Angelica Pov
Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama.
"Gusto ko ng magpahinga," malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin ng mga ito, taas noo na akong tumalikod sa kanila sapagkat hindi ko na kakayanin ang susunod na eksena. Kinamumuhian ko ang mga nilalang na iyon at lalo lamang umuusbong ang galit ko habang pinapakinggan ang iyak at hagulhol nila. Malalim akong napasinghap ng hangin upang mabawasan ang naninikip kong dibdib saka taas noong naglakad sa pasilyo ng palasyo hanggang sa mapansin ko ang napakalaki at kumikinang na diyamante na tila ba nagmimistulang chandelier ng palasyo.
"Mahal na haleya!" Natigil ako sa pag-iisip nang lumitaw ang pamilyar na tinig.
"Bakit nandito ka? Ang akala ko ay nagpapahinga ka na? Hinahanap mo ba ako?" Sunod sunod na tanong nito nang makalapit sa akon kung kaya't napabuntong hininga ako. Tila ba pinagsisisihan ko na tumayo lang ako rito, sana ay naglakad na ako papunta sa aking silid upang hindi na ako naabutan ng kawal na ito.
"Bakit hindi ka makasagot haleya? Ha! Siguro inaalala mo ang nangyari sa atin? Noong ninakawan mo ako ng halik at yakap? Tsk! Kalimutan mo na 'yon haleya ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad dahil hindi ko masusuklian ang pagtingin mo, may iba akong gusto," mayabang na saad nito na naging dahilan upang mapaawang ang bibig ko. Saan ba nanggagaling ang mga sinasabi ng lalaking ito?...
Hinayaan ko lamang itong magsalita, wala akong panahon para patulan ang walang sustansiya nitong mga kuwento kung kaya't taas noo akong naglakad palayo kay Lucas ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay bigla nitong hinawakan ang aking kamay saka marahang hinila.
"A-ano ba!" Asik ko ngunit hindi niya ako pinagtuunan ng pansin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang ikalas ang aking mga kamay sa pagkakahawak niya, hindi ito mahigpit at maari ko itong bawiin ngunit hindi ko magawa. Hinahayaan ko lamang siyang hilahin ako sa kung saan habang siya ay walang tigil sa pagsasalita, bawat kawal na madaanan namin ay ipinapakilala niya ngunit karamihan sa mga ibinabahagi niya ay puro kahanginan lamang.
"Saan ba tayo pupunta?!"
"Sa lugar na mas maganda sa'yo" seryosong usal nito saka ako binigyan ng nangtutuksong tingin kung kaya't awtomatikong tumaas ang aking kilay. Naglakad lamang kami nang naglakad hanggang sa marating namin ang napakalaking pintuan. Muli kong tinapunan ng tingin ang kamay ni Lucas na ngayon ay nakahawak sa aking kamay, habang tumatagal ay iba ang nararamdaman ng katawan ko, tila ba may kuryenteng dumadaloy sa aking ugat na nagpapabilis ng tibok ng aking puso.
Tuliro kong iniwas ang aking mga mata na naging dahilan upang mapagtanto kong nasa labas na kami ng palasyo. Halos mapamaang ako dahil sa bumungad sa aking tanawin. Nakahilera sa kaliwa't kanan ang kulay puting puno na may maliliit na bulaklak na naging dahilan upang tumingkad ang ganda nito. Sa paglilibot ng aking tingin ay napako ang attensiyon ko sa batis kung saan madalas akong maglaro noon. Ngayon ko na lang ulit napakinggan ang tunog ng agos nito kung kaya't taas noo akong lumapit sa tubig at bahagya na lamang akong napangiti nang makita ko ang repleksiyon ng aking sarili. Tunay na nakakagaan ng loob ang kagandahan ng batis na ito... Napangiti ako nang makita ko ang maliliit at kumikinang na diyamante sa tubig hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang ilang corals at ilang makukulay na bato na nagmimistulang disenyo sa napakalinaw na batis.
