Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Naupo ako at napahawak sa aking ulo, mukang natuloy ang sinasabi kong masakit ang aking ulo. Para na itong binibiyak ngayon. Napatingin ako sa paligid at tanging lampshade nalamang ang bukas sa aking tabi, mukang nanggaling dito si France.Tumayo na ako at lumabas. Wala si France sa office niya kaya sigurado akong andoon ito sa cashier dahil doon madalas ang kaniyang tambayan kapag walang trabaho sa office."Sabby gising kana pala!" nakangiting tawag nito saakin ngunit hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa pinakang restaurant at naupo sa isang table doon. Alam kong susunod si France kaya naghintay lang ako nang ilang segundo at hindi nga ako nagkamali dahil andoon na ito."What do you want? Libre ko," nakangiting sabi nito saakin kaya napangiti nalang din ako. Si France talaga palagi ang nasa tabi ko kapag mayroon ang problema sa office o financially. Kaya din malaki ang pasahod saakin ni France a
Pilit akong tumatakbo kahit na nahihirapan na ako dahil sa maraming sugat sa aking katawan. Kahit saang parte ay mayroong sugat at ginugusto na nang katawan ko ang sumuko ngunit hindi ko ito hinahayaan basta takbo ako nang takbo malayo lang sa lugar na ito.Hindi ako pwedeng sumigaw nang tulong dahil kapag ginawa ko yun magagaya nanaman ako dati na sila ang nakapulot saakin.Sa gitna nang aking pagtakbo ay nadapa ako dahil sa isang sanga at tumama ang aking ulo sa isang bato na siyang ikinalabo nang aking paningin."A-Argh,"Napahawak ako sa aking ulo at nakapa ko ang mainit at malapot na tubig doon. Pagkatingin ko ay dugo pala ito kaya napaiyakako at hinayaan ang sarili ko na mahiga. Kung ito na ang katapusan ko tatanggapit ko. Napapikit ako at ninamnam ang sakit na dumadaloy sa aking katawan."Miss!"Maya-maya ay idinilat ko ang aking mata ngunit natuluan na iyon nang dugo kaya hindi kona maaninag kung sino iy
"Anong nangyari at wala ka nang trabaho apo?" napabuntong hininga ako sa sinabi niya."Dumating na ho ang asawa ko, siya pala ang bago naming boss," nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka. Kilalang-kilala ako nang mamang dahil sa kaniya ko sinabi lahat nang tungkol saakin noong magising ako."Edi maganda! Sumama kana sa asawa mo!""Ayoko nga po!" agad na sigaw ko na ikinagulat nito kaya natawa ako."Ay sorry mamang hehe, ayoko po. Kailanman ay hindi kami magkakasama at hinding hindi ko siya tatanggapin bilang asawa ko,"Napangiti siya sa sinabi ko at napailing pagkatapos ay sumubo nang pagkain."Bakit po mamang?" kunot noo kong tanong."Mag-ingat ka sa pananalita apo dahil baka balang araw kainin mo yang sinasabi mo,""Sus mamang naman, nasa 21st century napo tayo," iling na sabi ko sa kaniya na ikinailing lang din nito."Bahala ka,"Totoo naman sinasa
AIDEN "ANONG nangyari sir?" Napalingon ako kay Raymond dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa galit mula sa mga narinig kong sinabi ni Sabrina. Hindi kona napigilan ang sarili ko at inilaglag ang lahat ng meron sa lamesa ko. "Aiden ano ba?!" tinignan ko ng masama si Raymond dahil doon na ikinaatras naman nito. "T-Tumigil ka nga nasa opisina ka!" matapang na sabi nito saakin. "Ako tumigil? Ayaw lang naman saakin ng asawa ko anong gusto mong reaction ko?!" sigaw ko pabalik na ikinatahimik nito. Napahawak ako sa aking buhok at napaupo sa aking upuan. "Matagal ko na siyang hinahanap Raymond, sobrang tagal! At ngayon na nandito na siya sasabihin niya lang saakin na hindi niya ako itinuring na asawa gayong ako ito nagpapakahirap hanapin siya at nag-aalala?!" Tahimik lang na nakikinig saakin si Raymond dahil alam niya na kapag sumabat siya saakin ay katapusan na niya. Hindi ko maintindihan, ang gusto ko lang naman ay makita siya at ngayon na nakita kona si
