Chapter: Chapter 9ANGELICA POV Taas noo akong naglalakad papasok ng palasyo habang binabalelwala ang higpit ng posas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa paraan ng pagtitig ng mga nilalang na aking nadadaanan, mukhang nakarating na sa kanila ang mainit na balita na nagpapalisik sa kanilang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa kanilang reaksyon, sinong mag-aakala na ganito kabilis kumalat ang isang balita kahit walang teknolohiya, kamangha-mangha."Bigay pugay!" dinig kong sigaw ng isang kawal nang marating ko ang napakalaking pintuan na dahan-dahang bumubukas kung kaya't taas noo akong tumindig saka maawtoridad na naglakad papunta sa gitna ng bulwagan. Hindi ko itinungo ang aking ulo simula noong marating ko ang palasyo. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, paparusahan at linabag ko ang sinasamba nilang b
Last Updated: 2021-05-26
Chapter: Chapter 8ANGELICA POV "Devashtaji isa kang taksil! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka sa binabalak mo! Haaya!" Mariin na sigaw ni Lucas at awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ko ang gigil na paghiwa ang mansanas gamit ang kaniyang espada. Napailing-iling na lamang ako sa itsura nito na animo'y may nagawang kasalanan ang masanas dahil sa talim ng titig nito."Sa wakas patay na ang kalaban! Lahat gagawin oo para sa Xeria! para sa Xeria! hahahahaha! Siya nga pala mansanas para sa'yo mahal na haleya," natutuwang ani nito habang iniaabot sa akin ang piraso ng mansanas na marahan kong inabot."Palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo tinanggihan ang trono? Kung nasaktan ka dahil sa sinabi ng mga konsil—""Angelica!" Hindi na naituloy ni Lucas ang
Last Updated: 2021-05-04
Chapter: Chapter 7Angelica Pov Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama."Gusto ko ng magpahinga," malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin
Last Updated: 2021-05-03
Chapter: Chapter 6ANGELICA POVUnti-unti kong iminulat ang aking mga mata na naging dahilan upang bumungad sa akin ang malagintong kisame. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa pumasok na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang nangyari kay papa."Angelica anak," tawag sa akin ng pamilyar na boses ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita."Angelica may dala akong pagkain, kumain ka na muna ana—""Nahanap na ba ang katawan ni papa?" Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya kung kaya't natigilan ito."Wa..wala pang balita galing kay Lu—""Kung gano'n umalis ka na!" Malamig kong usal saka tumalikod sa kaniya at doon nagsimula ang pagkibot ng aking mga labi kung kaya'
Last Updated: 2021-05-03
Chapter: Chapter 5ANGELICA POVNanginginig kong hinahawakan ang palasong lumipad patungo sa akin habang ang aking paningin ay nanatili sa lumiliyab sa himpapawid. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha ngunit hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-liyab ng aking kaloob-looban, ang pa-garagal ng aking mga labi at panlalabo ng nanlilisik kong mga mata. Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin, doon ko nakita ang mga kawal na patakbong lumalapit sa akin ngunit nakakapagtaka sapagkat napakabagal nila para sa akin. Muli akong tumingin sa itaas, nakikita ko na ang papabagsak na apoy at nasisiguro kong tatama ito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa sandaling ito hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong marinig mula sa paligid kung hindi ang aking paghikbi, wala akong makita kung hindi ang mabagal na pagbasak ng lumiliyab na sasakyan ng aking ama, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi ang galit at sakit.Gusto kong sumig
Last Updated: 2021-05-02
Chapter: Chapter 4ANGELICA POVDahan-dahan akong naglalakad at sinusundan sina papa. Nakababa na ang aming sasakyan sa lupa at hangga't maari ay pilit kong binabagalan ang aking paglakad habang hinihiling na sana lumipad na ang sasakyang ito at bumalik sa mundo ng mga tao."Angelica," tawag sa akin ni papa kung kaya't tuliro akong lumingon sa kaniya at binilisan ang pagkilos sapagkat binigyan na ako nito ng makahulugang tingin."Mukhang hindi komportable ang iyong anak sa akin rama," natatawang saad ni Lucas na ngayon ay nakatingin sa akin na naging dahilan upang ayosin ko ang aking tindig at pilit na ginagawang normal ang aking mga kilos. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos ng nangyari kanina ay may mukha pa rin itong naihaharap sa akin habang ako ay nais ng magpalamon sa lupa sa tuwing nakikita ko ang presensya niya."Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko Lucas, mahaba-haba rin ang panahon ang pagtira namin sa mundo ng mga
Last Updated: 2021-05-02