Share

Chapter 2: Just getting married like this?

Pagkalipas ng isang oras, naglalakad si Angela palabas ng Civil Affairs Bureau, hawak ang pulang libro sa kanyang kamay. Para siyang lumulutang, hindi pa rin makapaniwala na kasal na siya—at ang lalaking napangasawa niya, isang estranghero lamang kanina.

Tiningnan niya ang sertipiko ng kasal at napansin ang litrato nila ng kanyang asawa. Nakaupo silang dalawa, si Mateo ay seryoso at walang ekspresyon, habang si Angela naman ay mukhang hindi komportable at nag-aalinlangan. Nakalagay sa ilalim ng larawan ang kanilang mga pangalan. Angela Mendoza at Mateo Alacoste. Sa pagkakataong iyon, napagtanto niya na ang pangalan ng kanyang bagong asawa ay nalaman lang niya mula sa sertipiko ng kasal. Hindi niya alam kung matatawa siya o matutulala. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Biglang lumapit si Mateo sa kanya, napansin niya ang malamig ngunit nakakaakit na tinig nito, “Angela Mendoza?” binasa ni Mateo ang kanyang pangalan mula sa pulang libro, at ang kanyang boses ay parang bulong ng hangin na dumaan sa kanyang balat, nagdudulot ng kakaibang kiliti sa kanyang pakiramdam.

Habang lutang pa si Angela sa kanyang pag-iisip, bigla na lamang inilahad ni Mateo ang isang card. "Alam ko na ang mga babae ay mahilig sa wedding rings at engrandeng kasal," sabi ni Mateo na walang emosyon, "pero pasensya na, wala akong oras para asikasuhin iyon. Kung gusto mo ng singsing, pumili ka na lang."

Napalunok si Angela at tiningnan ang card, nag-angat ng tingin kay Mateo. Hindi niya inasahan ang ganitong uri ng kasunduan, pero wala rin naman siyang inaasahang romansa. Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa singsing.

"Hindi na kailangan," mabilis niyang sagot, “hindi ko kailangan ang mga yun. ” Umiwas siya sa mga matang tila binabasa ang kanyang kaluluwa.

Ngunit bigla na lang hinawakan ni Mateo ang kanyang pulso at ipinatong ang card sa kanyang kamay. Ang mainit na temperatura ng balat ni Mateo ay tila bumalot sa buong katawan niya, para siyang natulala sa init na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganito siya kaapektado sa isang simpleng pagkakahawak.

"Okay," napipilitan siyang tumango. Ayaw niyang palalain ang sitwasyon sa maliit na bagay na ito.

"May meeting pa ako mamaya, kaya hindi na kita maihahatid," malumanay na sabi ni Mateo, tila wala lang sa kanya ang kasal nila.

"Okay," sagot ni Angela, tanggap na wala talagang interes si Mateo na ituring siyang tunay na asawa. At sa totoo lang, mas mabuti na rin ito dahil hindi rin niya inaasahan ang pagmamahal mula sa isang kasal na parang negosyo lang.

Nang akmang aalis na si Mateo, tila naalala nito ang isa pang detalye. "Ipapadala ko sa'yo ang address ng bahay ko mamaya. Pwede kang lumipat kapag ready ka na."

Tumango si Angela, pero ang kaba sa kanyang dibdib ay naroon pa rin. Hindi pa siya handang tumira sa ilalim ng iisang bubong kasama ang isang lalaking halos hindi niya kilala.

Pero tila napansin ni Mateo ang kanyang pagtanggi at bahagyang tumitig sa kanya, na parang binabasa ang kanyang isip. Pero hindi na ito nagtanong pa at umalis na sakay ng itim na sasakyan.

Si Angela naman ay agad tumawag sa HR department ng kanyang kumpanya para ipaalam ang nalalapit niyang paglipat sa bagong lungsod. Matapos kumpirmahin na aasikasuhin ng kumpanya ang kanyang medical insurance at para sa kanyang ina, pakiramdam niya ay malaking bagay na ang naresolba. Oo, maaaring masyado ngang mabilis ang kasal na ito, pero natupad naman ang pangunahing dahilan kung bakit siya pumayag—ang medical expenses ng kanyang ina ay sigurado na.

Pagdating niya sa opisina ng fashion magazine kung saan siya nagtatrabaho, wala pang mga interview na naka-schedule para sa hapon. Kaya naisipan niyang dumaan sa malapit na mall at bumili ng wedding ring gamit ang card na ibinigay ni Mateo. Pinili niya ang pinakasimpleng singsing na nakita niya, hindi masyadong mahal, pero sapat na para magmukhang maayos.

Pagbalik sa opisina, abala siya sa pagbabasa ng mga materyales para sa interview nang biglang lumapit ang kanyang kasamang si Jenny, may malikot na ngiti sa mga labi. "Angela, ano 'yang singsing mo?"

Napangiti si Angela, "Sabi ko na nga ba't mapapansin mo agad. I’m married!”

"Wow, congrats! Pero teka, maliit lang 'yung diamond ha? Sigurado ka bang mahal ka niyan?" biro ni Jenny habang tinititigan ang singsing.

Tumawa si Angela. "I think more than 7,000 thousand din siya."

"Hay nako, pero dapat diyan, malaki! Para kitang-kita ang pagmamahal," patuloy na pang-aasar ni Jenny, na tila masyadong seryoso sa usapan ng singsing.

Nagpalit na lang si Angela ng topic para makaiwas sa mga tanong. "Kamusta yung paghahanda mo para sa interview mamaya?"

"Ay nako, ready na ready! Tignan mo nga ako, ang ganda ko ba today?" Biglang umikot si Jenny, suot ang kanyang pink at white na short skirt suit.

"Bagay na bagay!" sagot ni Angela, pilit na inaayos ang atensyon mula sa mga pangyayari kanina.

Natawa si Jenny at lumapit pa, "Sister, sa tingin mo ba may pag-asa ako kay President Alacoste? Siya na yata ang pinakaeligible bachelor sa buong Manila, or much better, sa pilipinas!"

Tumawa si Angela, pero sa loob-loob niya, hindi niya mapigilang isipin kung anong klaseng buhay ang haharapin niya kasama ang kanyang asawa—isang lalaking mukhang perpekto sa labas, pero hindi pa niya lubos na kilala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status