Home / All / Throne of Glass / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: WhiteSmight
last update Last Updated: 2021-04-29 10:27:27

ANGELICA POV

Malalim na ang gabi kung kaya't napagdesisyonan kong umuwi na lamang sa bahay. Matapos ang nangyari sa amin ni papa kanina ay hindi ko na alam kung paano pa ito haharapin. Pakiramdam ko ay sumobra ang pakikitungo ko sa kaniya.

"Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver kung kaya't natigil ako sa pag-iisip saka sumilip sa bintana, agad akong pinagbuksan ng isa naming tauhan kung kaya't taas noo akong naglakad papasok ng bahay. Binilisan ko ang aking paglalakad paakyat ng hagdan upang hindi na makasalubong pa si papa. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa pakikitungo ko kanina at sigurado akong kukulitin niya lamang ako tungkol sa Sedus kung kaya't mas mabuti na rin na hindi muna kami magkita. Tahimik akong naglakad papuntang kwarto ngunit sadyang hindi nakikisama sa akin ang tadhana sapagkat bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang nilalang na pilit kong iniiwasan.

"Pa," usal ko saka marahang tumungo.

"Bakit ngayon ka lang?" Istriktong tanong nito kung kaya't napalunok ako saka diretso itong tiningnan.

"Marami pa akong tinapos sa opisina," pormal kong sagot na naging dahilan upang mapatango-tango ito.

"I see, magpahinga ka na," pormal na saad nito saka tumalikod sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila dinudurog ang dibdib ko dahil sa pakikitungo ni papa. Sanay ako sa ganitong pakikitungo niya, na sa bawat pagbigkas niya ng mga salita ay makakaramdam ka ng kilabot dahil sa istrikto at awtoridad na taglay nito, ngunit iba ang nilalaman ng kaniyang mga salita, hindi kilabot ang aking nararamdaman kung hindi matinding konsensiya marahil dahil iyon sa nangyari kanina.

"Pa," tawag ko kay papa kung kaya't agad itong tumigil sa paglakad at seryosong humarap sa akin.

"I just want to apologize about what happened earlier, I know I was wrong," sinsero kong sabi saka lumunok. Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon nito, mula sa pagiging strikto ay naging seryoso ito bagay na nagpatindi sa kaba ko.

"Hindi na sana maulit iyon Angelica, hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang mga sinabi mo hindi ba dapat matuwa ka dahil makakasama mo ang mama mo?" Seryoso nitong sermon kung kaya't awtomatikong nagtiim ang aking panga habang pinipigilan ang bahaguang pagkunot ng aking noo.

"Im sorry," mahinang usal ko.

"Babalik ka sa Sedus pagsapit ng bilog na buwan at sa ating dalawa ako ang masusunod!" makapangyarihang saad nito na naging dahilan upang taas noo siyang titigan. 

"But I don't want to," mahinang usal ko habang tinititigan siya sa mga mata na agad din nitong iniwasan. 

"Kailangan ka ng mama mo roo," matigas nitong sabi kung kaya't mariin akong napapikit.

"How about you? Hindi mo ba ako kailangan?" Seryoso at naluluha kong tanong na naging dahilan upang matigilan ito.

"Magpahinga ka—"

"Oh tash!—"

"Enough!" Makapangyarihang sigaw nito na naging dahilan ng aking paglunok.

"Whether you like it or not babalik tayo ng Sedus!"

"No—" mabilis kong itinikom ang aking bibig nang itaas niya ang kaniyang mga kamay na tila ba sinabing huwag ng ituloy ang aking mga sasabihin.

"I am your father so you should obey me!" Mariin nitong saad na naging dahilan ng aking pag-ngiwi.

"I am your daugther and you should protect me!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa galitna aking nararamdaman.

Hindi ko maintindihan kung ipinagpipilitan niya ako sa lugar kung saan maraming magtatangka sa buhay ko.

I am safe here! My life is more than safe here…

"Hindi ka na bata para protektahan pa!" mariin at dahan dahan niyang saad na tila ba ipinapaintindi sa akin ang mensahe ng bawat salita na kaniyang pinapakawalan na habang tumatagal ay lalo tumatarak mas malalim pa dulo ng aking laman. 

"Matulog ka na, kailangan mong magpahinga," mahinahon nitong saad saka ako tinalikuran ngunit bago pa siya lumayo ay mapait na akong tumawa na naging dahilan upang huminto ito.