"Grabe iba talaga ang tama kay Sabby," sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya at napataas ang kaniyang kamay."Sabi ko nga Mrs.Devaux dapat ang itawag ko sa kaniya,"Muli kong ibinalik ang aking paningin sa resume ngunit napahinto ako sumandali at biglang napatayo."Why?" takang tanong niya saakin."Bakit single ang status niya samantalang kasal kami?!"Napatingin siya sa resume dahil sa sinabi ko at napatango. Nakaramdam akong muli ng galit sa katawan dahil doon. Ganoon niya ba talaga ako kaayaw kaya hindi niya ginagamit ang apilyido ko gayong kasal naman talaga kaming dalawa?"Sa tingin ko hindi niya talaga tanggap na kasal kayo," napatingin ako ng masama kay Raymond dahil sa sinabi nito."Kailangan ko siyang kausapin!"Mabilis akong naglakad paalis doon at pinuntahan ang isang taong alam kong alam niya kung saan maaaring makita si Sabrina. Kada daanan namin ay nagbib
"Duguan?! Bakit?!" gulat kong sabi na ikinakunot ng noo nito."Hindi mo alam? Ah naalala ko sabi nga pala niya ay arrange lamang ang inyong kasal. Pero tama ang iyong narinig, punong-puno ng sugat ang kaniyang katawan at ilang linggo bago ito gumaling habang ang iba naman ay hindi na gumaling at naging pilat sa kaniyang likuran,"Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa aking mga naririnig at gustong gusto kong bugbugin kung sino man ang taong gumawa niyon sa asawa ko. Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man iyon at sisiguraduhin ko na ibabalik ko sa kanila ang sakit na dinanas ng aking asawa."Hindi niyo ho ba alam kung sino ang may gawa niyon?" nag-aalalang tanong ni Raymond dito na ikinailing ng matanda."Hindi ko alam dahil wala siyang nasabi saakin," napaisip ako dahil doon. Ano ba talaga ang nangyari matapos umalis ni Sabrina sa gabi ng kasal namin?"Ngunit sinabi niya saakin na malaki ang takot niya sa lalaking iyon a
Napahiwalay siya sa pagkakayakap saakin. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya magmula ng mawala ang asawa ko dahil ito ang huling kausap bago ito mawala. Alam ko rin na kahit sa maiksing oras ay naging close na sila ni Sabrina. "Nakita mo narin siya kuya?!" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Anong nakita? Sandali nakita mona ba ang asawa ko? Alam mong doon siya nagtatrabaho sa bago nating kumpanya?!" Napayuko si Addi dahil sa sinabi ko na ikinabuga ko ng hangin sa bibig. Alam na niya ang totoo at hindi niya manlang sinabi saakin! "Sorry kuya, sabi kasi ni At Sabby na wag daw sabihin sayo. Alam din ng kambal pwera lang kay Keon na nawawala naman palagi," Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Addi, wala naman akong magagawa kung hindi nila sinabi saakin at least alam kona ang totoo. "It's okay, tapos na naman ang mahalaga ay ngayon. Galit saakin ang ate mo," Napatango siya dahi
SABRINA Nagtatrabaho ako ngayon sa restaurant ni France at dahil masyadong maraming customer ngayon ay kanina pa ako galaw ng galaw. Sinubukan akong pigilan ni France kanina pero tumanggi ako dahil trabaho ko ito at para narin sulit ang binabayad niya saakin kada oras. Mahal ang bayad niya saakin kaya dapat lang na ipakita ko sa kanilang lahat na karapat-dapat ako para sa sweldo ko na iyon. Alam ko na hindi maiiwasan ang pagkainggit nila saakin pero isinasakilos ko naman ang lahat ng iyon kaya wala silang reklamo saakin. "Waitress," napalingon ako sa tumawag saakin at nakangiti akong pinuntahan sila. Ganito kapag ang trabaho mo ay palaging kausap ang customer, you have to smile always para ipakita mo sa customer na mababait at maganda nag service ng restaurant at para balik-balikan nila since masasarap ang luto ng pagkain dito. "Right away sir," Naglakad na ako paalis doon at kinuha ang hindi ko natapos na gawain kung saan iniipon ko ang pinagkainan ng umalis na customer. Ng