“S-SALAMAT! Maraming salamat po!” nauutal at umiiyak na sabi ni Jonathan De Guzman kay Mr.Keiron Kent Devaux habang siya ay nakaluhod. Paulit-ulit niya itong sinasabi dahil alam niyang hindi sasapat ang pasasalamat sa kabutihang ginawa nito sa kaniya.
“Huwag mo akong basta pasalamatan lamang Mr.De Guzman dahil iyon ay may kapalit,” natigilan ang lalaki sa kaniyang pag-iyak at unti-unti siyang napatingin sa kaniyang kausap. Sumalubong sa kaniya ang mga matang ma-awtoridad pero kita parin niya ang lungkot sa mga mata nito.
“Get up.”
Agad na nagmadaling tumayo ang lalaki dahil sa sinabi nito at pinunasan ang kaniyang luha. “I want your daughter to marry my first son,” napatayo nang maayos ang lalaki dahil sa sinabi nito sa kaniya, nagsimula nang gumulo ang utak niya dahil sa kundisyon nito sa kaniya.
“B-but I want my daughter to live a life she wants,”
“I know,” napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”
“Alam ko ang nararamdaman mo, pero alam ko ‘rin na mamahalin nang anak ko ang anak mo,”
Muli ay napakunot ang noo ng lalaki dahil sa sinabi nito, ang hindi niya maintindihan ay kung paano nakakasigurado si Mr.Devaux na magugustuhan nang anak nito ang anak niya.
“Maniwala ka saakin,” Muli ay hindi nakasagot ang lalaki dahil doon, una palang ay napagusapan na nilang mag-asawa na wag nilang kokontrolin ang anak at bibigyan ito nang sariling pagpapasya na may kasamang pag-gabay. Napabuntong hininga si Mr.Devaux dahil sa nakikita niyang expression nang lalaki, alam niya ang tumatakbo sa isip nito dahil tulad nito ay ama din siya nang isang babae.
“Look, alam ko ang gusto mo para sa anak mo pero hindi mo ba nakikita na maaaring magkaroon nang magandang kinabukasan ang iyong anak kung sakaling silang dalawa nang anak ko ang magkakatuluyan?”
Napaisip ang lalaki dahil sa sinabi nito at naisip niya na tama nga ito ngunit nangako siya sa kaniyang asawa at ayaw niyang baliin iyon. “Nangako ako sa asawa ko na aalagaan ko nang mabuti si Sabrina,” naguguluhan na sabi nang lalaki sa kaniya na ikinatango naman ni Mr.Devaux.
“Alam ko at nangako din ako sa asawa ko na aalagaan ko ang mga anak ko,” napatitig ang lalaki sa mata ni Mr.Devaux dahil doon dahil alam niya ang kwento nang pamilya nila dahil sa isa itong sikat na business man in the world.
“Ama ako nang tatlong mga bata at madadagdagan pa ito nang dalawa pa ngayong araw mismo. Isa doon ay babae ‘rin katulad nang anak mo at katulad nang pananaw niyong mag-asawa ay alam kong ganon din ang gugustuhin nang asawa ko. Hindi ‘man kami nakapagplano nang maayos mag-asawa para sa future nang mga anak namin ay alam kong susuportahan niya ako sa kahit na anong desisyon ko para sa kanila,”
Natahimik ang lalaki dahil sa sinabi nito sa kaniya at maya-maya pa ay unti-unti na itong tumango kay Mr.Devaux “Pumapayag na ako,” nabuhayan si Mr.Devaux dahil sa sagot sa kaniya nang lalaki.
“Pumapayag na ako na ikasal ang anak ko sa anak mo pero sa isang kondisyon,” napaseryoso naman si Mr.Devaux dahil sa sinasabi nito. “Sixteen, at the age of sixteen legal age na niya iyon sa states. I want her to raised there to moved on. Sa edad niyang sixteen saka niya maaaring pakasalan ang anak ko bago iyon ay hayaan muna natin siyang mamuhay nang malaya,” Agad na napatango si Mr.Devaux dahil sa gusto nitong kondisyon.
