"Devashtaji isa kang taksil! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka sa binabalak mo! Haaya!" Mariin na sigaw ni Lucas at awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ko ang gigil na paghiwa ang mansanas gamit ang kaniyang espada. Napailing-iling na lamang ako sa itsura nito na animo'y may nagawang kasalanan ang masanas dahil sa talim ng titig nito.
"Sa wakas patay na ang kalaban! Lahat gagawin oo para sa Xeria! para sa Xeria! hahahahaha! Siya nga pala mansanas para sa'yo mahal na haleya," natutuwang ani nito habang iniaabot sa akin ang piraso ng mansanas na marahan kong inabot.
"Palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo tinanggihan ang trono? Kung nasaktan ka dahil sa sinabi ng mga konsil—"
"Angelica!" Hindi na naituloy ni Lucas ang mga sasabihin sapagkat biglang lumitaw ang isang pamilyar na boses na naging dahilan upang mapunta sa kaniya ang attensiyon naming dalawa.
"Mahal na hara," mahinang usal ni Lucas saka nagbigay pugay habang ako ay diretso lamang ang tingin sa hara na ngayon ay kaharap na namin.
"Mauna na ako gusto kong magpahangin sa labas," malamig kong usal saka naglakad palayo sa kanila habang kinakagat ang mansanas ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay agad na may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa braso kung kaya't napahinto ako.
"Hanggang kailan mo ako iiwasan?" dinig kong nagsusumamong tanong ng hara kung kaya't natigilan ako saka dahan dahang nilingon ang gawi nito.
"Hinding hindi ako magiging malapit sa'yo dahil kahit anong gawin mo hinding hindi kita mapapatawad!" Mariin kong usal saka taas noo itong tinalikuran.
"Angelica!" Tawag pa sa akin ng hara ngunit hindi ko na ito pinansin pa.
Nasisiguro kong gusto niya lamang akong piilitin na tanggapin ang posisiyong hindi ko naman gusto...
Taas noo akong naglakad palabas ng palasyo, hangga't maari ay gusto kong lumayo sa kanilang lahat ngunit sadyang hindi nakikisama sa akin ang buhay sapagkat naramdaman ko na ang pagsunod sa akin ni Lucas.
"Mahal na haleya!" Dinig kong tawag sa akin ni Lucas ngunit hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa bigla niya na lang hinawakan ang braso ko at marahan akong ihinarap sa kaniya na naging dahilan upang mapakunot ang noo ko.
"Hindi mo dapat ginawa iyon sa hara!" Seryoso niyang saad kung kaya't awtomatikong tumaas ang kilay ko.
"Wala kang karapatan para diktahan ang mga kilos ko," Taas kilay at pabulong kong usal na naging dahilan upang kumunot ang noo niya. Nararamdaman ko ang pagiging seryoso sa himig ni Lucas, malayong malayo ang kaharap kong ito sa kawal na madalas kong nakakasama, kung noon ay nakakaakit na tingin at nanunuksong ngiti ang makikita sa kaniya, ngayon ay tila ba nakapaslang ako ng isang nilalang upang ipakita sa akin ang seryoso niyang mukha.
"Baka nakakalimutan mong kawal ka lang" mahinahon kong usal kung kaya't lalong natahimik ito.
"Kawal lang ako mahal na haleya," seryosong saad nito habang makapangyarihan akong tinititigan sa mga mata na naging dahilan upang manguryente ang katawan ko.
"Pero kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sa kapakanan ng Xeria dahil hindi ako makasarili katulad mo" mariin niyang dagdag habang ang mga mata ay nanatiling nakikipaglabanan sa akin.
"How dare you—!"
"Bakit kailangang isumbat mo sa kanila ang mga nangyayaring kamalasan sa buhay mo? May sarili kang desisyon haleya! Ikaw ang pumili na maging miserable ang buhay mo! Masuwerte ka dahil biniyayaan ka ng mga magulang na handang isakripisyo ang lahat makagawa lang ng tama at nakabubuti sa lahat!" seryoso at mariin nitong saad kung kaya't napasinghal na lamang ako ng tawa saka marahang pinakawalan ang isang malalim na hininga upang pakawalan ang paninikip ng aking dibdib.