"Mahal niyo ba talaga ako?" Mapait kong tanong habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata.

"You don't have any idea how much we love you Angelica."

"Then prove it! Yo-you will let me stay in this world! You will let me do what makes me happy!" mariin kong saad habang pinipigilan ang pagpiyok dahil sa bigat na aking nararamdaman. Naramdaman ko ang pagkain sa amin ng katahimikan, kapwa pareho kaming naghihintay ng mga sasabihin ng bawat isa ngunit agad akong napaayos ng tindig nang makita ko ang dahan dahang pagpihit ni papa paharap sa akin saka tinitigan ang lumuluha kong mga mata.

"Look at your self Angelica, are you really happy?" Seryosong tanong nito na naging dahilan upang matigilan ako.

"I-I am ha-happy," nauutal kong sagot na ikinangiwi nito.

"You can fool the world Angelica, but we both know that you can never fool your heart," seryosong usal nito  bago naglakad palayo sa akin na lalong nagpasikip sa dibdib ko. Kumawala ako ng isang malalim na hininga upang mabawasan ang bigat na aking nararamdaman  Tahimik akong pumasok sa aking silid saka pabagsak na humiga sa kama habang pilit na pinipigilan ang sarili na kainin ng galit at pagkamuhi. 

Pakiramdam ko ay pinaglalaruan at pinagpapasa-pasahan lamang nila ako, papaalisin kung gusto nilang paalisin at papabalikin kung gusto nilang pabalikin...

---

Matamlay akong bumangon sa kama saka dahan-dahang ikinusot ang aking mga mata na naging dahilan upang mapagtanto ko na mataas na ang sikat ng araw. Isang linggo na ang nakalipas simula noong pinagtalunan namin ni papa ang tungkol sa Sedus at sa isang linggong iyon, hindi na ako nagpakita pa sa kaniya, pilit kong inaabala ang aking sarili sa trabaho maaga kung umalis at gabing gabi na kung umuwi, sa opisina ay hindi kami nagkikita wala na rin akong balita tungkol sa kaniya bukod sa araw araw siyang pumapasok sa kompanya. Matamlay kong kinuha ang aking telepono ngunit mapait akong napangiti nang makita ko ang uri ng buwan ang aakyat mamayang gabi sa mundong ito.

Full moon…

                        [FLASHBACK]

Umiiyak kong tinititigan ang bilog na buwan, gusto ko ng umuwi ng Sedus, gusto ko ng makasama si mama. Walang oras na hindi ko hinihiling na sana ay  puntahan niya na ako rito, na sana sunduin niya na ako dahil gustong gusto ko na siyang mayakap, gustong gusto ko na siyang makasama.

"Angelica," dinig kong tawag sa akin ni Papa ngunit hindi ko ito pinansin. Nanatili lamang akong nakatitig sa buwan habang pinapakiramdaman ang paglapit nito sa akin.

"Papa," umiiyak kong usal saka humagulhol nang humagulhol.

"Gu-gusto ko ng umuwi ng Sedus. P-papa g-gusto ko ng makasama si mama! U-umuwi na tayo pa!" Nagmamakaawa kong usal saka ito nilingon at nagmamakaawang umiyak sa harapan niya.

"Uuwi rin tayo Angelica, hindi lang ngayo—"

"Pero kailan!" Naiinis kong tanong kung kaya't natigilan ito.

"Sa takdang panahon, huwag ka ng malungkot nandito naman ako—"

"Pero ayoko sa'yo!" Palahaw ko na naging dahilan upang matahimik ito.

"Gu-gusto ko kay mama! Kay mama! Kay mama lang! Ibalik mo na ako sa Sedus! Ibalik mo na ako pa! A-ayoko rito! Gu-gusto ko kay mama! Mama! Mama!" Umiiyak kpng sigaw habang pinaghampas hampas ang braso ni papa ngunit tahimik lamang itong nakaupo habang hinahayaan ang kamay ko na hampasin ang kaniyang braso hanggang sa ako na rin mismo ang napagod kung kaya't dahan dahan niyang hinaplos ang aking buhok kasabay ng marahang pagtapik sa aking ulo.

"Magpahinga ka na."

                         [END OF FLASHBACK]

    Matalim lamang akong nakatitig sa date na nakalagay sa cellphone ko.