“At the age of sixteen, deal?” Iniangat ni Mr.Devaux ang kamay niya upang makipag shake hands dito tanda nang kanilang pakikipag sunduan. Tinignan niya iyon dahil hindi niya inaasahan na sa dinami-daming tao sa mundo ay ang pinakang kilalang tao sa mundo pa ang ipagkakasundo sa kaniya nang panginoon. Maya-maya pa ay hinawakan na niya ang kamay nito at nakipag shake hands dito.
“Deal,”
***
MAKALIPAS ang mahabang panahon lumaki si Sabrina De Guman nang isang maganda, matalino at masunuring bata. Si Sabrina ay mayroong paninindigan sa kaniyang mga desisyon sa buhay at siya rin ay natuto sa batang edad na mag-isip na tila isang matanda na siguro ay marahil kinagisnan niya kausap ang mga may edad na at deretsyo kung magsalita.
Kahit na lumaki sa ibang bansa ay kaya paring magtagalog ni Sabrina dahil tinuruan siya ng kaniyang mga ama at mga kasambahay. Lahat sila ay taga Pilipinas ngunit nag-migrate lamang sa ibang bansa matapos mamatay nang asawa ni Mr.Jonathan De Guzman na si Mrs.Maria De Guzman.
“Daddy where we going?” yan agad ang salubong ni Sabrina sa kaniyang ama nang siya ay makababa nang hagdan. Nakita niya ang kaniyang ama na nasa kusina at nakaupo sa gitnang upuan nang hapagkainan. Napatingin sa kaniya ang kaniyang ama nang marinig siya.
“Ano yun Sabrina?” napangiwi si Sabrina dahil sa sinabi at itinawag sa kaniya nang ama. Ayaw na ayaw kasi nito na nagsasalita siya nang salitang english kapag nasa bahay, maaaring tag-lish ngunit purong english ay hindi.
“Sorry dad I can’t help it. I said, saan po tayo pupunta Daddy?” dahil nga lumaki sa ibang bansa ang dalaga ay palagi niyang kausap sa labas nang bahay nila ay mga ibang lahi kaya nasasanay siya na ganoon ang kaniyang salita. Mayroon naman siyang mga kaibigan na Filipina at Filipino ngunit hindi sapat iyon para masanay siya sa salitang kaniyang pinanggalingan but she’s working on it now.
Napangiti ang kaniyang ama dahil sa nakita niyang reaksyon nang kaniyang anak. “Come here my princess.” Hindi nag dalawang isip si Sabrina na puntahan ang kaniyang ama at niyakap niya ito.
“Happy debut birthday my Sabby,” Napangiti nang malaki si Sabrina dahil sa sinabi nang ama. Para sa kaniya ang araw nang kaniyang kaarawan ay tinatawag niya na araw nang kasiyahan at araw nang kalungkutan ngunit mas lamang ang kalungkutan doon.
Dahil araw nang kaniyang kaarawan nang mamatay ang kaniyang ina. Ang ama nalamang niya ang nagpapasaya sa kaniya kaya nagpapasalamat siyang andyadyaan pa ito kasama niya at hindi siya pinabayaan alam niyang hindi biro ang palakihin siya nang mag-isa.
“Salamat daddy, so anong ganap ngayon at pinagbihis mo ako ng white dress?” Humiwalay ang kaniyang ama sa kanilang pagkakayakap at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
“Ang ganda mo Sabby kamukang kamuka mo ang iyong ina,” tumango si Sabrina habang nakangiti kasi totoo ang sinasabi nang kaniyang ama kita niya sa mga larawan. Nagulat siya nang maya maya ay naiyak ang kaniyang ama kaya agad niya itong inalo.
“Daddy bakit ka umiiyak?” agad na umiling ang kaniyang ama at hinawakan siya nito sa kaniyang dalawang kamay pagkatapos ay tinitigan siya sa kaniyang mga mata. “Masaya ako at napalaki kita nang maayos at mabuting babae sigurado akong matutuwa ang mommy mo kung nandito siya ngayon. Ang ganda ganda mo,” napailing naman si Sabrina dahil sa pagdadrama nang kaniyang ama, ganoon ito palagi sa tuwing birthday niya palagi siya nitong sinasabihan nang mga ganoong bagay.