"Maraming mga magulang ang traydor, sakim, pero ikaw? Mayroon kang mga magulang na mabubuting nilalang haleya at dapat mong ipagsalamat ang mga bagay na iyon! Pinapakisamahan ka namin ng maayos, labag sa batas ang itrinato mo sa hara ngayon kung hindi mo kayang sundin ang batas ng Xeria, pakiusap respetuhin mo na lang!" mariin nitong dagdag.
"Sino ka para—"
"Isa akong alagad ng batas haleya ikaw? Sino ka para bastusin ang sarili mong ina?" mariing pagpuputol nito sa mga sasabihin ko saka ako tinalikuran. Napamaang na lamang ako dahil sa mga sinabi ni Lucas, pilit kong pinipigilan ang luhang nagbabadya na namang pumatak habang unting-unting bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi ni Lucas at tila ba ngayon ko lang naramdaman ang talim ng mga salitang binitawan niya. Mariin kong itinapon ang mansanas sa kung saan saka tumakbo nang tumakbo hanggang sa makalabas ako sa napakalaking gate ng palasyo. Narinig ko ang ilang pagpigil ng mga kawal ngunit hindi ko na sila pinag-aksayahan pa ng panahon, tumakbo lamang ako nang tumakbo hanggang sa ako rin ang napagod kung kaya't agad akong napahinto at doon muling lumitaw sa aking isipan ang mga sinabi ni Lucas.
Marahil tama siya? Makasarili ako at 'yon ang dapat kong ipagpasalamat, ayo'kong pati sarili ko ay hindi ko na mabigyan ng halaga. Sarili na lang ang mayroon ako ngayon at sarili lang ang maaasahan ko ngayon...
Malalim akong napasinghap ng hangin saka taimtim na ipinikit ang mga mata upang kalmahin ang sarili. Nang maramdaman kong payapa na ang pakiramdam ko ay muli akong nagpatuloy sa paglakad hanggang napagtanto kong malayo na ako sa palasyo. Mabilis kong tinakpan ang kalahati ng aking mukha ng balabal na nakapulupot sa aking leeg, seryoso akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko muli ang isang lugar na pinagtitipunan ng mga Xerian. Kunot noo kong inilibot ang aking paningin at halos mapalunok ako nang makita ko si Lucas na lumilinga-linga sa paligid na tila ba may hinahanap kung kaya't mabilis kong itinago ang sarili ko sa mga nagkukumpulang tao at nagkunwaring kabilang sa kanila.
"Prutas! Bili ka na ng prutas o gulay masarap to kalamansi!" Masiglang alok sa akin ng isang matandang babae ngunit hindi ko ito pinansin.
"Makinig kayong lahat!" Dinig kong makapangyarihang sigaw ni Lucas kung kaya't pasimple akong naupo na tila ba namimili ng mga kamatis sa isang basket.
"Hinahanap ko ang mahal na haleya at nasisiguro kong hindi pa siya nakakalayo rito! Kung sino ang makakita sa kaniya ay ituro niyo agad sa amin!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki na agad namang sinang-ayunan ng lahat kung kaya't napairap ako.
Hahanapin niya ako pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin!
Muli akong gumalaw at pilit na inilalayo ang sarili sa mga naglilibot na kawal. Marami ang umaalok sa akin ng mga pamilihin ngunit wala akong maipambabayad sa kanila kung kaya't hanggang tingin lamang ako.
"Masarap yan nang! Matamis ang masanas na yan kunin mo na mura lang ang piraso! Eto bayabas masarap din to! Lahat yan masarap," alok naman sa akin ng isang babae habang itinuturo ang paninda niyang prutas. Napabuntong hininga na lamang ako sa mga paninda nila, lahat ng nakikita ko ay prutas at gulay lamang.