Matagal akong nagmakaawa na kunin  niya na ako hanggang sa ako rin ang napagod, nagalit, at nasawa. Kinamumuhian ko ang planetang iyon, at kahit isang damo galing sa mundong iyon ay hindi ko na gugustuhin pang makita.

"Ms?" Bungad ni Krista sa kabilang linya nang idial ko ang number nito.

"Book me a flight to Switzerland, now," seryoso kong utos.

"No-noted ms," nag-aalangang sagot nito saka ibinaba ang tawag, nang mailapag ko ang cellphone ko sa kama ay wala na akong inaksayang oras, mabilis kong inayos ang sarili ko maging ang mga gamit na dadalhin ko. This is my only way para matakasan ko si papa. Hindi ako puwedeng sumama sa kaniya, maganda na ang buhay ko rito sa mundo ng mga tao nasisiguro kong masisira lang ito kapag bumalik ako sa Sedus. 

"Where are you going?" Istriktong tanong ni papa nang makababa ako sa hagdan kung kaya't malalim akong napasinghap ng hangin saka taas noong humarap sa kaniya.

"Somewhere out there," pormal kong sagot na ikinakunot ng noo nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay papa, hindi ko puwedeng sabihing sa opisina sapagkat batid niyang hindi na ako puwedeng pumasok lalo pa't ngayon ang alis namin, hindi ko rin puwedeng sabihing mamamasyal sapagkat batid niya rin na hindi ko ugali iyon.

"Come again?" Kunot noo nitong tanong na naging dahilan upang mapabuntong hininga ako.

"May kailangan lang akong puntahan, maybe around 3 pm nandito na ako," pagsisinungaling ko habang tinititigan ang mga mata nito. Sandali itong nakipagtitigan sa akin, tila ba inaalam kung nagsasabi ako ng totoo hanggang sa marahan nitong itinango ng ulo na naging dahilan upang marahan din akong tumungo. Hinintay ko muna ang pagtalikod nito sa akin bago ako lumabas ng bahay at nang mapasok ko ang kotse ay doon ako napasinghap ng hangin sapagkat ngayon lamang ako susuway ng ganito.

"Ms, saan po tayo?" Tanong nang driver ngunit hindi ko ito tinapunan ng attensiyon.  Tahimik lamang ako sa biyahe, bahagya na lamang akong napapikit nang may makita na naman akong paparazzi na sumusunod sa akin. Marahan kong iniwas ang aking mukha sa mga hawak nilang camera, itinuon ko ang aking attensiyon sa kabilang bintana at mahinahon kong kinuha ang telepono nang tumunog ito.

"Ms, wala ng available na flight papuntang Switzerland I suggest na gamitin niyo na lang ang private plane ng SA..." agad kong ibinaba ang tawag at batid kong alam niya na ang ibig sabihin no'n. Hindi ko puwedeng gamitin ang private plane namin sapagkat malalaman ni papa ang pag-alis ko. 

"Ms saan po tayo pupunta?" Tanong ulit nang driver kung kaya't napabuntong hininga ako.

"Office," tipid kong sagot saka iniwas ang attensiyon ko sa kaniya nang magtatangka itong magsalita. Agad akong nagsend ng message kay Krista na magpadala ng cab sa kompanya upang sunduin ako papuntang airport at nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kotse ay mabilis akong bumababa saka taas noong pumasok sa kompanya. Binalot ng gulat ang reaksiyon ng lahat, marahil hindi inaasahan ang pagpasok ko. 

"Goodmorning Ms ako ang pina—"

"I see," pigil ko sa isang driver na nagpapakilala sa akin. Maingat akong luminga-linga sa paligid saka sumakay sa cab na ipinadala ni Krista. Ilang kilometro ang layo sa amin ng NAIA, kung hindi ako nagkakamali tatlong oras ang itatagal ng biyahe. Tahimik ko lamang pinapanood ang tanawin sa labas hanggang sa nakita ko na lang si Krista na ngayon ay papatakbo palapit sa gawi namin. Nakita ko ang pagbaba ng driver na ngayon ay binubuksan ang pinto para sa akin kung kaya't taas noo akong bumaba hanggang sa bigla akong sinalubong ni Krista na ngayon ay hingal na hingal.