“Daddy palagi akong nagpapasalamat sayo dahil doon at isa pa alam kong matutuwa ang mommy dahil nakaya mo akong palakihin nang mag-isa. Sobrang maraming salamat daddy,” deretsyong sabi nito at nakatingin sa mata nang kaniyang ama. “At isa pa daddy debut ko ngayon dito sa Canada hindi sa Pilipinas okay?” natatawang huli niyang sabi sa ama.
Umiling sa kaniya ang ama niya kaya napakunot ang kaniyang noo. “Lahat nang kaarawan mo ay mahalaga at itong araw na to ay isa sa pinakang mahalagang araw nang buhay mo. Halika umalis na tayo.” Hinawakan siya nang kaniyang ama sa kaniyang kamay at nagpatinood nalamang ito dito. Sumakay sila sa sasakyan at nag drive papunta sa hindi niya alam na lugar. Medyo mahaba din ang kanilang byahe na inabot nang halos isa’t kalahating oras.
“Daddy nasaan ba tayo ang haba nang binyahe natin?” takang tanong ni Sabrina sa ama ngunit wala siyang nakuhang sagot mula dito dahil seryoso lamang itong naglalakad kaya hinayaan nalamang niya ito at nagmasid sa paligid.
Pumasok sila sa isang mataas na building at sumakay sa elivator nagtaka pa siya na halos lahat nang tao o empleyado doon ay niyuyukuan ang kaniyang ama. Alam niyang isang magaling na business man ang kaniyang ama ngunit wala naman siyang balak nang maging katulad nito na sa tingin niya ay malabong mangyayari dahil siya lang ang nag-iisang tagapagmana nang kaniyang ama.
Nagintay pa siya nang ilang minuto sa elevator hanggang sa bumukas ito. Naglakad sila sa hallway na silang dalawa lamang mag-ama at sa di malamang dahilan ay bigla nalamang kinabahan ang dalaga. Hindi niya alam ngunit parang may nagsasabi sa kaniya na wag sumunod sa ama. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa likuran niya kung saan andodoon ang elevator.
“Sabby anak halika na.” Nagulat siya nang magsalita ang kaniyang ama at paglingon niya dito ay nakangiti ito sa kaniya. “Sigurado ako na iniintay na nila tayo,” dugtong na sabi pa nito na ikinataka niya ngunit maya-maya pa ay napangiti nalamang siya dahil naaalala niya na sa tuwing birthday nito ay sinusurpresa siya nang ama at nang mga kasambahay nila.
Sigurado siya na isa nanaman ito sa pakulo nang kaniyang ama. Agad siyang tumakbo sa ama at isinukbit ang kamay niya sa brasong naka-angkla para sa kaniya. Hindi na siya makapag-antay sa sorpresa nito. Maya-maya pa ay nasa tapat na sila nang malaking maganda at mamahaling pintuan.
“Are you ready?” nakangiting sabi nang kaniyang ama na ang hindi niya alam ay masaya na may halong lungkot itong nararamdaman anak. Ngumiting tumango lamang si Sabrina sa kaniya at maya maya pa ay napatingin sila sa pintuan at kusang bumukas ito at sumalubong sa kaniya ang hindi karamihang tao sa loob nito.
Nagulat siya nang mayroong biglang tumabing sa kaniyang ulo na belo kasabay niyon ang pagtugtog nang pangkasal na tunog sa paligid.
“Daddy what’s happening?” naguguluhan niyang sabi na nakatingin sa paligid. “This is for yourown good Sabrina tandaan mo na mahal na mahal ka ni Daddy, enjoy your wedding.” Nagsimulang tumabol ang puso ni Sabrina dahil sa sinabi nang kaniyang ama at nagsimula narin siyang hindi mapakali ang daming pumasok sa isip niya dahil doon.
“Ano daddy?! Wedding?! Kaka-sixteen ko palang I’m not yet on my legal age-Oh my god daddy what did you do?!” gulantang na sabi niya nang maalala niyang legal age na niya ngayon sa Canada which is she’s also residence there and legal na siyang ikasal sa edad na iyon.