"Sabi ng hara madalas ka raw maligo rito," dinig kong saad ni Lucas ngunit hindi ko ito pinansin. Nanatili lamang ang aking attensiyon sa tubig na umaagos ngayon, tahimik akong naglakad lakad hanggang sa marating ko ang napakalaking tulay na gawa sa kahoy ngunit pinalilibutan ng halaman na may lilang bulaklak.
Napakaganda...
Taas noo kong nilakad ang tulay hanggang sa marating ko ang kabilang dulo. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang lumuwag at gumaan ang pakiramdam ko dahil sa tanawing nakikita ko. Maraming magagandang ala-ala ang lugar na ito mga ala-ala na sana hindi na lang nangyari noon. Malalim akong napasinghap ng hangin saka tinitigan ang napakalaking gate na nasa aking harapan, kung hindi ako nagkakamali ay ito na ang hangganan ng palasyo.
"Lalabas pa ba tayo mahal na haleya?" Tanong ni Lucas kung kaya't marahan akong tumango. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkamot ng ulo nito ngunit hindi ko na pinansin, baka mag-umpisa na naman siya sa mga kahanginan niyang hindi naman kailangan sa usapan. Nakita ko ang pagsenyas nito sa mga kawal na naging dahilan upang dahan dahan itong bumukas at inuluwa nito ang mas mayayabong at iba't ibang kulay na puno ngunit awtomatiko akong napalayo nang sumalubong sa amin ang isang napakalaking tigre.
"Lilia! Hahahaha!" masiglang tawag ni Lucas na ikinakunot ng noo ko. Pinanood ko ang pagyakap ni Lucas sa tigre na ngayon ay dinidilaan ang kaniyang mukha, halos mapaawang ang labi ko dahil sa ginagawa ng mga ito.
"Mahal na haleya siya si Lilia hahaha Lilia siya ang mahal na haleya anak siya ng hara kaya magbigay pugay ka," pagkakausap nito sa tigre na habang hinihimas ang ulo nito ngunit napapalunok akong napaatras nang dahan dahang lumalapit sa akin ang tigre habang ibinubuka ang kaniyang bibig.
"Lucas ilayo mo ang hayop na 'to sa akin," seryoso kong usal habang ang aking paningin ay nanitili sa tigre, ngunit kumunot ang noo ko nang huminto ito saka dahan dahang itinungo ang kaniyang ulo na tila ba nagbibigay pugay sa akin.
"Huwag kang matakot kay Lilia mahal na haleya dahil mas mabangis ka kaysa sa kahit anong hayop," mayabang na saad nito saka tumawa kung kaya't napairap ako. Tahimik akong naglalakad habang pinagmamasdan ang paligid, habang si Lucas ay walamg tigil sa pagkausap sa kaniyang tigre na tila ba sasagutin siya nito.
"Lilia mabuti na lang at nandito ka kung hindi baka pagsamantalahan na ako ng kasama ko haa! alam mo naman ang mukha ko ay para lang sa'yo Lilia mahal ko," dinig kong ani nito saka inakbayan ng tigre na ikinairap ko. Wala bang mental hospital dito or kahit rehabiletation center? Mukhang malala na ang isang ito... Nagpatuloy lamang ako sa paglakad hanggang sa bumungad sa akin ang napakaraming nilalang na abala sa kaniya kaniyang gawain, ang iba ay abala sa pagtitinda ng prutas at gulay. May mga tumatakbo, ang iba ay kumpol-kumpol na nag-uusap, habang ang mga bata ay naglalaro at ang iba ay nag bubuhat ng kung ano ano. Bago para sa akin ang nakikita ko ngayon, palibhasa'y noong bata ako ay nakulong lamang ako sa palasyo at sa mundo ng mga tao ay sa negosyo lamang umiikot ang buhay ko.
"Alam mo mahal na haleya kung hindi mo naitatanong ako ang may pinakamakisig at pinakamagandang mukha dito sa Xeria kaya maraming babaeng naghahabol sa akin," pagmamayabang ni Lucas habang kinakawayan ang mga babaeng tumitili sa kaniya.