"Ms nagrent na lang ako ng eroplano wala talaga kasing avaiable na flight ngayon papuntang Switzerland," hingal na hingal nitong saad habang inaabot sa akin ang hawak nitong papel na agad kong kinuha. Mabilis akong naglalakad palapit sa airport habang si Krista ay salita nang salita habang sumusunod sa akin sapagkat pinapaliwanag nito ang hotel na tutuluyan ko, at kung sino ang susundo sa akin sa Switzerland.

"Have a safe trip Ms," nakangiting usal nito nang marating namin ang entrance for passengers ngunit tungo lamang ang itinugon ko rito. Taas noo akong pumasok sa airport, marami akong nakikitang paparazzi na patagong kumukuha ng pictures bagay na ikinabahala ko. Hindi ko pinansin ito, nagpatuloy lamang ako sa paglakad hanggang sa sinalubong ako ng isang lalaki na sinamahan ako papuntang airfield. Sandali akong napahinto nang makita ko ang napakalaking eroplano na mukhang handa na sa pag-alis. Muli akong nagpatuloy sa paglakad ngunit agad akong napahinto nang biglang nawala ang ilaw sa paligid. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at halos mapalunok ako nang makita kong wala ng signal, nakita ko ang pagtakbo ng ilang tao ngunit nanatili lamang akong nakatayo, tila ba may kung anong hangin ang kumukontrol sa aking katawan. Mabilis akong naglakad palapit sa eroplano, mas mabilis kaysa sa normal kong paghakbang ngunit bago ako makalapit sa aking pupuntahan ay naramdaman ko na ang napakalakas na hangin na tila ba hinihigop ang aking katawan.

"Damn it!" Inis kong sigaw nang mapagtantong palubog na ang araw at ako lamang ang nasa labas, dahan dahan kong inangat ang aking paningin at mariin na lamang akong napapikit dahil sa ilaw na sumalubong sa akin.

"Witwiw," isang nakakairitang sibol ang natanggap ng aking tenga na naging dahilan upang dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos mapamaang ako nang makita kong kulay puti ang paligid. Kunot noo kong inilibot ang aking paningin sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko ikakaila ang pagkamangha dahil sa napakagandang disenyo nito. The chairs and table are translucent while the floor was made of smooth alloy. Transparent din ang buong machine except for its bottom and top kung kaya't batid kong nasa himpapawid kami.

"Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang anak ng hara at rama hahahaha!" dinig kong litaw ng isang tinig at doon ko napagtanto na nasa harapan ko ang isang lalaki na ngayon ay matikas na nakatindig habang hawak ng kanang kamay ang ang espada nito. Taas kilay kong sinuri ang itsura nito, nakasuot ito ng long dark black coat na napapalibutan ng metalic skeleton, maybe it serves as his armour. He's also wearing metalic boots and black gloves habang ang espada nito ay nakasabit sa tagiliran bagay na ikinataas ng kilay ko.

"So who dressed you up?" Taas kilay ngunit mahinahon kong tanong habang hinuhusgahan ng tingin ang itsura nito bagay na ikinakunot ng noo nito.

"Angelica," makapangyarihang tawag ng pamilyar na boses kung kaya't seryoso ko itong tinapunan ng tingin  na naging dahilan upang makita ko si papa na ngayon ay seryosong papalapit sa amin.

"3 pm hmm," seryoso nitong usal kung kaya't napaayos ako ng tindig saka taas noong naglakad lakad.

"I lied—"

"I know but it doesn't matter. Papalagpasin ko ang ginawa mo ngayon pero pagbalik natin sa Sedus ayokong gumawa ka ng ikakagalit ko," pagbabanta nito sa akin kung kaya't umirap na lamang ako.

"Siya nga pala, Angelica siya si Lucas siya ang namumuno sa hukbong sandatahan ng Xeria," pagpapakilala ni papa sa kasama niyang lalaki ngunit hindi ko ito tinapunan ng attensiyon.

"Masaya ako at nakilala kita mahal na haleya, huwag ka sanang mahulog," nakangiti at nang-aakit nitong saad kung kaya't kunot noo akong napalingon sa kaniya na naging dahilan upang makita ko ang pagkindat ng kaniyang mga mata na ikinataas ng aking kilay.

"Noted" taas kilay kong usal ngunit binigyan niya lamang ako ng nang-aakit na tingin kung kaya't tinalikuran ko na ito.