Napatingin siya sa ama at tatanungin pa sana ito kung bakit ganon at magwawala ngunit napahinto siya nang makitang lumuluha ang ama at pilit na pinupunasan ito. Ang lumuwag na pagkakakapit niya sa braso nang ama ay muling napahigpit at napaluha nalamang din siyang napatingin sa paligid. Hindi niya magagawang magalit sa ama dahil ama niya parin ito at mahal na mahal niya ito kaya lahat ay gagawin niya para dito kahit na ikalulungkot pa niya.
Wala na siyang magagawa kungdi ang sumakay sa kasal na ninanais nilang lahat. Tumingin siya sa paligid at nakita niya sa kanang bahagi ang mga kasambahay nila na andodoon at may mga luha ‘rin sa kaniyang mga mata. Hindi niya maiwasang malungkot dahil sa nangyayari, ang akala niyang masayang surpresa ay hindi pala.
Napatingin din siya sa kaliwang bahagi at doon ay may nakita siya mga kaedadran niya binata at dalaga ngunit mas nakakuha nang pansin niya ang magandang dalaga na kumaway pa sa kaniya habang nakangiti nang magawi ang mata niya dito. Nakita niyang sumenyas ito sa kaniya na ngumiti habang may hawak na camera ngunit hindi niya magawa.
Napunta ang paningin niya sa harapan at doon ay nakita niya ang isang naka suit na tatlong lalaki ang nasa pinakang gitna ay sigurado siyang yun ang mag kakasal sa kanila at ang dalawang lalaking magkatabi sa kanang bahagi ay magkamukang magkamuka ngunit alam niya na ang isa doon ang kaniyang pakakasalan dahil nararamdaman niya.
Napako ang kaniyang mata sa lalaking sobrang lamig kung makatingin katulad nang lalaki na katabi nito na sigurado siyang ama nito.
“Siya si Aiden Devaux at ang ama niyang si Mr.Keiron Kent Devaux. Si Aiden ang siyang mapapangasawa mo at ang nakita mong tatlong binata sa kaliwa at isang babae ay mga kapatid iyon ni Aiden kakambal niya ang babae si Addison,”
Narinig niya na sabi nang kaniyang ama ngunit hindi siya nagsalita dahil alam niya na hindi niya kakayanin dahil sa panghihina sa mga nangyayari ngayon.
“Patawarin mo ako my princess alam ko magagalit ka saakin dahil dito pero ito ang makakabuti sayo at isa pa nalulugi na ang business natin maaaring kapag tapos mo nang college wala na ang negosyo ko alam ko naman na hindi ka mahilig sa negosyo kaya wala na akong magagwa doon,”
Napaisip si Sabrina dahil sa sinabi nang kaniyang ama, mayroon naman palang malalim na dahilan kaya ganoon ang nangyari wala siyang karapatang kwestyonin ang ama dahil iniisip lang nito ang ikabubuti para sa kaniya.
Nang makarating sila sa pinakang unahan ay nag bro hug at nagkamayan ang mga lalaki sa harapan niya. Isa lamang huwes ang kasal nila ngunit sigurado siya na kumpleto sa papel ang mga ito dahil sa building palang ay pangmayayaman na. Alam niya din na may kinalaman sa negosyo kaya sigurado siya na negosyante ang mga ito.
“Alagaan mo ang anak ko Aiden,” sabi nang kaniyang ama sa mapapangasawa niya at inaabot ang kamay niya dito. “Yes, I will,” plain na sabi nito at hinawakan ang kamay ni Sabrina, naramdaman nang dalaga ang sobrang kaba nang hawakan nito ang kamay niya ngunit napatingin siya sa ama at di niya naiwasan na maiyak nang sobra at niyakap ang ama nito.
Bumitaw siya sa kamay ni Aiden at niyakap ang kaniyang ama’t humagulgol dito.
“I’m sorry Sabby mahal na mahal ka ni daddy,” yakap lamang niya ang ama habang siya ay umiiyak hanggang sa ang ama na niya ang naglayo sa kaniya at iniabot na muli ang kamay nito kay Aiden na mahigpit naman na hinawakan nang binata.