"Nakita mo? Ganito ako kasikat walang araw na hindi ako dinudumog ng mga babae rito," mayabang pang dagdag nito na ikinangiwi ko. Totoong marami ang tumitili sa kaniya, halos nasa amin ang attensiyon ng lahat ngunit wala sa kalahati ng tagahanga niya ang mga paparazzi na sumusunod sa akin, mga taong humahanga sa akin, at mga balita na pumupuri sa akim.
"Wala ka na bang ibang sasabihin kung hindi ang tungkol sa mukha mo?" Seryoso kong tanong kung kaya't natigilan ito.
"Tapat at mapagkumbaba rin ako," nakangiti nitong saad saka ikinindat ang kaniyang mata na naging dahilan upang mapairap ako.
"Pasensiya na talaga 'yan lang muna ang makakayanan ko mahina ang ben—"
"Hindi puwede kailangan nating sumunod magbayad ka ng buwis kung ayaw mong maparusahan!" Naagaw ang attensiyon ko ng dalawang nilalang na ngayon ay may tila hindi napagkakasunduan. Sandali akong huminto at pinanood ang kanilang pag-uusal at bahagyang kumunot ang aking noo nang makita ko ang mga payat na bata na ngayon at nagtatago sa likod ng babae, makikita sa mga itsura nila na takot na takot ngunit pilit na itinatago.
"Hindi ba puwedeng prutas na lang muna ang ibayad ko? Pasensiya na walang wala tala—"
"Pasensiya na rin pero kung wala kayong maibigay ng buwis, sa kulungan ang bagsak mo!" Sigaw ng lalaki na tila ba walang pakialam kung marami ang makarinig sa kaniya, napahagulhol na lamang ang babae dahil sa kahihiyang sinasapit niya ngayon habang ang iba ay pilit na isinasawalang bahala ang mga nangyayari.
"Kailangan na nating bumalik mahal na haleya," sabat ni Lucas na ngayon ay hinihila na ako palayo sa lugar na iyon.
"Bakit hindi na lang pabigyan ang babaeng iyon?" Wala sa sariling usal ko habang pabalik kami sa palasyo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ipahiya ang babaeng iyon?
"Ang batas ay batas mahal na haleya kailangan nating sumunod sa nakasulat," seryosong usal ni Lucas na ikinakunot ng noo ko ngunit hindi ko na pinatulan pa. Tahimik na lamang kami ni Lucas hanggang sa mapasok namin ang palasyo. Nais niya pa sana akong ihatid sa silid ngunit hindi na ako pumayag pa sapagkat narinig kong ipinatatawag na siya ng hara, muli akong naglakad lakad sa pasilyo hanggang sa huminto ako nang marinig ko ang usapan patungkol sa akin.
"Mahal na hara ilang araw nang nananatili sa Sedus ang haleya pero wala pa rin siyang napapatunayan!" dinig kong asik ng pamilyar na boses na naging dahilan upang mapakunot ang noo ko saka taas noong naglakad papasok sa isang silid na kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang bulwagan.
"Angelica anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong ng hara ngunit tinitigan ko lamang ito saka inayos ang tindig at taas noong inilibot ang aking paningin.
"Mahal na haleya" biglang tawag ni Lucas na ngayon ay nasa tabi ko na na tila ba inaaya akong umalis ngunit iniwas ko sa kaniya ang aking attensyon at itinuon iyon sa iba pang nilalang na nandito ngayon.
"Angelica sumama ka muna kay Lucas," mahinahon ngunit nagpipigil na saad ng hara ngunit pagtitig lamang ang iginanti ko sa kanya.
"Mawalang galang na mahal na hara ngunit hindi ba't mas makabubuti kung pag-usapan natin ito habang nandito ang haleya," biglang sabat ng isang konsilyo na naging dahilan upang taas noo ko itong tinapunan ng tingin.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para jan Sandi," seryosong sagot ng hara bago bumuntong hininga.
"Kailan pa mahal na hara? Nagpapahayag na ng mga senyales ang mga aktibista kung kaya't dapat lang na alam ng haleya ang tungkulin niya dito sa Xeria!" Seryoso at makapangyarihang saad ni Sandi na naging dahilan upang bahagyang mapakunot ang noo ko.