Related chapters

  • Throne of Glass   Chapter 3

    ANGELICA POVNaramdaman ko ang mabilis na pag-alog ng aming sasakyan senyales na kami ay lumilipad na, nakaupo ako ngayon sa isang colorless na upuan habang nakalock ang mga kamay at paa ko dahil sa bilis ng pagtakbo nito. Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa bilis ng sasakyang ito, marahil ay nasanay ako sa bagal ng sasakyang pangtao. Sa bilis ng aming sasakyan ay hindi ito kakayanin ng isang normal na nilalang lamang.Kung ako na hindi pangkaraniwan ay labis na nahihirapan paano pa kaya ang tao lamang?Unti unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong gumaan na ang lahat. Bumungad sa akin ang piraso ng isang bulaklak na lumulutang sa aking harapan na naging dahilan upang bahagaya akong mapangiti ngunit agad ding napakunot nang biglang lumitaw ang isang nakangiting imahe ng lalaki at agad akong napalunok nang mapagtantong nakahawak ito sa aking mga kamay habang nakalutang"Nasaan si papa?" Seryoso ngunit mahinahon kon

    Last Updated : 2021-04-29
  • Throne of Glass   Chapter 4

    ANGELICA POVDahan-dahan akong naglalakad at sinusundan sina papa. Nakababa na ang aming sasakyan sa lupa at hangga't maari ay pilit kong binabagalan ang aking paglakad habang hinihiling na sana lumipad na ang sasakyang ito at bumalik sa mundo ng mga tao."Angelica," tawag sa akin ni papa kung kaya't tuliro akong lumingon sa kaniya at binilisan ang pagkilos sapagkat binigyan na ako nito ng makahulugang tingin."Mukhang hindi komportable ang iyong anak sa akin rama," natatawang saad ni Lucas na ngayon ay nakatingin sa akin na naging dahilan upang ayosin ko ang aking tindig at pilit na ginagawang normal ang aking mga kilos. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos ng nangyari kanina ay may mukha pa rin itong naihaharap sa akin habang ako ay nais ng magpalamon sa lupa sa tuwing nakikita ko ang presensya niya."Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko Lucas, mahaba-haba rin ang panahon ang pagtira namin sa mundo ng mga

    Last Updated : 2021-05-02
  • Throne of Glass   Chapter 5

    ANGELICA POVNanginginig kong hinahawakan ang palasong lumipad patungo sa akin habang ang aking paningin ay nanatili sa lumiliyab sa himpapawid. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha ngunit hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-liyab ng aking kaloob-looban, ang pa-garagal ng aking mga labi at panlalabo ng nanlilisik kong mga mata. Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin, doon ko nakita ang mga kawal na patakbong lumalapit sa akin ngunit nakakapagtaka sapagkat napakabagal nila para sa akin. Muli akong tumingin sa itaas, nakikita ko na ang papabagsak na apoy at nasisiguro kong tatama ito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa sandaling ito hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong marinig mula sa paligid kung hindi ang aking paghikbi, wala akong makita kung hindi ang mabagal na pagbasak ng lumiliyab na sasakyan ng aking ama, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi ang galit at sakit.Gusto kong sumig

    Last Updated : 2021-05-02
  • Throne of Glass   Chapter 6

    ANGELICA POVUnti-unti kong iminulat ang aking mga mata na naging dahilan upang bumungad sa akin ang malagintong kisame. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa pumasok na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang nangyari kay papa."Angelica anak," tawag sa akin ng pamilyar na boses ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita."Angelica may dala akong pagkain, kumain ka na muna ana—""Nahanap na ba ang katawan ni papa?" Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya kung kaya't natigilan ito."Wa..wala pang balita galing kay Lu—""Kung gano'n umalis ka na!" Malamig kong usal saka tumalikod sa kaniya at doon nagsimula ang pagkibot ng aking mga labi kung kaya'

    Last Updated : 2021-05-03
  • Throne of Glass   Chapter 7

    Angelica Pov Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama."Gusto ko ng magpahinga," malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin

    Last Updated : 2021-05-03
  • Throne of Glass   Chapter 8

    ANGELICA POV "Devashtaji isa kang taksil! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka sa binabalak mo! Haaya!" Mariin na sigaw ni Lucas at awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ko ang gigil na paghiwa ang mansanas gamit ang kaniyang espada. Napailing-iling na lamang ako sa itsura nito na animo'y may nagawang kasalanan ang masanas dahil sa talim ng titig nito."Sa wakas patay na ang kalaban! Lahat gagawin oo para sa Xeria! para sa Xeria! hahahahaha! Siya nga pala mansanas para sa'yo mahal na haleya," natutuwang ani nito habang iniaabot sa akin ang piraso ng mansanas na marahan kong inabot."Palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo tinanggihan ang trono? Kung nasaktan ka dahil sa sinabi ng mga konsil—""Angelica!" Hindi na naituloy ni Lucas ang

    Last Updated : 2021-05-04
  • Throne of Glass   Chapter 9

    ANGELICA POV Taas noo akong naglalakad papasok ng palasyo habang binabalelwala ang higpit ng posas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa paraan ng pagtitig ng mga nilalang na aking nadadaanan, mukhang nakarating na sa kanila ang mainit na balita na nagpapalisik sa kanilang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa kanilang reaksyon, sinong mag-aakala na ganito kabilis kumalat ang isang balita kahit walang teknolohiya, kamangha-mangha."Bigay pugay!" dinig kong sigaw ng isang kawal nang marating ko ang napakalaking pintuan na dahan-dahang bumubukas kung kaya't taas noo akong tumindig saka maawtoridad na naglakad papunta sa gitna ng bulwagan. Hindi ko itinungo ang aking ulo simula noong marating ko ang palasyo. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, paparusahan at linabag ko ang sinasamba nilang b

    Last Updated : 2021-05-26
  • Throne of Glass   Chapter 1

    ANGELICA POV"Stunning""Fearless!""Elegance!""Brilliance!""And class!""These are the few words that will give a justice to the one and only Angelica San Andres.""San Andres is the President and CEO of SA Corporation and one of the leading entrepreneur in the modern history. And today in Probes Show she will share her experiences on being one of the top executives of a leading company and, she will also give us some advice specially for those entrepreneurs who are starting out! good day Ms. Angelica.""Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver na marahan kong tinanguan. Diretso lamang ang aking paningin habang patuloy na pinapakinggan ang radyo kung saan ipinapakilala ako. My name is all over the world, I have fame, money, I have everything but it never satisfy me. Malalim na lamang akong napabuntong hininga dahil sa paglalaro ng aking isipan at nang maramdaman

    Last Updated : 2021-04-29

Latest chapter

  • Throne of Glass   Chapter 2

    ANGELICA POVMalalim na ang gabi kung kaya't napagdesisyonan kong umuwi na lamang sa bahay. Matapos ang nangyari sa amin ni papa kanina ay hindi ko na alam kung paano pa ito haharapin. Pakiramdam ko ay sumobra ang pakikitungo ko sa kaniya."Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver kung kaya't natigil ako sa pag-iisip saka sumilip sa bintana, agad akong pinagbuksan ng isa naming tauhan kung kaya't taas noo akong naglakad papasok ng bahay. Binilisan ko ang aking paglalakad paakyat ng hagdan upang hindi na makasalubong pa si papa. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa pakikitungo ko kanina at sigurado akong kukulitin niya lamang ako tungkol sa Sedus kung kaya't mas mabuti na rin na hindi muna kami magkita. Tahimik akong naglakad papuntang kwarto ngunit sadyang hindi nakikisama sa akin ang tadhana sapagkat bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang nilalang na pilit kong iniiwasan."Pa," usal ko saka marahang tumungo.

  • Throne of Glass   Chapter 1

    ANGELICA POV"Stunning""Fearless!""Elegance!""Brilliance!""And class!""These are the few words that will give a justice to the one and only Angelica San Andres.""San Andres is the President and CEO of SA Corporation and one of the leading entrepreneur in the modern history. And today in Probes Show she will share her experiences on being one of the top executives of a leading company and, she will also give us some advice specially for those entrepreneurs who are starting out! good day Ms. Angelica.""Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver na marahan kong tinanguan. Diretso lamang ang aking paningin habang patuloy na pinapakinggan ang radyo kung saan ipinapakilala ako. My name is all over the world, I have fame, money, I have everything but it never satisfy me. Malalim na lamang akong napabuntong hininga dahil sa paglalaro ng aking isipan at nang maramdaman

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status