“D-daddy please no,” mahinang umiiyak na sabi ni Sabrina na ikinapikit nang ama nito at napaiwas nang tingin at tumalikod na sa anak at naglakad papunta sa pwesto niya kasunod si Mr.Keiron Kent Devaux na hindi rin napigilan ang luha sa mga mata nito dahil may anak din siya na babae at ayaw niyang mangyari ito sa anak ngunit alam niyang kailangan at maiintindihan din nilang lahat sa tamang panahon.
Wala nang nagawa si Sabrina kungdi ang humarap nalamang sa harapan at punasan ang luha niya. Binitawan narin ni Aiden ang kamay niy dahil mahsisimula na ang kasal. Sa buong seremonyas ay lutang lamang si Sabrina at wala sa sarili hindi nga niya alam kung paano siya nakakasagot sa mga tanong nang Judge gayong wala siya sa sarili.
“I now pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride.”
Sa linyang iyan jaan siya natauhan at narinig niya ang sigawan nang mga kapatid ni Aiden.
“Go kuya! Galingan mo nanonood kami!”
“Gusto agad namin nang pamangkin hahaha!”
Pang-aasar na sabi nang kambal na bunso nila na sina Allistair and Allard Devaux at talagang nag apir pa ang mga ito. Ngunit hindi iyon pinansin ni Sabrina at napatingin lamang kay Aiden na nakatitig sa kaniya at maya-maya ay dahan-dahan na nitong iniangat ang belo niya.
Hindi naputol ang eye to eye contact nang dalawa haggang sa nakita niyang napatingin si Aiden sa labi niya ngunit wala siyang pakealam dito bagkus ang nasabi niya ay-,
“W-who are you?”
Muling napatitig sa mata niya si Aiden at hindi siya sinagot, iniangat nito ang kamay niya at nagulat siya nang pinunasan ni Aiden ang luha na tumutulo sa mata niya hindi niya namamalayan na kanina pa pala siya umiiyak.
“Stop crying. I hate seeing you crying,” maamo at mahina na sabi ni Aiden kay Sabrina na hindi ikinasagot nang dalaga. Bumaba ang palad nito sa kaniyang pisnge at maya maya ay iniangar na nito ang baba niya upang halikan siya.
Unti-unting lumapit ang muka nang binata sa kaniya kaya nagsimulang muling kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib. Kitang kita niya ang napakagwapong muka nito na nakatingin din nang deretsyo sa kaniyang mga mata na tila ba hinihikayat siya nito na titigan siya doon.
Sa paglapit nang muka ni Aiden ay napapikit siya nang mariin kasabay nang luha sa kaniyang dalawang mga mata na ikinangiwi ni Aiden ngunit itinuloy niya parin ito. Maya-maya pa ay naramdaman niya na mayroong dumampi sa gilid nang kaniyang mga labi na ikinadilat niya dahil sandali lamang iyon ngunit libo libong kuryente ang dulot sa kaniyang buong katawan.
Sumalubong sa kanilang dalawa ang malakas na palakpakan nang mga tao sa paligid at nangibabaw din ang malakas na sigawan nang mga kapatid ni Aiden na masaya sila para sa kanilang dalawa.
“Congratulations Mr. and Mrs. Devaux!”
Hi guys! Paalala ko lang po na mula ito sa story na Miracle Twins kung saan anak ni Keiron Kent and Atasha si Aiden. Lahat po ng anak nila ay magkakaroon ng series so, intay lang po sa next series!