"Mahal na haleya," dinig kong bulong ni Lucas ngunit nanatili ang aking paningin sa mga konsilyo, isa isa ko silang tinapunan ng tingin hanggang sa dumapo ito sa konsilyo na nakausap ko kanina. Kakatwang kanina ay sakrastiko ang kanyang mukha ngunit ngayon ay tila ba may malaki akong kasalanang nagawa dahil sa seryosong itsura niya.
"Angelica sumunod ka na kay Lucas," seryosong sabat ng hara kung kaya't taas noo ko itong tiningala.
"Gusto kong marinig ang mga sasabihin nila," seryoso kong saad na naging dahilan upang umawang ang labi nito.
"Angelica," dismayadong tawag nito ngunit iniwas ko na ang mga mata ko rito at itinuon ulit iyon sa mga konsilyo.
"Kailangan mo ng humarap sa Xeria bilang susunod na tagapagmana ng iyong ina," seryosong saad ni Sandi na naging dahilan upang taas noo ko itong nilingon.
"Paumanhin sa aking sasabihin mahal na hara, mahal na haleya ngunit alam namin na nagluluksa ka pa sa pagkawala ng iyong ama pero hindi ito sapat na dahilan para makalimutan mo ang tungkulin mo rito sa Xeria! Kung tutuusin ay hindi namin nakikita sa'yo ang katangian bilang isang hara! Wala kaming nakikitang bakas ng magandang kinabukasan sa Xeria dahil sa mga kilos ng haleya!" Seryoso at punong- puno ang awtoridad na sabi ng isang miyembro ng konsilyo na nagdala ng matinding kirot sa dibdib ko kasabay ng kilabot dahil sa boses nitong buong buo.
"Heran!" Saway ng hara ngunit tumungo lamang ito habang ako ay nanatiling nakataas ang noo at pilit na tinitigasan ang aking sarili dahil sa mga panghuhusgang natatanggap ko mula sa mga konsilyo.
"Mahal na hara paumanhin ngunit bilang konsilyo ng Xeria ay nararapat lang na ihanda na ngayon mismo ang haleya lalo pa't may banta na galing sa mga aktisbista! Nangangamba na ang mga Xerian dahil sa haleya kung magpapatuloy ito baka panahon na para ilipat sa ibang dugo ang trono," sabat naman ng isa.
"Hindi maari!" Mariing sabat ng hara na ikinagulat naming lahat.
"Gagawin ng aking anak ang lahat para maging karapat dapat sa trono," makapangyarihang saad ng hara na naging dahilan upang mapalunok ako.
"Sa ngalan ng aking namayapang asawa at sa aming nga ninuno, naniniwala ako na ang anak ko na si Angelica ang magbabalik ng kapayapaan sa Sedus, at walang ibang karapat-dapat sa trono kung hindi siya!"
"Ano ba ang napatunayan ng haleya mahal na hara? Hindi sapat na dugo mo ang nananalaytay sa kaniya! Kulang ang kaniyang abilidad! Pag-iisip! At katangian! Ano na lang ang maipagmamalaki niya mahal na hara! Ang dugong nananalaytay sa kaniya!" Biglang sabat ni Heran kung kaya't taas noo akong suminghap ng hangin habang tumitiim ang panga dahil sa masasakit na salitang natatanggap ko ngayon. .
"Mawalang galang na Heran! Wala kayong karapatan upang bastusin ang aking anak dito mismo sa harapan ko!" Galit na sabat ng hara kung kaya't kuyom noo akong napalunok habang napatungo na lamang si Heran at ang iba ay diretso at seryoso lamang ang paningin.
"Ang anak ko ang susunod na hara ng Xeria at magiging tagapangasiwa ng Sedus hindi iyon dahil sa dugong mayroon siya kung hindi dahil gagawssiya ng sariling pangalan niya! Magtiwala lamang tayo sa kaniya," makapangyarihang dagdag ng hara habang tinititigan ang aking mga mata na taas noo kong nilalabanan. Nakaramdam ako ng matinding kuryente sa katawan habang umuusbong ang kaba sa aking dibdib, buong buo ang boses ng hara na tila ba siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya at tila ba walang sino man ang pwedeng bumuwag at kumontra.