Muli kong inilibot ang aking paningin hanggang sa marinig ko ang ilang kaluskos kung kaya't lalo kong tinakpan ang aking mukha habang pasimpleng naglalakad ngunit natigilan ako nang makita ko sa isang gilid ang isang musmos bata na abala sa pagkuha ng mga prutas at itinatago ito sa dala-dala nitong tela. Napakunot ang noo ko dahil sa itsura nitong halatang halata ang pagkatakam sa mga prutas, hindi rin niya naitago ang gutom sa kaniyang mga mata na naging dahilan upang makaramdaman ako ng kakaiba. Muli kong sinulayapan ang aking kausap saka taas noo itong hinarap habang pasimpleng sinusuri ang mangga na nasa mesa upang hindi nito makita ang bata na abala sa pagnanakaw ng mga prutas.
"Sariwa ba ito?" pormal kong tanong kung kaya't natigilan ito ngunit agad ding nanliwanag ang mukha.
"Oo kakapitas ko pa lang niyan sa bakuran ko! Sandali lang ha," masiglang saad nito saka inasikaso ang ilan pang mamimili. Muli kong sinipat ang bata at natigilan kami pareho nang magtama ang aming paningin ngunit agad ko itong niwas at umakto na parang walang nangyari upang hindi ito mataranta. Pasimple kong nilapitan ang bata saka tinanggal ang takip sa aking mukha na naging dahilan upang balutin ng takot ang kanyang mga mata.
"Ma-ma-mahal na haleya pa-pata—"
"Bakit ka nagnanakaw?" Pormal at seryoso kong tamong habang ang paningin ay nanatiling nasa paligid upang hindi mahalata ang kinaroroonan ng bata.
"Ka-kasi gu-gutom na ako mahal na haleya, gutom na rin ang mga kapatid ko pa..patawad mahal na haleya.. patawad," umiiyak nitong bulong saka lumuhod sa harapan ko kung kaya't agad ko itong tinaasan ng kilay.
"Bakit hindi ka humingi ng pahintulot? Masama ang pagnanakaw bata," istriktang bulong ko saka kinuha ang isang piraso ng mansanas at nilaro-laro iyon sa kamay ko.
"Si-sinubukan ko mahal na haleya pe-pero ka-kailangan ta-talaga ng bayad at wa-wala akong kahit na anong maibibigay, " umiiyak na sagot nito.
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"Wa-wa-wala kaming magulang mahal na haleya," umiiyak nitong sagot kung kaya't napasinghap ako ng hangin. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, abala ang lahat sa kaniya-kaniyang gawin ngunit mabilis kong tinakpan ang aking mukha nang makita ko ang mga kawal na papalapit sa amin.
"Magtago ka may paparating," seryoso kong utos na ikinagulat nito. Muli kong inilibot ang aking paningin saka sinipat ang bata at awtomatikong kumunot ang noo ko nang hindi pa rin ito gumagalaw.
"Magtatago ka o magpapahuli ka?" Makapangyarihan kong tanong na naging dahilan upang taranta itong nagtago sa ilalim ng mesa kung kaya't mabilis akong tumayo sa kinaroroonan niya upang matakpan ang kinaroroonan ng bata.
"Mahal na haleya," biglang tawag sa akin na naging dahilan upang gulat akong lingunin ito gayundin ang mga nilalang na nasa paligid namin.
"Lucas!" Gulat kong usal na naging dahilan upang kumunot ang kanyang noo.
"Anong kailangan mo?" Seryoso kong tanong.
"Nag-aalala na sa'yo ang hara kailangan na nating umalis," seryosong saad nito kung kaya't awtomatikong tumaas ang aking kilay.
"Ayo'ko mauna ka n—"
"Bata! Anong ginagawa mo riyan!" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin sapagkat lumitaw na ang boses ng isang kawal na sinundan ng sigaw ng isang bata.
"Huwag! Huwag! Bitawan mo ako! Ahhhh!" Dinig kong sigaw ng bata na naging dahilan upang mapunta sa kanya ang attensyon naming lahat.
