi siya makapagbigay ng sagot sa mga tanong ng detective. Desperado siyang malaman kung paano siyang napunta sa Redwood Neighborhood, na pinatay daw niya si Nicholas at sinaksak si Daniella.Ang nananatili lang sa kanya ay mga alaala na may sinabi si Daniella bago siya nawalan ng malay. Kahit na si Daniella ang pinaghihinalaan niya, walang ebidensiya si Caroline.Wala siyang magawa kung hindi hintayin si Evan na dumating para iligtas siya.Noong iniisip niya ang sitwasyon, bumukas ang pinto ng detention room, at isang babaeng pulis ang nag-utos, “Labas, Caroline.”Naisip niya bigla si Evan, tumayo siya at sinundan ang babaeng pulis
“Hindi kita hahayaang mamatay,” mahigpit na sinabi ni Evan. “Pero kailangan mo harapin ang pagtataksil sa akin.”Tumayo si Evan at umalis ng hindi tumitingin pabalik.Ipinikit ni Caroline ang mga mata niya, habang lumuluha. Nawalan na siya ng pag-asa.Hindi siya pinagkatiwalaan ni Evan—matagal ng ganoon.*Matapos ang dalawang linggo, kumuha si Evan ng abogado para tulungan si Caroline. Sinentensyahan siya ng korte ng limang taong pagkakakulong sa pagpatay kay Nicholas, sinasabi na self-defense ito dahil sa ilang ulit niyang balak na pagpatay sa kanya.Noong tanghali ng pagkakasintensiya, binisita ni Daniella si Caroline. Naupo sila ng magkatapat, salamin lang ang pumapagitna.Hindi mapigilan ni Daniella ang pagtawa niya, hinamak niya ang magulong itsura ni Caroline. “Ang gulo ng itsura mo.”Tinitigan siya ng masama ni Caroline. “Hindi ka ba nag-aalala na baka bisitahin kita sa gabi, Daniella?”Hindi natinag si Daniella, at kalmadong sumagot, “Ano pa ang saysay nito? Natutuwa akong mak
“Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Evan.“Ang anak ko ay nasa abroad, at pitong buwan na ang nakaraan ng makatanggap ako ng balita na naaksidente siya. Hindi ko siya makontak, kaya nagtravel ako abroad. Ngunit, ninakawan ako sa oras na bumaba ako mula sa eroplano. Mas mabuti na hindi na natin ito pag-usapan. Bakit mo ako hinahanap?”Nag-aalala si Evan sapagkat hinanap niya si Gloria para siguruhin ang impormasyon na nakuha niya pitong buwan na ang nakararaan.Masyadong nagkataon na naloko si Gloria para umalis ng bansa at naging imposible para sa kanya na mahanap siya.Pinigilan niya ang mga pagdududa niya at ipinakita ni Evan ang mga litrato ni Caroline noong bata siya at nagtanong, “Naalala mo ba ang batang ito?”Matapos suriin ang litrato, tumango si Gloria, inalala ang nakaraan. “Oo! Maraming hirap na pinagdaanan ang batang iyan sa ampunan namin. Madalas siyang inaapi at sinasaktan ng ibang mga bata. Hindi namin maalis ang ibang mga bata kaya binigyan namin siya ng dagdag na atensy
“Evan, wala kang kuwenta! Ang triplets ni Caroline ay iyo lahat! Pinili mo si Daniella kaya namatay si Caroline at ang tatlong anak mo!”Natusok ang puso ni Evan sa mga binitawang mga salita ni Paige.Bumuka ang maputlang mga labi ni Evan at sumara ng mahigpit ang mga kamao niya. Hindi niya matanggap na wala na si Caroline at hindi niya nakita ang walang buhay niyang katawan!“Hindi puwedeng patay na siya, hahanapin ko siya!” nangako siya sa sarili niya.*Lumipas ang limang taon.Lumabas si Evan mula sa meeting room ng MK, at nilapitan siya ni Reuben. “Mr. Jordan, ayaw makipagtulungan ni G sa kumpanya natin.”Tumigil si Evan at hinarap si Reuben. “May nahanap ka na ba na baho niya?”Umiling-iling si Reuben at sumagot, “Ang alam ko lang ay apprentice siya ni John Salvatore, wala ng iba pa.”Sumingkit ang mga mata ni Evan. Si John Salvatore, isang kilalang international designer ay maagang inanunsiyo ang retirement niya, at idineklara si G bilang tagapagmana niya bago nilisan ang fashio