SABRINA Mabilis akong tumatakbo papunta sa aking pinapasukang opisina dahil malelate na ako. Ayong ma mark as late ako sa attendance. Nakakainis na jeep kasi yun ngayon pa nasiraan kaya eto ako nakikipagmarathon sa hininga ko. "O-Ouch! Saglit!" napahinto ako dahil sa sobrang sakit na nang paa ko. Natatanaw kona ang building pero medyo malayong takbuhan to. Inalis kona ang heels ko at tumakbong muli. *BEEP!* "Kyahh!" Nagulat ako nang biglang mayroong bumusina saakin habang papatawid ako kaya tinignan ko ang kotse na tinted at nag F hand doon sa driver. Seriously bubusinahan niya ako eh naka red light. Napairap pa ako dahil doon at tumakbo nang muli. Tatlong minuto nalang. Sa abot nang aking makakaya ay nakarating ako agad at iniscan ang ID ko. "Better luck next time Sabby, four days strait ah!" napasimangot ako sa gaurd dahil sa sinabi niya dahil nagka attendance nga ako color red naman it means late ako nang 1sec! Kainis. "Tumakbo na nga ako nang mabilis kainis naman oh!" rek
HINDI ako makakilos sa aking kinauupuan dahil sa sobrang takot at sa pagtulo nang luha ko. "Nakita niyo ba?! Kyah! Ang pogi ni sir Aiden!" sabi ni Lyn na rinig na rinig ko. "Tapos isa pala siyang Devaux?! OMG napakaswrte natin! Sigurado akong tataas ang sweldo natin! Mababait ang mga Devaux!" Doon napaangat ang aking paningin dahil sa sinabi ni Sophia. Pinahiran ko ang luha ko at nagtanong dito. "Paano mo nasabing mababait huh?" taas kilay kong sabi. "Like duh?! Saaang planeta kaba galing at dimo alam ang kwento niya?" pangtataray na sagot din saakin ni Sophia. "Dakilang marites ka naman kaya mag kwento ka," sama nang tingin kong sabi sa kaniya. "Ang pamilya Devaux ay kilala sa buong mundo. Si Mr.Devaux ang siyang ama nang dalawang kambal at nag-iisang babae na kanilang princessa si Addison Devaux na siyang kakambal ni Sir Aiden. Ang sumunod kay sir Aiden ay si Keon Devaux, isa siyang writer and sadly lahat nang libro niya ay sad ending naalala ko nung nabasa ko ang mga l
"BAKIT ganiyan ang itsura mo?" Nagulat ako sa nagsalita at napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko France kaya nakahinga ako nang maluwag doon, ang akala ko ay kung sino na. "Ngayon naman gulat na gulat ka, ano bang nangyari sayo para kang binagyo," natatwa nitong sabi saakin na ikinailing ko nalang sa kaniya at naupo ako sa isang upuan na nasa labas. "Sandali kukuha ako nang wives," nawala sandali si France at pagbalik nito ay dala na niya ang sinabi niya. "Oh gamitin mo," nag thank you ako sa kaniya at naupo ito sa harapan ko. "Wala may nakita lang akong kakilala ko na ayokong makita," napatango naman ito saakin. "Sino ba yun?" napatingin ako sa kaniya at muling umiling dito. "Hindi mona kailangang malaman," sabi ko na ikinasimangot nito saakin. Siya si France Rios, mayaman siya kaya nga may restaurant siya eh pero sariling sikap niya ang restaurant na ito hindi niya hiningi sa magulang niya. Nagkakilala kami noon nung iligtas ko siya sa mga masasamang lala
“NEGATIVE sir,” “What?! Hindi pwede! Find her anywhere! Find my wife!” Galit na inihagis ni Aiden ang ang envelope na ibinigay sa kaniya nang private investigator niya. Walang nagawa ang tauhan nito kugdi ang kunin nalamang ang papel at muling bumalik sa trabaho. Ang hanapin ang asawa nitong si Sabrina De Guzman Devaux. Tatlong taon narin ang nakakaraan nang huli silang mag kita nang asawa. “Sir ilang taon mo nang pinapahanap si Mrs. Devaux ngunit wala parin tayong nakikita kahit anino niya manlang,” Sabi nang kaniyang kanang kamay na si Raymond simula nang turuan si Aiden nang kaniyang ama upang pumalit dito ay si Raymond na ang kasa-kasama at katu-katulong nito sa bawat gawain nito. “Hindi ako titigil sa paghahanap sa asawa ko Raymond,” “What if ayaw niya talagang magpakita sayo?” natigilan si Aiden dahil sa sinabi nito sa kaniya ngunit agad ding ipinilig ang kaniyang ulo. “Alam kong may nangyaring Raymond o kung totoo ‘man alam kong may rason.” Ibinalik nalamang ni Aiden