"Tumahimik ka!" Makapangyarihang sigaw ng kawal na naging dahilan upang pumalahaw ang bata. Kumunot ang noo ko sa ginagawa ng kawal, walang habas nitong dinampot ang bata at nagmadaling lumapit sa amin.
"Lucas! Ang batang ito ay natagpuan sa ilalim ng mesa, mukhang nagnanakaw ng prutas," matigas na saad ng kawal saka binitawan ang bata na walang ibang ginagawa kung hindi ang umiiyak at pilit na pinoprotektahan ang telang may laman ng tatlong prutas. Taas noo kong inilibot ang tingin sa paligid, nasa amin na ang mga mata ng lahat maging ang tindera na may ng prutas na pinagnakawan ng bata ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi nito inaawat ang kawal gayong siya naman ang may karapatang umaksiyon.
"Totoo ba iyon bata?" Makapangyarihang tanong ni Lucas kung kaya't agad ko nilingon ang bata na ngayon ay nagmamakaawang nakatingin sa akin.
"Totoo bang nagnanakaw ka?!" Tanong ni Lucas kung kaya't umiyak nang umiyak ang bata ngunit natigilan ako nang masaksihan ko ang marahang pagtango nito.
"Mamatay kami ng mga kapatid ko sa gutom ka-kaya ko nagawa ito pa-patawarin niyo ako," umiiyak nitong saad habang lumuluhod. Taas noo akong napasinghap ng hangin nang masaksihan ko ang takot kaniyang mga mata kasabay ng matinding panginginig ng katawan.
Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagkakait sa batang ito ang simpleng prutas?...
"Labag sa batas ang ginawa mo bata, sasama ka sa amin sa palasyo para maparusahan!" makapangyarihang saad ng isang kawal na naging dahilan upang manlaki ang mga mata ko.
"Ano?!" Gulat kong usal ngunit kahit isa ay walang pumansin sa akin. Dismayado kong inilibot ang aking paningin na naging dahilan upang makita ko ang iba't-ibang rekasyon ng mga Xerian, ang iba ay naaawa, ang iba naman ay natatakot, ang iba ay pilit na isinasawalang bahala, habang ang karamihan ay nanghuhusga na tila ba natutuwa sa hindi makaturungang kaganapan ngayon. Marahas na dinampot ang umiiyak na bata habang ang isa naman ay pilit na inaagaw ang prutas na hawak hawak nito. Kunot noo kong sinulyapan si Lucas, taas noo itong nakatayo habang diretso ang paningin sa kawalan na tila ba iniiwas ang mga mata sa nagaganap.
"Tigil!" Makapangyarihan kong utos na naging dahilan upang tumahimik ang paligid. Taas noo akong lumapit sa bata habang pinandidilatan ang kawal upang ipahiwatig na bitawan nito ang bata na agad niya namang sinunod.
"Ma-mahal na haleya," umiiyak na tawag nito sa akin ngunit napangsinghap ako nang makita ko ang muling pagluhod nito.
"Mahal na haleya anong ginagawa mo?" Dismayadong tanong ni Lucas ngunit hindi pa rin nagbabago ang seryosong ekspresyon nito.
"Ipagkakait niyo sa bata ang kakarampot na prutas?" Buong buong kapangyarihang tanong ko sa mga kawal na kaharap ko ngayon.
"Pagnanakaw ang ginawa niya haleya at labag iyon sa batas kaya dapat lang na sumama siya sa palasyo para magtanda," nakatungong saad ng isang kawal.
"Hindi!" Matigas kong saad saka kinuha ang kamay ng bata at taas noo itong itinayo na ikinagulat ng lahat. Wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng iba sapagkat sobra na ang gagawin nila sa musmos na batang ito.
"Mahal na haleya," makapangyarihang tawag ni Lucas kung kaya't kunot noo ko itong tinapunan ng tingin.
"Ibigay mo ang bata sa kawal," makapangyarihang utos ni Lucas ngunit tinitigan ko lamang ito.