Ngumiti ng walang pakielam si Caroline at sinabi, “Hindi ka late, maaga lang akong dumating. Huwag ka tumayo lang dyan. Maupo ka.”Naupo si Neil, karga niya si Liora. Pagkatapos iniabot niya ang isa pa na regalo kay Tyler. “Ty, ito ang customized processor na gusto mo.”Tinanggap ito ni Tyler ng nakangiti. “Salamat, Tito Neil!”Habang hawak ang backpack niya, inilabas niya ang kanyang laptop at inassemble ang processor.Habang pinapanood ang mga anak niya, nakaramdam siya ng pait.Nahirapan siyang isilang ang triplets, at nawalan ng malay noong naglalabor siya. Ipinaalam sa kanya ng doktor na pumanaw na ang unang anak niya.Naiimagine niya na malusog din sana siya tulad ni Tyler at Liora kung nabubuhay pa siya.Pinigilan niya ang lungkot niya at sinabi niya kay Neil, “Naaayos mo na ba ang kay Ms. Smith, Neil?”“Sasakay siya sa eroplano sa makalawa,” sagot ni Neil matapos humigop ng kape.Tumango si Caroline at kinuha ang shades niya sa lamesa. “Pupunta muna ako sa banyo.”Nakita niya
Nag-aalalang nagtanong si Neil, “Okay ka lang ba na mag-isa, Carol?”Tumawa si Caroline. “Hindi puwedeng nasa tabi kita lagi, hindi ba? Gusto ko tignan ang ilang mga paaralang pambata. Oras na rin para mag-aral si Lia at Ty.”Madalas niyang tinitignan ang mga kindergarten schools bago siya bumalik. Balak niyang pumili kung saan niya ieenroll ang mga anak niya, naisip niya na mas mababawasan ang iniisip niya kapag natignan na niya muna ang mga kindergarten schools.“Sige, hindi ako sasama kung ganoon. Baka makaagaw tayo ng pansin kapag masyadong tayong marami,” sambit ni Neil.Tumango si Caroline. Inayos niya ang gamit niya at sinabihan ang mga bata bago umalis.Sa pinto, tinignan ni Tyler si Neil na abala sa pakikipaglaro kay Liora.Mabilis siyang nagtype sa keyboard ng walang alinlangan, at napalitan ang game interface sa isang software login screen.Nagpakita sa harap niya ang platform ng hacker organization, at hindi nagtagal, isang mensahe mula kay Angst ang natanggap niya.Angst:
Nakarinig ng tunog si Caroline, at pabulong na ulong ang nagmula sa kanya noong maramdaman niya ang sakit.Habang nakahiga sa mga bisig Caroline, tumingala si Axel, nagulat sa kakaibang tunog.Hindi makapaniwala siyang tumingin kay Caroline.Yakap ni Caroline si Axel ng isang kamay habang hinihimas ang kanyang likod sa sakit.Matapos masiguro na walang pinsala ang bata, nagtanong siya, “Okay ka lang ba, bata?”Mabilis na nag-isip ang bata, pero nanatiling hindi kumikilos ang katawan niya.Gumaan ang pakiramdam ng bata sa amoy ni Caroline, okay lang sa kanya ang mahawakan ng taong ito, hindi tulad ng iba.Hindi lang iyon, kinamusta pa niya kung okay siya matapos bumagsak.Naguluhan si Caroline at nagtanong, “May masakit ba?”Naging malamig ang mga mata ng bata, at mabilis siyang tumayo. Yumuko siya, ibinuka ang kanyang bibig at sinabi ng mahina na halos hindi marinig, “salamat”.Pagkatapos, tumalikod siya at tumakbo paalis ng hindi na nagsasalita pa.Tumayo si Caroline habang nakasimang
Nagsalita si Paige, “Hintayin mo ako. Papunta na ko ngayon!”“Paige!” nababalisang sinabi ni Caroline, “Huwag mo hayaan na malaman ito ng iba.”Nagreklamo si Paige, “Hindi ko alam na mahaba ang pasensiya ni Evan. Bakit ba mapilit pa din siya kahit na limang taon na ang lumipas?”Nagsalita si Caroline, “Pasensiya na sa abala.”“Nagrereklamo lang ako!” mapaglaro na sinabi ni Paige, “Hindi naman niya nalaman na nakakausap pa kita, diba?”Ngumiti si Caroline. “Ipapadala ko sa iyo ang lokasyon. Mag-usap pa tayo kapag nagkita na tayo ulit.”“Sige.”Ibinaba ni Caroline ang tawag at binuksan ang pinto para marinig ang tawa ni Liora.Ngumiti siya at tinignan si Liora na masayang naglalaro sa living room. “Nakauwi na ako, Lia.”Tinignan ni Liora ang pinto at inihagis ang manika na nasa kamay niya bago tumakbo papunta kay Caroline.Iniabot niya ang mga braso niya at sinabi, “Welcome home, Mommy. Nakapagdesisyon ka na ba kung saan ako mag-aaral? Pareho ba kami ng school ni Ty?”Lumapit si Caroline