TAHIMIK akong nakatayo sa harapan nang table ni Aiden habang siya naman ay nakatingin sa glass wall nang kaniyang opisina. Pinagpapawisan na ako nang malamig at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Gustong-gusto ko nang umalis doon, tumakbo at wag nang magpakita sa kaniya pero wala akong magawa. "So, you've been hidding with a different name for a long time huh wife?" Napapitlag ako sa aking kinatatayuan dahil doon lalo na at humarap ito saakin at nagtagpo ang mata namin ngunit ang sa kaniya ay napakalamig niyon. "A-Ah t-teka," "Did you know that you're daddy are finding you for a long time? At halos hindi na siya kumakain noong mga unang araw na nawala ka," Natigilan ako dahil sa sinabi niya at napayuko kasabay nang pagtulo nang aking luha. "Paano mong nagawang iwan ang papa mo gayong nag-iisa nalang siya?" Muli ay hindi ako nakasagot dahil sa sinabi nito habang ang mga luha ko ay sunod-sunod na tumutulo. "Paano mo naatim na umalis at mawala nang parang bula? Hindi mo
Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Naupo ako at napahawak sa aking ulo, mukang natuloy ang sinasabi kong masakit ang aking ulo. Para na itong binibiyak ngayon. Napatingin ako sa paligid at tanging lampshade nalamang ang bukas sa aking tabi, mukang nanggaling dito si France.Tumayo na ako at lumabas. Wala si France sa office niya kaya sigurado akong andoon ito sa cashier dahil doon madalas ang kaniyang tambayan kapag walang trabaho sa office."Sabby gising kana pala!" nakangiting tawag nito saakin ngunit hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa pinakang restaurant at naupo sa isang table doon. Alam kong susunod si France kaya naghintay lang ako nang ilang segundo at hindi nga ako nagkamali dahil andoon na ito."What do you want? Libre ko," nakangiting sabi nito saakin kaya napangiti nalang din ako. Si France talaga palagi ang nasa tabi ko kapag mayroon ang problema sa office o financially. Kaya din malaki ang pasahod saakin ni France a
Pilit akong tumatakbo kahit na nahihirapan na ako dahil sa maraming sugat sa aking katawan. Kahit saang parte ay mayroong sugat at ginugusto na nang katawan ko ang sumuko ngunit hindi ko ito hinahayaan basta takbo ako nang takbo malayo lang sa lugar na ito.Hindi ako pwedeng sumigaw nang tulong dahil kapag ginawa ko yun magagaya nanaman ako dati na sila ang nakapulot saakin.Sa gitna nang aking pagtakbo ay nadapa ako dahil sa isang sanga at tumama ang aking ulo sa isang bato na siyang ikinalabo nang aking paningin."A-Argh,"Napahawak ako sa aking ulo at nakapa ko ang mainit at malapot na tubig doon. Pagkatingin ko ay dugo pala ito kaya napaiyakako at hinayaan ang sarili ko na mahiga. Kung ito na ang katapusan ko tatanggapit ko. Napapikit ako at ninamnam ang sakit na dumadaloy sa aking katawan."Miss!"Maya-maya ay idinilat ko ang aking mata ngunit natuluan na iyon nang dugo kaya hindi kona maaninag kung sino iy
"Anong nangyari at wala ka nang trabaho apo?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya."Dumating na ho ang asawa ko, siya pala ang bago naming boss," nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka. Kilalang-kilala ako nang mamang dahil sa kaniya ko sinabi lahat nang tungkol saakin noong magising ako."Edi maganda! Sumama kana sa asawa mo!""Ayoko nga po!" agad na sigaw ko na ikinagulat nito kaya natawa ako."Ay sorry mamang hehe, ayoko po. Kailanman ay hindi kami magkakasama at hinding hindi ko siya tatanggapin bilang asawa ko,"Napangiti siya sa sinabi ko at napailing pagkatapos ay sumubo nang pagkain."Bakit po mamang?" kunot noo kong tanong."Mag-ingat ka sa pananalita apo dahil baka balang araw kainin mo yang sinasabi mo,""Sus mamang naman, nasa 21st century napo tayo," iling na sabi ko sa kaniya na ikinailing lang din nito."Bahala ka,"Totoo naman sinasa
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”