"Inuulit ko isa ka lamang kawal Lucas, sa ating dalawa ako ang dapat na masunod!" Makapangyarihan kong saad saka ito tinalikuran habang hawak hawak sa kamay ang batang hindi pa rin humihinto ang pag-iyak ngunit natigilan ako nang bigla na lamang humarang ang isang espada sa daraanan ko.
"Sa ating lahat walang dapat ibang susundin kung hindi ang batas mahal na haleya, nirerespeto ko ang paniniwala at posisyon mo sa mundong ito pero patawad dahil may tungkulin din kaming sinumpaan," seryoso at makapangyarihang saad ni Lucas na naging dahilan upang inis akong bumuntong hininga saka sinipat ang bata na ngayon ay nararamdaman ko na ang panlalamig at panginginig ng katawan.
"Bata ang paparusahan ninyo dahil lang sa pagnanakaw ng prutas" mahinahon ngunit maawtoridad kong saad habang diretso lamang ang aking paningin dahil sa espadang nakaharang sa akin.
"Sa mata ng batas mahal na haleya walang bata o matanda! Babae o lalaki! Pantay-pantay ang lahat at dapat na maunawaan mo ang mga bagay na iyon bilang susunod na hara ng Xeria," seryoso at pormal na saad ni Lucas kung kaya't napasinghap ako ng hangin at aksidenteng nakita ang matatalim na titig ng paligid na nagpausbong ng aking galit.
Pantay-pantay sa mata ng batas ngunit hindi nakikita ng mga mata ng batas ang sakim at taksil ng nasa itaas tsk!
"Mahal na haleya, ibigay mo na sa amin ang ba—"
"Ibigay? Tsk! Kunin niyo," nakangisng saad ko saka mabilis na binitawan ang bata upang hawakan ang braso ng kawal at mabilis na sinipa ang sikmura nito. Naramdaman ko na nagkagulo na ang lahat kung kaya't hindi ako nag-aksaya ng oras na bitbitin ang bata at mabilis na tumakbo palayo sa kanila ngunit agad akong napahinto nang makasalubong ko ang ilan sa mga kawal na handa akong lusubin.
"Mahal na haleya!" umiiyak na tawag sa akin ng bata kung kaya't napabuntong hininga ako.
"Ipikit mo ang mga mata mo, didilat ka lang kapag sinabi ko na, isa iyong utos," mariin kong bulong saka pumwesto para sa papalapit na kawal. Salubong ang tingin kong inilagan ang espada ng isa saka umikot papunta sa likod nito at pwersang kinuha ang kaniyanb braso saka marahas itong pinilipit hanggang sa mabitawan nito ang espada kung kaya't hindi ako nagdalawang isip na saluhin ito habang sinisipa ang isang kawal papunta sa mga kasama nito na naging dahilan ng kanilang pagtumba.
"Mahal na haleya!" Tawag sa akin ng isang kawal kung kaya't mabilis ko itong sinipat at natigilan ako nang makita ko ang bilang nila kung kaya't mabilis kong kinarga ang bata saka iginilaw ang aking mga paa upang tumakbo. Pilit kong pinakiramdaman ang hangin, nararamdaman ko ang bigat nito tanda na marami silang sumusunod sa amin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang maramdaman ko na ang pagod at panghihina ng paghakbang ko ngunit hindi nila ako maaring mahuli.
Pinilit kong bilisan ang aking pagtakbo, ngunit sadyang may hangganan lamang ang lakas ko. Mariin akong pumikit habang pinipilit ang aking mga paa ngunit halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lucas na ngayon nakasakay na sa kanyang tigre na tila ba sasalubungin kami.
"What the hell!" Hinihingal kong usal. Muli kong nilingon ang aming likuran kung kaya't nakita ko ang humahabol na kawal na ngayon ay papalapit na sa amin.
"Mahal na haleya, tatanggapin ko na lang ang parusa, hindi niyo na kailangang gawin ito tama sila nagkasala ako," umiiyak na bulong ng bata saka humagulhol sa balikat ko na naging dahilan upang mapalunok ako.
"Na-nasimulan ko na, ngayon ka pa aatras," seryoso habang hinihingal kong saad.