"Paumanhin mahal na hara ngunit maari ba naming kunin ang kompirmasyon ng haleya," sabat naman ni Safir na naging dahilan upang mapunta sa kaniya ang attensiyon naming lahat. Taas noo kong inilibot ang aking paningin, pakiramdam ko ay naubos na ang lakas ko sapagkat hindi na ako makapagsalita. Nasa akin na ang attensyon ng lahat, ngunit itinuon ko na ang paningin ko sa hara na ngayon ay nakikita ko ang pag-asa na magugustahan niya ang bibigkasin kong salita.
"Hindi ako magiging hara ng Xeria! Dito magtatapos ang usapan!" Makapangyarihan kong saad marahang tumungo bago taas noong tinalikuran ang lahat.
ANGELICA POV "Devashtaji isa kang taksil! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka sa binabalak mo! Haaya!" Mariin na sigaw ni Lucas at awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ko ang gigil na paghiwa ang mansanas gamit ang kaniyang espada. Napailing-iling na lamang ako sa itsura nito na animo'y may nagawang kasalanan ang masanas dahil sa talim ng titig nito."Sa wakas patay na ang kalaban! Lahat gagawin oo para sa Xeria! para sa Xeria! hahahahaha! Siya nga pala mansanas para sa'yo mahal na haleya," natutuwang ani nito habang iniaabot sa akin ang piraso ng mansanas na marahan kong inabot."Palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo tinanggihan ang trono? Kung nasaktan ka dahil sa sinabi ng mga konsil—""Angelica!" Hindi na naituloy ni Lucas ang
ANGELICA POV Taas noo akong naglalakad papasok ng palasyo habang binabalelwala ang higpit ng posas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa paraan ng pagtitig ng mga nilalang na aking nadadaanan, mukhang nakarating na sa kanila ang mainit na balita na nagpapalisik sa kanilang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa kanilang reaksyon, sinong mag-aakala na ganito kabilis kumalat ang isang balita kahit walang teknolohiya, kamangha-mangha."Bigay pugay!" dinig kong sigaw ng isang kawal nang marating ko ang napakalaking pintuan na dahan-dahang bumubukas kung kaya't taas noo akong tumindig saka maawtoridad na naglakad papunta sa gitna ng bulwagan. Hindi ko itinungo ang aking ulo simula noong marating ko ang palasyo. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, paparusahan at linabag ko ang sinasamba nilang b
ANGELICA POV"Stunning""Fearless!""Elegance!""Brilliance!""And class!""These are the few words that will give a justice to the one and only Angelica San Andres.""San Andres is the President and CEO of SA Corporation and one of the leading entrepreneur in the modern history. And today in Probes Show she will share her experiences on being one of the top executives of a leading company and, she will also give us some advice specially for those entrepreneurs who are starting out! good day Ms. Angelica.""Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver na marahan kong tinanguan. Diretso lamang ang aking paningin habang patuloy na pinapakinggan ang radyo kung saan ipinapakilala ako. My name is all over the world, I have fame, money, I have everything but it never satisfy me. Malalim na lamang akong napabuntong hininga dahil sa paglalaro ng aking isipan at nang maramdaman
ANGELICA POVMalalim na ang gabi kung kaya't napagdesisyonan kong umuwi na lamang sa bahay. Matapos ang nangyari sa amin ni papa kanina ay hindi ko na alam kung paano pa ito haharapin. Pakiramdam ko ay sumobra ang pakikitungo ko sa kaniya."Ms nandito na po tayo," dinig kong saad ng driver kung kaya't natigil ako sa pag-iisip saka sumilip sa bintana, agad akong pinagbuksan ng isa naming tauhan kung kaya't taas noo akong naglakad papasok ng bahay. Binilisan ko ang aking paglalakad paakyat ng hagdan upang hindi na makasalubong pa si papa. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil sa pakikitungo ko kanina at sigurado akong kukulitin niya lamang ako tungkol sa Sedus kung kaya't mas mabuti na rin na hindi muna kami magkita. Tahimik akong naglakad papuntang kwarto ngunit sadyang hindi nakikisama sa akin ang tadhana sapagkat bumukas ang isang pinto at iniluwa nito ang nilalang na pilit kong iniiwasan."Pa," usal ko saka marahang tumungo.