"Pe-pero napapaligiran na nila tayo," lumuluhang saad nito kung kaya't muli akong umikot upang makita kung gaano pa kalayo ang distansya ng mga ito mula sa amin.
"Kapag ganitong uri ng sitwasyon puwedeng matatalo tayo pero kung magiging matalino ka, maraming pag-asa ang nakaabang kapag nakalapit na sila," seryoso kong usal habang seryosong hinihintay ang mga papalapit na kawal.
"Kapag nagkumpulan na sila, gagawa ako ng eksena gusto ko pagbilang ko ng lima wala ka na sa paningin ko, maliit ka at aagawin ko ang mga mata nila, uuwi ka sa inyo at papakainin mo ang mga kapatid mo sa susunod na magnakaw ka pa ako mismo ang papataw ng parusa sa'yo naiintindihan mo?" Mariin kong bulong at naramdaman ko ang pagtango nito.
"Ba-bakit niyo ito ginagawa mahal na haleya? Labag sa batas ang pagtulong sa masamang nilalang na katulad ko," lumuluhang tanong nito kung kaya't natigilan ako.
"Hindi sa lahat ng oras ay susundin natin ang mga batas bata, hindi lahat ng batas ay tama. Hindi ibig sabihin na nilabag mo ang batas, masama ka ng nilalang, hindi ang papel, espada, batas, at paligid ang magdidikta kung sino ka! Kung nasa tama ang ipinaglalaban mo, wala kang dapat ipag-alala," mariin kong bulong habang matapang na sinasalubong ang mga titig ni Lucas.
"Papalapit na sila, maghanda ka," bulong ko.
"Tatandaan ko ito mahal na haleya, balang araw masusuklian ko rin ang kabutihan niyo, tunay na karapat-dapat kayo sa trono," dinig kong saad ng bata na naging dahilan upang matigilan ako. Hindi ko alam ngunit tila ba hinaplos ang aking puso dahil sa mga sinabi nito, na para bang sa unang pagkakataon may nagawa akong maganda sa mundo.
"Maghanda ka na, huwag kang magpapahuli," mariin kong utos na agad niyang tinanguan. Marahan ko itong ibinaba habang ang paningin ay inilipat-lipat kay Lucas at sa mga kawal saka nakangiwing pinaikot-ikot ang espada sa aking kamay hanggang sa makalapit ang mga ito sa kinaroroonan namin.
"Mahal na haleya pakiusap ibigay mo na sa amin ang magnanakaw upang hindi ka na masaktan," dinig kong sigaw ng isang kawal ngunit tinaliman ko lamang ito ng titig.
"Uulitin ko, kunin niyo," nakangising saad ko.
"Hindi kami nakikipaglaro haleya, nakarating na sa hara ang mga kaganapang ito huwag mo ng dagdagan ang parusang ipapataw sa'yo," seryosong saad ni Lucas habang taas noong lumalapit sa akin at sinenyasan ang mga kawal na huwag kikilos kung kaya't tumalim ang mga titig ko sa kanya hanggang sa huminto ito at tumungo sa aking harapan.
"Papatayin niyo ba ako?" nakangiwing saad ko ngunit hindi nagbago ang ekspresyon nito na nagpausbong ng galit ko kung kaya't gigil ko ng ginamit ang espadang hawak ko na agad niyang sinangga kung kaya't hindi na ako nagdalawang isip na sipain ang kanyang kaliwang tuhod na naging dahilan ng kanyang pagkatumba saka walang habas na sinipa ang kanyang likod saka tinapunan ng tingin ang bata na tila ba nagugulat sa mga nangyayari. Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid at nasaksihan ko ang kunot-noo nilang mga nata na tila ba nag-aabang at tutok na tutok sa mga susunod na kaganapan.
"Ngayon na," bulong ko sa kaniya na agad niyang nakuha kung kaya't tahimik akong lumapit sa nakadapang si Lucas saka itinutok sa leeg niya ang hawak kong espada.
"Batas ang sinusunod ninyo pero hindi ba nasa batas na hindi maaring suwayin ang utos ng isang katulad ko?" Makapangyarihan at gigil kong bulong. Taas noo kong tinitigan ang nakadapang si Lucas habang pinapakaramdaman ang paligid kung kaya't napangiwi ako nang hindi ko na maramdaman ang presensya ng bata.
"Magkaiba tayo ng paniniwala at ipinaglalaban Lucas nakakapanlumo lang dahil pareho nating ilalaban hanggang kamatayan," seryoso kong saad saka binitawan ang espada at taas noong inayos ang tindig bago itinaas ang dalawang kamay na gumulat sa lahat.
"Pabayaan niyo ang bata, ako ang haharap sa palasyo" taas noo at makapangyarihan kong utos sa lahat na gumulat sa kanila ng husto.
"Ngunit mahal na haleya..."
"Isa iyong utos!" Makapangyarihan kong pigil sigaw bago itinuon ang attensyon sa papalubog na araw.
ANGELICA POV Taas noo akong naglalakad papasok ng palasyo habang binabalelwala ang higpit ng posas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa paraan ng pagtitig ng mga nilalang na aking nadadaanan, mukhang nakarating na sa kanila ang mainit na balita na nagpapalisik sa kanilang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa kanilang reaksyon, sinong mag-aakala na ganito kabilis kumalat ang isang balita kahit walang teknolohiya, kamangha-mangha."Bigay pugay!" dinig kong sigaw ng isang kawal nang marating ko ang napakalaking pintuan na dahan-dahang bumubukas kung kaya't taas noo akong tumindig saka maawtoridad na naglakad papunta sa gitna ng bulwagan. Hindi ko itinungo ang aking ulo simula noong marating ko ang palasyo. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, paparusahan at linabag ko ang sinasamba nilang b
ANGELICA POV"Stunning""Fearless!""Elegance!""Brilliance!""And class!""These are the few words that will give a justice to the one and only Angelica San Andres.""San Andres is the President and CEO of SA Corporation and one of the leading entrepreneur in the modern history. And today in Probes Show she will share her experiences on being one of the top executives of a leading company and, she will also give us some advice specially for those entrepreneurs who are starting out! good day Ms. Angelica.""Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver na marahan kong tinanguan. Diretso lamang ang aking paningin habang patuloy na pinapakinggan ang radyo kung saan ipinapakilala ako. My name is all over the world, I have fame, money, I have everything but it never satisfy me. Malalim na lamang akong napabuntong hininga dahil sa paglalaro ng aking isipan at nang maramdaman
ANGELICA POVMalalim na ang gabi kung kaya't napagdesisyonan kong umuwi na lamang sa bahay. Matapos ang nangyari sa amin ni papa kanina ay hindi ko na alam kung paano pa ito haharapin. Pakiramdam ko ay sumobra ang pakikitungo ko sa kaniya."Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver kung kaya't natigil ako sa pag-iisip saka sumilip sa bintana, agad akong pinagbuksan ng isa naming tauhan kung kaya't taas noo akong naglakad papasok ng bahay. Binilisan ko ang aking paglalakad paakyat ng hagdan upang hindi na makasalubong pa si papa. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa pakikitungo ko kanina at sigurado akong kukulitin niya lamang ako tungkol sa Sedus kung kaya't mas mabuti na rin na hindi muna kami magkita. Tahimik akong naglakad papuntang kwarto ngunit sadyang hindi nakikisama sa akin ang tadhana sapagkat bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang nilalang na pilit kong iniiwasan."Pa," usal ko saka marahang tumungo.
ANGELICA POVNaramdaman ko ang mabilis na pag-alog ng aming sasakyan senyales na kami ay lumilipad na, nakaupo ako ngayon sa isang colorless na upuan habang nakalock ang mga kamay at paa ko dahil sa bilis ng pagtakbo nito. Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa bilis ng sasakyang ito, marahil ay nasanay ako sa bagal ng sasakyang pangtao. Sa bilis ng aming sasakyan ay hindi ito kakayanin ng isang normal na nilalang lamang.Kung ako na hindi pangkaraniwan ay labis na nahihirapan paano pa kaya ang tao lamang?Unti unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong gumaan na ang lahat. Bumungad sa akin ang piraso ng isang bulaklak na lumulutang sa aking harapan na naging dahilan upang bahagaya akong mapangiti ngunit agad ding napakunot nang biglang lumitaw ang isang nakangiting imahe ng lalaki at agad akong napalunok nang mapagtantong nakahawak ito sa aking mga kamay habang nakalutang"Nasaan si papa?" Seryoso ngunit mahinahon kon
ANGELICA POVDahan-dahan akong naglalakad at sinusundan sina papa. Nakababa na ang aming sasakyan sa lupa at hangga't maari ay pilit kong binabagalan ang aking paglakad habang hinihiling na sana lumipad na ang sasakyang ito at bumalik sa mundo ng mga tao."Angelica," tawag sa akin ni papa kung kaya't tuliro akong lumingon sa kaniya at binilisan ang pagkilos sapagkat binigyan na ako nito ng makahulugang tingin."Mukhang hindi komportable ang iyong anak sa akin rama," natatawang saad ni Lucas na ngayon ay nakatingin sa akin na naging dahilan upang ayosin ko ang aking tindig at pilit na ginagawang normal ang aking mga kilos. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos ng nangyari kanina ay may mukha pa rin itong naihaharap sa akin habang ako ay nais ng magpalamon sa lupa sa tuwing nakikita ko ang presensya niya."Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko Lucas, mahaba-haba rin ang panahon ang pagtira namin sa mundo ng mga
ANGELICA POVNanginginig kong hinahawakan ang palasong lumipad patungo sa akin habang ang aking paningin ay nanatili sa lumiliyab sa himpapawid. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha ngunit hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-liyab ng aking kaloob-looban, ang pa-garagal ng aking mga labi at panlalabo ng nanlilisik kong mga mata. Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin, doon ko nakita ang mga kawal na patakbong lumalapit sa akin ngunit nakakapagtaka sapagkat napakabagal nila para sa akin. Muli akong tumingin sa itaas, nakikita ko na ang papabagsak na apoy at nasisiguro kong tatama ito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa sandaling ito hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong marinig mula sa paligid kung hindi ang aking paghikbi, wala akong makita kung hindi ang mabagal na pagbasak ng lumiliyab na sasakyan ng aking ama, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi ang galit at sakit.Gusto kong sumig
ANGELICA POVUnti-unti kong iminulat ang aking mga mata na naging dahilan upang bumungad sa akin ang malagintong kisame. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa pumasok na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang nangyari kay papa."Angelica anak," tawag sa akin ng pamilyar na boses ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita."Angelica may dala akong pagkain, kumain ka na muna ana—""Nahanap na ba ang katawan ni papa?" Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya kung kaya't natigilan ito."Wa..wala pang balita galing kay Lu—""Kung gano'n umalis ka na!" Malamig kong usal saka tumalikod sa kaniya at doon nagsimula ang pagkibot ng aking mga labi kung kaya'
Angelica Pov Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama."Gusto ko ng magpahinga," malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin

ANGELICA POV "Devashtaji isa kang taksil! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka sa binabalak mo! Haaya!" Mariin na sigaw ni Lucas at awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ko ang gigil na paghiwa ang mansanas gamit ang kaniyang espada. Napailing-iling na lamang ako sa itsura nito na animo'y may nagawang kasalanan ang masanas dahil sa talim ng titig nito."Sa wakas patay na ang kalaban! Lahat gagawin oo para sa Xeria! para sa Xeria! hahahahaha! Siya nga pala mansanas para sa'yo mahal na haleya," natutuwang ani nito habang iniaabot sa akin ang piraso ng mansanas na marahan kong inabot."Palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo tinanggihan ang trono? Kung nasaktan ka dahil sa sinabi ng mga konsil—""Angelica!" Hindi na naituloy ni Lucas ang