ANGELICA POVNaramdaman ko ang mabilis na pag-alog ng aming sasakyan senyales na kami ay lumilipad na, nakaupo ako ngayon sa isang colorless na upuan habang nakalock ang mga kamay at paa ko dahil sa bilis ng pagtakbo nito. Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa bilis ng sasakyang ito, marahil ay nasanay ako sa bagal ng sasakyang pangtao. Sa bilis ng aming sasakyan ay hindi ito kakayanin ng isang normal na nilalang lamang.Kung ako na hindi pangkaraniwan ay labis na nahihirapan paano pa kaya ang tao lamang?Unti unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong gumaan na ang lahat. Bumungad sa akin ang piraso ng isang bulaklak na lumulutang sa aking harapan na naging dahilan upang bahagaya akong mapangiti ngunit agad ding napakunot nang biglang lumitaw ang isang nakangiting imahe ng lalaki at agad akong napalunok nang mapagtantong nakahawak ito sa aking mga kamay habang nakalutang"Nasaan si papa?" Seryoso ngunit mahinahon kon
ANGELICA POVDahan-dahan akong naglalakad at sinusundan sina papa. Nakababa na ang aming sasakyan sa lupa at hangga't maari ay pilit kong binabagalan ang aking paglakad habang hinihiling na sana lumipad na ang sasakyang ito at bumalik sa mundo ng mga tao."Angelica," tawag sa akin ni papa kung kaya't tuliro akong lumingon sa kaniya at binilisan ang pagkilos sapagkat binigyan na ako nito ng makahulugang tingin."Mukhang hindi komportable ang iyong anak sa akin rama," natatawang saad ni Lucas na ngayon ay nakatingin sa akin na naging dahilan upang ayosin ko ang aking tindig at pilit na ginagawang normal ang aking mga kilos. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos ng nangyari kanina ay may mukha pa rin itong naihaharap sa akin habang ako ay nais ng magpalamon sa lupa sa tuwing nakikita ko ang presensya niya."Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko Lucas, mahaba-haba rin ang panahon ang pagtira namin sa mundo ng mga
ANGELICA POVNanginginig kong hinahawakan ang palasong lumipad patungo sa akin habang ang aking paningin ay nanatili sa lumiliyab sa himpapawid. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha ngunit hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-liyab ng aking kaloob-looban, ang pa-garagal ng aking mga labi at panlalabo ng nanlilisik kong mga mata. Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin, doon ko nakita ang mga kawal na patakbong lumalapit sa akin ngunit nakakapagtaka sapagkat napakabagal nila para sa akin. Muli akong tumingin sa itaas, nakikita ko na ang papabagsak na apoy at nasisiguro kong tatama ito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa sandaling ito hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong marinig mula sa paligid kung hindi ang aking paghikbi, wala akong makita kung hindi ang mabagal na pagbasak ng lumiliyab na sasakyan ng aking ama, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi ang galit at sakit.Gusto kong sumig
ANGELICA POVUnti-unti kong iminulat ang aking mga mata na naging dahilan upang bumungad sa akin ang malagintong kisame. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa pumasok na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang nangyari kay papa."Angelica anak," tawag sa akin ng pamilyar na boses ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita."Angelica may dala akong pagkain, kumain ka na muna ana—""Nahanap na ba ang katawan ni papa?" Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya kung kaya't natigilan ito."Wa..wala pang balita galing kay Lu—""Kung gano'n umalis ka na!" Malamig kong usal saka tumalikod sa kaniya at doon nagsimula ang pagkibot ng aking mga labi kung kaya'

Angelica Pov Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama."Gusto ko ng magpahinga," malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin